Kapwa sila nagulat nang mamasdan ang isa't isa pagkapasok lang ni Cielo sa loob ng salon.
Sandaling tumigil sa paggana ang utak ni Marble.
Ano ang ginagawa ng kanyang Madam dito? Sino ang nagbigay ng address niya sa ginang? Si Vendrick ba? Pero hindi pa niya nakita na nagpunta si Vendrick sa lugar na to.
Tsaka ang address na inilagay niya sa resume ay ang condo kung saan sila nakatirang mag-ina.
Naguguluhan din napatitig ang ginang sa kanya, tinitiyak marahil kung siya ang nga nakikita nito, pagkatapos ay sumulyap sa bata at tumitig uli sa kanya saka awang ang mga labing napatitig uli sa bata, mariiin, lalong lumukot ang noo nito.
Kinabahan siya bigla, agad pinaharap sa kanya ang anak saka yumukod upang kausapin ito.
"Anak, duon ka muna kay Daddy ha? May kakausapin lang si Mommy." bulong niya sa bata.
"Okay Mommy. How long are you going to talk to someone?"
Sandali siyang nag-isip saka sumulyap sa nasa harap nang bisita.
"Ahm-- one hour." alanganin niyang sagot.
Tumango naman ang bata at patakbo nang lumapit kay Erland na noo'y nagulat rin pagkakita sa ina ni Vendrick.
Kusa nang lumapit ang binata sa kanila at bumaling agad sa bisita.
"Hi Tita Cielo. Long time no see. How are you?" anito habang hawak sa kamay ang batang napatingin na rin sa ginang.
Matamis ang ngiting pinakawalan ng binati.
"I'm fine. Thank you. Are you Marble's--"
"She's my fiancee and this is our son." pakilala agad ni Erland sa kanila.
Natigilan na naman ang ginang, napatingin na uli sa kanya.
"Good day po Madam." malamig niyang bati.
"How are you? Anlaki na ng ipinagbago mo. Di ko inaasahang magiging ganto ka kaganda ngayon." walang gatol nitong sambit.
Tipid na ngiti lang ang kanyang isinagot pagkuwa'y bumaling kay Erland.
"Dun muna kami sa opisina mo." anya rito.
Tumango naman ito.
"Cutie, come. Bili tayo ng lunch. Dito na kayo maglunch ni Mommy." yaya nito kay Kaelo at agad nang iginiya ang bata palabas ng salon.
Sandaling katahimikan. Nagkahiyaan pa sila ng ginang na magsalita.
"Pwede ba tayong mag-usap nang masinsinan?" pakiusap nito maya-maya, halatang pinalalakas lang ang loob.
Tipid na uli siyang ngumiti saka nagpatiuna nang nagpunta sa opisina ni Erland, dumiretso sa loob. Sumunod naman sa kanya ang ginang, ito na rin ang naglock nang pinto pagkapasok lang sa loob.
Ilang beses siyang huminga nang malalim habang nakatalikod sa bisita.
Hindi siya segurado kung anong dahilan ng pagpunta nito mismo sa kinaruruonan niya pero kung tungkol sa ipinamana sa kanyang kayamanan, kanina pa niya yun pinag-isipan.
Ibabalik niya sa mga ito ang ibinigay sa kanya ng kanyang alaga. Pero never siyang magpapakasal kay Vendrick! Never! Gagawa siya ng paraan para mabayaran ang utang na yun sa lalaki kung yun lang ang dahilan para pilitin siyang pakasal dito.
Lakas loob siyang pumihit paharap sa ginang.
"Kung ang ipinunta niyo po rito ay tungkol sa mana---" simula niya, subalit di pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lang itong lumuhod sa kanyang harapan.
"Nagmamakaawa ako, pakasalan mo si Vendrick." bulalas nito.
Napanganga siya sa pagkagulat, wala sa hinagap niya na gagawin yun ng babae.
'No! Never!' gusto niyang isigaw dito pero di mailabas ng kanyang bibig.
Paluhod itong lumapit sa kanya.
"Hindi kita tatanungin kung anong nangyari noon, kung bakit ka umalis. Wala rin akong pakialam kung may anak ka na ngayon. Ang mahalaga, wala ka pang asawa. Ako na nang nagmamakaawa sayo Marble, pakasalan mo si Vendrick." patuloy nito sa pagsusumamo sa kanya dahilan upang lalo siyang di makapagsalita.
Ibabalik naman niya ang yaman ng mga ito kahit di ito magmakaawa sa kanya. Pero bakit kailangan niyang pakasalan ang walanghiyang yun para lang maibalik sa mga ito ang yaman ng matanda?
Hindi! Hindi niya gagawin yun. Nagbago na si Vendrick. Hindi na ito yung dating binatang pinagkalooban niya ng unang halik. Galit na ang namamayani sa puso nito para sa kanya. Galit rin ang nasa puso niya para rito at sa ama nito. Ayaw na niyang magkaruon ng kaugnayan pa kahit isa sa mga to. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pang may masangkot na kasalan para lang sa lintik na yamang yun?
"Hindi niyo po kailangang lumuhod sa harap ko. Ib---" sagot niya, pero hindi na lang lumuhod ang ginang, nagpatirapa na ito sa kanya.
Nawala tuloy siya sa gustong sabihin dito.
"Maawa ka Marble! Pakasalan mo lang ang anak ko. Yun lang ang hihilingin ko sayong pabor kapalit ng pagtrato ko sayo nang maganda noong nasa bahay ka pa namin." humahagulhol na nitong saad.
My gosh! Kaya nga ayaw niyang magkaruon ng utang na loob sa kahit kanino kasi baka dumating ang puntong ganto, hihingan siya ng kapalit. Kahit saang anggulo tignan, wala siyang nakikitang logical na dahilan bakit kailangan niyang pakasalan ang hambog na yun kung willing naman siyang ibalik sa pamilyang Ortega ang ipinamanang yaman sa kanya.
Nakakaloka ang mga to. Anong merun sa kasal na yun, wala namang kwenta yun? Magdurusa lang siya sa piling ng animal nitong anak.
Subalit di niya kayang tiisin ang ginagawang pagmamakaawa ng ginang. Kaya yumukod na siya upang alalayan itong makatayo.
"Tumayo na po kayo Madam. Di po ako Diyos para magpatirapa kayo. Sa katunayan po--" anya rito habang hawak ang magkabila nitong balikat at pilit itong hinihila patayo.
"Pumapayag ka na? Pakakasalan mo na si Vendrick." putol na uli nito sa kanyang sasabihin nang mag-angat ng mukha.
Napangiwi siya bigla, hindi alam ang isasagot.
"Hindi ako tatayo rito hanggat di ka pumapayag na pakasalan siya." pagmamatigas nito.
"Pero--" angal niya subalit di talaga ito tumayo. Nanatili lang nakaluhod.
Inis na naihimas na lang niya ang isang palad sa kanyang buhok.
"Okay! Okay! Pag-iisipan ko po. Hindi ako mangangako pero pag-iisipan ko." siya na rin ang sumuko sa ginang.
Saka lang uli ito nag-angat ng mukha, lumuluha na uling bumaling sa kanya.
"Marble, Marble pumayag ka na."
"Pag-iisipan ko po!" tipid na niyang sagot, malamig na ang boses at di na ito pinilit na tumayo hanggang sa ang ginang na rin ang sumuko.
"Patawarin mo ako kung nakaistorbo ako sayo ngayon. Hayaan mo, di na ako babalik uli." anito at kusa nang tumayo saka nagmamadaling lumabas ng silid na yun.
Naiwan siyang natitigilan, maya-maya'y nanghihina nang napaupo sa swivel chair ni Erland.
Anong nangyayari? Kanina pa siya walang clue sa mga nangyayari ngayon. Ni hindi pumapasok sa kanyang utak kung bakit niya kailangang pakasalan si Vendrick gayung willing naman siyang ibalik sa pamilya nito ang bwisita na manang yun. Wala siyang pakialam dun. Pera nga ng kanyang ama, hindi siya nakikihati, yun pa kayang galing sa ibang tao?
Hindi rin naman niya kailangang pakasalan ang lalaking yun dahil sa utang niya lang. Magagawan niya yun ng paraan.
Pero bakit???? Bakit kailangan niya itong pakasalan??? Bakit???
"Marble--" pukaw sa kanya ni Erland.
Nagulat pa siya nang makita ito malapit sa nakabukas na pinto. Ang alam niya kasi'y bumili itong pagkain sa labas. O bumalik din nang makita ang kanyang madam na palabas ng salon?
Wala sa sariling inilapag niya ang dalang bag ng anak at nagmamadaling lumapit sa binata.
"Aalis ako. Dito muna si Kaelo sayo." paalam niya at agad nang lumabas ng silid na yun.