Fourth year high school siya noon. Siya ang Supreme Student Government (SSG) President sa school nila at ang reining Mr. Campus.
"Kuya, sasabay sana kami ni Al pauwi sa'yo, Sa bahay kami gagawa ng project." Salubong sa kanya ng kapatid sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang kotse niya. Second year high school na ito.
Napasulyap siya sa kasama nito na tahimik lamang. Isang simpleng ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya ng sulyapan niya ito ngunit bahagya siyang napalunok sa tila nakahihipnotismo nitong mga mata. Ito ang unang nagbawi ng tingin kaya naman napatikhim na lamang siya.
"Ok." Maikli naman niyang sagot.
Agad na sumakay ang dalawa sa passenger's seat at saka niya pinaandar ang kotse.
"Why business din ang gusto mong itake na major sa college, Al?" Singit niya sa usapan ng dalawang babae sa likod.
"My father owns a company so I need to learn, you know." Maarte nitong sagot. Napangisi naman siya ng sulyapan niya ito sa front mirror at makita ang mataray nitong itsura.
"So pareho pala tayo ng goal, I hope Valerie has the same intention." Baling naman niya sa kapatid na katabi nito na napasimagot at inirapan siya.
"Of course, I want to help the family business, kuya!" Mabilis naman nitong sagot.
Bata pa sila, alam na ni Troy na hindi para sa negosyo ang kapatid. Hilig nito ang arts ngunit na-pressure lamang sa mga magulang na bukang bibig ang pagtulong nila sa kumpanya ng pamilya.
"Any plans after high school?" Tanong niya muli kay Al na bumalik ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.
"Like what I've said, I'll help my dad." Tila inis na sagot nito sa pangungulit niya. Of course, he knows she's a Bellafranco. Her dad owns one of the developed firm in the city like his family's company. Pero lalo lang siyang nacu-curious kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya at tila hindi ito naiintimidate sa presensya niya. Karaniwan na lang kasi sa kanya na kapag mga babae ang kausap ay tila kinikilig ang mga ito at hindi maialis ang mga ngiti sa labi. Ngunit iba si Al. Matatalim ang mga tingin nito sa kanya at parang ayaw siyang kausap.
Kaya naman humalukipkip na rin siya at hindi na ito muling tinanong hanggang makarating sila sa mansion.
"Bakit sumabay pa tayo sa kuya mo? Kainis ka talaga Valerie!" Mahinang singhal niya dito nang makapasok sila sa study room ng kaibigan. Alam kasi ng babae na crush niya si Troy kaya pilit siyang nilalapit dito. Kunwa'y inis siya sa lalake kanina habang kausap sa kotse para hindi nito isipin na katulad siya ng mga babae na nagkakandarapa dito.
"He's your crush, di ba?" Panunudyo niyo.
"Shhhh! Baka marinig niya tayo!" Bwisit na saway niya dito.
"Now, I regret telling you my secret!" Nakasimangot niyang ani.
"I'm sorry. Promise, friend..hindi na kita aasarin." Pangako naman nito.
"At never mo ipagsasabi kahit kanino! I'll hate you forever pag ginawa mo." Ani naman niya.
Ilang oras din siyang namalagi sa mansion ng mga Villas at nakaramdam siya ng uhaw kaya naman bumaba muna siya upang pumunta sa kusina. Ngunit unang beses palang niyang pumunta doon ay hindi niya alam ang pasikot-sikot hanggang pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang naka-swimming trunks lamang na si Troy na kakaahon lamang sa malaking pool sa likod ng mansion.
Napakagat siya sa labi at pilit hinamig ang sarili na mapatili.
"Oh, h-hi, Al. Wanna join?" Nabigla namang wika ni Troy at hindi niya malaman ang sarili kung bakit may tono ng panunudyo ang kanyang tinig habang nakatambad sa nanlalaking mata ni Al habang pinagmamasdan ang kanyang katawan. Hindi niya malaman kung bakit tila nasiyahan siya sa nakitang kakaibang kislap sa mga mata nito.
"I'm sorry. I am actually looking for the kitchen." Nahihiyang sabi ng babae na inalis ang tingin sa kanya.
Napangiti naman siya at lumapit dito na hindi man lang ginawang ibalot ang katawan sa tuwalya kaya lalong nailang si Al at tinakpan ang mukha upang hindi siya matingnan. Natatawa naman siyang pinagmasdan ito. Ito ang unang beses na nagkaroon siya ng interes sa isang babae. Madalas kasi ay hindi niya pinapansin ang mga kolehiyala at mga anak ng mga businessmen na madalas na pumupunta sa mansion nila kapag nag-oorganize the dinner ang ama.
Ngayong kaharap niya si Al na nakauniporme lamang, ang mahaba nitong buhok at magandang hubog ng katawan ay tila nag-eenganyo sa kanyang pagmasdan ito.
"Kitchen is just in front of this. Paglabas mo, makikita mo agad yung silver door." Pagtuturo naman niya dito. Agad namang nagmadali siyang iniwan ng babae na halata ang pagka-tense dahil sa ginawang niyang panunukso dito na first time niyang ginawa.
Inis si Al habang binubuksan ang mineral water na kinuha niya sa ref. Nilagok niya iyon ng dire-diretcho hanggang sa tuluyang masaid ang bote.
"Oo, gwapo siya pero hindi niya dapat ipagpakalandakan iyon!" Inis na sigaw ng kanyang isip ngunit muntik na siyang mapahiyaw ng biglang bumukas ang pinto ng kusina at iniluwa niyon si Troy na nakangiting nakatitig sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakabihis na ito.
"I followed you baka kasi hindi mo makita ang kitchen namin. Have you found what you need?" Tanong nito sa kanya na pinapupungay pa ang mga mata.
"Y-yes, thanks. I'll go back to Valerie na." Iwas ang tinging wika niya saka nilampasan ang lalake na isang kakaibang ngiti ang sumilay sa labi.