Xander's lips touched hers like a feather brushing softly. The kiss almost made her cry. Is this his way of telling her how he feels? She knows he might be in trouble dahil sa ginagawa nito ngayon, but having him close like this makes everything seem alright, na para bang walang ibang mahalaga kundi sila lamang dalawa.
Muling tumingin si Xander sa mga taong manghang nanonood sa mga kaganapan na tila ba isang pelikula sa sinehan.
"I'm taking full responsibility for everything, kaya kung maaari lamang, ay huwag ang asawa ko ang pag initan ninyo"
Asawa ko... This is the first time Beatrix heard him use the term. Kaysarap sa pandinig, pakiramdam niya ay walang kahit na sino ang maaaring makapanakit sa kanya dahil naroroon ito sa kanyang tabi, protecting her.
"What's going on here?" The dean, who just came to the canteen asked. Makikita ang galit sa mukha nito "everyone get back to what you were doing! Paaralan ito at hindi isang entablado!" binalingan nito ng tingin si Xander, at maging siya. "I believe we have a lot to talk about, Mr. de Silva. I will see you in my office!"
She worriedly looked at her husband. Pinisil nito ang kanyang kamay and gave her a re-assuring smile.
*****
Xander slowly opened the tiny box he was holding in his hand. Kulay rosas ang kahita na mayroon maliit na ribbon sa ibabaw. The diamonds on the ring sparkled under the office lights. He sighed, alam niyang problema ang kanyang kinakaharap at maaari siyang mawalan ng trabaho dahil sa ginawa.
Ngunit ano pa man ang kapalit ng ginawa niya, hindi niya kailanman maaaring pabayaan si Beatrix. He can't let her suffer the backlash of his actions and decisions. Kasalanan naman talaga niya ang lahat ng ito kung tutuusin, if he had been honest with the school that he was married to her, wala sanang magiging ganitong suliranin.
"You've really lost your mind" ani Frances na noon ay sumulpot sa entrada ng faculty room. Nasa mukha nito ang sakit, her eyes were red and it looked like she just came from crying. Her eyes lingered on the box he was holding.
"Frances..." mahinang tawag niya sa pangalan nito. He placed the box back in his drawer at isinara iyon.
"Ngayon mo sabihin sa aking hindi ka pa nahulog sa bitag ng babaeng iyon!"
"Frances, huwag dito please"
"Bakit? nahihiya ka?" she gave out a mocking laugh "at sa maliit na pagtatanghal mo kanina, hindi ka nahiya? I never expected that you'd put yourself in this position just because of that bitch!" mapait na sabi nito. Her eyes became misty again.
He would lie kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang kirot kapag nakikita niyang ganito ang anyo ng dating katipan. Frances had not only been a girlfriend for the past 2 years but a good friend as well. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niyang tao, she had been a great support for him throughout the years. The last thing he'd want to do is to hurt her like this.
Damn it! This is so fucking messed up! mura niya sa isip.
"was it you who circulated the flyers?" tanong niya. Malakas na ang hinala niyang si Frances ang nagpakalat ng mga larawan, nais lamang niyang kumpirmahin ang hinala.
"What if I said yes?" hamon ni Frances
Inilamukos niya ang mga kamay sa mukha "bakit Frances?"
She quickly went up to him at sinampal siya.
"bakit?" balik tanong nitong umiiyak "ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo Xander! bakit?!"
"Please, let's talk about this in private. Sa Biyernes, magkita tayo, we need to talk" pakiusap niya
Tumiim ang bagang ni Frances kasabay ng pagpahid nito ng mga luha. "Puntahan mo ako sa bahay, kung gusto mo akong makausap. I suppose you still know my address?" lumabas na ito ng faculty room nang magsidatingan ang ilang mga guro doon.
That afternoon, Beatrix and Xander sat in the Dean's office for a meeting. Xander held her hands the whole time, giving her assurance that everything will be fine.
"Ano ang ibig sabihin ng mga nangyari, Xander?" panimula ni dean Asistio, madilim pa rin ang mukha nito. Tinanggal nito ang salaming suot at inilapag sa malaking desk nito.
"I'm sorry for not telling you about my wife, Mr. Asistio" hinging paumanhin ni Xander "I didn't think it would be a problem"
"You know the university's policy, Xander. We don't accept spouses here kung ang isa ay magiging propesor at ang isa ay estudyante. That would be a conflict of interest"
"Yes, dean. Muli ay humihingi ho ako ng paumanhin" magalang na sagot ni Xander
Bumuntong hininga si Mr. Asistio "You are one of the best profs here, Mr. de Silva, labis akong manghihinayang kung mawawala ka sa work force namin" the old man paused and glanced at Beatrix "kaya naman hihilingin ko sanang si Mrs. de Silva na lamang ang mag transfer ng paaralan"
Napatingin siya kay Xander. He didn't say anything ngunit nanatiling mahigpit ang tangan nito sa kanyang kamay.
"O-okay lang po, as long as Xander gets to keep his job. Wala pong kaso sa akin-"
"No." putol ni Xander sa kanyang sinasabi "I'm sorry Mr. Asistio, but my wife needs to continue her studies here. There's no other university in this area as good as SGU"
"But Xander... what about I study back in Manila for the meantime?" she suggested. Hindi niya talaga gustong mawalan ito ng trabaho dahil sa kanya. Alam niyang hindi pa handa ang bukirin nina Xander para sa nais nitong negosyo with Arthur. She doesn't want to drag Xander down like this.
"No!" mariing tanggi nito "You can't go back to Manila and leave me here, Princess"
Sabay silang napatingin kay Dean Asistio ng tumawa ito. Parehas silang nalito ni Xander sa reaksyon ng matanda.
"Oh you youngsters!" naiiling na wika nito habang tumatawa pa rin "I could tell that you are newly married. Hindi pa kayo mapag hiwalay eh. Oh! the beauty of love!" muli nitong isinuot ang salamin at tinignan silang dalawa. "Since you're only here for a temp position Xander, I will let you finish your contract. However, you must never show any PDA while in the campus!"
"Thank you so much sir!" naunang bulalas ni Beatrix. Nakahinga siya ng maluwag na hindi masisisante si Xander mula sa trabaho, this way, Xander will still have a few months to finish his work contract at SGU habang inihahanda nito at pinag iipunan ang negosyong nais simulan.
Tumayo na ang dean at kinamayan silang dalawa.
"Again, Mr. de Silva, NO PDA" idiniin nito ang huling salitang binitawan bago nakangiting lumabas ng opisina.
Beatrix let out a sigh of relief habang pasaldak na muling naupo sa couch na naroroon. Naupo rin si Xander sa tabi niya at inakbayan siya.
"hey! you heard the dean! No PDA!" biro niya dito na sinabayan ng panlalaki ng mga mata.
She attempted to remove his arms around her ngunit lalo siya nitong kinabig palapit "may nakikita ka bang ibang tao dito ngayon? hmm?" he asked and sniffed her neck. His breath gave her delicious sensation that travelled through her body, nanayo ang mga mumunting balahibo niya.
"Xander!" napatayo siya sa kinauupuan sa ginawa nito "be serious okay! buti nga hindi ka na fire from your work!"
He chuckled at marahan siyang hinila muli paupo sa tabi nito.
"But seriously though...why did you do it? alam mo namang malalagay ka sa alanganin, di ba?" she asked, umaasang mamumutawi na sa wakas mula sa labi ng binata ang tatlong salitang pinaka aasam asam niyang marinig.
"You'll know" he paused and pinched her nose "on Saturday"
"what? bakit Sabado pa? bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" pangungulit niya rito
"I have something important to do first on Friday, pagkatapos noon, malalaman mo ang lahat sa Sabado"
"hmp! binibitin mo pa eh!"
"basta! huwag ng makulit, Mrs. de Silva, okay?" nakangising sagot nito.
*****
Biyernes ng gabi ay bumuhos ang malakas na ulan na sinamahan pa ng matatalim na kidlat at kulog. Beatrix hid underneath her blanket, takot kasi siya sa kulog at kidlat. Sa kamalasan naman ay nawalan pa ng kuryente! Mabuti na lamang at mayroon silang rechargeable na lampara sa bahay at fully charged din ang cellphone niya.
Nasaan ka na ba, Xander? Tinignan niya ang oras sa kanyang telepono. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin ang asawa. Ilang ulit na niya itong sinubukang tawagan ngunit hindi niya ito makontak. Ang sabi nito sa kanila ni Inang kanina ay medyo gagabihin ito ng uwi, ngunit hindi niya inaasahang aabutin ito ng hatinggabi! Nagsisimula na siyang mag alala, nasaan na ba ito? Baka kung napaano na ito?
Kumatok siya sa kuwarto ng biyenan upang magtanong kung tumawag o nag text ba si Xander dito, ngunit ayon sa matanda ay wala rin daw itong paramdam at hindi rin niya makontak. Gusto na sana niya itong hanapin ngunit hindi naman niya alam kung saan ito naroroon.
Hindi na alam ni Beatrix kung anong oras na siya nakatulog sa paghihintay kay Xander, ngunit hindi ito dumating.
"huwag kang masyadong mag alala, hija. Sigurado akong may magandang rason ang asawa mo kung bakit hindi siya nakauwi" anang ina ni Xander sa kanya, magkaharap silang dalawa sa hapag at nagkakape.
Alas otso ang pasok niya sa eskuwelahan at gusto sana niyang makita muna si Xander na dumating bago siya umalis papasok sa escuela. Gusto niyang malaman kung ano ba ang eksplanasyon kung bakit hindi ito nakauwi, ngunit hanggang sa makaalis siya ng bahay ng umagang iyon ay walang Xander na dumating.
Sa library iginugol ni Beatrix ang kanyang vacant period. It was almost lunch time kaya't kakaunti lamang ang tao sa lugar na iyon. She took out her phone from her bag at nag text muli sa asawa. Hindi na niya mabilang kung ilang texts at tawag ang nagawa niya mula pa kagabi ngunit hindi ito sumasagot. She's giving him until 7 tonight, kapag hindi pa ito bumalik ay magtutungo na talaga siya sa pulis upang ipa-blotter ito.
She felt someone seat across from her at the desk. Nag angat siya ng paningin sa pag aakalang baka si Xander na iyon. Her excitement turned to disappointment nang si Frances ang makita. The woman was sitting comfortably and has the poker face expression on her face.
She gathered her bag and decided to leave, hindi niya gustong makasagutan ito. Hindi lingid sa kaalaman niyang ito ang may pakana ng eskandalo earlier this week with the flyers. Bagaman hindi na siya nagreklamo sa paaralan para hindi na lumaki pa ang issue, ay alam niyang dapat na lamang niya itong iwasan upang hindi na ito gumawa pa ng kung anong kalokohang maaaring makasakit sa asawa niya.
"Gusto sana kitang makausap" mahinang wika nito
"Maybe next time" tipid niyang sagot and turned her back to leave
"Nakauwi ba si Xander kagabi?"
Natigilan si Beatrix sa sinabi nito. How did Frances know na hindi nakauwi si Xander sa bahay?
She slowly turned around to look at the woman who was sitting calmly "ano'ng ibig mong sabihin?"
Frances's mouth twitched into half a smile at isinenyas nitong maupo siya. Walang salita itong may inilapag na isang paper bag sa kanyang harapan.
"Can you please give this back to Xander? naiwan niya sa bahay kagabi" makahulugan siyang nginitian nito.
Beatrix's body turned cold. Ano ang ibig sabihin ni Frances? Magkasama ba ang mga ito kagabi? N-no! This woman's lying!
"Iniisip mo siguro kung magkasama kami kagabi?" anito na para bang nabasa ang nasa isip niya.
Iniusog nito palapit sa kanya ang paper bag "go ahead ang look inside" Frances said in a confident tone.
Beatrix hesitantly opened the paper bag and peeked inside. With trembling fingers ay dinukot niya ang laman niyon at bahagyang hinilang palabas. She gasped. It was the blazer coat that Xander was wearing yesterday!
Padaskol niyang muling isinaksak papasok sa paper bag ang piraso ng tela at matalim na tinignan si Frances "Nasaan si Xander? nasaan ang asawa ko" she said giving emphasis to the word 'asawa'.
Nagkibit balikat si Frances "madaling araw na siyang umalis kanina after.... you know...." may malisya ang salita nito at pinagsalikop ang dalawang kamay sa mesa.
"You bit-" she stopped mid-sentence ng mahagip ng paningin ang singsing na suot ng babae sa palasingsingan.
Hindi siya maaaring magkamali! The bitch is wearing the eternity ring that Xander secretly bought when they went to the city! Lalong tila dinurog ang puso niya! To think that she assumed na para sa kanya ang singsing na iyon!
"Oh, I guess you know about this ring?" anito na hinimas ng daliri ang piraso ng alahas na iyon "Xander has always been sweet and affectionate" Frances said grinning.
"Y-you're lying!"
"Your 1 year of time limit is almost up anyway, Beatrix" Frances paused and eyed her defiantly "Sandali na lang din naman bago ipawalang bisa ni Xander ang kasal niyo. And now, he has already made his choice clear"
"Hindi ako maniniwala!" she said determined "not until I hear it from him" taas noo niyang sagot dito
Nakakainsultong tumawa ito "Go ahead and make a fool of yourself, Bea! Did you really think Xander will pick you over me? Listen to me dear and do yourself a favor..." inilapit nito ang mukha sa kanya "save yourself from humiliation and run away from here as far as you could. Go back to your world bago si Xander ang dumispatsa sa iyo!"
Tumaas bumaba ang dibdib ni Beatrix sa matalim na paghinga. Naikuyom niya ang mga kamay sa pinaghalong galit at sakit. Kung nakamamatay lamang ang tingin, she's sure Frances would have been a goner!
Prente itong sumandal sa kinauupuan bago muling nagsalita "what do you think it means when Xander spent the night with me and gave me this ring?" there was a triumphant smile on the woman's face as she lifted her hand up showing the ring glittering on her finger.
Beatrix froze. May tila isang malaking kamay na dumaklot sa kanyang puso, at walang awang piniga iyon. Her face turned pale kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga mata. Gaano man niya hindi gustong paniwalaan si Frances ay taliwas ang sinasabi ng lahat ng ebidensyang nagsusumigaw sa kanyang harapan!
Bago pa tuluyang pumatak ang mga luhang tinitimpi niya at mapahiya sa harapan ni Frances ay mabilis siyang tumakbo palabas ng library, uncaring whether she made yet another scene in this damn school!
Why Xander, why?!