webnovel

Chapter 44 She's in danger

"Hanggang kelan mo ba balak makitulog dito?" tanong ni Yra kay Jion habang nagaalmusal sila.

"Bakit, ayaw mo na bang nandito ako?" nagmukha itong batang isasauli sa ampunan ng poster parent nito dahil hindi na gustong ampunin.

"Hindi naman sa ganon kaya lang, hindi kasi magandang tingnan yung sitwasyon natin. Alam mo yun, para tayung naglilive in!" paliwanag niya dito.

"Di magpalit naman tayo ng posisyon! ikaw naman ang umuwi sa bahay ko para hindi mo na maisip na ibinabahay mona ako!"

"Hoy Mr. Guia! kailan mo pa naisip na ibinabahay kita!?" napatigil si Yra sa pagsandok ng sinangag. "Ikaw itong ayaw umuwi sa bahay mo kahit pinapalayas na kita, tapos sasabihin mong ibinabahay kita!"

Nginisihan lang sya ng walanghiya! "Ikaw kase, ayaw mo pang lumipat sa bahay ko, di sana hindi ka namomroblema ngayun!" sabi pa nito, ilang beses na kase siyang niyayaya nitong lumipat sa bahay nito pero ayaw nyang sumama.

"Naman Jion, Yung isa o dalawang gabi kang makitulog dito hindi problema, pero yung apat na gabi nay sobra naman." hindi nya maintindihan ang nobyo nya, bukod sa doon na ito natutulog sa apartment niya at hatid sundo siya sa trabaho niya ay maya't maya pa syang tinatawagan nito.

"Gusto lang naman kitang makasama araw-araw, masama ba yun?" tumigil na ito sa pagkain at parang tutang pinagagalitan ng amo.

Lumambot naman ang puso ni Yra dahil sa itsura ng nobyo, "Sige na nga! pero last na ito ha bukas uuwi ka na sa inyo!" naiiling siya sa sarili niya, madali kasi siyang napapasunod nito.

"Okey, bukas uuwi na ako!" seryosong sabi nito.

Kinahapunan ay maagang namaalam si Yra kay Heshi na mauuna na itong umuwi, kailangan nyang mag grocery para makapagluto ng masarap na ulam, babawi siya kay Jion dahil pinilit niya itong umalis sa apartment niya.

Tapos na syang mamili ng mga kakailanganin niya, kaya naisip niyang dumaan muna sa book store para bumili ng ilang bagong magazines para sa opisina nila ni Heshi. Nasa second Floor iyon ng mall, ng mabili na niya ang kailangan ay nagpasya na siyang umuwi na bago pa sya abutin ng rush hour, fast five pm palang pero madami ng estudyante sa roon.

Naghintay sya sa tuktok ng escalator para makababa ng maramdaman niya ang malakas na pwersa ng pagtulak mula sa kanyang likuran, na off balance si Yra at nabitiwan niya ang mga hawak na pinamili, mabuti nalang at maliksi siya, nakahawak kaagad siya gomang hawakan ng escalator kaya napigil niya ang pagbagsak.

Nilingon kaagad niya ang pinanggalingan ng pagtulak, isang estusyante roon ang katulad niya ang kalagayan, Kaagad naman itong humingi ng pasensya.

"Sorry po miss, hindi ko po sinasadya." bago ito tumingin sa mga kasamahan, "Bakit niyo kase ako itinulak? paano kung nahulog kami?" galit na singhal nito sa mga kapwa estudyante.

"Hoy hindi ka namin itinulak,!" sagot ng katabi nito habang patuloy sa pagbaba ang escalator, "Yung nasa likod mo ang nagtulak sayo!" Sabay sabay silang tumingin sa itaas na pinangalingan nila, pero wala ng tao roon.

Kaagad namang tumakbo ang guwardya na nakakita ng pangyayari habang rumaradyo sa mga kasamahan nito, inabangan sila nito sa paanan ng escalator.

"Okey lang po ba kayi mam?" tinulungan siya nitong damputin ang mga pinamili, "Kasama niyo po ba yung lalaking kasunod niyo? Yung nagtulak sa inyo?" sunod sunod na tanong ng gwardiya.

"Hindi po eh! mag isa lang po ako." tugon niya dito.

"Eh ikaw boy, kilala mo ba yung nagtulak sa inyo?" tanong nito sa bata.

"H-hindi po eh!" kinakabahang sagot niyo. "N-nagulat nalang po ako ng may tumulak sakin."

Dumarami na ang mga taong nakapaligid sa kanila dahil naglalapitan na ang mga nakakita sa incidente. Hinawi naman ito ng OIC ng mga gwardiya at Dinala sila sa private na lugar ng mall, kinunan sila ng statement.

"Sigurado ka bang wala kang kaaway boy?" Tanong ng OIC sa bata.

"Wala po, wala po!"

"Eh kayu mam, may ideya po ba kayu kung sino yung nagtulak sa inyo?" naiinis na si Yra dito, patatlong beses na kase iyong tanong na iyon sa kanya.

"Sir, kung kilala ko yung nagtulak na yun sa akin ay hindi ko itatangi sa inyo." asar na sagot niya dito, "Malay ko ba kung sino yun!"

"Yra, what happened? are you OK?" Niyakap kaagad siya ni Jion pagkapasok nito doon sa kwartong iyon. "Nasaktan kaba?"

"Hindi naman, okay lang ako!" tinawagan niya ang binata dahil ayaw silang paalisin ng mga gwardya, dahil hindi nahuli ng mga ito ang sinumang nagtulak sa kanila kaya kailangan sunduin sila ng kapamilya para siguraduhing ligtas sila.

"Thank you Sir, ako na po ang bahala sa kanya, iuuwi ko na po siya." Sabi ni Jion sa OIC ng mga guwardiya.

"Wala pong problema Sir, patingin nalang po ng mga ID niyo para ma i-log namin."

"Sige po," sagot nito sa guard, "Minjy ikaw na ang bahala, mauna na kaming umalis ni Yra."

Nang nasa kotse na sila ay saka lang siya kinausap ni Jion, "Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam sakin?" galit na sabi nito.

"Por dios! Jion mag gogrocery lang ako, hindi ko naman akalain na magkakaganito!" naiiyak na sagot niya dito.

"Dapat kasi tinawagan mo ako para nasamahan kitang mag grocery." giit pa rin nito.

"Aksidente lang ang nangyari," tumingin na sya sa labas ng bintana para hindi na ito magsalita.

Pagdating nila sa Apartment ni Yra ay inayos niya ang mga pinamili., Lumapit sa kanya si Jion at niyakap siya mula sa likuran.

"You don't know how much afraid I was when I heard the news from you." saad nito.

"Okey na ako, aksidente lang yon! hindi na yun mauulit." umikot siya paharap dito.

"Yra next time be careful okay, be vigilant, wag laging kampante sa mga taong nakapaligid sayo! Sa mga panahong to wag kang basta basta magtitiwala." sermon nito sa kanya habang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya.

"Okey." saka siya tumingala at hinalikan ito sa mga labi para mabawasan ang pagaalala nito, humigpit naman ang pagkakayakap nito sa kanya habang tinutugon ang mga halik niya. This is the first time she take initiatives.

Siguiente capítulo