BABALA: Ang sumusunod na kabanata ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad at sa mga sensetibo sa mga paksang pang-aabuso, at krimen.
Samantala...
"No michosso? Ya geuga jugotttago haetjjana! Wae ajik sara inneun goji?!" (Baliw ka ba? Ang sabi mo sa akin ay patay na siya! Bakit buhay pa siya?!) sigaw ng isang babae sa isang abandonadong warehouse na may kalayuan sa mataong lugar kaya hindi sila naririnig.
"M-mianhe!" nanginginig na sagot ng matandang babae. Napahiyaw ito ng biglang paluhin ng lalaki ang kanyang tuhod. "Jinjja mianhe," mangiyak-ngiyak na saad nito.
Maya- maya ay biglang sumigaw ang babae habang may kausap sa kanyang cellphone.
"Mworago?! (Anong sabi mo?)" nanggagalaiting tanong nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata na punong-puno ng galit at puot. Nagmistulang demonyo ang mukha nito na pati ang kasama nitong lalaki ay napaatras sa takot.
"W-wae?" nanginginig na tanong ng lalaki. Ngumisi ang babae saka bumaling sa matandang babae na nakalupaypay sa malamig na sahig. Duguan ito mula sa palo at suntok na inabot. Ni hindi na nito maidilat ang namamagang mata at umuungol ng saklolo.
Lumuhod ang babae saka hinablot ang buhok ng matanda. Napasinghap ang lalaki ng biglang itutok nito ang baril sa ulo ng halos walang buhay na matanda.
"Nan jigeum nol jongmal jugigo sipo. No ttaemune Wonhineun saraitkko haengbokada. Siro! Naneun geuga haengbokaejineun goseul wonhaji anneunda! (Gusto kitang patayin ngayon. Buhay at masaya si Wonhi dahil sa yo. At ayoko yun! Ayoko siyang makitang masaya!)" mariing bulong ng babae sa matanda na umuungol sa sakit.
Hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae sa takot na barilin nito ang matanda. Pag nangyari iyon, siguradong may makakarinig dahil hindi nakakabit ang silencer nito at ayaw niya itong mangyari. Ayaw niyang bumalik sa bilangguan.
"Geumanhae! Nuga urireul yogi bogi jone gaja. Ojjaettteun geunyoneun jugogago ittta.(Tama na yan! Umalis na tayo bago may makakita sa atin. Di bale, mamamatay na rin naman siya.)" malumanay na sabi ng lalaki.
Kumalma ang babae at linisan nila ang lugar na iyon. Iniwan nila itong naliligo sa sariling dugo.
...............x.x.x.............
Kinaumagahan, maagang gumising si Jei. Binisita muna niya ang kanyang nobyo para linisin ang kanyang sugat. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang binata. Ewan niya ngunit bigla siyang nakaramdam ng pananabik at wala sa loob na hinalikan ang binata.
Nakangiting nagmulat ng mata si Wonhi habang si Jei ay parang sinisilihan sa kinauupuan.
"Hmmm... Rain should know that you are the one who attacks me in my sleep," tukso ni Wonhi.
"Ano ba Jei, ba't ang tanga kahit kelan?" nagsisisi niyang sabi sa sarili. Ano na lamang ang sasabihin ni Wonhi sa kanya. Akmang tatayo si Jei ng mabilis na hinawakan ni Wonhi ang braso nito.
"Not so fast, love. Where do you think you're going?" nanunuksong saad ng binata.
"Uhm... I have to eat my breakfast and prepare for work," nanginginig na sagot ni Jei. Tumingin si Wonhi sa wall clock na nasa pader malapit sa pintuan saka bumaling sa dalaga.
"I was just kidding. Sit down. We still have plenty of time," masuyong saad ni Wonhi. Umusog pa siya para bigyan ng espasyo ang dalaga.
"Right! Let me clean your wounds then," saad ni Jei. Tumango ang binata ng makitang dumugo ang kanyang sugat.
"What do you want for breakfast?" tanong ni Jei pagkatapos niyang maingat na lininis ang sugat ng binata.
"Any can do?" sagot nito. Nasa pintuan na ang dalaga ng tawagin siya ni Wonhi.
"Yes?" tanong ni Jei ng bumaling sa binata.
Nakangiting umiling si Wonhi. Nailang si Jei sa titig ng binata sa kanya.
"Crazy," sambit ni Jei upang putulin ang nakakaasiwang sitwasyon.
"Maybe I am... with you," saad ni Wonhi. Natawa si Jei sa sinabi nito lalo ng kumindat pa si Wonhi.
Masigla siyang pumunta sa kusina upang magluto ng kanilang agahan. Halos mapasigaw siya sa gulat ng maabutang nagkakape ang kanyang kuya habang nagbabasa ng diyaryo. Muntik na ring matapon ang kape ni Rain dahil sa reaksiyon ng kapatid.
"Ang OA mo, Jei! Anong akala mo sa akin? Multo?" kunot ang noong saad ng binata sa kapatid. Nagkatinginan sila bago napuno ang kusina ng kanilang malulutong na halakhak.
"Sorry kagabi, kuya. I shouldn't have stormed off," maya- maya ay saad ni Jei. Magkatulong silang naghahanda ng kanilang iluluto. Nagpasyang iprito ni Rain ang minarinate niyang pork chops habang si Jei ay naghahanda upang isangag ang natirang kanin kagabi. Nagsaing na rin siya.
"Nope. I should be the one to apologize. I should have listened first. Well, I think I just wasn't ready to see my little sister taken away from me," paliwanag ni Rain.
"Kuya naman. We're couple but it doesn't mean na ikakasal kami. Who knows what lies ahead?" sagot naman ni Jei.
Umiling ang kanyang kuya. "Can you pass me the oil, please?" saad ni Rain sa kapatid habang pinapainit ang frying pan. "Thanks! What do you mean the future is uncertain?"
"Well, baka hindi kami ang para sa isa't isa. What if we wake up one day realizing how unfit we are?" sagot ni Jei. Natawa ang kanyang kuya sa kanyang sagot. Gamit ang food tong ay biglang inipit ni Rain ang tungki ng ilong ni Jei. Napahiyaw sa sakit ang dalaga habang panay ang tawa ng kanyang kuya.
"What's that for?" sigaw ni Jei habang pinupunasan ang nabahiran ng mantikang ilong.
Nagkibit- balikat si Rain saka bumaling sa ipiniprito. "I just wanna wake you up," saad niya.
"Hindi po ako tulog," nakasimangot na sagot ni Jei.
"Not literally, sis. Ginigising ko logical reasoning mo," natatawang sabi ni Rain.
"What?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Little sis, the future might be bleak but you can make it clearer. Every choice you make today greatly affects your future. Same with relationships. Lahat ng relasyon ay walang kasiguruhan no matter how long you've known each other," paliwanag ni Rain.
"Bakit yung iba, they are working so hard to keep the relationship, but ended na sawi sa pag-ibig?"
"Coz they forgot na ang relasyon ay pandalawahan. AS they work so hard to keep the relationship, they tend to forget their partner's feelings. At this point, they have to choose whether to keep the relationship or let it go."
"If they let it go, aren't they selfish na ang iniisip nila ay kanilang pansariling kaligayahan lamang? Paano kung may anak sila? If they love their family or their partner, why can't they sacrifice their personal happiness?"
"That's it! The question truly is would you stay if the love isn't their anymore? Wouldn't it be more selfish that way?"
Hindi makapagsalita si Jei sa punto ng kanyang kuya kaya tahimik lang siyang nagsasangag. Napaisip tuloy siya.
"Jei, understand this. Love alone can't keep the relationship going. Love might be the fuel but trust and respect are the keepers. Without these two, your relationship will surely crumble. Besides, all relationships experience burn out or temptations causing one to fall out of love from their partners pero bakit nagsusurvive ang kanilang relasyon? Simple lang, they chose to stay. How far your relationship go is your choice. So, kung ngayon pa lang ay puno ng 'what ifs' ang isip mo, I could see a turbulent relationship ahead."
Maghapong naging balisa si Jei dahil sa pangaral ng kanyang kuya. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung kaya nga ba niyang magtiwala sa relasyon nila. Kaya ba niyang pagkatiwalaan ang pagmamahal ni Wonhi sa kanya. Paano kung nadala lamang ang binata ng sitwasyon? Paano kung bumalik ang alaala nito at sibihing di na niya ito mahal? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo para dito.
Dahil sa katanungang bumabagabag sa kanyang iaip ay di niya napansin si Korain na nakangiting lumapit sa kanya.
Pinitik nito ang daliri sa harap ng dalaga kaya nagising ito sa pagmumuni- muni. "Are you okay?" tanong ni Korain. Marahang tumango si Jei ngunit di siya nagsalita.
"I guess you're not. Care to tell me about it? I am a good listener," alok ng binata. Nagdalawang- isip si Jei kung sasabihin sa binata ang problema o hindi. Saka niya naalalang ayaw ni Wonhi na nakikitang lumalapit siya dito kaya ngumiti siya saka nagpaalam.
"Thanks for the offer but I am really okay. I'm just exhausted. See you around," saad niya dito. Malungkot man ay tumango na lamang si Korain sa palayong dalaga. Kung alam lang sana ni Jei ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Napabungtong- hininga ang binata habang sinusundan si Jei ng tingin.