webnovel

Chase of Death

Chapter 35: Chase of Death 

Lara's Point of View 

"D-Do we still have to wear mask during the party?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko sa organisasyon na medyo mahahalata mong hindi pa rin kumportable na makasama ako. 

Alauna ng hating gabi at nandito ako sa isang hotel na may kaunting kalayuan sa Enchanted University. Galing sa Japan ang taong kausap ko ngayon dahil 'tapos na ang misyon na ibinigay sa kanya ro'n at dumiretsyo lang dito para iabot sa akin 'yung mga importanteng dokumento. 

Nag check in kami rito para walang nakakarinig sa mga usapan namin, pero maliban doon ay dito rin mananatili ang taong ito para diretsyo na siya pahinga dahil bukas ay babalik nanaman siya sa main base. 

"It's not a masquerade, but we still need to hide our real face just to make sure. If we encounter someone bad and they found out who we are, our lives will be in danger." Tumayo na ako't kinuha ang shoulder bag na gamit-gamit ko. Naglalaman iyon ng files na inabot niya sa akin para suriin ang mga litrato. "Inform the people in the laboratory to build another face silicone." Huling sabi ko bago lumabas sa kwartong iyon. 

Gumamit ako ng elevator para madali na lang ako makababa. Lumabas na ako sa hotel saka ko sinuot ang cap ko, dahil hindi pwedeng mag mask o cap sa loob ng hotel. 

I was about to leave but I heard a squeaky and whimper sound at my right side. I glanced over my shoulder. 

Mula ro'n sa madilim na parte ng lugar ay may nakikita akong nagtatalik, like kissing and stuff. Na sa lilim sila ng puno kaya hindi sila mapapansin 'agad kung hindi malakas ang pandinig o kaya'y bulag ka sa dilim. 

Nakapalupot ang mga kamay ng babaeng 'yon sa leeg ng lalaki habang na sa loob ng sleeve niya ang kamay nung kasintahan niya. Nakasuot din siya ng E.U uniform kaya bago pa man niya ako makita ay umalis na 'agad ako. 

*** 

CLASS 4-A 

Malakas na sumigaw si Jasper. "Sir, Sir! Parang awa mo na! Huwag 'yung buhok ko!" Pagmamaktol ni Jasper habang pilit na inaalis ang hawak ng mga kaklase nila sa mga kamay niya. "Uy! Wala naman kayong pakikisama, eh. Bitawan n'yo ako!" Dagdag ni Jasper pero nginisihan lang siya nung John. 

"Sinabihan ka na kasi ni Rose na magpagupit, eh." ani ng isa naming kaklase kaya pinitik ni Rose ang buhok niya sa ere. 

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo. Iyan, mas lalong magmumukhang pugad 'yang buhok mo." Pagkibit-balikat ng President of the class na si Rose. 

"Ang ganda ganda kaya ng buhok ko! Saka bakit si Jesus Christ?! Mahaba naman 'yung buhok niya, ah?" Pangangatwiran ni Jasper kaya tinaliman siya ng tinign ng adviser nilang si Sir Santos. "Eek!" Patiling sigaw ni Jasper. 

"Talagang dinamay mo pa 'yung Diyos sa 'yo, ano?" Malumanay na sambit ng adviser matapos unin ang gunting sa ibabaw ng teacher's table.

Nagtatatalon-talon si Jasper lalo pa nung lumalapit na sa kanya 'yung adviser. 

"Sir! Promise, magpapagupit na talaga ako mamaya! Kaya 'wag mo ng gawin 'yan, Sir." Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi. 

Nakasalong-baba kong pinapanood 'yung mga pinaggagagawa nila habang humahalakhak ang ang mga kaklase niya dahil sa mukhang ginagawa ni Jasper. 

Matagal ko na talaga 'tong napapansin pero may kakaiba sa klaseng ito na wala sa ibang class section. Parang, magkakaiba silang lahat dito pero magkakasundo sila sa iisang bagay. 'Yung tipong nagliliwanag sila kaya hindi mo magawang matingnan ng diretsyo ang mga ito. 

Nakahinto na sa harapan ni Jasper 'yung adviser nila kaya nagsisisigaw na si Jasper doon. 

Inangat ko na lang ang tingin sa wall clock na nasa harapan at bumilang dahil iilang segundo na lang ay tutunog na 'yung bell. 

5... 4... 3... 2... 

"1." Tumunog na ang bell kaya ang akmang paggupit ni Sir Santos ay hindi na natuloy. 

Mabilis namang tumakbo palayo si Jasper at lumabas sa classroom. "Kainan na!" Sigaw ni Jasper sa labas. 

"Bumalik ka rito!" ang adviser at napasuklay sa buhok niya dahil sa pagkaperwisyo. 

Bumuntong-hininga lamang ako saka napalingon sa babaeng biglang nagbigay ng back hug. 

"Sasama ka sa amin ngayon." Ngiting saad ni Kei. "Wala kang takas." She added, while I'm staring at her Sapphire orb. We have the same eye color, and she also got our Father's facial structure. 

If titingnan mo siyang maigi, magiging hawig niya si Haley-- o ako.

Tumabingi ang ulo niya na may pagtataka sa kanyang mukha. "Hmm? What is it?" Ngiti niyang tanong na binalingan ko lang ng tinign. 

"Nothing." Sagot ko. "Sasabay rin pala ako sa inyo." Dugtong ko kaya dinikit-dikit niya 'yung pisngi niya sa pisngi ko. 

"I love you." Malambing niyang wika. For some reason, I felt uncomfortable and embarrassed that I wanted to literally push her away. But at the same time, I can't. 

"Don't touch me." Sabi ko pero ang ginawa niya, kiniskis niya ang kanang pisngi sa kaliwa kong pisngi kaya tumaas ang balahibo ko. Ilayo n'yo 'tong babaeng 'to sa akin. 

Lumapit na sa amin sila Mirriam at Harvey kaya tinigil na ni Kei 'yung pagiging clingy niya't tumayo na nang maayos, pero nandoon pa rin siya sa likod ko.

Sandali kong ibinaling ang tingin kay Harvey na nakasimangot na nakatingin kay Kei na bigla-bigla na lamang nanahimik. "Sasabay ka na sa 'ming kumain, Haley? Sakto, alam mo bang may promo 'yung Koaded mo sa Canteen? Sayang 'yon kung hindi mo kukunin, eh, favorite mo 'yon." Inilipat ko ang tingin kay Mirriam Garcia. Koaded?

"Ah." Nasabi ko lang kaya ngumuso siya.

"Ano'ng 'ah' ka riyan? Tara!" At hindi pa nga ako pumapayag pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko para itayo ako sa upuan at kaladkarin palabas ng classroom. 

"S-Sandali, 'yung wallet k-- Hoy!" 

*** 

INANGAT NI Mirriam ang kanan niyang kamay habang iwinawagayway ito sa ere. "Ate! Ate! Unahin mo 'yung suki mo! Mandaraya 'yang binebentahan mo ngayon!" Malakas na sigaw ni Mirriam sa gitna ng dami ng tao rito sa cafeteria para makuha ang atensiyon nung babaeng nagtitinda. 

"Hoy, ang kapal mo, Mirriam, ah!" Hindi ko kilala 'yong kabulyawan ni Mirriam Garcia pero sigurado akong hindi 'to kaklase nila Haley. 

Napatingin naman ako sa kaliwang bahagi habang pinagkakaguluhan ng mga underclassmen sina Jasper. Kumakapit ito sa mga braso nila't nagtititiling kinakausap ang so-called model students ng E.U. na hindi ko rin maintindihan kung bakit napaka aggresive ng mga tao sa lugar na 'to. 

Wala ba silang prefect of discipline? Pa'no nila inaawat 'yung mga estudyanteng ito? 

 

Tiningnan ko naman si Kei sa pwesto namin sa hindi kalayuan at chill lang na nakaupo ro'n at umiinum ng bottled water niya. Ewan ko lang kung napapansin niya 'yung mga mapusok na tingin ng mga tao sa paligid niya. 

Ibinaling ko ang tingin at tumungo. 

Pa'no natitiis ni Haley 'yung mga magugulong taong 'to? 

May sumundot sa pisngi ko kaya tumingala ako para makita si Mirriam. "Sorry to keep you waiting." Inabot niya sa akin 'yung dalawang Koaded at nginitian ako matapos niyang ibaba ang hintuturong nakadikit kanina sa pisngi ko. 

Kinuha ko 'yung dalawang Koaded na binili niya saka tinitigan. Paborito 'to ni Haley? 

"Hmm?" Inangat ni Mirriam ang tingin sa noo ko na nagpa-alerto sa akin. "Bakit parang nawa--" Aabutin niya sana 'yung noo ko para siguro hawiin ang bangs ko, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan iyon. 

Mirriam was a bit surprised because of what I did, she looked down.

I smiled at her, ibinaba ang kamay naming nakaangat nang hindi ko inaalis ang hawak ko sa kamay niya. "Balik na tayo." Yaya ko at iginiya siya kung nasa'n si Kei. Umupo na kaming pareho sa pahabang upuan, tumabi siya kay Kei habang umupo naman ako sa kanilang harapan. 

Kinuha ko ang bottled water na nakahanda na ro'n sa harapan namin saka binuksan ang takip at ininum. This is bad, matagal ko na dapat inisip na magpalagay ng pekeng peklat sa noo nang hindi magkaroon ng problema o pagkalito itong mga kaibigan ni Haley dahil hindi talaga malabong may mapapansin itong mga kaibigan niya, kung si Jasper nga na hindi ko inaasahan na mapapansin 'yung maliit na bagay, paano pa 'yung iba?

Pasimple kong in-adjust ang buhok ko para mas humarang ang bangs sa aking noo. 

"Siya nga pala, Haley. Pumunta kami ni Mirriam sa mall nung isang araw 'tapos may pa-raffle na naganap kaya sumali kami." Kinuha ni Kei ang ticket mula sa journal book na dala-dala niya. "Nanalo kami ng ticket sa Ocean Park," Abot niya sa akin nung isang asul na ticket. "Pwede mong magamit sa alone time mo." Dagdag niya. 

Nag-aalanganin ako pero kinuha ko na lang. Hindi ko 'to magagamit. 

Biglang binatukan ni Mirriam si Kei. "Bakit mo sinabing alone time niya?" Napatingin ako sa dalawa kasabay ang paglipat ng tingin ni Mirriam sa akin. "Dalawa talaga 'yung napalanunan namin ni Kei, kaya ibibigay ko 'yung isa kay Reed," Nginisihan niya ako pagkatapos. "Magkakaro'n kayo ng pagkakataong makapag date dalawa." 

"Ah." Nasabi ko lang kaya kumurap-kurap silang pareho. 

"Wala kang sasabihin?" Tanong ni Kei. 

"Side comments?" Segunda ni Mirriam. 

Kinuha ko na lang 'yung Koaded na binili ni Mirriam sa akin kanina para buksan. "Is it necessary?" Tanong ko at kumuha ng isang piraso ng Koaded. "I'll go." Sagot ko at kumagat ng tip, 'di kasi ako mahilig sa matamis. 

Pero kahit sabihin ko 'yan, natuwa ako sa lasa kaya ibinaba ko ang tingin sa kinagatan kong bisquit. It's good. 

Tumunog bigla ang sound system kaya bumaling ang atensiyon ng lahat doon. "Paging. Miss Haley Miles Rouge. Please proceed to the homeroom office this 10:30," Rinig ko sa pangalan kaya tumayo na ako. "I repeat, calling for attention of Haley Miles Rouge. Please proceed..." 

"Bakit ka kaya pinapatawag?" Takang sabi ni Kei kaya inabot ko na sa kanya 'yung natirang Koaded.

"Hold this for me. If you want, kainin mo na lang din." Wika ko bago tumayo mula sa pagkakaupo. 

"Ayaw mo bang kumain muna? 10:30 pa naman daw." Sabi ni Mirriam. Inubos ko na ang laman ng bottled water ko bago iyon ikinuyom at itapon sa basurahan sa hindi kalayuan. Nilingon ko sila Mirriam na nakasunod ang tingin sa akin.

"Minuto rin ang pagpunta ro'n kaya aalis na ako ngayon." Naglakad na ako paalis at hindi na sila hinintay na magsalita. 

Nadaanan ko pa sila Reed na mukhang napansin ang pag-alis ko dahil nakasulyap siya sa akin. Pero ibinaling ko lang ang tingin kay Jasper na nakatingin sa akin, sinenyasan ko siyang sumunod sa akin bago tuluyang makaalis sa Cafeteria. 

Sa paglalakad ko sa corridor papuntang homeroom office, naririnig ko na ang mga yabag ng mga paa ni Jasper. Tumabi siya sa akin nang makahabol siya. "Buti nakahabol ako." Hinihingal na sabi ni Jasper at nilingon ako. "Tinatawag mo naman ako, 'di ba?" Naniniguradong tanong. 

Tumango ako. "Yes, and I need you to come with me." I said in a serious tone. "Mukhang may issue sa akin 'yung school n'yo." Dagdag ko. 

"Figured." Pagtango niya at bumaling. "Madalas papuntahin ang mga estudyante sa homeroom office kung may urgent na nangyari, may bisita o kaya ay may nagawang violation. Wala ka naman sigurong nilabag na rules, ano?" 

Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Wala akong naiisip na pwedeng maging violation. Pero mukhang may nakakitang estudyante sa akin kagabi at nagsumbong." Tinutukoy ko 'yung babaeng E.U student na nakita ko sa gilid ng hotel. 

"May ideya ka kung sino?" Tanong ni Jasper habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. 

"Ngh. Wala, pero mukhang magkakaroon ng misinterpretation dahil sa labas ng hotel ako nakita ng estudyanteng 'yon." Sagot ko kaya para siyang nataranta. 

"H-Hotel?" Nauutal niyang ulit sa sinabi ko kaya ipinaliwanag ko na lamang sa kanya kung bakit ako nandoon. Nandito na kami sa hallway, walang estudyante at kaming dalawa lamang ang tao, papunta na kami ngayon sa homeroom office. 

Humawak si Jasper sa ulo niya gamit ang dalawang kamay. "Wala talaga akong naiintindihan. Documents? Party? Face Silicone?" Marahan siyang tumawa at lumingon sa akin. "H-Hindi ka naman miyembro ng isang organisasyon dahil sa isa kang assassin, 'di ba? Wala naman tayo sa game--" 

"Hmm, not bad. You're good." Mangha kong sambit kaya napalingon siya sa akin. 

"Huh?" Reaksiyon niya na parang may narinig na kung ano. Tumango ako para sabihing tama ang iniisip niya kaya natahimik siya saglit bago mapasigaw. "Huh?!" pasigaw niyang reaksiyon na siyang nagpatakip sa tainga ko. Para siyang babae, ang ingay ingay niya. 

Pumunta siya sa sulok at napakunot-noo na lamang noong makarinig ako ng singhot niya. Umiiyak ba siya?

"Lara, gusto kitang paniwalaan kaso mahirap." Saad niya habang nakababa lang ang tingin ko sa kanya. 

Pasimple akong nagbuga ng hininga bago humalukipkip na tumingin sa labas ng bintana. "Alam ko, at hindi mo kailangang paniwalaan." Wika ko bago humarap sa bintana para mas makita ang labas. "Pero may mga bagay akong kailangang sabihin sa inyo ni Haley na hindi pwedeng magtagal na nakatago." 

Nakita ko sa peripheral eye view ang paglingon niya sa akin. Inalis na rin niya ang kamay niya na nakahawak sa ulo niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" 

Sandali akong hindi sumagot at tumitig na muna sa mga estudyante sa hindi kalayuan mula sa floor na ito. "May hinahanap akong isang partikular na tao na nalaman kong pupunta rin sa social gathering na dadaluhan ko sa susunod na araw." Walang sinabi si Jasper at nakikinig lang, samantalang naglabas naman ako ng hangin sa ilong. "At itong taong hinahanap ko ay may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid ni Reed Evans." Litanya ko na mukha namang ikinagulat ni Jasper dahil narinig ko ang pagsinghap niya. "The truth must be revealed. Rain Evans isn't the person you actually knew. She was also one of us, an ace and assassin of White Stone Organization, Red Snave." 

Natawag na "Red" si Rain Evans dahil sa mabilis at madugong pagpatay niya sa mga miyembro ng B.R.O o ang tinatawag sa Black Rock Organization. Napunta siya sa madilim na mundo ng mga Assassin nang dahil sa hindi sinasadyang insidente, 

...nahuli niya ako sa isang pagpatay noong gabing hinahabol ko ang isa sa miyembro ng B.R.O. na animo'y isa akong makina na walang emosyon.

Matapos kong barilin sa mismong ulo ang lalaki ng puti kong bala at nahulog sa mataas na palapag ay bumaba ako para tingnan ang walang buhay na katawan. Na sa madilim kaming parte ng lugar subalit nagpapasalamat na lang ako sa papatay-sindi na post light kaya nakikita ko ang itsura ng taong tinapos ko. Nakadapa siya kaya iniharap ko siya sa akin gamit ang kanan kong paa para suriin kung talagang wala na ang buhay niya. 

Nang mapagtanto kong patay na ang taong 'yon ay nagpasya na akong umalis. Tumalikod ako sa bangkay at hahakbang na ngunit sumalubong sa akin si Rain Evans na siyang ikinagulat ko dahil wala akong presensiya na naramdaman. 

Dumaan lamang siya sa isang eskenita at dala-dala pa ang school bag niya. She didn't run, hindi rin siya sumigaw at nakatitig lang sa akin. "Sh*t." I cussed. Balak ko sanang umalis pero dumaan ang helicopter sa ere at tumapat kung nasaan ako. Bumukas ang pinto ng helicopter saka may naghulog na fast roping senyales na may bababa. 

Mabilis na nagpa-slide pababa si General Sean-- o ang tinatawag sa Royale Villafuerte sa loob ng organisasyon. 

Lumakad siya palapit kay Rain na tulala pa rin sa kawalan. Ngumiti si General Royale saka inilahad ang kamay na tila inaalok ang batang babae sa harapan niya na sumama sa kanya. 

Na sa once anyos lang si Rain noong mga araw na iyon nang mapasama siya sa nakamamatay na organisasyon. Ipaliwanag lang ni General Royale ang nakakatakot na katotohanan sa isang bata. Subalit laking pagtataka ko na lamang noong malaman kong sasali sa organisasyon ang nagngangalang Rain Evans. 

Wala akong ideya sa pinakarason niya kaya piniling niyang pumayag na tahakin ang mapanganib na daan. Ang tanging sinabi lang niya sa akin habang nakatingin kami sa parehong kaulapan,

"Kung itong sikreto ng mundo ang magbibigay rason para mapahamak ang mga taong mahahalaga sa akin, mas gugustuhin kong kumilos at may gawin nang hindi ako magsisi sa huli. Mamatay man ako ng walang nakakaalam,

...sa dahilan." 

Hindi maiisip ng isang ordinaryo na sasabihin 'yun ng isang once anyos na bata, at sa gano'ng gulang niya ay hindi rin aasahan ng nakararami na sasabak siya sa gitna ng kamatayan. 

"Rain protected my sister to avoid death, so it is my responsibilty to take revenge and eliminate him." Panliliit ng tingin ng mga mata ko saka nilingon si Jasper, ayon sa mukha niya ay mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko pero bakas sa mata niya 'yung takot at pangangamba. 

"And I'm not Laraley, I am the commander of the W.S.O, Vivien Villafuerte." Maayos kong pagpapakilala.

The enemies objective is to assassinate my family. However, I was born to protect them, even though that would be the reason DEATH will come and chase me. 

***** 

Siguiente capítulo