Alas syete y medya nang gabi.
Halos lahat ng mga dumalo sa engagement ay mga kilala sa lipunan, mangilan-ngilan lang ang mga nasa middle-class sa mga naruon. Tila merung contest sa pagandahan ng mga kasuotan, pero syempre hindi patatalo ang princess of the night na si Chelsea sa suot na kulay ice blue floral lace long engagement gown na gawa pa ng isang sikat na Filipino designer na nakabase sa Canada. Off-shoulder iyon na talaga namang bumagay sa babae at lahat ng mga nadadaanan nito'y napapatitig at napapa-wow sa taglay nitong ganda lalo na sa pagdadala nito ng suot na gown.
Hindi rin naman patatalo ang ina nitong naka-red sequin trumpet evening dress, Backless iyon hanggang sa may beywang at v-neck kaya hantad ang makinis nitong balikat at likod, bagay na bagay sa sexy nitong katawan.
Subalit bakit kaya sila balisa ng mga oras na 'yon at pilit ang ngiti sa mga labi habang tila may hinahanap sa buong paligid kasama ang mga magulang ni Vendrick?
"Mommy, where is Vendrick? I haven't seen him here yet," yamot nang tanong ni Chelsea, nagkakandahaba na ang leeg sa pagtanaw sa buong paligid makita lang ang hinahanap ngunit pilit pa rin ang ngiting pinapakawalan pag binabati ng mga bisita.
"Relax darling. Andito lang siya. Baka magkasama ni Gab," anang ina, halatang pinagsisikapang pakalmahin ang anak saka nababahalang bumaling kay Cielo, isang metro lang ang layo sa mga ito.
"'Di ba sabi mo, andito lang ang anak mo? Nasaan na siya ngayon?"gigil na bulong ni Keven sa katabing asawang panay dutdot ng phone nito, kung sino-sino nang tinatawagan para lang mahanap ang binata.
"My God, relax okay?" naiiritang sambit ni Cielo. "I'm trying to find him." May diin na sa mga salita nito.
"Kanino mo pa sinasabi 'yan. You're trying to find him. You're trying, pero hanggang ngayon, 'di mo pa rin mahanap." Mas lalong madiin ang mga salitang lumalabas sa asawa nito kahit pabulong lang ngunit nag-iba ang ekspresyon ng mukha nang lumapit ang mga magulang ni Chelsea.
"Shall we start the party?" ani Vick.
"Ahm... okay," alanganing sagot ni Keven at tinawag na ang Emcee para simulan ang party.
"Unahin mo muna ang pagpapakain sa mga bisita, baka nagugutom na ang lahat," utos nito sa EMCEE na agad namang tumalima at umakyat sa stage para sabihing ready na ang dinner for the night.
"Tito, 'di ko pa rin po nakikita si Drick. Asan na po ba siya?" gusto nang magdabog ni Chelsea sa inis lalo nang tignan ang wristwatch nito't malamang mag-aalas-otso na.
Kinalabit na ni Keven si Cielo para sumagot.
Matamis naman ang ngiting pinakawalan ng ginang saka hinagod ang braso ng dalaga.
"Don't worry, Chelsea. He's coming. Merun lang segurong pinuntahang emergency," paliwanag nito.
"Emergency?" Muntik nang mapalakas ang boses nito. "But Tita, we've been here for more than four hours now. Pero look, I couldn't even find his shadow!" gigil na nitong reklamo 'di na itinago ang nararamdaman, para pang sinisisi ang ginang sa nangyayari.
Matamis na uling ngumiti ang ginang saka pasimpleng binulungan ang dalaga.
"Don't forget that this is your choice, darling. If I heard correctly, you told us he's under your control, what you wish is his command. And now you're complaining that he isn't here? You don't even know where he is. Isn't it a slap on your face, huh?" May diin na sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng ginang subalit nakangiti pa ring tila nanunuya.
Namula ang pisngi ng sinabihan, halatang napahiya ngunit nagawa pa ring ngumiti sa kausap.
"I-- I'm sorry po Tita, but I think you're right po, baka may emergency lang po siyang pinuntahan. Let's just wait until he comes." Matamis na din ang ngiting iginanti nito sa ginang saka kumapit sa inang busy sa pakikipagbeso-beso sa mga kakilalang naruon, 'di narinig ang usapan ng dalawa kahit nasa malapit lang.
Tumaas lang ang kilay ni Cielo at muling pinindot ang hawak na phone ngunit sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti.
Kinalabit ito ng asawa.
"Are you sure you had nothing to do with this?"
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Cielo sabay matalim na tumitig sa lalaki.
"Are you accusing me? Nakita mo ba akong nawala sa paningin mo ngayong araw?"
Nilamukos ng asawa ang mukha. Kung ando'n seguro sa harap nito si Vendrick baka nalugmok na sa sahig ang binata sa sobrang galit ng ama pero nang maramdamang puno na ng pressure ang buong paligid at pati ang katabi ay nagagalit na ri'y tumalikod ito't nagmadaling umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ng anak, naghanap ng clue kung saan nga ito nagpunta, ngunit nanatili itong bigo.
************
heto si Vendrick, dalawang oras nang kasama ng lolo nitong nangangaroling sa Luneta kahit may bukol sa mukha, sumasayaw habang kumakanta. Sina Lorie at Marble naman ay taga-tugtog ng kutsara't tinidor hanggang sa mapuno ng puro barya ang dala nilang tabo sa mga hulog ng nagsisispagmasid sa kanila.
Tuwang-tuwa ang matanda pagkatapos.
Ang kanyang Ate Lorie nama'y 'di nagpahalatang lumayo sa karamihan takip ng palad ang bibig at panay duwal sa gilid.
Si Marble ay umupo sa tabi ng alaga at tinulungan itong magbilang ng barya.
Si Vendrick? Tumabi lang naman ito sa kanya sa pagkakaupo sa bermuda grass kung saan nakalatag ang malapad na picnic mattress.
Nagtaka pa siya nang ihilig nito ang ulo sa kanyang balikat saka ipinulupot ang isa nitong kamay sa kanyang beywang.
"Ano ba 'yan, ang init!" reklamo niya sabay tapik sa kamay nito saka siniko para lumayo sa kanya.
"I'm tired, let me sleep for a while," mahina nitong sambit na tila nga napagod kaya hinayaan niya na lang.
"Nanay, may pambayad na po tayo sa doktor. Maipapaputol na po natin ang mga pangil mo," masayang wika ng matanda saka bumaling sa kanya ngunit nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ng binata.
"Nanay, tulog na po ba 'yang ulis?" pabulong nitong tanong nang 'di magising ang binata.
Tumango siya.
"Pagod daw siya," pabulong din niyang sagot saka sinulyapan ang mukha ng binatang panatag na nakapikit at normal ang pagtaas-baba ng dibdib.
Maya-maya'y gumalaw ito, niyapos na siya.
"Ang init, ayy! Para kang bata kung makapulupot," angal niya ngunit wala namang ginagawa pala sawayin ito, hinayaan lang na gano'n ang kanilang ayos.
"Marble--" narinig niyang tawag nito.
"Ano?" mahina ngunit yamot niyang sagot.
"Bakit ang pangit mo?"
Mangani-nganing itulak niya ito't tadyakan sa inis niya, pero nakapagtatakang sa halip na manggigil rito'y bigla siyang napangiti.
"Nanay, uuwi na po ba tayo?" tanong na uli ng matanda.
"Later, Lo. Let's sleep here tonight," tila tintamad na sabad ng binata.
"Ano? Dito tayo matutulog?" gulat niyang sabad.
Nanatiling itong nakapikit pero sinenyasan ang guard sa di-kalayuan na agad namang tumalima at umalis. Pagbalik ay merun nang malaking tent na dala, ito din ang nagtayo niyon habang nasa loob silang tatlo at isinabit nito sa may bandang taas ang isang wireless LED bulb upang maging maliwanag sa loob niyon.
Ilang minuto lang ay sila na lang tatlo ang kanyang nakikita na tila ba biglang tumahimik ang buong paligid at ang matanda'y nakaramdam na din ng antok saka bumaluktot ng higa sa mattress, ginawang unan ang isang braso hanggang marinig niya itong humaharok.
Sampung minuto marahil ang dumaan nang pumasok sa tent ang kababayan, nagulat pa sa bumungad rito at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Vendrick.
"Sabi mo 'di kayo close?" anito.
"Hindi nga. May bayad 'tong ginagawa niya sa'kin, isandaan kada minuto," pasimple niyang sagot.
Hindi na ito nangulit at tila hapung-hapong napaupo.
"Ano'ng nangyari sa'yo, Ate? Nagugutom ka ba?" puna niya.
"Ewan ko, parang bigla akong nahilo at naduwal. Mawawala din 'to," sagot nito saka pabaluktot ding nahiga sa picnic mattress.
"Gisingin mo na lang ako 'pag uuwi na tayo ha? Iidlip lang ako," sabi sa kanya at pumikit na.
Naiwan siyang nakatitig sa kawalan. Ang saya nila ngayong araw. Picture dito, picture do'n. Halos 'di nila namalayang gabi na pala. Kumain lang sila tapos nagsimula nang mangaroling hanggang sa gan'to na ang naging ayos nila ngayon.
Napapangiti siyang mag-isa sabay sulyap sa mukha ng binatang nakatulog na yata sa kanyang balikat ngunit mahigpit pa rin ang pagkakayapos sa kanya.
"Binbin, uwi na tayo," yaya niya.
Ungol lang ang isinagot nito.
Niyugyog niya ang balikat nito.
"Uwi na tayo, Binbin," sambit niya.
Umungol uli ito.
"Let me just hug you, honey," pabulong nitong usal na halos 'di niya marinig sa hina ng boses nito, halatang inaantok talaga.
Nagtataka na siya, kanina pa ito "Honey" nang "Honey". Naalala niya tuloy nang iligtas siya ni Gab, tinawag din siyang Honey ng huli.
"Sige na nga," pagsuko niya ngunit kung kelan siya tumahimik at napapikit ay 'di niya namalayang saka naman ito nagdilat ng mata't mataman siyang tinitigan, ang kanyang mga matang nakapikit, ang mahahaba niyang pilikmata na bumagay sa kanya, ang ilong niyang matulis pero maliit kesa sa karaniwan, ang mga labi niyang mas manipis ang taas kesa sa ilalim, mapupula ngunit wala namang lipstick.
"Marble--"
Narinig niyang tawag nito ngunit parang napapasarap na rin at napapalalim ang kanyang pagkaidlip kaya ungol lang ang kanyang isinagot hanggang sa maramdaman niyang may dumaramping balat sa kanyang noo ngunit wala na siyang lakas na pansinin iyon pagkat tila na siya idinuduyan sa antok hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
"Marble, I think I already like you," he mumbled in her ear but she was already fast asleep.