webnovel

Retreat!

Chapter 23: Retreat!

Haley's Point of View 

Isinarado ko ang 'yung zipper ng bag ko at tumayo na nang maayos. 

I checked my phone to see my Mom's message dahil alam niya na ngayon ang araw ng retreat naming mga senior.

Marami siyang bilin at pag-iingat na sinabi pero hindi ko na nagawang ma-reply-an dahil wala na rin talaga akong load. 

Isinabit ko ang bag sa kanan kong balikat at inangat na ang Trolley handle ng maleta ko. Lalabas na sana ako sa kwarto pero nakarinig ako ng kaluskos sa bandang bintana kaya napalingon ako ro'n, nagulat nang makitang bukas iyon kung kaya't pumapasok dito ang lamig ng umaga. 

"I'm so disappointed." Mabilis akong lumingon sa taong iyon, napabitaw ako sa hawak ko sa maleta 'tapos paharap na napaatras nang magpakita nanaman siya sa akin. 

"Ikaw nanaman..." 

Umabante siya nang kaunti habang muli nanaman akong napaatras. "Didn't I already told you? Don't leave the city, hindi ka marunong makinig." Malumanay lang ang pagkakasabi niya pero malalaman mong iritable ito dahil sa paraan ng pananalita niya. 

Nakaramdam ako nang kakaibang takot, iba ang aura niya ngayon. 

Lumunok na muna ako bago seryosong humarap sa kanya. "Wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo, Haley Miles Rouge." 

Umismid ako kahit gusto ko na talagang tumakbo paalis dito. "Paanong 'di ko malalaman? Ipinaliwanag mo ba sa akin kung ano 'yung nangyayari? Ni hindi mo nga sinasagot kung sino ka, pa'no kita paniniwalaan?" Hindi siya nakasagot sa sunod-sunod kong litanyang binabato sa kanya subalit inangat niya nang kaunti ang ulo niya. 

Nandoon pa rin 'yung puting mask na madalas niyang suotin, ayaw talaga niyang ipakita ang mukha niya. 

Sumilip ko sa bintana gamit ang peripheral eye view ko. 

'Till now, gusto ko pa ring isipin na prank lang ang lahat, na magiging normal din ang buhay ko't magiging mapayapa pero sinong tao ang papasok sa kwarto ko gamit ang bintana? This is bad news, really. 

Pasimple kong ibinaba ang tingin sa sapatos niya. 

May kataasan ang talampakan na ito dahilan para manliit ang tingin ko. 

"You will know exactly what you need to know, but not NOW." Diin niya sa salita. "All I want you to do is to listen and obey me." 

I gave this person a mocking laugh. "You can't expect me to do that."  

"Wala na tayong oras, Hale--" 

Pumikit ako nang mariin. "Don't call my name!" Matinis kong udyok na nagpatahimik nga sa kanya. "I don't even know you! How am I supposed to react on this?! It's not making any sense at all! Just what do you think you are?!" Pagbagsak ko ng bag na nakasabit kanina sa balikat ko. 

Narinig ko ang paglabas ng hangin na nagmumulapa yata sa butas ng ilong niya. 

"I understand that you feel uneasy, probably you're also confused. But I am begging you to wait." 

Hindi ko malaman kung talaga bang sincere ang taong na sa harapan ko o hindi dahil walang kabuhay-buhay 'yung boses na gamit niya. 

"You..." Panimula ko habang nakababa ang tingin. Napapalunok din ako sa lalamunan ko dahil parang may nakabara roon. "I couldn't ask for help because I'm not even sure what's going on." Saad ko at tumingala para makita siya. Nagtapat ang tingin naming pareho. "Please, leave me alone." Pakiusap ko pero hindi siya nagsalita. 

Kaya kinuha ko na lamang ang gamit ko't dali-daling umalis sa kwartong iyon. Pinatay ko ang main breaker sa ibaba at padabog na isinara ang pinto. 

Lumabas na ako ng bahay matapos kong maisara ang gate. 

Ngunit bago pa man ako pumunta kina Kei ay tumingala ako para tingnan ang bintana kung nasaan siya. Papaakyat pa lang ang araw kaya kahit madilim sa parte ng kwarto ko, nakikita ko ang taong 'yon at nakasilip sa akin. 

Pumikit ako nang medyo matagal-tagal bago iminulat ang aking mata. Wala na siya ro'n sa lugar kung sa'n ko siya huling nakita. 

Higpit kong hinawakan ang strap ng bag ko't huminga nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad. 

Naroon na sila Reed at naghihintay na pala.

"Ang tagal mo namang maghanda" Bungad ni Harvey na hindi ko lang inimikan.

Ipinasok ko lang muna ang gamit ko sa compartment ng sasakyan na gagamitin saka pumasok sa loob ng sasakyan. Nandito 'yung guard nila Harvey noon, siya 'yung maghahatid sa 'min sa E.U. 

Umupo ako sa pinakadulong upuan at ini-relax ang sarili. Tumabi sa akin si Kei dala-dala ang purse bag at DSLR bag niya.

Nakabukas ang Dome light kaya napatingin ako ro'n 'tapos ay ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Okay ka lang?" Tanong ng kapatid ko kaya napalingon ako sa kanya kasabay ang paglapit niya ng mukha sa akin para ipatong ang noo sa aking noo. "Masama ba pakiradam mo?" Tanong niya sa akin. 

My eyebrows furrowed. "I-I'm fine. Inaantok lang ako." Sagot ko saka pumasok 'yung dalawa. Umupo si Harvey sa passenger seat habang si Reed naman ang tumabi kay Kei. Van ang gamit namin. 

"Wala na kayong naiwan?" Tanong ni Reed kaya lumayo na sa 'kin si Kei para sumagot kay Reed. 

Kung may gusto man akong iwan, itong takot at pag-aalala ko lang talaga. 

Lumingon si Manong kay Kei. "Sa E.U po, ano?"

Tumago si Kei. "Opo, doon tayo didiretsyo." Ngiting sagot nito saka nag vibrate ang phone niya. Inilabas niya iyon sa isa pa niyang dalang bag para tingnan ang nag message sa kanya. "Nandoon na raw sila Jasper sa E.U." Saad niya na tinanguan ni Reed. 

"On the way na kamo." ani Reed. 

Nag-uusap lang sila ro'n nang umandar na ang sasakyan. 

Itinuon ko na lang ang atensyon sa labas ng bintana at namilog ang mata nang madaanan ng sasakyan na ito ang taong iyon na nakaangkas na sa motorsiklo niya. 

Humawak ako sa dibdib ko gamit ang kaliwa kong kamay dahil lumalakas nanaman ang pagpintig ng puso nito. Hindi ko rin namalayan na napahawak na ako sa kamay ni Kei dahil sa takot na maaaring mangyari. 

Dapat naman talaga hindi ko isipin pero heto ako't nag-aalala na baka mamaya, 'yung dala niyang babala ay totoo pala. 

Hinawakan ni Kei ang kaliwa kong pisngi kaya napatingin ako sa kanya gamit ang peripheral eye view saka niya inihiga ang ulo ko sa balikat niya. Ipinatong din niya ang ulo niya sa ulo ko. "Gusto rin pala ng isang Haley na magpalambing." 

Nawala ang kung anong nararamdaman ko't namula. "I'm not." 

Tinawanan lang niya ako 'tapos bumuntong-hininga. "Matulog muna tayo sandali." Wika niya na marahan ko lamang tinanguan saka pumikit. 

***

"Mag-iingat kayong lahat, ah? Enjoy." Pagkaway ni Manong saka pinaharurot ang Van paalis.

Sinalubong kami nila Jasper nang makapasok kami sa main building ng E.U. Nandoon na 'yung iilan sa mga buses, gayun din ang gamit ng iba naming school and classmates malapit sa compartment nung bus. 

Iniwan din namin 'yung mga maleta namin doon at dinala lang 'yung mabibitbit tulad ng purse, small and shoulder bag. 

"Ang tagal n'yo naman." Bungad ni Jasper habang na sa leeg niya 'yung neck pillow. "Gusto n'yong pumunta sa kalapit na convenience store habang hindi pa umaalis 'yung bus?" 

Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Wala ka bang dalang pagkain?" Tanong ko. 

Humawak siya sa likuran ng ulo niya 'tapos natawa. "Mayro'n naman. Inumin lang ang wala." Sagot niya saka lumapit ang adviser naming si Sir Santos. 

"Huwag na kayong lumabas! Dito na lang kayo dahil aalis na mamaya maya" aniya na umagang-umaga, magkasalubong na ang kilay.

Humarap naman si Jasper sa kanya saka lumapit sa adviser namin, may binubulong siya rito na tinatang-tanguan ni Sir Santos hanggang sa tumayo siya nang maayos at nag thumbs up. "Iyan ang gusto ko sa'yo, eh!" At nakipag apir pa silang dalawa.

Binigyan ng mga kaibigan ko ng walang ganang tingin si Jasper. 

Tumingin ako sa hindi kalayuan. Iwan ko muna siguro 'yung mga iniisip ko, hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na may iniisip ako. 

Pumunta na nga kami sa convenience store. Nandito ang iba sa mga ka-batch mates namin at ngayon pa lang bibili ng pagkain. 

Kumuha lang ako ng tatlong lolipop at isang extra na Koaded. 

Pumunta naman ako sa malaking refrigerator at nagtititingin dahil baka may gusto pa akong inumin. 

"Haleeeeeeyyyy!" Riniig kong tawag ni Rose na papalapit sa akin at kumapit sa braso ko para ngisihan ako. "Tabi tayo, ah?" Masigla niyang sambit. Oo nga pala, may usapan nga pala kami. 

"What? I thought magtatabi tayong tatlo?" Takang tanong ni Mirriam na kararating lang, may dala siyang dalawang bottled water. 

Umangat ang dalawa kong kilay. Wala kaming napag-usapan.

***

NAKAPASOK NA KAMI sa loob ng bus at napagdesisyunan na umupo na lang dito sa pinakalikod kung saan madalas akong magsuka. Pumikit ako nang mariin at saka humalukipkip.

Hindi na lang ako gagalaw para makatulog ako kaagad.

Kasi naman, eh. Bakit rito pa kami pumwesto? 'Di ba nila alam na maalog dito? 

Saka amoy na amoy 'yung Green Pine Tree car perfume! I wanna puke!

Idinilat ko nang kaunti ang isa kong mata, nagku-kwentuhan ang lahat at kumpleto kami. May mga sari-sarili silang mga ginagawa't pinagkakaabalahan. May dumiretsyo ng tulog, may iba naman na umagang-umaga pero kumakanta. 'Tapos may malakas na humalakhak, naglalaro ng mga dala nilang gadgets, at kumakain ng galing sa Jollibee

Ipinikit ko na muli ang mata ko at handa na sanang matulog nang may manggulo sa bawat side ko.

"Aww ~ Ang bango bango talaga ni Haley!" Nanggigigil na sambit ni Rose sabay yakap sa akin, katabi niya kasi 'yung bintana kaya ako lang talaga ang pwede niyang maharot.

Huminga lang ako nang malalim.

Huwag kang magulo, baka masukaan ko pa 'yang pag mumukha mo. 

Nagsimula ng umandar ang bus kaya umayos ako ng upo't naghahanap ng pwesto na pwedeng magpawala sa nararamdaman kong pagsusuka. 

Pero magulo 'yung dalawa kong katabi, si Mirriam kasi 'yung na sa kanan ko 'tapos katabi niya si Kei. 

Hinayaan ko lang 'yung panghaharot ni Rose dahil wala talaga akong lakas pero sinabayan siya ni Mirriam kaya nagasalubong na ang kilay ko nang hindi iminumulat ang aking mga mata. "Tumigil kayong dalawa, gusto kong matulog." Suway ko kaya nanahimik naman sila. Pero ilang minuto rin nang biglang hawakan ni Rose ang dibdib ko. 

"Ah, boobs." Hindi pa siya nakuntento dahil pinisil pa niya iyon dahilan para masampal ko siya sa gulat. "Gauff!" 

***** 

Siguiente capítulo