Chapter 18: Confidant
Haley's Point of View
Mabilis kong inayos ang gamit ko't hinablot ang bag ko nang marinig ko ang tunog ng bell. Nakikipagkwentuhan si Jasper sa harapan niya nang hawakan ko ang pulso niya't inangat siya patayo. "Eh?" Takang reaksiyon niya na pinanlisikan ko ng mata dahilan para ipagdikit niya ang mga labi niya't mapatikum.
Nilingon ko si Mirriam na nagtataka rin na nakatingin sa amin.
"H-Hihiramin ko lang muna 'yung boyfriend mo." Paalam ko na nagpamula sa pisngi niya saka ko iginiya palabas ng classroom si Jasper.
"Saan tayo pupunta? Baka magselos si Reed--" Humigpit ang hawak ko sa pulso niya dahilan para mag-aaaray siya.
"Kailangan ko lang ng makakausap." Paanas kong sambit, sapat naman iyon para marinig niya kaya napalingon siya sa akin. Pagkatapos ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko't halos mangiyak na tiningnan ako.
"Hindi ko alam na darating sa punto na hihingi ka ng tulong sa pogi mong bestfriend." Sabay singhot niya kaya namula ako't hinila ang aking kamay pabalik sa akin. Kumurap-kurap siya at hindi na lamang pinansin ang pagsusungit ko't kinulutan ako ng ngiti. "Sa'n mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.
***
NARITO KAMI SA parking lot at kasalukuyang hinihintay si Jasper na paandarin ang motor niya. Sa mansiyon nila kami pupunta dahil wala rin naman akong maisip na pwedeng pagtambayan. Saka para na rin siguro less gastos.
"Matagal pa ba 'yan?" Naiinip kong tanong ko at pasimpleng tumingin sa paligid. Baka kasi maabutan kami nila Reed dito.
"Sandali na lang, pinapainit ko pa kasi" At malakas niyang pinatunog ang tambucho niya.
Hinayaan ko lang siya't naglabas lamang ng hangin sa ilong, 'tapos ay umupo na muna sa parking block. "S-Sige..." Sagot ko na may pasensiya at niyakap ang mga binti ko.
Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang paglingon niya saka ako nilapitan. Umupo siya sa tabi ko. "Ano ngang problema natin?" Tanong niya sa akin na hindi ko kaagad sinagot. Ipinatong ko lang 'yung baba (chin) ko sa tuhuran kong nakaangat.
"Mamaya ko na lang siguro sasabihin, nakakahiya kung dito."
Humarap siya sa akin. "Kinakabahan ako sa 'yo, Haley. Hindi mo 'ko tinatarayan. Baka naman mamaya may malubha kang sakit 'tapos ngayon mo lang sinabi, ha?"
Walang gana ko siyang tiningnan pagkaangat ko ng aking ulo. "Ganito lang ako pero kapag tungkol naman na siguro sa health, sasabihin ko." Sabi ko at muling ipinatong ang baba (chin) sa aking mga tuhod.
Sumimangot siya. "Bakit parang hindi ka sigurado?" Tanong niya 'tapos inangat ang isang tuhuran. "May nangyari ba sa inyo ni Ree--" Hndi pa nga niya nababanggit 'yung pangalan niya ay mabilis ko siyang hinampas sa likurang ulo.
Halos mapatungo siya sa lakas pero kaagad ding ibinalik sa dati habang hawak-hawak ang kanyang ulo na hinampas ko. Lumingon siya sa akin. "Bakit mo 'ko hinampas?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon niya pero tumitig lang ako sa palad ko.
"May ipis." Simpleng tugon ko at hinipan ang palad ko na animo'y mayro'n nga akong nahuli.
"Sinadya mo 'yon, eh!" Bulyaw niya sa akin 'tapos tumayo. "Halika, pupunta tayo ngayon sa kalapit na Convenience Store, bibili tayo ng Koaded mo."
Sumalong-baba naman ako pagkatapos. "Ayoko, salamat na lang." Walang gana kong sabi dahilan para mapasinghap siya.
Unti-unti siyang napaatras. "K-KOADED na iyon. KOADED! Sino sumapi sa'yo?!" Sigaw niya sabay hawak sa magkabilaan kong balikat.
Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Huh?" Naguguluhan ko namang reaksiyon saka niya ako inalog-alog.
"LUMABAS KA SA KATAWAN NI HALEY! KUNG HINDI..." Inginuso niya ang labi niya, "Hahalikan ka ng gwapong si Jasper--"
Sinipa ko siya paalis sa parking block kaya napatagilid siya ng bagsak sa simento. "You know how to die?" Inis na sambit ko sa kanya.
"Joke lang, joke lang!" Natatawa niyang sabi 'tapos tumayo na para puntahan ang motorsiklo niya. "Handa na pala 'yung moto, tara na." Aya niya 'tapos inabot sa akin ang isang helmet.
Kinuha ko naman iyon at tinitigan.
Pagkatapos ay tumingala para makita siya na ngayon ay nagsusuot na rin ng helmet niya. "Sorry." Hinging paumanhin ko kasabay ang pag-iwas ng tingin. "Magsasabay yata sana kayo ni Mirriam ngayon."
Umangkas siya sa motorsiklo niya 'tapos humagikhik. "Hindi, kaninang umaga pa talaga niya nasabing hindi siya makakasabay sa 'kin dahil nandito naman daw kuya niya. Sabay raw silang uuwi." Sagot niya. "Nagkita ba kayo ni Jin kanina?" Tanong niya na tinanguan ko.
"Mmh. Kasama ko siya nung umaga." Sagot ko 'tapos umangkas na nga rin sa likod. 'Tapos napatingala nang makalimutan kong dala ko nga pala 'yung skateboard ko. 'Di bale, bukas ko na lang kunin. Hindi naman mawawala 'yun sa guard house.
"Hmm, I see..." Parang medyo nanghihinalang tunog kaya kinunutan ko siya ng tingin.
"What?"
Bumaling na siya. "Wala, kumapit ka na lang."
"Ah." Reaksiyon ko at napa-bored look. "Hindi ka naman mabilis magpatak-- Kyahhh!"
After 10 minutes...
Dahan-dahan akong bumaba sa motor niya nang makarating na kami sa mansiyon, pagkatapos ay inalis ko na 'yung helmet ganoon din siya. "Muntik na tayong mabangga kanina 'n--"
Napapadyak ako sa pader dahil sa inis. "Are you a moron?! Paano kung na-aksidente tayo dahil sa ginawa mo?!" Inis na tanong ko sa kanya.
Humawak siya sa batok niya at nagawa pang matawa. "Hindi naman tayo na-aksidente kaya okay lang ya--!"
Dinuro ko siya. "ISUSUMBONG kita sa ate mo!" At binuksan ko ang gate para pumasok sa loob. "Excuse me!" Sabi ko pa.
Narinig ko naman ang pagpasok ni Jasper kaya napangiwi ako.
"Sorry na! Hindi na mauulit, 'wag mo lang akong isumbong kay ate, malalagot ako kina Mommy--" Humarap ako sa kanya kaya napatigil siya.
Bigla akong nag crave sa chocolate. Mayro'n kaya sila?
"B-Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
***
Kuha. Subo. Nguya.
Wala akong nakitang chocolate sa refrigerator nila Jasper pero nakakita ako ng Koaded kaya iyon kaagad ang hinablot ko sabay punta rito sa sala.
Umupo si Jasper sa single sofa matapos niyang makapagbihis.
Nag-aalala siya sa paraan ng pagsubo ko dahil sunod-sunod na iyon.
"N-Nandito na ako. Kumalma ka na ng kain diyan dahil baka mabulunan k--" nagkatotoo ang sinabi niya kaya hinampas ko ang dibdib ko.
Tiningnan ko si Jasper na nasa harapan ko. I-ikuha mo ako ng tubig!
Napatayo siya. "Iyan na sinasabi ko, eh. Sandali, kukunan kita ng tubig." Aalis na sana siya pero biglang tumunog ang phone na nandoon sa glass table na nasa harapan namin kaya kinuha niya iyon at binigyan ako ng wait sign.
"Wait lang, sagutin ko muna sandali." Turo niya sa phone at tumalikod.
"Oh? Hello! Ah? 'Yung pina-deliver ko? Oo! Free ako sa next Saturday, may latest game pa ba riyan?"
Humawak ako sa leeg ko habang sinusuntok ang sariling dibdib.
Walang hiya ka! Mas inuuna mo pa 'yung walang kwenta mong laro kaysa sa buhay ng kaibigan mo!
Ibinaba na ni Jasper ang tawag 'tapos binigyan ako ng malapad na ngiti. "Pasensya na, limited daw kasi 'yung-- Gauff!" Pagsikmura ko sa kanya saka kami sabay na napaluhod at higa sa carpet.
***
IBINABA ko ang basong wala ng laman matapos kong inumin. Pagkatapos ay binigyan ko ng napakatalim na tingin si Jasper na pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"Kapag talaga namatay ako, ikaw ang una kong mumultuhin." Saad ko at pinunasan ang bibig ko gamit ang likurang palad.
Nag sign of the cross naman siya. "Ilabas niyo ang masamang espiritu sa katawan ng babaeng nasa harapan k-- Kyah?" Binato ko kasi 'yung rolled tissue sa ulo niya.
Ipinatong na niya 'yung dalawa niyang siko sa tuhuran niya 'tapos ngumiti.
"Ano pala 'yung gusto mong sabihin?" Panimula ni Jasper kaya namilog ang mata ko 'tapos tumungo. "Pero dahan-dahanin mo lang. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili mong kausapin pero masaya ako kasi pinagkakatiwalaan mo 'ko." Labas ngipin niyang ngiti kaya inirapan ko siya.
"Pinagkakatiwalaan ko naman kayong lahat, sadyang ikaw kasi 'yung lalaking madaling makaintindi sa sitwasyon kaya ikaw 'yung gusto kong makausap." Rason ko 'tapos inilayo ang tingin. "Kahit na ba ganyan ka, I know you can keep it a secret." Dagdag ko kaya napatayo siya na ikinasunod ko naman ng tingin.
Nakaawang-bibig siya na nakababa ang tingin sa akin.
Handa na niya akong yakapin nang sipain ko nang mahina 'yung sikmura niya kaya napaupo ulit siya sa single sofa. Tumawa si Jasper. "Natutuwa lang kasi ako sa 'yo, Haley." Umarte naman ito na parang naiiyak kaya parang pinupunasan niya 'yung gilid ng mata niya gamit ang kanyang daliri. "I am so proud of you. Nabasag na 'yung egg shell mo."
"Stop it, ang cringey mo." Sabi ko 'tapos hinipan ang bangs na humaharang sa noo ko.
Umayo ako ng tayo at tumikhim. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Jasper, what did you feel when you kissed Mirriam?" Tanong ko dahilan para mamuo ang katahimikan.
Nakangiti lang siya nang unti-unting maglaho ang linya na iyon sa labi niya. "We never kissed." Simpleng sagot niya kaya muling namuo ang katahimikan.
Sa pagkakataon na ito, ako naman ang bumasag nung katahimikan na iyon.
"Oh, that sucks, huh?" Tumagilid ako ng upo at kumuha ng panyo sa bulsa ng skirt ko para naman ako 'yung umaktong umiiyak. "Hindi ko alam na ganyan pala kalungkot ang buhay mo." Suminghot pa ako kaya namula ang mukha niya 'tapos tinakpan ang mukha.
"Stooooop! I don't wanna hear it!" Sigaw niya na nginisihan ko. Pero kaagad din siyang nakabawi at tinuro ako. "Hindi porke maraming beses na kayong nagkaro'n ng kissing moment, ah?! Tandaan mo, pareho pa rin kayong torpe!"
Ako naman itong biglang namula 'tapos napatayo mula sa kinauupuan na nagpaangat sa mga paa niya dahil sa takot. "Now, what are you getting at?!"
Pumikit siya nang mariin. "Ikaw nauna, eh! Inaasar mo 'ko!"
"Ano'ng ginagawa niyo?"
Pareho kaming napatingin ni Jasper kay Mirriam.
***
NAMIMILOG ANG mata ni Jasper at Mirriam matapos kong maikwento 'yung nangyari nung isang gabi kay Reed.
"That wasn't a mere coincidence. Hindi normal sa high school student like us na palaging naa-aksidenteng mahalikan ang isang lalaking katulad niya. I mean, you get me? Of all people, why is always him?" Taas-kilay ni Mirriam na tinanguan ko.
"Pangatlong beses na nangyari iyon, kaya hindi ko na alam kung pa'no ko siya titingnan. Sa pagkakataon kasi na 'to, ako na 'yung mismong gumawa." Nahihiya kong sabi 'tapos napakuyom. "At nakakainis lang kasi dahil parang wala lang sa kanya 'yung ginawa ko, samantalang ako. Parang ang big deal." Tumungo ako. "It's so uncool." Dugtong ko.
Tumabi si Mirriam sa tabi ko 'tapos ipinatong ang kamay sa ulo ko.
"Wala kaming pwedeng maitulong but I think umaaktong walang pakielam si Reed dahil ayaw n'yang maging awkward kayo sa isa't-isa, kaya wala siyang sinasabi na kahit na ano sa 'yo tungkol sa gabing iyon."
Unti-unting umangat ang pareho kong kilay dahil sa sinabi niya. "R-Right."
Nag dekwatro si Jasper. "Pero Mirri, napadalaw ka? 'Kala ko sabay kayo ni bayaw," Tukoy niya kay Jin. "...kaya 'di na kita hinatid, eh?"
Lumingon sa kanya si Mirriam 'tapos tinaasan siya ng kaliwang kilay kasabay ang pagsimangot. "Ibinaba ako ni kuya Jin dito. Sabi ko sa kanya mauna na siya at tatambay muna ako sandali rito lalo na't wala ka pa dahil kasama mo nga si Haley. Pero 'di ko naman inaasahan na nandito rin pala kayong dalawa." Sabay lingon sa akin.
"S-Sorry." Hinging pasensiya ko.
"You have nothing to apologize about, but you're a bit unfair for not telling me."
Sumimangot ako kasi na-guilty ako.
Inilipat ulit ni Mirriam ang tingin kay Jasper. "And you forgot to bring these with you." Sabay labas ng dalawang libro galing sa bag niya. "May quiz tayo tomorrow, baka nakakalimutan mo?"
"MERON?!" Gulat na gulat na tanong namin ni Jasper kaya tiningnan kami ni Mirriam.
"Mag best friend nga siguro kayo?" Patanong niyang sambit na may pilit na ngiti.
Reed's Point of View
Kumakain kami ngayon ni Kei sa bahay ni Harvey dahil inimbita kami ni Manang Risa, marami kasi siyang inihandang pagkain kaya nandito din si Manang Yhina.
Inilapag ni Manang Rissa ang pitchel sa table. "Wala pa ba si Haley?" Tanong ni Manang Yhina na nagpupunas ngayon ng pinggan, tiningnan siya ni Kei para sagutin ang tanong niya.
"Naroon pa po kina Jasper, kasama si Mirriam." Sagot ni Kei dahilan para taka akong mapalingon sa kanya.
Kaya pala hindi siya sumabay sa amin kanina?
"Anong ginagawa niya ro'n?" Tanong ko kaya tiningnan ako mula sa peripheral eye view ni Harvey pagkatapos ay sumimangot.
"Why won't you ask her, to Haley?" Parang iritable niyang tanong sa akin.
Itinusok ko ang tinidor sa beef steak ko. Wala na lang akong sinabi.
Inangat ni Harvey ang tingin niya. "I heard that she kissed you"
Nabilaukan ako sa sarili kong pagkain.
Balewala talaga 'yung paraan ng pagkakasabi niya.
Napahampas si Kei sa lamesa at tumayo kaya nagulat sina Manang.
"Sino?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Kei at iniharap ako sa kanya. "Sino humalik sa'yo?! Si Haley?!" Matinis niyang tanong.
Hindi ako sumagot at ubo lang nang ubo. Nakakaiyak.
Kumuha na muna ako ng tubigsaka iyon ininum. Pagkatapos ay nilingon ko si Harvey at hindi muna pinansin si Kei. "How did you know that?"
Nagkibit-balikat siya at ipinagpatuloy ang paghihiwa sa meat na nasa plato niya. "Hula-hula ko lang talaga iyon, pero hindi ko inaasahan na totoo"
"Bastard!" Mura ko.
"Hay naku, kayong mga bata kayo... Ang babata niyo pa pero may mga halik-halik na kayong nalalaman... Naunahan niyo pa 'ko" Napanganga kami sa sinabi ni Manang Yhina.
Tumawa na lang ako pero napatigil iyon nang may sabihin si Kei.
"No wonder why she's avoiding you like that." Saad niya 'tapos pinunasan ang bibig bago tumayo. "Kukuha lang ako ng tubig." Paalam niya at kinuha 'yung walang laman niyang baso. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa ibaling ko naman ang tingin kay Harvey na chill lang din na umiinum ng tubig niya.
"Bakit bad mood siya?" Tanong ko. At napapadalas na 'yon.
Inilayo lang niya ang tingin, animo'y may tinatago. "Ewan." Tipid niyang sagot.
Ah, isa rin pala 'to sa may issue.
*****