webnovel

Failling Apart Part II

Chapter 63: Falling Apart Part II 

Emmanuel's Point of View 

  Malakas kong ibinagsak sa lamesa ang nakayukom kong kamao matapos kong makita ang paligid ng sub unit ng basement namin. Gayun din ang pagbagsak ng iilan sa mga tao ko na nasama sa pagkakasunog ng lugar. Nakakadiri! 

"Kagagawan din 'to ni Vivien Villafuerte?" Tanong ko sa isang bata ko na nakatakas mula sa pagkaka engkwentro kay Vivien kasama ang kapatid. 

  Tumango bilang sagot ang lalaking ito. "Opo, pero nagawa ko po siyang matamaan ng--" Sinungguban ko siya ng suntok sa mukha dahilan para hindi niya maipagpatuloy ang kanyang sinasabi gayun din ang pagbagsak niya sa simento. 

  "Bakit hindi n'yo kaagad ako tinawagan? Tingnan mo 'tong mga kalat na 'to!" Tukoy ko sa lugar na mausok usok pa rin dahil sa pagkakasunog ng mga kagamitan sa loob. "Napakabaho! Ano sasabihin ng kabilang grupo, ha?! Pagtatawanan tayo!" 

  Napapikit siya nang mariin at nakagawa ng boses dahil sa takot pero iminulat din ang mga mata para dahan-dahang iangat sa akin upang tingnan ako. "B-Boss. Hindi mo siguro magugustuhan 'tong suhestiyon ko pero ayaw mo po ba talagang humingi ng backup para mapabilis ang pagkuha natin kay Vivien--" 

  Kinuha ko ang baril at kinalas bago itinutok sa mga binti ng lalaking hindi ko naman talaga kilala saka ko pinutok ang bala. Ngumiwi at napasigaw sa sakit ang lalaking ito. Tumagilid ng higa habang hawak ang ibabang sugat na natamo. 

  Marahas kong hinawakan ang buhok niya't inangat para ilapit sa akin. "Alam mo naman pa lang hindi ko magugustuhan pero nagawa mo pa ring itanong sa 'kin? Saka ilang beses ko ng sinabi? Hindi natin pwedeng sabihin na alam natin ang background ni Vivien Villafuerte na 'yon!" Sigaw ko sa tainga niya bago ko siya tinapon na parang wala lang. 

 

  Tumalikod ako sa kanya saka ako inis na dumura sa kaliwang bahagi. Kinuha ang kahon ng sigarilyo sa bulsa ko' para kumuha ng isang stick. 

  Sinindihan ko ang dulo nito bago ko inilagay sa aking bibig upang magbuga ng usok. 

  "Boss, what are we going to do with him." Tukoy ng isa kong bata sa lalaking na sa lapag at napapangiwi pa rin sa sakit. 

Pasimple ko siyang nilingon para tingnan sa peripheral eye view ko. Nagbuga muli ako ng usok bago ko itutok muli ang baril sa kanya. Nagulat naman siya dahil doon, sisigaw na sana siya nang iputok ko mismo sa noo niya ang baril. Bumagsak ang ulo niya sa maruming sahig. 

Tinapon ko sa kanya ang natitira kong sigarilyo saka siya tinapakan. Sumunod naman sa akin ang dalawa ko pang bata para makaalis sa lugar na 'to. Pumunta lang talaga ako rito para makita kung ano ang nangyari pero ano nga ba ang inaasahan ko? Si Vivien Villafuerte nga pala ang kalaban namin. 

  Ngisi akong napaismid bago makalabas ng area. Nagpamulsa bago ako tumingala. "Wala na sigurong ibang paraan kundi iyon lamang, ano?" Pakikipag-usap ko sa sarili ko bago matawa. "Sisiguraduhin ko na tapos ka sa susunod nating pagkikita." Bulong sa sarili. 

Kei's Point of View 

 

  Hawak ko ang phone ko habang kausap si Dad. Na sa sala ako't katatapos lang kumain ng miryenda. Si Reed, pumanik na sa kwarto niya kaya ako lamang ang nandito sa baba habang may nililinis si Manang Yhina sa likod. 

  "Nakapag desisyon ka na ba, anak?" Tanong ni Dad mula sa kabilang linya. "Maganda ring oportunidad 'to lalo na't gusto mong makuha 'yung kursong iyon, 'di ba?" 

  Ngumiti ako nang kaunti. Hahh… Parang naiirita ako ngayong na-bring ni Dad 'to. I should be happy, to be honest. But I can't, knowing my friends is not in their current state. I'm worried that I don't want to leave not until I see them they're okay. 

  After I went to the hospital where I found out that something happened. Jasper, Reed, and Haley's eyes… are dead. 

Nabalitaan ko rin na na-hospitalized si Mirriam due to an incident which is I still have no idea what it was. 

  Every time I'm trying to ask Reed, palagi rin niyang iniiba 'yung usapan. Hindi ko siya mapilit na itanong dahil kapag susubukan ko pa ulit, nakikita ko sa mata niya na parang sinasabi sa akin na 'tama na, huwag ko ng itanong' kaya napapatikum na lamang ako ng bibig.

  Tumango ako kahit hindi nakikita ni Dad. "Ah, mmh. Hindi pa po sa ngayon, eh. Pinag-iisipan ko pa rin." Sagot ko kasabay ang pag-upo ko sa pahabag sofa. "Pero talagang okay lang sa inyo?" Tanong ko sa kanya. "…na hindi mismo 'yung anak n'yo ang maghahawak ng skwelahan?" Tuloy ko sa sinasabi ko. 

  "Parang anak ko na rin si Reed." Panimula niya. "Kaso hindi pa pala niya nasabi sa'yo? Siya 'yung maghahawak ng E.U pag nakatapos kayo ng kolehiyo." Namilog ang mata ko dahil nagulat din ako sa nalaman ko pero napangiti rin pagkatapos. Kaya pala tinutulungan niya ako sa office, akala ko nagpapaka busy lang siya para mawala 'yung iniisip niya. "But of course, I asked him if that is what he really wants dahil may pakiramdam ako na nagkakaroon lang siya ng utang na loob kaya sinigurado ko, pero iyon din ang gusto niya para doon na lang daw niya isasagawa 'yung matututunan niya sa I.T. at i-adapt na lang niya sa E.U." Humagikhik siya. "Ibang klase 'yong batang 'yon, hindi ko alam kung nagpapakitang gilas lang dahil sa gusto niya 'yung kapatid mo--" Pagkabanggit pa lang niya no'n ay pinutol ko siya. 

  "Y-You knew?" Hindi makapaniwala kong tanong. 

  "Obvious naman." Maikli niyang sambit na ikinatawa ko rin nang kaunti. I know, right? "Tatawag tawagan na lang kita, tatawagan ko rin 'yung kapatid mo pagkatapos. Kung hindi talaga niya ako makakausap, susubukan kong umuwi sa Sabado." 

  Muli akong tumango. "Mmh. She'll be waiting." 

  "Sige, mag-iingat kayo." Huling sinabi niya bago niya ibaba ang call namin. 

Lumingon ako sa kakarating na si Manang Yhina na nagpupunas ng kamay, mukhang katatapos lang niyang maghugas ng plato. 

  "Pumayag ka na?" Tanong niya sa akin kaya ngiti akong umiling. 

  "Hindi pa, Manang. Pinag-iisipan ko pa rin." Sagot ko kaya umupo siya sa tabi ko. 

 

  "Nag-aalala ka ba sa mga kaibigan mo?" Tanong niya sa akin kaya pumaharap ako ng tingin at tumungo nang kaunti. "Alam kong importante sila sa'yo, pero mas importante ang kinabukasan mo. Kung aalis ka ng bansa at doon mag-aaral sa California, mas gaganda ang buhay mo." Medyo matagal-tagal na rin kasi namin itong napagplanuhan ni Dad. Alam kasi niya kung ano talaga ang gusto kong makuha kaya ngayon, sinusuportahan niya ako sa gusto ko pambawi sa nangyari noon kay Christian dahil alam niyang malaking pagkakamali 'yon. 

  Pero ngayon namang pwede kong matupad ang pangarap kong makuha ang photography degree. Hindi naman ako makapag desisyon nang maayos. 

  Labas sa ilong akong tumango. "I know, Manang. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag-alala kila Reed." 

  Humawak siya sa kamay ko. "Nandito ako, aalagaan ko sila. Si Reed, si Haley. Pareho ko silang babantayan hangga't nandito ako." Napatingin ako kay Manang pagkasabi niya no'n at napaawang-bibig. 

*** 

  PUMANIK NA ako pagkatapos at pumasok sa aking kwarto. Bumungad kaagad sa akin ang mga litrato naming magkakaibigan sa dingding ng study desk ko. Dahan-dahan akong lumakad papunta ro'n at tiningnan bawat litrato na naroon. 

Umupo ako sa swindle chair ng hindi inaalis ang tingin sa mga larawan. 

  Ang bilis ng panahon, ang dami naming pinagsamahan ng sama-sama. Subalit alam ko sa sarili ko na, 

  …hindi rin kami pwedeng manatili sa kung ano ang mayroon kami ngayon, if we're gonna keep this going. Nothing would change, everything would be the same as before. And I know that deep down in my heart. 

  Sumakit bigla ang ilong ko dahil pakiramdam ko ay naluluha ako kaya mabilis ko ring pinunasan ang gilid ng mata ko't huminga nang malalim bago ako tumingin sa labas ng bintana para tingnan ang padilim na kaulapan senyales na uulan na rin pala. 

"We have to be separate in order to grow." 

Reed's Point of View 

  Narito pa rin ako't nakaupo lamang sa gilid ng aking kama't nakatitig sa kisame. Walang ibang maririnig kundi ang malakas na pagbagsak ng ulan sa yero. 

Kahit na ano ang pilit kong gawin, binabalikan lang ako ng pangyayari nung nakaraan. 

Hindi ko alam kung paano ako haharap ngayon sa mga kaibigan ko, ni hindi ko rin madalaw si Haley kahit na gustuhin ko man. 

  Kasi kung pupunta nga ako ro'n, ano naman ang magagawa ko? Hindi naman ako ang makakatulong sa kanya kahit na gustuhin ko. Si Mirriam naman, dinalaw ngayon nila Jasper, pero hindi ako sumama dahil natatakot ako. 

Natatakot malaman 'yung kalagayan ngayon. Pareho sila ni Haley, kaya hindi ko alam kung paano kumilos. "Napakaduwag ko." Paanas kong sabi sa sarili. 

  "Bakit ngayon mo lang naisip 'yan? Kaya nga kami namatay, 'di ba?" Boses ng isang familiar na boses kaya tiningnan ko ang kanang bahagi ko. Nakikita ko ang imahe ng ina, kung ano ang suot niya nung araw na namatay siya ay gayun din ang suot niya ngayon. Puno rin ng dugo ang mukha niya. "Dahil duwag ka? Hindi mo sinabi sa amin?" Napasinghap ako't napaatras sa takot. 

  "H-Hindi." Nanginginig kong sabi. 

  Nagpakita naman ang ama ko sa tabi ng ina ko, pero sa pagkakataon na ito. Wala ang ulo niya sa kung saan dapat ito nakalagay, pero nandoon mismo sa kamay niya't hawak hawak lamang ang sariling ulo kaya doon ako nakatingin. "Ang lakas din ng loob mo na mag drive, parang wala lang sa 'yo ang nangyari, ano? Gusto mo rin talaga sigurong mamatay kami kaya hindi mo sinabi." 

  Tinakpan ko ang tainga ko. "Hindi… Hindi!" Sigaw ko. Ang sunod naman na narinig ko ay ang sunod-sunod na paghingi nila ng tulong sa akin dahilan para mas mapapikit ako nang mariin, hinihiling na sana'y mawala na sila't hindi na marinig. Nawala naman ang mga boses na naririnig ng utak ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, subalit ang maputlang mukha ni Rain ang nakita ko pagkamulat ko ng aking mga mata dahilan para mas manigas ako't napagpawisan ng malamig. 

  Gaya ng magulang ko, duguran din ang damit niya. "Hindi mo 'ko prinotektahan. Duwag ka." 

  Nanlabo na ang mata ko't pabagsak na humiga ng patilid. Tahimik na umiiyak sa dilim. 

***** 

Hi again, nakapag update ulit ako, yes.

Kasi I’m trying to post new chapters everyday, good news din ‘yon for me. HAHA

But hey, may mga questions ba kayo regarding sa kwento? Kasi feeling ko mayroon ayaw n’yo lang mag comment. Pero feel free to comment your thoughts, either good or bad is okay. Thank you for reading!

Yulie_Shioricreators' thoughts
Siguiente capítulo