Last day, nagmall ako meron lang sana akong pupuntahan sa bandang 2nd floor mas malapit sana kung maghahagdan na lang ako kaso tinatamad naman ako umakyat baba sa hagdaan. So pinagiisipan ko pa kung mag escalator or elevator na lang ako.
Pero nag escalator nako ganon din naman tatayo ka lang aandar kana sa kinatatayuan mo.
So pagsampa ko sa unang baitang gumalaw galaw ako kasi mayroon akong sinisipat. Biglang naipit yung sapatos ko sa bandang unahan, hindi ko alam gagawin ko that time.
Katangahan ko naman kasi kung bakit ang saladsad ko hindi ako magdahan dahan.
Grabe kabog ng dibdib ko malapit na ko sa taas at hindi pa rin natatanggal yung sapatos ko sa pagkakaipit nito then naisip ko na tanggalin ko ang pagkakasuot ng ng paa ko sa sapatos then saka ko hinila ito ng pwersa. Kahit nakakahiya sa mga nakasabay ko ginawa ko na yon at baka sa sobrang bwiset ko masira ko pa escalator. Nanggigigil ako sa escalator non!
But it felt good to do something na nakakahiya at nakakatakot. Kasi I felt so brave that time!