webnovel

Chapter 22 The little bird

Nakaabang na siya sa labas ng hotel na kanyang tinutuluyan ng umagang iyon. Typical teenage girl ang outfit niya, nakaleggings na pinatungan ng short shorts, tinernuhan niya iyon ng long sleeve blouse at backpack, naimpluwensyahan na kasi siya ng dugong k-pop. Hindi niya alam kung saan sila pupunta sa araw na iyon kaya minabuti narin niyang magdala ng extrang damit.

Maya maya pay may tumigil na itim na Rolls-royce sa tapat niya, bumababa ang windshield nito at sumilip mula roon ang binata."Hop in! bago pa tayo ma-traffic."

"Is this yours?" Tanong niya ng makasakay siya sa loob noon.

"Hindi! Kay Minjy ito hiniram ko lang." tatawa tawang sagot nito sa kanya. alam niyang nagbibiro lang ito dahil sa yaman nito hindi imposibleng may sariling bahay ito doon, lalo na ang mga sasakyan.

"San ba talaga tayo pupunta?" curious talaga siya dahil kagabi pa niya ito pinipilit tanungin ngunit ayaw naman nitong sabihin.

"Hindi na iyon surprise pag sinabi ko saiyo." Matipid nitong sagot. Then he just focused on the road.

Halos lumundag siya sa sobrang tuwa ng makarating sila sa lugar na sinasabi nitong surpresa, The happiest place on earth, Tokyo Disneyland. Hindi niya iyon isinama sa itinerary niya dahil may kamahalan ito at hindi kakayanin ng budjet niya.

"Do you like it?"

"I love it!" abot tenga ang kanyang ngiti. Hinila niya ang kamay ni Jion papasok ng entrance.

Hindi magkamayaw si Yra sa dami ng rides at Disney characters na nakita niya, nang mapagod ay nagpahinga sila sandali sa isang ice cream parlor.

"Gusto ko nga palang itanong sayo," sa pagitan ng pagsubo niya sa ice cream ay naisingit niya ang tanong na ilang araw na ng gumugulo sa kanyang isipan. "Bakit ka nagpunta dito sa japan?"

"Theres a little bird who told me na pupunta ka dito, thats why im here!" tumigil na rin ito sa pagkain ng ice cream.

"Alam mo yang little bird na yan gusto ko ng sakalin kung minsan." Sigurado siyang si Heshi ang tinutukoy nitong little bird, bukod sa magulang niya ay ito lang naman ang nakakaalam kung saan siya pupunta. "Kidding aside, kung nagpunta ka dito because of me how come na ilang araw kang hindi nagpakita sa akin?"

Biglang tumawa si Jion at lumabas ang mala kunehong ngiti nito, "Bakit namiss mo ba ako? Hinayaan kitang mag-isa para maenjoy mo naman ang bakasyon mo."

"So nagpunta ka dito just because nalaman mong magbabakasyon ako? Pambihira talaga yang little bird na iyan hindi man lang ipinaglihim. Masasakal ko na talaga yun." si Heshi talaga ibinenta na naman siya.

"Oy! Wag mong gagawin iyan, kung ayaw mong pareho tayong hindi makabalik sa pilipinas!" natawa na rin si Yra sa tinuran nito. "Somebody sent me a picture of you together with your ex-boyfriend," biglang sumeryoso ang mukha nito "since hindi kita pwedeng tanungin tungkol sa bagay na iyon, I came directly to her. At first she got furious, and ask what was going on, then she completely told me the details of your plan about this trip."

"Picture? What picture?" anong pinagsasabi ng isang ito? Wala siyang idea kung anong litrato ang sinasabi nito. Inilabas nito ang cellphone at nagbrowse doon, ipinakita nito sa kanya ang picture nila ni Winston, kuha iyan sa coffee shop the day bago siya pumuntang japan.

Napakunot ang kanyang noo. "Who the hell sent you this photo?" bumangon ang galit na kanyang nararamdaman "pinasusundan mo ba ako ha?" lahat ng saya at excitement na nararamdaman niya kanina ay naglahong parang bula.

"Ofcourse not!" mabilis na depensa nito. "hinding-hindi ko yon gagawin sa iyo."

"Then why? Who the hell sent you that freaking photo." salubong na talaga ang kilay niya, she really felt annoyed, hinawakan ni Jion ang kanyang sintido at pinaghiwalay ang halos magdikit niyang kilay, tinabig niya nag kamay nito at muling ibinalik sa pagkakakunot ng kanyang noo, pero ibinalik lang nito ang kamay doon at muling inayos ang kanyang kilay. Buti nalang hindi peke ang kilay niya kung nagkataon nabura na ang drawing nito sa ginagawa ni Jion doon.

Bahagyang nawala ang init ng ulo ni Yra dahil sa ginawa nito. Ibinalik nalang niya ang atensyon sa kinakaing ice cream.

"seryoso ako Jion, sino ba talaga ang nagpadala sayo ng picture na yon?" tanong uli niya dito.

"Im still working on it! Ginagawan na ng paraan ni Minjy para malaman kung sino ang nagpadala ng picture mo."

"Ano naman ang motibo ng taong iyon? Bakit kailangan niyang gawin iyon?" naguguluhan talaga si Yra.

"Simple lang" umayos sa pagkakaupo si Jion.

"At ano naman yon?" curious pa rin si Yra.

"To make me jealous." Simpleng sagot ni Jion.

"Jealous? Bakit ka naman magseselos, wala naman tayong relasyon!" doble edge sword. Biglang pumasok sa isip ni Yra, para kay Jion ang tanong pero sa kanya tumama. Para lang niyang kinausap ang sarili sa salamin. bakit nga ba siya nagalit? Bakit nga ba siya nasaktan? wala naman siyang karapatan!

"Ano man ang pinaplano ng taong iyon, nagtagumpay sya." Nakangiting iiling-iling si Jion bago sumubo ng ice cream nitong patunaw na.

"Nagtagumpay saan?" lalong nadagdagan ang curiousity ni Yra. "na pagselosin ka?" natawa na lang siya sa tinuran niya?

"Yeah! That's why im here!" he became serious again. "nagselos ako ng husto kaya ako nandito ngayun, nung una kung makita ang picture ninyong dalawa halos durugin ko ang cellphone ko, kase akala ko nagkabalikan na kayo ng ex mo. kaya pinuntahan ko agad si Heshi para kumpirmahin ang iniisip ko, but then she told me na imposibleng makipagbalikan ka sa kanya, and then she said na pupunta ka dito that's why I did everything para lang makasama sa flight mo na yon papunta rito."

He did it for her! But why? he has Althea! he even slept with her even though he know na nandoon lang siya sa kwarto sa taas at natutulog. Pinaglalaruan ba siya ni Jion?

"Yra, walang nangyari sa amin ni Althea that night. Maniwala ka sa akin please!" pilit niyang binabawi ang kanyang kamay na hinawakan ni Jion. "I have proof na wala talagang nangyari sa aming dalawa and I can even show it to you just to prove it."

Hindi nagsalita si Yra, she just waited for him to get his phone and showed it to her, pinindot niya ang play botton at pinanood ang video na nandoon.

Malinaw ang kuha ng cctv sa kwartong iyon na nkalagay sa itaas ng kama papunta sa pinto.

Siguiente capítulo