"Ayoko ng maulit ito Jion." mga katagang iniwan ni Yra bago sya lumabas ng comfort room na iyon. Naiwan naman niya doon ang lalaki na nakatingin lang sa kanya, hindi na rin siya pinigilan pa ng binata.
"Hey, bat ganyan ang itsura mo?" tanong sa kanya ni Heshi ng makabalik siya sa pwesto nila.
"Pasensya na kayo but I need to go." dinampot niya ang shoulder bag at iniwan ang kaibigan at si Francis. Hindi na niya kayang tumagal sa lugar na iyon dahil naroroon si Jion. Walang lingon likod na lumabas siya sa establisimyento. Kaagad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa apartment niya.
"Anu bang nangyari sayo kahapon at bigla ka nalang umalis?" habang inilalapag ni Heshi ang dala nitong laptop sa lamesita. "Nakakahiya kay Francis naiwan nating mag isa ung tao don sa restaurant."
"Bakit? Umalis ka rin ba agad pagkatapos ko?"
"Oo, isinabay ako ni Juno pag alis. Hindi rin kase sila nagtagal doon." sagot nito.
Ikinuwento niya dito ang nangyari sa loob ng comfort room pero syempre edited na! Hindi na kasali ung part ng sipsipan, hahaha!
"Yra sa palagay ko'y mahal ka pa rin ni Jion, kase hindi naman niya gagawin yun kung talagang may Caroline na sya." mataman siyang tinitigan nito. "Bakit hindi mo subukang makipag usap sa kanya, para lang magkalinawan kayu?"
"Malinaw pa naman sa sikat ng araw, kambal! nahuli ko silang naghahalikan, kaya natural may relasyon sila ng babaeng yun!" muling bumangon ang galit na nararamdaman niya para sa dating nobyo.
"Sige na nga, ang mabuti pa wag nalang natin silang pagusapan." at nagsimula na si Heshi sa pagtipa sa laptop nito. "Ito yung nakita kong location na pwede nating upahan para gawin nating opisina, bagong gawa lang yung building at nakapwesto sa mataong lugar, may sariling parking at may guard." pagdedetalye nito.
Napagkasunduan nilang magkaibigan na gamitin ang perang kinita nila kay Francis para masimulan ang pagnenegosyo nila, yaman din lang at nahihirapan silang maghanap ng trabaho. Pati ang separation pay nilang magkaibigan mula sa dating kumpanyang pinagtatrabahuan ay isasama na rin nila para maisagawa ang plano.
Nang matapos ang pagdedecorate nilang magkaibigan sa bago nilang opisina ay namigay na rin sila ng mga flyers sa mga dumaraang tao roon. Yrshi's Party and Event Organizer yun ang nakasulat sa pamplet.
Busy si Yra sa pag-aayos ng mga magazine sa counter ng tumunog ang bell na nakakabit sa pinto hudyat na may pumasok sa loob ng shop nila.
"Good morn-" napatigil siya sa pagbati ng makilala kung sino ang dumating na kliyente. "Maricon!" bati niya rito.
"Miss Yra, kamusta kana!?" masayang bati nito.
"Mabuti naman! Ikaw kamusta? bakit napasyal ka?" Alanganing tanong niya dito ng biglang tumikhim ang kasama nito.
"Ah, naku Miss Yra, nandito kami kase naghahanap kami ng Wedding Planner para sa nalalapit naming kasal." anito
"May nakapagsabi sakin na maganda daw ang service ninyo rito kahit bago palang kaya nandito kami.
"Talaga!?" kunot noong tanong niya rito, sino kaya ang tinutukoy nito na nagsabi dito? ilang araw palang mula ng maitayo nila ang negosyong iyon at si Francis palang ang naging kliyente nila.
"Naku, kambal! iba na talaga ang nagagawa ng social media kaya wag ka ng magtaka kung saan nila nalaman ang tungkol dito." ani Heshi na kaagad pinaupo ang magkasintahan para interviewhin.
'Oo nga pala' nagpost sila ng mga pictures na kuha nila ng mag birthday ang kapatid niyang si Sabrina, ilang pictures ng wedding anniversary ng mga magulang nina Jion, syempre humingi si Heshi ng permiso sa mga iyon para magamit ang mga larawan at ang huli ay ang costplay competition ng kumpanya nina Francis.
"Kumpleto na po ang lahat ng details ma'am, paki fill up an nalang po itong forms na ito, at paki settle nalang po ng down payment para masimulan na natin ang mga preparation na kakailanganin." narinig niyang sinabi ni Heshi sa bago nilang Kliyente.
"Hindi po kami magdodown Miss, Ipu pull pay na po namin para wala na kaming problemahin." saad ni Maricon na ikinabigla nilang magkaibigan.
"Talaga!?" sabay pa nilang nasabi.
"Mahirap na! baka magastos pa namin ung pera, sayang naman!" sabi pa ng boyfriend ni Maricon.
"Ang galing niyo naman bago kayo magpakasal eh nakaipon kayo! sana all!" wika ni Heshi. "Congratulations sa inyong dalawa."
"Naku! hindi po namin yan pinagipunan, regalo lang po sa amin yan!" medyo nahihiyang sabi ni Maricon.
"Wow! ang siguro ang yaman ng sponsor niyo!" yun na lamang ang sinabi ni Yra bago pinapirma ang mga ito sa kontrata nila.
"Hindi naman po, tama lang!" sabi ni Maricon bago kinuha ang telepono nito, "Miss Yra itatransfer ko nalang po sa account niyo yung pera." tinanguan lang niyo ito bago ibinigay ang account number niya.
Ng makaalis ang magkasintahang kliyente ay agad silang nag simula sa pag paplano ng mga dapat nilang gawin ng muling tumunog ang bell sa itaas ng pinto. Sabay pa silang napalingon ni Heshi sa pintuan.
"Hi hon," bati ni Juno sa kanilang dalawa. "Meryenda!" ipinakita pa nito ang dalawang box ng pizza.
"Uy, sakto yan ha!" tiningnan ni Heshi ang nakabiting orasan, "alas- tres na? kaya pala gutom na ako." saka nito itinabi ang mga papel na ginagawa nila.
"Kamusta kana Yra?" bati sa kanya ni Juno. "Long time no see ah!"
"Okey naman!" tugon niya dito tsaka inabot ang kahon ng pizzang dala nito.
"Alam mo ba hon, ang swerte namin sa una naming kliyente kanina!" kwento ni Heshi sa nobyo nito, "galante! Isipin mo ha, nagpull pay agad sila kahit contract signing palang kami." excited na sabi pa nito.
"Then you must be lucky! bihira ang ganong costumer ha!" nakangiting saad nito.
"Sana magpatuloy ang ganitong dating ng mga costumer para maging maganda ang negosyo namin ni kambal!" ani Heshi sa pagitan ng pag nguya.
"Amen!" sagot ni Yra sa kaibigan.
"By the way, my Brother's going to New York this weekend and his going to stay there for two months." tiningnan ni Juno kung anung magiging reaksyon niya sa sinabi nito, but she kept her silence, hindi sya nag react bagkus ipinagpatuloy lang niya ang pag ngata ng pizza.