webnovel

Chapter One

"Kahit, ilublob mo pa ako sa kumukulong tubig, o ihagis sa ikat'long palapag, at masagasaan ng sasakyan, lahat ng 'yon kakayanin ko, maipadama ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal, Diyego." Sabi ng umiiyak na dalaga habang hinahagkan ang mga kamay at braso ng minamahal niyang binata. "Oh, Samantah," sagot ng binata, "mahal na mahal din kita." Hinagkan ni Diyego si Samantah, ng sobrang higpit na halos di na ito makahinga. "Aray..." sambit ng dalaga habang napapangiti lang ang binata. Nasasaktan na si Samantah dahil naiipit na ang dibdib nito sa ginagawang pagyakap ni Diyego sa kanya. Idinikit pa lalo ng binata ang dibdib ni Samantah sa kanyang sarili. "Aray!" sigaw ni Samantah sabay bitiw sa pagyakap sa binata at sinampal agad

si Diyego sa pisngi. Tinulak ni Samantah si Diyego at napangiti lang ang binata. "Cut!!!" sigaw ng isang lalaki mula sa madilim na lugar. "Lights!!!" sigaw pa ng nasabing lalaki at biglang umilaw at nagsilabasan ang napakaraming camera at cameraman, at iba pang mga tao na may hawak na mga papel, nakasuot ng headset at may mga hawak na mga naglalakihang mga microphones. Napatayo bigla itong napasigaw na lalaki mula sa kanyang kinauupuan. Lumakad siya papunta sa dalawang nagtulakan. "Ano na naman ba

ito Daisy? Alam mo bang nakaka-7 takes na tayo?! Your suppose to scream 'Tulong!' for the next sentence dahil your so in love with Diyego, ba't napa-aray ka na naman?" Sabi ng lalaking naka-coat kay Daisy sabay pakita ng next line sa dalaga mula sa script. Ang next line sana ay, "Tulong! I'm so in love with you Diyego!" subalit ang linya ay naputol nang tumili si Daisy ng 'aray!' Si Daisy pala ang tunay na pangalan ng dalaga. Nagsho-shooting pala sila sa kanilang bagong movie na "Ibig Kong Ibigin Ka" at ang lumapit kay Daisy ay ang director ng pelikula. "At ako pa ngayon ang may kasalanan direk?" tanong ni Daisy sa direktor nito, "Eh kung kayo kaya ang hagkan ng sobrang higpit at naiipit na ang iyong dibdib di ka kaya magagalit? Sisigaw naman talaga ako ng 'tulong' hindi dahil iyon ang sunod sa script iyon ay

dahil sa higpit ng yakap ng gagong 'to!" dugtong pa ng dalaga. Napatingin sina Daisy at ang director kay Diyego o si Anghel sa tunay na buhay. Panay ang pag-ngiti ng binatang aktor. "Anghel?" sabi ng director habang nakayuko. "Po?" Tanong ni Anghel. Nagulat ang director, "Oh sumagot ka? Pangalan mo pala 'yon? Kay ganda ng pangalan mo pero ugali mo daig mo pa'ng demonyo!" sagot ng direktor. Napatawa lahat ng stuff at crew. Napatingin bigla ang director sa nagtawanang mga tripulante at agad namang

napatigil ang crew sa pagtawa. "Tingnan mong ginawa mo, alas 10 na ng gabi, at bukas na naman tayo magpapatuloy nito! Bwiset!" galit na sabi ni direk kay Anghel. "'Wag kayong mag-alala direk, I'll do everything para makabawi sa'yo bukas." Sabi ng aktor. "Dapat lang!, Ngango!" sabi ng director sabay lakad papunta sa stuff at crew. "Did he just called me, 'ngago'?" Tanong ni Anghel kay Daisy. "Yes he did," sagot ni Daisy, "It's slang term for the word 'Gago'" dugtong pa ng dalaga. Lumakad papalayo si Daisy sa binata. Ngunit tinawag ulit ni Anghel si Daisy. "Hey!" sambit niya at napatalikod si Daisy, 'What?!" galit na tanong ng dalaga sa binata. Nagsabi ang aktor ng, "I had a great time." Nanginig sa galit ang binibini, lumakad

pabalik kay Anghel si Daisy at tinadyakan ang pantog ng binata. "Ngango ka talaga!" sabi ni Daisy at napasigaw si Anghel ng "Aray!". Lumakad papalayo ang dalaga sa binata dala ang mga gamit nito.

Nagsiuwian na lahat ng crew ng nasabing pelikula. "Mauna na kami sa inyo direk!" Nag paalam na lahat ng miyembro ng pelikula sa director na kausap si Daisy. "Oh sige! bukas ulit!" sigaw ng director sa crew. Nagulat si Daisy sa sigaw ng director nito. "Magte-take tayo ulit bukas?!" tanong ng dalga. "Oo. Pasensiya na. Trabaho lang." sagot ng director. Napasimangot bigla itong si Daisy. "Daisy!!!" sigaw ni Anghel sa malayuan. "Bukas ulit ha!!!" napatawa itong binata sabay pasok sa taxi. Nanginginig

sa galit si Daisy. Nagsialisan na ang mga taxi at ibang mga

sasakyan. "Ba't ba'ng adik na 'yon ang pinili niyo na

makatambal ko sa pelikulang 'to? Lumilibre ng yakap at hawak ng sensitive parts ang gagong 'yon eh!" tanong ng dalaga sa director nito. "Eh, siya lang naman ang naging ka love team mo na mas pinansin ka," sagot ng director, "Mas pansinin ka kapag kasama mo ang adik na 'yon sa screen! Oh sige na uwi na tayo, galit naman siguro ngayon ang pretty spouse ko." Dugtong pa ng director. Wala namang magawa si Daisy. At nagsiuwian na ang lahat.

"Keep the change manong." Nagbayad ang dalaga ng pamasahe nito sa driver ng sasakyan. Nakadating na si Daisy sa bahay nito sakay ang isang taxi. Lumabas ang dalaga ng sasakyan at pumasok ng bahay nito. "Dad, I'm home." sabi ng dalaga pagpasok niya ng bahay nang makita niya ang ama nito na natutulog na naman sa sofa, nakaupo at mukhang lasing na naman, at bukas pa ang T.V. at basketball ang lumalabas. Tinern-off ni Daisy ang T.V. at inamplag ang wiring nito. Dinala ng dalaga ang mga baso at whiskey ng ama sa kusina. Ginutom ang dalaga at naisipang uminit ng tatlong malaking yahong ng tubig sa isang kaldero. Inilabas ang limang pack ng hot and spicy na noodles mula sa estante at inilagay sa mesa. Uminom ito ng isang baso ng lemonade mula sa ref. At sa isang saglit, napatigil ito sa pag-inom nang makita niya ang isang envelope na puti sa lababo. Kinuha niya iyon at may nakasulat sa envelope ang isang salita na "Protégée". Napasabi ito sa sarili ng, " Akin nga 'to." Napaisip ang dalaga na, sa kanya ang sulat ay dahil walang ibang protégée sa loob ng bahay kundi siya lang naman. Binuksan ni Daisy ang envelope, at nakita niya ang isang invitation letter. Nasabi sa sulat ang isang invitation line, "You are invited," binabasa ni Daisy ang sentence, "to the red carpet." Ngunit putol ang linya. Hinahanap ng dalaga ang kasunod na linya pero di niya ito makita. May nakita ang dalaga na lalagyan ng CD tape sa ilalim ng sink, kinuha niya ito, binuksan at may laman na isa pang invitation letter ngunit ang laman ay quote on quote na linya mula sa shino-shooting nito kanina na pelikula. Binasa ng dalaga ang scripted line, "Kahit, ilublob mo pa ako sa kumukulong tubig, o ihagis sa ikatatlong palapag, at masagasaan ng bus, lahat ng 'yon kakayanin ko, maipadama ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal, Diyego." Biglang tumunog ang TV sa salas. Alam niyang inamplag niya iyon bago siya pumunta ng kusina. Naririnig niya na parang nag-uusap na magkasintahan ang lumalabas sa TV. Agad na lumakad pabalik ng salas ang dalaga para malaman kung ano nga ba ang lumalabas sa telebisiyion. Nang siya ay nasa salas na, nagulat si Daisy sa nakita. Lumalabas sa TV screen, ang isang lumang video ng scene na kanilang pinagti-take kanina, kasama si Anghel. "Ilublob mo pa 'ko sa kumukulong tubig, o ihagis mo man ako sa bintana at mahulog sa ikatatlong palapag--" Inamplag bigla ni Daisy ang wiring ng TV at DVD player. Natakot ang dalaga sa sinasabi nito sa TV. Ginigising niya ang ama niyang patuloy ang pagtulog sa sofa ng nakaupo. "Pa, gising, sa'n kayo nakakuha ng lumang tape ng--" napatigil si Daisy sa pag-gising sa ama nito nang mapansin niyang hindi gumagalaw ang ama nito kahit anong gising pa niya. "Pa?" sambit nito. Nakita ni Daisy na may hawak na itim na lalagyan ng CD tape at may laman sa loob na papel. Kinuha iyon ng dalaga, binasa niya at nakasulat sa papel ay, "Tulong!!!" Natatakot na si Daisy, isa rin sa mga linya niya sa script ang nasa papel. Halata namang tulog ang ama nito at wala na itong pwersa na tumayo pa at sumaksak ng wiring ng TV o DVD player isama mo pa ang kalasingan nito, malinaw na may ibang tao sa loob ng bahay, idagdag pa ang invitation letter na kanyang nakita. Kahit takot ay tumindig lang ang dalaga ng maliksi. Biglang may kumalapag sa sahig na parang nahulog na lata sa kusina. Napasigaw sa gulat at takot si Daisy. Kinuha niya agad ang ice pick na nasa mesa katabi ng dalawang malalaking ice cubes at beers. Panay ang gising niya sa ama nito. "Pa! Wake up! May ibang tao sa loob ng bahay!" Habang ginigising niya ang ama, ay napansin niyang parang dumudugo ang leeg ng ama nito. Napasigaw bigla sa gulat at takot si Daisy dahil nakita niya na may saksak ng ice pick ang leeg ng ama niya. Nabitawan niya ang hawak nitong ice pick. Tumakbo si Daisy sa main door para buksan ito, ngunit kahit anong tulak niya sa pinto o giba sa knob, di niya pa rin ito mabuksan. Sa labas pala ay may nakaharang na taxi, ang taxi na sinakyan ng dalaga kanina pauwi ng bahay niya. Bina-block ng taxi ang pintuan sa labas kaya di ito mabuksan. Tumakbo nalang ito papunta sa telepono. Ngunit nakita niya sa sahig na may gumupit ng wiring ng telepono kaya di ito gumagana. Tumudo ang iyak ni Daisy. Di naman ito makalabas sa mga bintana ay dahil yari sa jalousie ang mga ito. Biglang may kumalapag ulit sa kusina na parang nahulog na kaldero. Napasigaw ulit si Daisy sa gulat. Agad na pinulot ni Daisy ang ice pick na nabitawan nito kanina. Napaiyak ulit ang dalaga nang makita ang ama nito na patay at duguan habang nakaupo sa sofa. Hinigpitan ni Daisy ang hawak sa ice pick. Kahit takot ay lumakad itong dalaga papunta sa kusina. Nang marating na niya ang pintuan, nakita niya na puro tubig ang sahig ng kusina, at may nakakulob na kaldero sa sahig. Nahulog pala sa sahig ang iniinit nitong tubig mula sa kaldero. Agad na tumakbo si Daisy sa burner at LPG at tinern-off, pinulot ang nahulog na kaldero at takip nito mula sa sahig. Inilagay ni Daisy ang pinulot na kaldero nito at inilagay sa lababo. Ngunit napansin ni Daisy na parang hindi maiinit ang tubig na nasa sahig at ang pinulot nitong kaldero. Nagulat ang dalaga nang makita na may isa pang kaldero sa lababo. Natatakot ang dalaga. Kinuha niya ang takip ng nasabing kaldero at nalaman niyang iyon ang kalderong ginamit niya na pang-init ng tubig. May laman iyong tubig at umuusok pa sa init. Naalala bigla ni Daisy ang napanuod nito kanina sa TV, ang dialogue na kanyang sinasabi. Nasabi niya ang linyang 'kumukulong tubig'. Napabilis ang pintig ng puso ni Daisy at napatitig ito sa kalderong may laman na mainit na tubig. Tumingin ang dalaga sa maiinit na tubig at nakita ni Daisy ang repleksiyon nito. Nang biglang lumitaw sa repleksiyon sa tubig ang imahe ng isang taong nakamaskara sa likuran ng artista. Nagulat ang dalaga sa nakita. Biglang hinawakan ng tao na nasa likuran ni Daisy ang ulo ng dalaga at inilublob ang buong mukha ng artista sa mainit na tubig. Nabitawan ni Daisy ang ice pick na hawak nito. Panay ang pagsigaw at paggalaw ng dalaga na makaalis sa maiinit na tubig. Nahawakan ni Daisy ang takip ng ng kaldero at naihampas niya ito sa ulo at mukha ng tao. Nabitawan niya ang dalaga at nakaalis din si Daisy sa maiinit na tubig. Napayuko ang tao at tinatakpan ang mukha dahil sa sakit ng hampas ng kawali sa mukha nito. Napaiyak at napahinga ng malalim si Daisy at napaubo. Iyak ng iyak ang dalaga dahil sa init ng tubig na inilublob sa mukha nito. Namumula ang mukha ng dalaga. "Sino ka?!!" Tanong ni Daisy, panay ang iyak hawak ang takip ng kaldero. Ipinakita ng tao ang mukha nito sa dalaga. Nagulat si Daisy sa nakita. Nakamaskara ang tao ng star at may nakaukit na mukha ng tao na nakasimangot at gawa sa karikatura. Natakot lalo si Daisy. Humigpit ang hawak nito sa takip ng kaldero. Humigpit din ang hawak ng taong na kaitim na jacket at itim na pantalon sa ice pick na dala-dala nito. Nagulat si Daisy. Nakuha ng tao ang nabitawan

nitong ice pick kanina. Biglang tumakbo ang tao sa dalaga.

Binitawan ni Daisy ang takip ng kaldero at kinuha ang kaldero mismo na may

mainit na tubig at hinagis ang laman nito sa mukha ng tao.

Napasigaw ng ang tao dahil sa init ng tubig. Tumakbo si Daisy palabas ng kusina at hinabol din siya ng taong nakamaskara. Nadulas ang dalaga dahil sa tubig na nasa sahig. Napasigaw si Daisy. Sinaksak ng tao sa kaliwang binti ng dalaga. Sumigaw ang artista sa sakit. Sinipa ni Daisy ang mukha ng tao gamit ang kanang paa. Napatapon ang tao sa malayuan at bumangga ang ulo sa pader. Gumapang si Daisy sabay iyak, tumayo at tumakbo palabas ng kusina. "Tulong!!!" sigaw ni Daisy, naalala ng dalaga na

linya niya rin ang sinigaw niya na "tulong' mula sa script ng kanyang shino-shooting na pelikula. Di naman marinig itong dalaga ng mga kasambahay nito dahil nagpa-party ang mga ito at malakas ang tunog ng audio system. Hinabol ng tao si Daisy. Kinaya ng dalaga na tumakbo paakyat ng hagdan. Naghabulan ang dalawa hanggang sa ikatatlong palapag. Muntik ng madakip ang dalaga ngunit nakapasok ito sa kuwarto nito, agad na isinara ang pinto at ni-lock. "Go away!!!" sigaw ng dalaga. Takot na takot ang artista. Panay rin ang pagdurugo ng kaliwang binti ni Daisy mula sa saksak ng tao. Napapansin ni Daisy na hindi na umiingay sa labas. Kahit tunog ng paglakad ng tao, hindi niya marinig. Pero alam niya na andiyan pa rin sa labas ng kuwarto ang tao. Napaatras si Daisy. Ilang segundo lang, biglang may sumipa ng pinto. Napasigaw si Daisy sa gulat at pumasok sa loob ang tao. Tumakbo ang dalaga papunta sa bintana ngunit nadulas ulit si Daisy mula sa dugo niya sa kanyang binti na tumutulo sa sahig at nauntog ang ulo nito. Nahihilo ang dalaga dahil sa pagkauntog at di halos makagalaw. Habang gumapang ito papalayo sa taong nakamaskara, napapansin nito na lumalakad ang tao papalapit sa kanya. Iyak lang iyak si Daisy. Inihulog ng tao ang hawak nitong inivitation letter sa kamay ng dalaga. Nabasa ni Daisy ang nahulog na letter sa harapan nito. Nakasulat sa liham ang pangungusap na, "You are invited to the red carpet... of your death..." Napaiyak ang dalaga. Dinakip ng tao si Daisy. "Please, no, please..." sigaw ni Daisy sabay iyak. Hinagis ng tao si Daisy sa bintana. Nawasak ang glass window at nahulog ang artista mula sa ikatlong palapag at bumagsak ito sa kalsada. Buhay pa ang dalaga ngunit di na ito makagalaw dahil bali-bali na ang katawan nito. May napapansin ang dalaga na parang may umiilaw sa malayuan. Ilaw pala iyon sa isang paparating na sasakyan. Sasagasan ang dalaga ng isang taxi. Sumigaw si Daisy at binangga ang dalaga ng nasabing sasakyan. At ang driver ng nasabing sasakyan ay ang taong nakamaskara.

Siguiente capítulo