webnovel

Chapter Five

Nagsimula ang istorya ng Protégée sa araw nang mag-audition si Lexus sa isang Protégé contest. Si Lexus ay ang karakter na dinadala ni June. Nakapasok ang dalaga sa nasabing patimpalak at kinalaunan ay siya din ang nanalo. Sumikat ang dalaga at naging manager niya ang ate nito na si Dominique. Naging mayaman si Lexus at sumikat sa buong mundo.

Nang siya ay nasa taping ng kanyang latest na pelikula nakatanggap ng sulat si Lexus mula sa isang sobre. Isang letter na may nakasulat na 'Protégée' sa labas ng envelope. Binuksan ng dalaga ang sobre at nalaman niyang isa iyong invitation letter at nakasulat sa nasabing inbitasiyon ang linyang, "You are invited to red carpet of your DEATH..." Kinilabutan si Lexus. Tinago iyon ng artista sa ate niya at sa kanyang mga kaibigan.

Nang matapos ang taping umuwi ang artista sa bahay nito. Pagbukas niya ng pintuan, umandar bigla ang TV nang tinern-on niya ang ilaw ng salas. Nagulat si Lexus. Napatitig siya sa telebisiyon at nagtaka. Ang lumalabas sa TV screen, ay scene mula sa ginagawa nitong pelikula na 'Liquor', na umaarte ito na lasing at at kinakausap ang hawak-hawak na bote ng alak. "I love you my dear beer. Lahat handa kong ewan at patayin, basta hawak lang kita at iniinom my beloved inumin... " Pinatay agad ni Lexus ang TV dahil sa takot. Malamang may tao sa loob ng salas ng kanyang bahay dahil biglang bumukas ang TV nang hindi niya manlang pinipindot ang 'power' button ng telebisiyon at malamang nasa nasabing tao ang remote control dahil hindi niya ito mahanap-hanap sa paligid. Napansin ni Lexus na may dala-dala itong alak na beer. Naalala niya na lumabas sa video kanina ay lasing ito at may hawak-hawak din siyang beer. Knilabutan ang artista. Tinapon agad ng artista ang hawak na bote ng alak sa labas ng bahay, tinawagan niya ang personal guard nito at pinabantay niya ito buong gabi.

Sa mga sumunod na mga araw, narinig na lang ng dalagang artista na pinaslang ang isa sa mga kaibigan nito na top model. Nalaman din niya na bago pinatay ang dalaga ay nakatanggap din ito ng invitation letter na siya ay papatayin ngayong gabi. Pinanood din ng killer ang pinaslang ng video. Ang video ay may laman na scene mula sa TV series ng pinatay. Sabi ng mga detectives ay hawig na hawig ang pamamaslang sa biktima sa sinabi nito sa video. Sa video ay sinabi ng pinatay na siya ay magpapakamatay at tatalon sa pinakamataas na gusali at iyon nga ang nangyari sa dalaga. Natakot si Lexus at baka mangyari din iyon sa kanya dahil nakatanggap din siya ng sulat at nakapanood rin ito ng video.

Sa mga sumunod pang mga araw dumami pa ang pinaslang na sikat na mga artista at halos lahat ay mga kaibigan din niya. At sa climax ng istorya kung saan si Lexus na ang hinahabol ng killer para patayin, ipinakita ng killer ang mukha nito at nagulat ang nasabing artista. Ang ate Dominique niya ang killer. "Surprise!" sabi ni Dominique sabay bukas ng invitation letter na may nakasulat na quote on quote na "Surprise!" Ngunit di pa rin naniniwala si Lexus na ang ate Dominique niya ang killer kahit pinakita na nito ang mukha sa kanya. "Sis, you're just kidding, right?" tanong ng artista sa ate nito sabay ngiti. "Do I look like I'm kidding?" tanong din ni Dominique na may seryoyong mukha. Ngumingiti pa rin si Lexus sa ate nito, ngunit bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa takot at lungkot. Ang ngumingiti na si Lexus ay napaluha ng magsalita si Dominique sa kanya ng, "'Wag na 'wag mong ipapakita sa 'kin 'yang pangil mo, kung ayaw mong ako ang kumagat sa'yo." Napaiyak na si Lexus sa sinabi ng kapatid. Sinabi ng ate nito ang motibo niya kung bakit pumapatay ito ng mga sikat ng tao. Naiingit ito dahil sikat sila at siya ay hindi, at kahit sa labas manlang ng bahay nito, ay di siya nakikilala. Mas nagalit pa si Dominique dahil sikat ang kapatid nito kaysa sa kanya lalo pa at... ampon lang si Lexus. At sa ending ng pelikula, napatay ni Dominique ang little sister nito.

Pag-uwi ni Dominique sa bahay nito, tinern-on niya agad ng dalaga ang TV at lumabas agad sa TV screen ang commercial ni Lexus tungkol sa kasikatan, sinabi ng kapatid nito na sa commercial ang linyang, "Hindi ko naman kailangan ng yaman, hindi ko rin kailangan ng kasikatan. Ang tanging hiling ko lang sa buhay ay makapiling ka, 'Ate', habangbuhay..." At napaluha si Dominique. "I love you ate!" dugtong pa ni Lexus sa kanyang commercial. Bilang nag-brownout. Dumilim ang paligid. Humagulgol sa iyak si Dominique. Biglang tumunog ang cocking of the gun at napasabi ang dalaga ng, "I love you too... sis..." at biglang pumutok ang baril...

Panay naman ang iyak ni Kitty habang tinatapos ni June na isalaysay ang summary ng pelikula na Protégée. "...at 'yon na nga ang nangyari... the end..." natapos na ni Sparkle sa pag-narrate ng sypnosis ng nasabing pelikula. "Kakaloka 'yong story, so, so sad pala..." sabi ni Kitty habang sumisinghal sa panyo nito. Naaartehan naman si Ricky sa make-up artist. "Ang O.A. ng make-up artist mo! Akala mo kung isang oras isinalaysay ang pelikula, limang minuto lang naman!" sabi ni Ricky kay June. "Pa'no kasi, pareho ng sitwasiyon sina Lexus at June..." sabi ni Kitty na napatigil sa pag-iyak. Nagulat ang magkapatid. "Pa'no nagkapareho?" tanong ni June. "Eh, ikaw sikat ka, kuya mo hindi, at manager mo din siya, si Dominique ate ni Lexus at manager din niya! Parehong pareho! Oh! Ampon si Lexus, ampon din si ma'am June!" sabi ni Kitty. Nagulat si Ricky sa sinabi ng make-up artist. "Hoy! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, katabi mo lang ang amo mo!" sigaw ni Ricky sa make-up artist, "At... Are you saying na... ako ang killer gano'n ba?" tanong ni Ricky kay Kitty. "Slight..." sambit ng make-up artist. Aawayin na naman sana ni Ricky si Kitty ngunit pumagitna na naman si June sa kanilang dalawa. "Please!" sabi ni June sa kanilang dalawa, "'wag na kayong mag-away at baka madagdagan pa ang mamamatay." Sabi pa ni Sparkle. "Kitty," sabi ni June sa make-up artist, "hindi ang kuya ko ang killer dahil lalaki siya, babae si Dominique at palagi kong kasama ang kapatid ko kung sa'n man ako magpunta." Sabi pa ni Sparkle. "Eh, hindi naman lalaki 'yan, bakla 'yan eh." Sabi si Kitty sabay turo kay Ricky. Aawayin na naman sana ni Ricky ang make-up arist ngunit pinigilan siya ni June. "Nanggigigil ang mga kalamnan ko na mapatay ka! Alam mo ba 'yon?!" sabi ni Ricky kay Kitty. "Tama na please..." sabi ni June sa kanilang dalawa. "Kitty, paandarin mo na 'yong soundtrack ko..." sabi ni June kay Kitty. Agad namang sinunod ng make-artist ang utos ng amo. Pinaandar ni Kitty ang DVD player at sound system. "Hayaan mo na si Kitty kuya, ganyan talaga pag-bata." Sabi ni June sabay ngiti sa kuya. Napangiti na rin si Ricky. "Oo nga pala, 29 palang ang pusang 'yan." Sabi ni Ricky sabay titig kay Kitty. "Pusa?" tanong ni June. "Pusa, Kitty, Pusa." Sagot ng manager nito. Napatawa ang dalawa. "By the way," sabi ni Ricky sa kapatid, "mukhang nominated ka na naman sa Ricci Lux Award next week for your movie noong isang buwan, ang 'Hermosa', at mukhang si Paige ang makakalaban mo para sa pelikula niyang 'Marie Sol', yes my dear sister, she took the danger to fight you again in a new leading role film after seven years." Dugtong pa ng kuya ni Sparkle. Napangiti lang si June at nagsabi ng, "Ibigay mo na lang sa kanya ang award, di pa nanalo ang gagang 'yan ng best actress award. Puro supporting pa lang naman ang napapanalunan niya, kaya okay lang sa 'kin kung mapunta sa kanya ang award." Sabi ng dalaga. Napangiti si Ricky sa sagot ng kapatid. "Maligo kana." sabi ni Ricky. Tumunog ang kantang 'Bleeding in Love' na version ni June sa sound saystem. Ang nasabing kanta ay nagmula sa horror movie ni Sparkle na Protégée, ang theme song ng pelikula. "Oo nga, maligo kana," sabi ni Kitty habang lumalakad papalapit kay June, "dahil dalawang oras ka kung maligo sa banyo kaya ang laki ng bayad natin sa tubig." Dugtong pa ni Kitty. "Ikaw pala'ng nagbabayad ng tubig?" tanong ni June sa make-up artist. Napatawa si Kitty dahil alam niya na hindi siya ang nagbabayad ng tubig kundi ang magkapatid. Iniba agad ni Kitty ang kasasabi na pangungusap. "Hehehe, sabi ko nga eh, kaya ang laki ng bayad niyo sa tubig dahil kayo ang nagbabayad." sabi pa ng make-up artist. Napatitig ng masakit sina June at Ricky kay Kitty. Napayuko sa hiya ang make-up artist. Lumakad si June papunta ng comfort room habang si Ricky ay pumunta ng kusina at nagtimpla ng kape. Naiwan si Kitty sa salas. Nakinig nalang ang make-up artist sa music na tumutunog sa audio system.

Sa banyo, panay ang titig ni Sparkle sa litrato katabi ng salamin. Kasama niya sa litrato ang kapatid niyang si Ricky, ina niya at ama. Kaya matagal sa C.R. ang artista ay hindi dahil sa ito ay matagal kung maligo kundi matagal itong umiyak sa sahig ng banyo habang inaalala ang ama at ina. At dahil sa litrato, naalala ni June ang nakaraan...

Pinapaliguan ang apat na taong gulang na si June ng kanyang ama at ina, habang ang sampung taong gulang na si Ricky ay naglalaro ng Barbie doll sa labas ng banyo at katatapos lang paliguan. Aliw na aliw ang mag-asawa sa pagpapaligo sa anak na babae. "Balang araw magiging artista ang maganda kong anak!" sabi ng ina ni June. Masayang masaya ang batang babae sa sinabi ng ina. "Eh ako po?" tanong ni Ricky sa labas ng banyo. "Siyempre ikaw din!" sagot ng ina. "Dalawa kayo ang magiging sikat na artista na nagmula sa lahi ko!" sabi pa ng ama ng dalawang magkapatid.

Nakikinig ang magkapatid sa nag-aaway na mag-asawa sa loob ng kuwarto mula sa nakasarang pintuan. "Anong plano mo?" tanong ng ama nila sa kanilang ina, "hindi lang natin basta-basta matatago 'to ng habang buhay! Malalama't malalaman ni June na ampon lang siya!" dugtong pa ng ama. Nagulat ang magkapatid sa narinig mula sa sigaw ng kanilang ama. "Ayokong sabihin!" sagot ng ina nila sa sinabi kanyang asawa, "kung kailangang itago habangbuhay itatago ko! huwag lang masaktan ang anak ko!" Umiiyak ang anim na taong gulang na si June, hawak-hawak ang isang teddy bear at tinatakpan ng kuya Ricky nito ang kanyang mga tenga. Sinabihan ni Ricky ang bunso nitong kapatid ng mahinahon at mahinay. Tumatango lang ang batang babae sa sinasabi ng kuya nito. "Kahit anong mangyari, magkapatid tayo, tandaan mo 'yan, 'wag ka ng umiyak taha na." sabi ni Ricky. Hinagkan ni Ricky si June ang umiiyak na kapatid. Patuloy pa rin sa pag-aaway ang mag-asawa sa loob ng kuwarto nila.

Namatay ang ina nina June at Ricky ng sila ay naging binata at dalaga na. 18 na si June at 24 na si Ricky. Cardiac arrest ang ikinamatay ng kanilang ina. Simula ng namatay ang ina ng magkapatid, umiba na ang takbo ng buhay ng ama nila. Naging lasinggero, drug addict at babaero. Lumala pa nang nilayasan sila ng kanilang ama. Doon na nagsimulang mabuhay ang magkapatid sa sarili nilang mga paa...

Naliligo itong si June habang umiiyak. Panay ang paglabas ng tubig mula sa shower, at di alam ang kung saan ang tunay na luha. Nakaupo naman si Ricky sa upuuan sa kusina habang pinapaikot nito ang kutsarita sa tasa ng kape na nakapatong sa mesa habang nanunood ng trailer ng pelikula ni June na 'Hermosa' at ang movie trailer din ni Paige na 'Mari Sol' sa isang mini-TV na tinatampok ng isang station. Si Kitty naman ay panay ang pag-awit sa kanta na 'Bleeding in Love' na tumutunog sa audio system. Dinig na dinig pa rin ni Ricky ang pakonti-konting tunog ng iyak mula sa kapatid nitong si June mula sa banyo.

Nakalabas din ng banyo si June ng 7:30 at dumaan muna ito sa kusina para uminom ng tubig. "Oh, lumabas ka pa?" tanong ng ngumungiti na si Ricky sa kapatid, "sana di ka nalang lumabas." Dugtong pa ng kuya nito. "Sarap kasi ng tubig." Sagot ni June na napangiti din. "Dali!!!" sigaw ni Kitty mula sa kuwarto ng amo nito, "bihis na! Make-up mo umaantay sa'yo!!!" dugtong pa ng make-up artist. "Oh, tawag ka na ng pusa mo." Sabi ni Ricky sa kapatid. Napatawa si June sa sinabi ni Ricky. Ngunit nang umakyat na sa hagdan si June napabalik ito sa kusina dahil lumabas ang balita sa TV na marami ang nag-rally sa pelikula ni June na 'Protégée' dahil nagiging inspirasiyon ng mga sira-ulo ngayon ang nasabing pelikula at si June daw ang may pasimuno ng lahat. Napatitig si Ricky sa kapatid. Natatakot at nalulungkot si Sparkle sa balita. Nalulungkot siya dahil naging totoo ang pakiramadam niya na marami ang magra-rally dahil sa kanya at sa horror nitong pelikula at natatakot ang artista dahil hindi pa nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen. Napayuko lang si June at napa-akyat ng hagdan. Naiwan na lang si Ricky sa kusina at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape.

Siguiente capítulo