webnovel

Chapter 68 Turn back time

Watching them play together makes her heart aches, kung hindi lang sana sila nagkahiwalay ni Jion noon ay matagal na sana niyang nakita ang anak na ganoon kasaya, never pa niyang narinig na humalakhak ng ganoon kalakas si Xymon maliban ngayun habang nakikipaglaro ito sa mga kapwa bata at ama nito, it really hurts! the way he clings to his father na parang ayaw na nitong bumitaw and kung paano kargahin ni Jion ang anak na parang sabik na sabik ito.

"Ate okey kalang?" inabutan sya ni Sabrina ng Juice, "Kanina kapa tulala ah!"

"Di ko alam ang gagawin ko Sab, naguguluhan ako." naupo si Yra sa kalapit niyang silya.

"Naguguluhan ka saan? sa pagbabalik ng tatay ni Xymon?" naupo na rin sa tabi niya si sab saka hinawakan sya sa kamay, "Ate, gawin mo kung ano sa palagay mo ang tama, kung anong makakabuti sa anak mo."

"Pano sina nanay at tatay? Malaki ang galit nila kay Jion dahil sa mga nangyari sa akin noon?" napabuntung hininga si Yra, "Tsaka isa pa mahirap umasa na isang katulad niya, basta niya nga ako sinukuan noon diba?"

"Sabagay nga, pero hindi mo naman siguro sya masisisi kung bakit sya nakipaghiwalay sayo noon, siguro dahil lagi kang napapahamak ng dahil sa kanya tapos nagalit pa sina nanay, kaya ganon!"

"Ewan ko ba Sab, natatakot ako." muli niyang pinanood ang mag ama, "paano ko kaya ipapaliwanag kay Xymon ang biglang pagsulpot ng tatay niya? anong sasabihin ko? anak sya ang tatay mo ganon? baka maguluhan yung bata!"

"Ate matalino ang anak mo! mas maganda nga kung ngayun palang makilala nya na tatay nya habang bata pa sya, habang wala pa syang masyadong alam kesa naman patagalin mo pa!"

Tama naman ang kapatid niya! hindi sya mahihirapan sa anak niya dahil wala pa itong alam sa nangyayari. Ang kailangan niyang problemahin ay ang mga magulang niya, paano nya ipapaliwanag sa mga ito ang pagbabalik ni Jion?

"Mama mik!" sabi ni Xymon ng ilapit ito ni Jion sa kanya kaya kaagad niyang kinuha ang timpladong gatas at iniabot sa bata.

"Itse-tsek ko lang yung mga booths natin." saad ni Sabrina, saka sila iniiwan nito.

"Akina si Xymon para makapaghinga ka!" kinuha niya rito ang bata saka inihiga sa kanyang kandungan. Sa pinakadulong table sila nakaupo, malayo sa karamihan.

Naupo si Jion malapit sa kanya, "Yra, is it okey kung iisipin kong pumapayag ka ng makasama ko si Xymon?" anito.

"Its too early for that, hindi pa ako makakapagdesisyon sa ngayon." sagot niya dito.

"I know this is hard for you, at hindi kita mamadaliin. Kaya lang gusto ko talaga syang makasama," hinawakan sya nito sa tuhod, "I mean, gusto ko kayung makasama, both of you!"

She looks away, hindi nya ito kayang tingnan sa mata dahil baka mabasa nito ang nararamdaman niya. She needs to be careful! ayaw niyang malaman nito na hindi nawala ang pagmamahal niya para dito kahit ilang taon na ang lumipas, lalo na sa twing makikita niya ang anak na palaging nagpapaalala sa kanya.

"Hindi madaling mangyari ang gusto mo Jion, for all these years kami lang ng anak ko ang magkasama. Tapos bigla kang darating at sasabihin mo sa akin na gusto mo kaming makasama, ano ako damit? pag di na pwedeng isuot itatago nalang sa cabinet, tapos pag nakalkal sa taguan saka nalang ulit?" huh! kala mo ha!

"Its not like that, Yra! kung nalaman ko lang agad na buntis ka noon hindi sana aabot ng ganito katagal bago ako bumalik." he lean closer to her. "If I can turn back time just to be with you during those special moments, gagawin ko."

"But its too late! hindi na natin maibabalik ang nakaraan, all we have to do now is to move on. Ituloy mo ang buhay mo at itutuloy ko ang buhay ko kasama ang anak ko just like before, tapos ang usapan." she bit her lower lips para pigilan ang kabang nararamdaman.

"Mama no mol!" iwinagayway ng bata ang hawak na tsupon.

Pagkatapos ng children's party ay inihatid sila ni Jion pabalik sa opisina niya at nangako itong babalik habang pinapaulanan ng halik si Xymon.

Kinagabihan ay nagdesisyon si Yrang kausapin ang mga magulang tungkol sa pagbabalik ni Jion.

"Yra hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari ha?" galit na sabi ng nanay niya, "paano kung sa pagbalik niyang lalaking yan ay manganib na naman ang buhay mo? o hindi na ikaw, paano kung ang anak mo naman ang makidnap dahil sa kayamanan niya? hindi mo ba naiisip yon!"

"Nay, alam naman nating pareho na hindi ginusto ni Jion ang nangyari noon, tsaka isa pa ginawa nya naman lahat para mailigtas ako at hindi niya ako pinabayaan."

"Bakit Yra, mas gugustuhin mo pabang makasama ang lalaking yon kesa isipin ang kaligtasan ninyong mag ina?" ani Mang Hener.

"Tay, importante sakin ang kaligtasan ni Xymon dahil anak ko sya, kaya lang may karapatan si Jion sa bata at hindi natin maiaalis sa kanya yon! Sapalagay nyo ba may magagawa tayo pag dinala nya sa husgado ang usaping ito? Nay kung gagamitin ni Jion ang pera niya para makuha si Xymon magagawa niya ng walang kahirap hirap." Maingat si Yra sa bawat salitang binibitawan niya, ayaw nya kasing isipin ng magulang nya na nagpupumilit sya.

Napipilan ang ina't ama ni Yra, palagay niya ay nakuha ng mga ito ang ibig nyang ipaunawa sa kanila kaya sinamantala na niya ang katahimikan ng mga ito.

"Nay, tay, bakit hindi niyo subukang bigyan ng pagkakataon si Jion? kahit hindi na para sakin, kahit para kay Xymon man lang! para maranasan naman ng bata kung pano magkaron ng isang ama na makakasama nya hanggang sa paglaki nya." she kept her finger cross under the table.

"Sana hindi ka magkamali sa pagdedesisyon mo Yra, dahil kung magkakataon wala kang ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo lang!" ani Mang Hener, "pilit ka naming inilalayo sa kapahamakan pero ikaw naman ang nagkukusang lumapit sa apoy. Sana Yra, hindi ka mapaso sa ginagawa mo!"

Nanatili syang tahimik, ito ang unang pagkakataon na pinagsabihan sya ng ama ng ganon at ito rin ang unang beses na babalewalain nya ang payo ng kanyang ama at ina.

Creation is hard, cheer me up! Dont forget to leave some comments, reviews and everything!!! Loveyouguys

Anne_ter17creators' thoughts
Siguiente capítulo