webnovel

ADVENTURE #8: "First Adventure"

Daphne's Pov

"Uy! Dala ko pala cell phone ko?" Sabi ni Chiyeon

"Ako rin, kaso walang signal" Sabi naman ni Cris

"Hay! Nakakatakot naman sa lugar na'to! Walang buildings at mga kotse, puro lang mga bato na nakaukit at mga taong hindi marunong magtagalog, mukha namang mga pinoy at pinay" Sabi naman ni Miko

"Oo nga pala! Yung sinasabi ni Mzaxumar na kukunin ang mga bato tapos makakauwi na tayo" Sabi ko naman

"Oo nga, kailan ba simula?" ~Miko

Cris's Pov

Kinagabihan nang ipatawag kami para sa hapunan, bumaba kami at kitang kita namin ang iba't ibang pagkain. Pero nami-miss ko ang pagkaing 2019!

"Maupo kayo" Sabi ni Mzaxumar

Pagkaupo namin ay nagpasalamat muna kami saka kumain

"Sumang-ayon na ba kayo sa inyong lakbayin?" ~Mzaxumar

"Ahh, tungkol po ba sa bato? Opo" Sagot ni Miko

"Kailan po ba ang simula?" Tanong ni Daphne

"Bukas ng umaga kung maaari" Sagot nito

Ang aga naman masayado!

Nagtinginan muna kaming lima saka ngumiti

"Sige po" sabay-sabay naming sagot

*KINABUKASAN*

Binigyan nila kami ng tatlong kabayo, tig-isa kaming mga lalaki, angkas ko si Daphne at kay Miko naman si Chiyeon

"Basta paalala ko lang sa inyo, huwag kayong magpapahalata sa mga tao. Mag-iingat kayo" Paalala ni Mzaxumar

Naligo kami sa ilog kanina at binigyan ng kasuotan, wala ngang sabon, shampoo at pati toothpaste wala rin! Kaya ambabaho ng mga hininga namin

"Opo, aalis na po kami. Sa muling pagkikita Mzaxumar, mahal na Llazurepath" Paalam ko

Agad naming pinagana ang aming mga kabayo, habang papalayo ay kumakaway parin sila hanggang sa hindi na namin sila masilayan

"Nasaan ang mapa?" Tanong ni Shelton

"Nasa bag" Sagot naman ni Chiyeon. Nasa bag parin niya ang libro at pati mga cellphones

Habang nasa paglalakbay, pinagmamasdan namin ang mga lugar na nadaraanan namin. Walang katao-tao at mga bahay, puro mga lupa, tuyot na halaman at mga bundok lang ang nakikita namin

Mag-iisang oras na nang mapahinto kami dahil sa malaking bato, parang nasa dulo na yata kami dahil para itong Wall

"Hanggang dito na?" Tanong ko

"Teka, may lagusan dito" Sabi ni Chiyeon at bumaba

Kinapa niya isa-isa ang mga bato at inalis niya ang mga ito

"Ano yang ginagawa mo?" Takhang tanong ni Daphne at bumaba rin sa kabayo

Kinuha ni Chiyeon ang mapa "May lagusan dito, kailangang may mailagay tayo sa mga ito" Sabi niya

"Mailagay ang alin?" Tanong ko

"Ang sabi ni Mzaxumar, kailangan nating mahanap ang nag-iisang susi para makatawid" Sagot ni Chiyeon

"Eh saan naman?" Tanong ni Shelton

Tinuro naman ni Chiyeon ang isang kweba, maliit ang butas nito, kasya ang isang tao

"Tara na" Sabi ko

~~~

Isa-isa kaming pumasok sa butas, madilim sa loob pero may konting liwanag para makakita. May kinapa at may kinuha si Daphne sa bag ni Chiyeon

"Mautak ka ha?" Sabi ko at saka ngumisi nang gamitin niya ang flashlights ng dalawang cell phone

Mabato dito pero nakikita namin sa di kalayuan ay liwanag, binilisan namin ang lakad namin

"Saan ba natin makikita ang susi na'yon?" Reklamo ni Miko

"Baka dito" Sabi ko at pumasok sa liwanag

*0*

"Ang Ganda! *0*" ~Chiyeon

Bumungad samin ang isang waterfalls na may glitters-glitters pa at mga hayop na iba-iba ang kulay, kitang kita din ang sunset

"Wow! Sunset!" ~Daphne

"Sunset agad? Diba umaga lang kanina?" ~Ako

"Kanina yon" ~Chiyeon

"Tara, hanapin na natin ang susi" Sabi naman ni Shelton

"Teka tol, baka nandoon" Turo ko sa may kataasang nag-iisang tore, may kumikinang doon na bagay

Dahan-dahan kaming umakyat dahil walang hawakan ang mabatong hagdan, nakakalula pa man din

"Ano ba yan! Takot ako sa mataas!" Sabi ni Daphne at napapikit

Hinawakan namin siya "Huwag kang duwag, nandito pa kami, Daph ppfft.." Sabi naman ni Shelton

Siguiente capítulo