webnovel

Chapter Four

HINDI mapakali sa paghahanda si Michelle. Ilang ulit na niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. She looked blooming. Hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit hindi siya magsalita, alam niyang kitang-kita sa anyo niya ang kaligayahan.

Nang makontento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng silid. Siniguro niyang nasa ayos ang mga inihanda niyang pagkain para sa gabing iyon. She lit the scented candles.

Lumapad ang pagkakangiti niya nang makarinig siya ng mga katok. It must be First. Pinagbuksan niya kaagad ito ng pinto.

"Hi," nakangiting bati nito.

He looked gorgeous. Nakadamit-pang-opisina pa ito ngunit wala nang coat at maluwag na ang kurbata. He also looked tired.

"Hello," ganting bati niya. Niluwangan niya ang pagkakaawang ng pinto at pinatuloy ito. Kinuha niya ang bitbit nitong kahon ng cake. Isinama niya iyon sa mga pagkain sa mesa.

"Nag-effort ka yata ngayon," puna nito habang umuupo sa harap ng hapag.

"Siyempre, espesyal yata ang gabing ito," aniya saka umupo na rin. Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Tiring day at the office?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "You know how it is, Michico. We work in the same corporation."

"You are my boss."

"I'm not your boss now. I'm your friend." Nagsimula na itong sumubo. Napatangu-tango ito habang ngumunguya, tanda na nagustuhan nito ang mga inihanda niyang pagkain.

Nasiyahan siya sa ekspresyon nito. Isang buwan na siyang nag-aaral magluto. Ang plano niya ay mag-e-enroll siya sa culinary school sa sandaling mag-resign siya sa trabaho.

Bahagya siyang nalungkot sa napipintong pagtigil sa pagtatrabaho. Nagtatrabaho siya sa Mead Corporation, ang conglomerate na hawak ni First. Ang ama nito ang dating CEO niyon.

Nang ma-disband ang Lollipop Boys, bumalik sa pag-aaral si First. Nang makatapos ay pinilit itong magtrabaho sa Mead Corporation. Nag-umpisa ito sa mababang puwesto hanggang sa i-appoint ng ama bilang CEO. He still hated his father but his mother kept on begging him.

Siya naman ay nagtrabaho muna sa isang publication bago napunta sa Mead Corporation. Noong una ay simpleng sekretarya lamang siya hanggang sa ma-promote siya bilang executive assistant ng executive vice president for treasury na si Miguel Santillan.

"Masarap ba?" tanong niya kay First.

"Sobra. Ikaw ang nagluto? Talagang kina-career mo ang pag-aaral ng pagluluto, ah. Puwede ka nang mag-asawa," pabirong sabi nito.

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Talaga?" Ipinakita niya rito ang kamay niyang may suot na singsing na may magandang diyamante. "Miguel proposed!" tili niya.

Biglang nabitiwan ni First ang hawak na kubyertos. He looked shocked. Tila hindi nito mapaniwalaan ang ibinalita niya.

"Tell me I'm just having a nightmare."

"First! Nightmare? Bakit? Hindi ka ba masaya para sa akin? I'm getting married to Miguel. Hindi ako magiging matandang dalaga tulad ng hula ng lahat." Inilayo niya ang kanyang kamay at pinagmasdan nang mabuti ang suot na singsing. It was the most beautiful ring in the whole world.

Marahas na tumayo si First at sa malalaking hakbang ay nagtungo sa pintuan.

"First?" nagtatakang tawag niya.

Hindi ito lumingon, bagkus ay dire-diretsong lumabas ng condominium unit niya.

Takang-taka siya sa naging reaksiyon nito. Nais niya itong habulin at tanungin kung bakit. Ang buong akala pa naman niya ay matutuwa ito nang husto para sa kanila ni Miguel. Malapit na kaibigan din nito ang fiancé niyang si Miguel.

Maybe First was taken aback. Hindi marahil nito inaasahan na magpo-propose na si Miguel sa kanya. Siya man ay nagulat nang mag-propose si Miguel sa kanya nang nagdaang gabi. Halos dalawang taon na raw ang relasyon nila at panahon na para lumagay sila sa tahimik.

Walang ganang kumain si Michelle nang mag-isa. Pakiramdam niya ay walang lasa ang pagkain. Parang nasayang ang lahat ng paghahanda niya. Disappointed siya sa reaksiyon ni First.

They remained friends. Kahit na si First ang big boss niya, kapag wala na sila sa trabaho ay matalik na magkaibigan pa rin ang turingan nila. Hanggang sa magsolo siya ay kapitbahay pa rin niya ito. Sa katapat na pinto ng unit niya lang ito nakatira. Biniro pa nga niya ang kaibigan dati na malamang ay sinusundan siya nito kaya doon din sa condo na iyon nito piniling tumira.

Wala pa ring ganang nagligpit siya. Pinatay niya ang mga kandila. Ang mga pagkaing kaunti lang ang nabawas ay inilagay niya sa loob ng ref. Nagtungo siya sa kanyang silid pagkatapos. Humiga siya at tumitig sa kisame.

She remembered she used to be in love with First. Ito ang kanyang first love, first kiss, at first heartbreak. Kusang tumigil ang puso niya sa paghahangad na lumampas sila sa linya ng pagkakaibigan. Kusang tinanggap ng puso niya na hanggang magkaibigan lamang sila. Kusang natuto ang puso niya na mahalin ito kung ano lang ang nararapat. Puwede naman pala iyon.

Thank God, Miguel Santillan entered her life. Noong una, strictly professional ang relasyon nila ng kanyang boss. Sa totoo lang, hindi ang tipo nito ang pinangarap niyang maging boyfriend o asawa. He was a chronic playboy. Siya pa nga ang nagpapadala ng mga bulaklak sa mga babae nito noon. Kaya naman gulat na gulat siya nang mag-umpisa itong manligaw sa kanya.

Noong umpisa ay pinagdudahan niya ang intensiyon nito. Malakas ang kutob niya na pinaglalaruan lang siya nito. Pakiramdam niya ay katuwaan lamang para kay Miguel ang panliligaw sa kanya, na hindi ito seryoso. Kilala kasi siya sa buong opisina bilang manang at stiff kung kumilos. Namangha pa nga ang lahat nang ligawan siya ni Miguel.

Buo ang isip niya noon na hindi niya kailanman mamahalin at gugustuhin si Miguel. Hindi niya ito magiging boyfriend. Ngunit nakuha siya nito sa tiyaga. Anim na buwan siya nitong niligawan. He showered her with flowers and gifts. He surprised her with romantic dinners. He managed to pull romantic stunts like hot air balloon dates and fireworks display. Higit sa lahat, nawala na ang mga babae nito mula nang manligaw ito sa kanya.

Unti-unting nahulog ang loob niya kay Miguel. Unti-unti ay natutuhan ng puso niya na mahalin ito. Ang akala niya noong una ay si First lang ang kayang mahalin ng puso niya. Mali pala siya. Mukhang si Miguel na ang mamahalin niyon habang-buhay.

Matagal na ang relasyon nila ni Miguel at naging faithful naman ito sa kanya. May mga babae pa ring lumalapit sa kanyang nobyo ngunit nagagawa naman nitong iwasan ang mga iyon. He always assured her that she was the only woman for him.

Sigurado siyang magiging maayos ang pagsasama nila ni Miguel bilang mag-asawa. She was excited to plan her wedding. Napakarami niyang nais mangyari sa kasal niya. Napakarami niyang pangarap para sa kinabukasan nila ni Miguel. She would be the greatest wife to the greatest husband.

As of now, she had to make sure that First Nicholas was all right. He would be the best man in her wedding.

Dinampot niya ang kanyang cell phone at tinawagan si First. Natuwa siya nang sagutin nito iyon. "Are you okay?" tanong niya kaagad. "Bigla ka na lang kasi umalis."

"Are you really getting married to Miguel?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Yes, First. Magpapakasal na kami ng EVP mo. Are you okay? Where are you? I'm worried a bit."

"No, I'm not okay." Pinutol na nito ang tawag. Nagtatakang napatingin siya sa kanyang cell phone.

What was wrong with her friend?

TULALA si First pag-uwi niya sa kanyang condo unit. Nais niyang magwala ngunit naubusan na siya ng lakas. Pasalampak na umupo siya sa sofa.

It was really happening. The most frightening thing that could happen to a man was happening to him.

Michelle was getting married!

The love of his life was getting married to another man!

Dapat ay may gawin siya upang hindi matuloy ang kasal. Dapat ay kumilos siya. Ngunit anong hakbang ang gagawin niya? At dapat ba talaga na may gawin siya? Wala rin namang magiging silbi kahit ano pa ang gawin niya. Miguel and Michelle loved each other. It was the reason why the two were getting married in the first place.

Nanlumo siya sa napagtanto. Parang may punyal na itinarak sa kaibuturan niya. It was painful as hell.

Noong una, ang akala niya ay hindi seryoso si Miguel sa panliligaw sa kaibigan niya. Kilala itong mapaglaro sa mga babae. Hindi rin niya akalaing mahuhulog ang loob ni Michelle kay Miguel.

She had always been a sensible girl. Alam niyang hindi ito magpapabitag sa mga katulad ng EVP niya. Alam din niyang hindi si Miguel ang tipo nitong lalaki. Kaya naman laking gulat niya nang malamang magnobyo na ang dalawa. Michelle looked so happy and in love. Sinugod niya si Miguel noon at pinagsabihan na hindi siya mangingiming patayin ito kung paglalaruan lamang nito si Michelle.

"Dude, believe it or not, I'm in love with her. I love her. I don't care if you think it's just shit, but I love her. Isinusumpa ko sa `yo, hindi ko siya paiiyakin. Hindi ko siya sasaktan. I'll take good care of your best friend. I'll be faithful to her."

Hindi niya pinaniwalaan ang mga salita nito. He silently wished that Michelle would catch Miguel womanizing. Ipinagdarasal niyang sana ay hindi magtagal ang relasyon ng dalawa. Umaasa siya na magsasawa si Miguel kay Michelle.

Palagi niyang inaasam na sana isang umaga paggising niya, single na uli si Michelle. If that happened, he would be there for her.

Ngunit ikakasal na ito kay Miguel. Wala na ba siyang pag-asa? Hindi na ba puwedeng maging sila ni Michelle? Nakatadhana na ba talaga silang magkahiwalay?

Nang makita niyang masaya si Michelle sa piling ni Miguel ay sinubukan niyang kalimutan na ang nadarama para sa kaibigan. She was happy and he should let her stay that way. Ang isang nagmamahal ay dapat maging masaya para sa kaligayahan ng minamahal kahit gaano pa kasakit iyon.

He dated other women and tried to be serious with them. Baka maramdaman uli niya sa ibang babae ang masidhing pag-ibig na naramdaman para kay Michelle. Baka nasa tabi-tabi lamang ang babae para sa kanya.

But every time he did so, he failed. There was only one woman for him. Iisa lamang ang kayang mahalin ng puso niya at iyon ay si Michelle Colleen. His Michico.

Bakit ba nauwi ang lahat sa ganoong sitwasyon? Why did he let those two have a relationship in the first place?

Tanga, makupad, at duwag siya—ang mga iyon ang sagot sa tanong niya.

Nais niyang iuntog ang ulo sa pader. Masyado kasi siyang nagpakaabala sa mga negosyo ng kanyang ama. He was busy proving to other people that he was not a worthless bastard. Lahat ng tao—kasama ang kanyang ama—ay mababa ang tingin sa kanya. Kung hindi siguro maagang nagsipag-asawa ang mga kapatid niyang babae ay hindi ipapahawak ng daddy niya sa kanya ang Mead Corporation. Ayaw raw nitong lamunin ng pamilya ng mga napangasawa ng mga kapatid niya ang mga negosyo nila.

Halos lahat ng atensiyon niya ay napunta sa business conglomerate ng kanyang ama na hindi naman niya matatawag na kanya. Nawala tuloy ang mga bagay na talagang nais niyang angkinin.

Oh, God, please help me get through this.

Siguiente capítulo