webnovel

Epilogue

Epilogue

Mabilis na lumipas ang kalahating buwan ko rito sa Sargus. Totoo talaga na kapag masaya ka, mabilis na lumilipas ang oras dahil sa loob ng mga buwan na 'yon kasama si Gani, naging sobrang saya talaga namin na magkasama at pati ang mga Gisune sa Leibnis, botong-boto sa'kin para sa kaniya. Though, noon pa naman talaga.

Well minsan, since pinanganak na may kalokohan si Gani, kapag maisipan niya, inaasar niya pa rin ako at iniinis katulad nang dati noong una akong dumating dito sa Sargus pero hindi sa puntong ikagagalit ko na. Ayos lang sa'kin 'yun since alam ko na 'yun ang way niya ng paglalambing sa'kin. Kasunod din kasi n'on, may surprise siya sa'kin. Minsan, i-de-date niya ako, o kaya flowers, magagandang damit at kung anu-ano na pangbawi niya sa pang-aasar sa'kin. Dahil doon, mas lalo ko siyang minamahal.

Pero isang araw, inamin niya sa'kin na kapag bumalik kami sa mortal world, gusto niyang pormal na magpaalam sa mga magulang ko at sa kapatid ko na gusto niya akong pakasalan. Pumayag ako syempre dahil ipinangako ko sa sarili ko na siya na ang lalaking una at huling mamahalin ko sa buong buhay ko.

Gaya ng plano, bumalik kami sa mundo ng mga mortal at una ko muna siyang ipinakilala sa kapatid ko bilang pagtupad ko sa promise ko rito. Doon ko na talaga napatunayan na ang kuya ko ang pinakacool, chill at super understanding na tao sa buong mundo.

Nagulat naman din siya nang ipakita ni Gani ang totoong pagkatao nito sa kaniya pero hindi naman siya natakot dito na sobrang ikinahinga ko nang maluwag. Nagkasama na rin naman kasi sila dati noong P.A. ko pa si Gani at napapansin na rin daw niya noon na may kakaiba sa mapapangasawa ko.

Nang malaman din niya na gusto akong pakasalan ni Gani kahit na magiging kapantay ng buhay ko ang buhay nito ay pumayag din kaagad siya. Sa bagay pa lang raw na 'yon, halatang mahal na mahal ako ni Gani dahil kaya nitong isakripisyo ang mahabang buhay nito para sa'kin.

Tungkol naman sa mga parents ko, napagdesisyunan namin ni kuya Marco na hindi muna namin sasabihin kina Mommy at Daddy ang totoong pagkatao ng mapapangasawa ko dahil alam namin na hindi sila papayag kapag nalaman nila. Pinaliwanag ko kay Gani na hindi sa ikinakahiya ko ang totoong siya sa pamilya ko pero natatakot lang talaga ako na hindi kami payagan dahil hindi naman pang-araw-araw na balita na may Nine Tailed Fox na gustong magpapakasal sa anak nila. Napapayag ko rin naman siya.

Nang bumisita na sila Daddy at Mommy dito sa bahay sa Pilipinas ay ipinakilala ko na kaagad siya. Nagustuhan agad siya ni Mommy dahil sobra itong nagagwapuhan at nababaitan sa kaniya. Si Dad naman, katulad ng kuya ko, cool sa desisyon ko. Kung si Gani daw talaga ang gusto ko, hindi naman sila magpapaka-old school para mangialam sa'min.

Sobrang nagpasalamat si Gani sa kanila kaya na-i-set na ang kasal namin.

Naipakilala ko na rin siya kay Hershey at nang magkita ulit sila ni Leigh, pansin ko na naging close na silang dalawa. Nagpasalamat siya nang sobra rito dahil sa ginawa nitong pagtulong sa pagprotekta sa Leibnis at pagpapagawa ng kwintas ko para makabalik ako ng Sargus.

Doon, halatang naging magbestfriend na sila kaya sobra talaga kaming natuwa ni Hershey para sa kanila. Noong araw na rin na 'yon, napagplanuhang naming apat na sabay kaming magpapakasal dito sa mortal world. Double wedding 'yon at private din dahil ayokong mapublic ang pagkatao ni Gani. Baka kung ano pa ang mahalungkat tungkol sa kaniya. Kahit naman laos na ako at nagretired nang maaga sa music industry, magiging mainit pa rin na balita ang kasal ko panigurado since malaki ang naiambag ko sa industriyang 'yon.

Nakapagpakasal na nga kami at masayang-masaya talaga ang family ko at family ni Hershey para sa'ming apat.

 

Kami ni Gani, nagpakasal din kami sa Sargus at kahit pa ulit-ulitin ko dahil 'yun ang totoo, masayang-masaya talaga ang lahat para sa'min. Naging bonding na namin ang pagkanta ko sa kaniya bilang pagpapatulog.

Oo nga pala. Kaya ko nagagawa na ulit kumanta nang maayos ay dahil magaling na ang lalamunan ko. Sinabi sa'kin ni Gani na ipinagamot na rin niya kay Serafina noon ang boses ko kasabay noong gamutin ako nito sa pagkakapana sa'kin. Alam niya raw kasi na talagang pinagsisisihan ko na nasira ko ang boses ko at 'yun din ang isa sa pinakapaborito niya sa'kin.

Kalaunan, nagbunga ang pagmamahalan namin. Ipinanganak ko ang panganay namin na lalaki sa Sargus. Pinangalanan namin siyang Lucas dahil 'yon ang natipuhan ni Gani na ipangalan sa kaniya. Nagustuhan ko rin naman. Halfblood siya pero normal lang siyang tao sa panlabas. Wala siyang buntot ng fox kaya nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa namin alam ang ibang bagay na namana niya mula kay Gani.

Inuwi muna namin siya sa mundo ng mga mortal para ipakita kina kuya Marco at sa parents ko. Tuwang-tuwa ang kapatid ko sa pamangkin niya at umuwi talaga sa Pilipinas sila Mom at Dad makita lang nang unang beses ang apo nila. Wala pang isang buwan si Lucas n'on at pikit pa ang mga mata pero nang makita kong namulat na niya ang mga 'yon habang karga siya ng Mom ko at kasama nila ang Dad ko, kitang-kita ko na naging sa fox 'yon at nakita rin nilang dalawa.

Sobra akong natakot sa magiging reaksyon nila pareho kaya lumapit kaagad ako sa kanila at kinuha ang anak ko nang may pagmamadali pero maingat. Magpapaliwanag na sana ako pero hindi ko inaasahan nang pagalitan ako ni Mommy dahil sa pang-aagaw ko bigla sa kaniya kay Lucas. Binawi niya ang anak ko sa'kin at kinarga ito na para bang hindi nakita ang nangyayaring pagbabago sa mga mata nito. Kahit si Dad, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari nang lumapit sa'kin ang kapatid ko at sabihin ang isang bagay na matagal na akong walang alam. Sinabi niya sa'kin na bago pa lang kami magpakasal ni Gani, inamin na nito sa parents ko ang totoo nitong pagkatao at nandoon siya nang gawin nito iyon. Natakot ang mga magulang namin sa una pero tinulungan niya si Gani sa pag-e-explain sa mga ito.

Binanggit niya na sa pagpapakasal sa'kin ni Gani, iikli ang buhay nito na parang sa tao at kahit na hindi siya payagang ikasal sa'kin, ang mahalaga ay nalaman muna ng mga ito kung sino talaga siya bago tuluyang ipaubaya ako sa kaniya.

Humingi muna ng ilang araw ng pagdedesisyon ang mga magulang ko pero dahil nakikita ng mga ito kung gaano ako kasaya sa kaniya at kung gaano naman siya kaharmless na tao, nakuha na rin niya ang blessing nila.

Sobra akong naiyak dahil parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang malaman na hindi ko na kailangang itago sa kanila ang totoo tungkol kay Gani at pati na ang sa anak ko. Naiyak din sila para sa'kin at sinabi na mahal na mahal nila ako na matatanggap nila kung sino ang mamahalin ko at pati ang anak ko.

Kinausap ko si Gani tungkol doon at humingi siya ng sorry dahil itinago niya sa'kin 'yon nang matagal. Inamin niyang natakot kasi siya na baka magalit ako sa kaniya dahil sinaway niya ang sinabi ko sa kaniya na itago muna ang totoong siya sa mga magulang ako. Imbis na magalit ako, sobrang nag-sorry ako sa kaniya dahil nagpakaduwag ako noon na aminin ang katotohanan at sobra akong nagpasalamat sa kaniya dahil naging matapang siya para sa'ming dalawa.

Walang makakapagdescribe kung gaano ako kasaya at kakuntento kasama ang mag-ama ko. Akala ko nga, noong bata pa ako, sa stage habang kumakanta ako pinakamagiging masaya pero maling-mali ako.

Pinakamasaya ako ngayon sa piling ng nabuo kong pamilya at kahit hindi na ako singer kung saan naiparirinig ko sa marami ang maganda kong boses katulad ng dati, nagagamit ko naman 'to sa pagpapahimbing sa tulog hindi na lang kay Gani ngayon kundi pati na rin kay Lucas kaya wala na talaga akong mahihiling pa.

Tiningnan ko ang magkabilang tabi ko kung saan nakahiga ang bata nang si Lucas at ang asawa kong si Isagani. Ang himbing-himbing ng tulog nila pareho habang nakayakap sa'kin matapos ko silang himigan kanina ng pangpatulog.

Napangiti ako at hinalikan ko sila pareho sa pisngi nila nang marahan na hindi sila magigising. "Mahal na mahal ko kayo pareho." mahinang sabi ko sa kanila at doon ay pumikit na rin ako para matulog... habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Ito ang kuwento ng isang Nine Tailed Fox na si Isagani Simeon na nahulog sa isang Queenzie Ruiz kaya ngayon ay may Lucas Simeon na rin.

*The end*