webnovel

Alden (Full house)

Kinagabihan

Dahil sa inis at pagod ay nakatulog agad si Alden sa kanyang malambot na kama.

Nagulat si Alden ng biglang may kamay na humaplos sa kanyang mukha.

Kaya dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata upang makita kung sino ang nag mamay-ari ng malalamig na kamay na iyon na animo'y pinaghehele siya.

Gulat ang mga matang nakatingin sa isang direksyon si Alden.

"M-mommy???? I-kaw? Po ba yan???" May luhang wika ni Alden.

"Oo anak ako nga ito!!!" Ngiting wika ng isang babaeng humaplos sa pisngi ni Alden.

"I-ikaw...??? Nga mommy!!! " biglang naging animo'y bata si Alden ng yumapos sa kanyang mommy.

"Anak alam mo ba? natutuwa ako dahil nakikita ko na nagbalik ka na sa pagiging si Alden ko yung masayahin at mapagbigay? Kung anak? I'm so proud of you my son!!! " ngiting wika ni Mommy Ruby.

"Mommmm!!!!!!!! Sorry sorry!!!!!!!! Dahil naging matigas ang puso ko at hindi ko kayo pinakinggan mommy namatay kayo ng wala ako!!! Napakawalang kwenta kong anak mommy tulad ng nangyari kay Maine Mommy hinayaan ko lang siya mamatay!!!!" At dumagundong ang iyak ni Alden.

"Anak hijo!! Don't blame yourself hindi mo kasalanan at ng kahit sino ang pagkamatay ko ay talagang tinakda na ng diyos. Lahat ng tao bagay hayop ay mawawala rin in the end. Pero alam mo anak proud ako sayo dahil kahit namatay ako ay hindi ka nagalit sa diyos.. at dahil diyan hindi ka pinababayaan ng diyos alam niya kung sino ang taong magpapaligaya sayo... kahit wala na ko... meron parin iniwan si god para sayo!! " malalim na wika ng mommy ni Alden...

"W-what do you mean?? Si dady po ba.

"Hindi siya hijo!!!! Kundi ang babaeng pinakamamahal mo!!!!" Ngiting wika nito sa anak na si Alden.

"Sino? Mommy? Dalawang babae lang ang minahal ko si clarisa? At si Maine na sobra kung minahal at pinanabikan makitang muli." Wika ni Alden sa mommy niya.

"Malalaman mo rin hijo sa tamang panahon malay mo sa dalawang babae na yun eh isa sa kanila ay hindi naman talaga na wala?? Lawakan mo ang isip mo at ang gamitin mo sa paghahanap ay ang iyong puso dahil yan lang ang susi sa kaligayahan iyong ninanais....anak " ngiting wika ng mommy ni Alden.

"Mommy? What do you mean by that???? Isa kila Clarissa? At Maine? Eh buhay????? At nasa paligid ko lang????" Manghang wika ni. ALDEN.

"Anak ang diyos ay hindi natutulog at alam .niya na ang hiling mo bago ka pa humiling sa kanya pagkatiwalaan mo ang diyos dahil may magandang plano siyang nakalaan sa mga taong binababa ang sarili at nanatiling naka apak sa lupa at patuloy na nanalig sa kanya!" Wika ni mommy niya.

"Yes mommy tatandaan. Ko yan"

Maya-maya ay may narinig si Alden na malakas na lagabog kaya na amaze siya na pagmulat ay wala na ang kanyang mommy.

"Pananginip lang pala.... pero M-ommy!!!?? Ano ang ibig mong ipahiwatig? naguguluhan ako sino ang tinutukoy mo?" Wika ni Alden sa sarili.

Ng maalala na may narinig siyang lagabog sa ibaba.

"Ano kaya iyo ?" Wika ni Alden habang palabas ng kanya g kwarto.

Samantalang

Si Maine ay hindi niya alam kung bakit parang kilala na niya si Alden kaya ng magalit ito sa kanya ay hindi man ito sumigaw pero ang seryosong tono ng boses nito ang nagpanginig ng buong kalamnam niya.

Hangang sa makatulog siya ay dala niya ang takot sa binata.

"Ang ganda naman ng kwentas mo??? San mo yan nabili? Wika ng babaeng walang mukha .

"Po? Binigay lang po ito sakin. Ng taong pinakamamahal ko " Wika naman ng isang babaeng malabo rin ang mukha .

"Ah?. Ganun ba? Kasi galing kami sa mga souvenirs shop wala naman akong nakita niyan ang ganda kasi ng pagkagawa ng shells na yan. " wika ng isang babae na malabo ang mukha.

"Ah? Kasi po binili na po lahat ng lalakeng nagbigay nito sa akin. ANg mga shells na kwintas na ganito pero if you want sayo nalang po ito madami pa naman akong ganito eh """ wika ng babaeng malabo din ang mukha

"Talaga???? You give me that??? Omg!!! Thank you .

At inabot na nga ng babae ang kwintas nito sa isang babae at kinuha naman nito ang kwintas at sinuot.

Maya-maya ay may sumigaw ng holdap. At bago pa nahablot ng lalake na may baril ang babaeng nagbigay ng kwintas sa isang babae ay tinulak na siya ng babaeng pinagbigyan nito ng kwintas .

Sa pagka tulak nito sa babae ay bago ito malaglag sa dagat ay na-umpog muna ito sa bahagi ng yate.. kaya ng malaglag ang babae ay puno ito ng dugo kaya inakala ng lahat ay patay na siya. Kaya dali -daling pinaandar ng driver ang yate dahil sa utos narin ng lalakeng nagpakilalang holdapers ngunit maya-maya ay pagka punta ng yate sa gitna ng dagat ay bigla nalang itong sumabog.

At sa pagsabog na yon nagulat si Maine... nagising sa malalim na pagkakatulog at biglang sa pagmulat niya ng mata ay huli na para malaman na sa pang limang hakbang ng hagdanan ay nagkamali siya kaya naman dirediretcho siyang. Nahulog sa hagdanan.

"Jessie!!!!!!!!!" Sigaw ni Alden pagkakita kay Maine na nakahandusay sa ibaba ng hagdanan at nagpapasalamat siya na ang ulo nito ay sa mismong makapal na karpet na punta.

Dali-daling bumaba si Alden at binuhat si Jessie sa kanyang kwarto at agad naman niyang tinawagan ang kanyang pinsang si Jeffrey na doctor .

Ilang minuto lang ay nandun na si Jeffrey sa full house ni Alden . At napansin ni Alden ang kisapmata ng kanyang pinsan ng makita si Jessie?? At lalo niyang napansin ang malimit nitong pagtitig sa mukha ni Jessie

Ngunit nagulat siya ng maalala ang sinabi ng kanyang mommy na malay niya na isa sa dalawang babae na mahal niya ay buhay pa pala at nasa tabi-tabi lang.

"I--kaw kaya Jessie ang tinutukoy ni Mommy???? " kaya naman naging palaisipan kay Alden ang lahat ng pang-yayari.

Samantalang si Jeffrey ay nakilala agad ang babaeng natutulog at alam niya rin ang totoong pangalan nito dahil ng isugod ito sa hospital ay naroon rin siya para makipag-usap sa doctorang si Tidora na lola nito sakto nang siya ay naroon ng isugod ito at isa siya sa mga katulong ni doctora Tidora ng ito ay. Operahan dahil sa natamong sugat nito sa may ulo. Nuon paman ay malakas na ang dating nito sa kanya . Kaya kahit sa pagbabalik niya ng amerika ay ito parin ang kanyang iniisip. Bumalik lang siya ng pilipinas ng mamatay ang mommy ni Alden.

At ngayon ang mukhang iyon ay labis niyang pinanabikan.

"What's here name again Insan?? " tanong ni Jeffrey na kunwariy di niya alam.

"Hmmmm Jessie!!! Insan bakit?" Wika n Alden na naka kunit ang noo.

"Nothing insan by the way nag sleep walking siya kanina baka may matinding pananginip siyang naranas o may nakaraan siya na mismong instinct niya na ang nagpatakbo ng katawan niya habang natutulog siya. Pero okay naman na siya insan " wika ng pinsan ning doctor

"Ganun ba? Insan salamat ha na naistorbo pa kita mag uumaga na pala.( 3:30 am )" wika ni Alden.

"Wala yun insan ikaw pa? Teka nga pala bakit nadito yang babae na iyan? Magkasintahan ba kayo? Insan?" Malisyang wika ni Jeffret. Na sa totoo lang alam niyang hindi.

"No!! Insan pinakiusap lang siya ng kakilala ko na dito muna . Malaki ang utang at respeto ko sa taong iyon kaya hindi ako nag dalawang isip na pumayag " wika ni Alden.

"Ah kaya pala pano bro alis na ko kailangan ko pang mag-asikaso ng gamit ko pabalik ng US " ngiting wika ni Jeffrey.

"Ah oo nga pala no? Mamaya na ang alis mo tapos inistorbo pa kita sorry insan ha!!!" Wika ni Alden.

Hahahha!!!!! Insan as I said it's okay!!!" Natatawang wika ni Jeffrey.

Ngunit hindi nakaligtas kay Alden ang panakaw na sulyap ng pinsan sa wala parin malay na dalaga.

Napailing nalang siya dahil dito pero nakaramdam siya ng inis at ewan niya kung bakit.

"I know insan kaylangan mo ng partner na masasandalan kapag down ka. Gustohin ko man siya na maging akin.. pero mukhang tinandhana talaga kayo para sa isat-isa.. ayaw ko makigulo sa buhay pag-ibig mo ilang beses kanang nawalan insan. Kaya gusto ko maging happy ka. Tatlong babae na ang kinuha sayo kaya naman sino ako para pigilan ka na muling lumigaya?... ?" Na wika ni Jeffrey sa sarili ng lumabas sila sa kwarto kung saan naroon ang dalagang alam ni Alden ay Jessie ang pangalan.

"By the way insan kahit wala na si Tita. Ramdam ko na nandito parin siya at ang nakakatawa mukhang may pilyo na naman naisip si tita na gawin.. hahahhahah.... bilib na talaga ako kay tita kahit wala na siya sa mundo

Ginagampanan parin niya ang pagiging ina ang swerte mo talaga insan to have a mom like tita Ruby. " mahiwagang wika ni Jeffrey.

"Ha? What do you mean insan?" Takang tanong ni Alden.

Nahihiwagaan siya sa mga sinasabi nito at mas lalo ng maalala niya ng mapananginipan niya ang kanyang mommy.

"Nothing insan.... malalaman mo rin pagdating ng panahon just wait and see the magic of tita's Ruby." Ngiting wika nito bago umalis.

.

Nahihiwagaan si Alden ng pumanhik ulit sa kanyang kwarto kung saan naroon ang dalagang si Jessie.

"Nakakatawa naman bakit may mga bagay na mahirap intindihin? ? Nalilito ako sa mga nagaganap Tulad mo Jessie hindi ko alam kung bakit ka dumating sa buhay ko ginambala mo ang puso at niyanig mo ang mundo ko. Dahil sa tuwing titignan kita ay naalala ko si Maine lalo na kapag nakikita ko ang mga mata mong yan same na same kay Maine ang mata na kung saan hindi marunong magsinungaling tulad ng panahon buhay pa si Maine kitang kita ko sa mga mata niya ang takot sa tuwing nagagalit ako, kapag nalulungkot siya at nakangiti alam ko na nagsisinungaling ang ngiti na iyon dahil tuwing titignan ko ang mga mata niya ay lungkot ang nakikita ko dun na siguro kaya mas naging malupit ako dahil narin. Sa selos selos na hindi ko kayang kontrolin. Ilang beses ko siyang nakitang masaya habang kausap nuon si Shairon pero iba ang ngiti niya kapag ako ang kaharap naghahalo ang lungkot at takot sa mga mata niya " at muli pumatak na naman ang luha ni Alden sa alala na muling bumalik habang nakatingin sa dalagang si Jessie. .

Hindi na namalayan ni Alden na nakatulog na siya habang nakaupo sa silya kung saan nakatabi sa higaan niya at nakayukong naktulog siya sa side ni Jessie.

6:00am

Nang mag mulat si Jessie ay nagulat siya ng makita si Alden sa side ng higaan niya habang nakayuko itong na tutulog. Nakadama ng habag si Jessie. At nang ilibot niya ang paningin sa silid na iyon ay laking gulat niya na iyon ang kwarto ng binatang si Alden. Nang maalala niya na nahulog pala siya sa hagdan.

"So it means siya ang nagdala sakin dito at binantayan niya pa ko? " gulat na tanong ni Maine. sa sarili.

Hahaplosin niya sana ang mukha nito ngunit nagulat siya ng mag mulat ito.

"Gising ka na pala, teka paghahanda lang kita ng makakain " wika ni Alden.. pero seryoso padin ito.

Nahihiyang yumuko nolang siya.

Maya-maya ay bumalik ang binatang si Alden. Na may dalang almusal marami iyon may hotdog at itlog at toccino at sinangag na kanin.

"Here kumain ka muna para mabawi mo lakas mo buti nalang linggo ngayon. Kaya makakabawi ka pa sa pagkakahulog mo sa hagdanan, bakit naman kasi tinulak mo sarili ko dun? " wika ni Alden naka ngiti ito.

At hindi napaghandaan iyon ni Maine. Kaya napa mganga siya.

"Hey!!! Isara mo na nga yan bibig mo? Hala ka baka mapasukan ng langaw ya. Ikaw rin." Ngiting wika ni Alden.

Biglang may eksena siyang nahagip at narinig ng katulad nang sinabi ng binatang si Alden kaya naman muli na naman sumakit ang ulo niya kaya na pasapo siya sa kanyang ulo na kina alarma ni Alden.

"Jessie?? Are you? Okay??? " na wika ni Alden. Sa tono ng oag-aalala.

"Tanging yuko lang ang sagot niya kay Alden.

Tatawag na sana siya ng doctor ng magring ang kanyang phone.

Secretary niya yun at kaylangan daw siya ng kumpanya niya dahil marami siyang kaylangan ireview na mga papeles .

Napabunting hininga si Alden ng muling sumulyap sa dalaga nakita na niyang okay na ito at kumakain na.

Lumapit siya rito.

"Ah Jessie aalis lang ako kailangan daw ako sa kumpanya ko. After that pupunta ko sa show namen na Sunday pinasaya kaya baka hapon o gabi na ko makabalik .. okay ka na ba? Kaya mo ba? Kumilos? " nag-aalalang wika ni Alden.

Tulad ng dati yuko lang ang sinagot nito.gusto man maasar ni Alden ay pinigil niya at umalis nalang at pumunta ng banyo para maligo at makapagbihis ng business suit ng matapos siya ay may binigay siya kay Jessie bago tuluyang umalis.

"Yan ang direct number ko magtxt ka if may kailangan ka ha!!? " wika ni Alden..

Ng makaalis si Alden ay napahawak si Maine sa kanyang dibdib.. dahil kanina pa ito kinakabahan dahil ka-usap na naman niya si Alden.

Pagdating sa office ay kinalimutan ni Alden ang personal na problema itinuon niya muna ang atensyon sa trabaho niya bilang CEO siya kasi ang tipo ng tao na kahit magkasakit na kakatrabaho ay ginagampanan parin niya ang obligasyon niya para narin sa mga empleyado niya na umaasa sa kanyang kumpanya.

Tumunog bigla ang ang telepono sa kanyang side table..

Sinagot niya iyon. .

"Alden ako to si doctora Tidora kaka mustahin ko lang ang aking apo naalarma kasi ako sa txt niya sa akin masyado daw masakit ang ulo niya hindi ko naman mapuntahan dahil ang daming dengue patience na dinala rito kaya nag-aalala ako baka na dengue na siya. Ayon sa txt niya sakin siya lang ang nasa full house wala siyang kasama dahil nasa opisina ka daw naku hijo!!! Nag-aalala talaga ako sa apo ko!!" Wika ng doctora.

"Alden!!! Are you still there?"

"O-ofcourse I'm here doc. " sagot ni Alden na sa totoo lang ay nag-alala siyang bigla. Alam niya kasing masama pa ang pakiramdam ni Jessie ay iniwan parin niya.

"Sige po doc uuwi po ako para tignan siya!" Wika ni Alden.

"Really? Hijo!? Salamat!!!" Masayang wika ni Doc tidora.

Biglang kinansel ni Alden ang appoinment niya ng araw na yon.

Samantalang si Doctora Tidora ay tinawagan naman si queen Tinidora.

"Hello!!!!!!!! Kapatid!!!!!!!!" Wika ni Doctora Tidora

"O!?? Tidora? Ano anong atin at na patawag ka? Uutang ka ba? " wika ni Queen Tinidora.

"Wow ate utang talaga!!!! Sa dami kung pera uutang paba ako sayo?" Wika ni Doc Tinidora.

"O eh ano nga kasi yon?? Dalian mo at may date kami ni bill!!! " wika ni qieen Tinidora.

"Bill as in utang? Naku!! Ha kapatid madami ka bang utang?" Wika ni Doc.

"Oo kapatid eh sa totoong buhay!!! Buset!!!" Natatawang wika ni Queen Tinidora.

" ha!ha!ha!" Malakas na tawa ni doc tidora.

"Geh tawa last mo nayan!!! Teka ano ba kasi!!!!!!!??" Wika ni Queen Tinidora.

"Eto nga kaptid naalala mo yung picture na tinag ko say sayo sa Instagram? " tanong ni Doc

"Ah!!!!!! Oo yung gwapong batang si Alden? Na nirereto natin sa apo natin???? " wika ni Queen Tinidora

"Yup yup siya nga!!!!!" Kinikilig na wika ni doc tidora

"O ano naman pakulo ang ginawa mo!????" Kinkilig din na wika ni Queen Tinidora.

"Basta!!! Mukhang umaayon sa atin ang kapalaran hi!hi!hi!!!" Wika ni doc. Na kinikilig pa.

"Ay naku Tidora!! Sana nga!!! Magkatuluyan na sila!! Habang hindi pa alam ni ate!!! alam mo naman yun kontrabida!!!! "Simangot na wika ni Queen Tinidora.

"Ay oo nga no???" Ngusong wika ni Doc. Tidora.

Nang makarating si Alden sa full house niya ay nakita niya agad si Jessie.

Nagluluto ito.

"Teka!! Jessie!!? Ako na yan!!!" Wika ni Alden nag pririto kasi si Jessie ng pork .

"Teka akala ko masakit ang ulo mo? Bakit ka nag luluto?" Kunit noong wika ni Alden.

Umalis si Jessie akala tuloy ni Alden ay inisnob siya niyo ngunit pag balik nito ay may hawak na itong papel at nakita niyang nagsulat ito roon.

Ang nakasulat roon ay.

"okay lang ako sinong nagsabing masakit ang ulo ko?"

"Lola mo" wika ni Alden.

"Wala akong sinabi na masakit ang ulo ko sabi ko sa txt na bobored ako " reply ni Jessie

Napasapo sa noo si Alden.

"Naisahan ako ni doc ah!! Masama ang pakiramdam ko dito mukhang sinasadya talaga ni doc na paglapitin kami ah.. " wika ni Alden sa sarili.

Nang matapos na niya ang niluluto ay nagpaalam muli siya kay Jessie na pupunta na sa show ng sunday pinasaya.

Maya-maya ay may nag dorbell bago pa makaalis si Alden. Si Alden na mismo ang nagbukas.

Nang makita ni Alden si Shairon ay agad niya tong tinanong.

"Anong masamang hangin na namn ang nagdala sayo rito?? " simangot na wika ni Alden.

"Wala akong panahon patulan ang mga patutsya mo Alden!!! Si Jessie ang pinunta ko rito.!!" Wika ni Shairon.

"Ah si Jessie ba??? Wala eh umalis may pupuntahan ata di nga nag paalam eh kaya maari kanang umalis" wika ni Alden.

At pagkasabi nun ay pinagsarahan na ng pinto si Shairon ng hindi manlang pinakinggan ang sasabihin nito. .

Napa tiimbagang si Shairon dahil halata naman niyang tinatago lang nito si Jessie!!

"Alden!!! " tanging na wika nalang ni Shairon.

Pagbalik ni Alden sa kusina ay tinanong agad siya ni Jessie kung sino yun.

Sumulat ito sa papel.

"Sino yun?"

"Wala naman nga pala nagbago isip ko dito nalang ako sa bahay mahirap na baka may makapasok pang ahas dito matuklaw ka.

Nagtaka si JESSIE sa kinilos ni Alden.

Samantalang si alden ay hindi Alam kung bakit siya ganun. Basta ang isipin na kausap palang ni jessie si Shairon ay kinaiinisan na niya!!! Kaya agad siyang nagpaalam sa pamunuan ng sunday pinasaya . naunawaan naman siya ng mga ito.

Kaya natutuwa siya na sa mga ito siya napunta!! dahil sobrang ang babait ng mga ito.