Lei's POV:
Dalawang buwan.
Sa loob ng dalawang buwan ay wala kaming ibang ginawa kundi magsanay. Kinakabahan tuloy ako, daig pa namin ang sasabak sa gera. Well, gera naman talaga laban sa mga masasamang nilalang. Maigi na daw yung lagi kaming handa lalo pa at nararamdaman ng mga elder na may paparating na panganib.
I was training under Janus, samantalang si Fina naman ay kay Azure tapos si Elliot naman ay kay Azval. Wala akong marinig kundi puro reklamo dun sa dalawa, strikto kasi talaga yung magkambal.
"Ugh! Ayoko na talaga, palit na lang tayo Lei!" paulit-ulit na pangungumbinsi ni Fina. Tinawanan ko na lang siya.
Ayoko nga. Okay na ko sa trainor ko kahit napakabugnutin.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong naman ni Glessy. Nakikinig pala siya sa amin.
"Wala yun. Huwag mong pansinin yang si Fina."
I saw her pout. Sorry, Glessy. Ang bigat talaga sa pakiramdam na pinaglilihiman namin siya. Kung pwede nga lang talagang sabihin sa kanya ang totoo.
"Okay, class. Dismissed!" anunsyo ng teacher namin. Mabilis pa sa alas-kwatro na inayos ng mga kaklase ko ang mga gamit nila. Excited talaga pag uwian.
"Guys, videoke naman tayo. Tagal na nating hindi nagagawa yun," pag-aaya ni Glessy. Isa-isa niya kaming nilapitan. Kailan nga ba yung huling nagbonding kami? Hindi ko na maalala.
Kanya kanya kaming palusot dahil may training kami ngayon.
"Sorry, Glessy. May pupuntahan kasi ko," palusot ni Fina.
"Ako din. Pinapauwi agad ako ni mama, tumulong daw ako sa lugawan."
"Uy, Gless. Next time na lang, may ibang lakad na din ako," sabi naman ni Austin.
Dahan dahang itinaas naman ni Elliot ang kamay niya. "Ako din, Gless. Pass muna."
Lumungkot ang mukha ni Glessy. Halos humaba na ang nguso nito kaya naman agad ko siyang inakbayan at hinalikan ang pisngi niya.
"Promise! Babawi kami sa'yo," paglalambing ko dito.
"Kahit hindi na. Ganyan naman kayo. Daming beses niyo na kong tinanggihan," sabi nito. Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya. Walang lingon na lumabas siya ng room.
Aww. Nagtampo na ang bata.
*****
Tinuruan ako ni Janus kung paano ang tamang paggamit ng espada nitong mga nakaraang araw kaya ngayon ay susubukan naman niya ang mga natutunan ko sa kanya. Nasa di kalayuan naman yung iba na abala din sa pagsasanay. Si Austin naman, audience lang. Ang lakas ni boy.
"Focus!" utos ni Janus kaya naman tinutok ko sa kanya ang espadang kahoy ko.
"Yaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Walang sabi sabing sinugod ko siya pero kasing bilis ng kidlat siyang nawala sa paningin ko. Hinanap siya agad ng mga mata ko. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, sa taas pero hindi ko makita ang galaw niya. Hayup!
"If this is a real sword, you'll be dead by now," narinig kong bulong niya sa tainga ko. Mariin ang pagkakatutok ng espadang kahoy niya sa likod ko kaya naman mabilis akong humakbang palayo sa kanya, nadapa pa ako. Clumsy me.
"Ang daya mo naman eh! Huwag mong masyadong galingan!" reklamo ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Nakakatakot! Baka mamaya kapag naubos ang pasensya niya patamaan niya ko ng kidlat niya. Huwag naman sana.
"Stop whining. Get up."
Sungit talaga. Tulungan niya kaya kong tumayo di ba?
"Lei, sa totoong labanan hindi mo pwedeng sabihin yan sa kalaban. Dapat handa ka lagi anumang oras," ani naman ni Austin na kanina pa kami pinapanuod. Kumakain siya ng piattos. Bwisit! Nang-iinggit lang ata ito! Perks nga naman ng anak ng matataas na Sehir. Malalakas na Sehir din daw ang mga magulang nito sabi ni Sir Hidalgo.
"Isa pa!" Umayos ako ng tayo at tinutok muli ang espadang kahoy ko kay Janus. Determinado na akong talunin siya ngayon kahit alam kong imposible yun mangyari.
"Try to dodge my attacks using your sword," He instructed. Seryoso much ni koya. Tumango na lang ako.
Agad niya akong sinugod gamit ng espadang kahoy niya pero nasalag ko ito. Paulit-ulit niyang winasiwas ang espada niya, sinasalag ko lang ito. I can't find an opening. Malakas ang bawat hampas ng espada niya kaya bahagya akong napapaatras. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa aking espada at nilabanan ang pwersa niya.
"Nice one," nakangising sambit niya. "But still not enough."
Masyadong mabilis ang sumunod na nangyari. Saglit siyang umatras at muling umabante para atakihin ako. Ang bilis na naman ng mga galaw niya. Hindi ko alam ang sunod na gagawin kaya kung saan saan ko na lang winasiwas ang espada ko para salagin ang atake niya.
"Araaaaay!" Halos mangiyak ngiyak ako sa sakit. Imbes na sa espada ko tumama ang atake niya, kamay ko ang nahampas niya. Hayup! May galit talaga sakin ang lalaking 'to!
"Sorry! Sorry!" Agad niya naman akong dinaluhan. Kinuha niya ang kamay ko para suriin ito. "Did it hurt?"
"Malamang! Ang sakit sakit kaya ng hampas mo!" bulyaw ko sa kanya. Binawi ko sa kanya ang kamay ko at hinimas himas ito. Hindi naman talaga siya ganun kasakit, acting ko lang yun para makonsensya siya. Mouhahahaha
"Sorry. Come on, give me your hand. Let me check it." He insisted. Sus! Gusto niya lang talaga na tsansingan ako.
"Okay na. Okay na. Tara na ulit. Practice na tayo."
"Are you sure? I thought it hurts?" Uy, concern.
"Ayos lang nga. Sige na, pwesto!" Sinigawan ko siya ulit. Hindi lang siya ang marunong manigaw. Hahaha! What goes around comes around.
Sabay kaming bumalik sa kanya kanya naming posisyon. Huminga ako ng malalim. Nakatutok ang mga espada namin sa isa't isa, nagpapakiramdaman. Nagconcentrate akong maigi. Tama na ang laro, Lei. Bulong ng isang bahagi ng utak ko. Kaya ko 'to.
Si Janus ang naunang umatake, inulit ko ang mga galaw ko kanina kaya nasalag ko ang atake niya. Sa isang iglap lang ay nawala na naman siya sa paningin ko. Masyado niya talagang sineseryoso ang laban! Kainis siya.
Ang bilis niya! Napakabilis ng mga galaw niya, hindi ko mahuli iyon. Imbes na mataranta ay napapikit ako para pakiramdaman ang paligid. At nang magmulat ako, parang naging mabagal sa paningin ko ang galaw niya. Hindi ko alam kung paano nangyari yun.
Mula sa itaas ay sinugod ako ni Janus. And in an instant, our fight is over.
Nabitawan niya ang espadang hawak niya nang salagin ko iyon ng walang kahirap hirap. Gulat ang rumehistro sa mga mata niya nang mapagtanto niyang nakatutok sa leeg niya ang espada ko. Maging ako ay nagulat din sa nagawa ko.
Matagal kaming napatitig lang sa isa't isa. Parehas nakaawang ang mga bibig namin, parehas hindi makapaniwala.
Isang malakas na palakpak naman ang pumukaw sa atensyon namin. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Austin.
"Good job, Lei! More practice pa, pwede ka nang sumubak sa totoong laban." Proud na proud niyang saad.
Sa sobrang saya ko ay napayakap ako ng wala sa oras kay Janus. For the first time, I won against him.
"Nagawa ko! Yay! Nagawa ko! I beat you!" Halos magtatatalon pa ko.
"Yeah, yeah. Keep it up!" Puri din ni Janus. Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko. Bigla akong bumitaw sa kanya nang ma-realized ko ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Then I saw him smiled. Sa kauna-unahang pagkakataon, nginitian niya ko. A relieve kind of smile.
"Uy, mukhang may nadedevelop." Nangingising parang timang na naman si Austin. Binantaan ko naman siya na ibabato ko sa kanya ang espadang kahoy ko kaya kumaripas siya ng takbo.
Bwisit ka po.
***
"Tignan mo nga naman talaga ang ihip ng hangin. Bigla biglang nagbabago." Namamanghang nakatitig si Elliot kay Janus. First time kasing sumama ni boy kidlat sa amin. Himala talaga.
Nasa isang fastfood chain kami. Libre daw ni Janus. Reward na din daw niya sa akin kasi natalo ko siya sa laban namin. O, di ba? Himala talaga! End of the world na siguro. At sino naman kaming mga hangal para tumanggi? Mas masarap kumain ng libre.
"Ako na lang oorder. Nakakahiya naman kay Janus kung siya na nga manlilibre siya pa uutusan natin," prisinta ni Austin. Marunong pala mahiya ang gago.
"Samahan na kita," sabi pa ni Fina. Para-paraan din. Ngiting tagumpay naman yung isa. Hashtag, moment with crush.
Nagpunta na sila sa counter para umorder. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sina Austin at Fina na nagkukulitan sa pila. Bagay talaga sila. Pinapaypayan pa ni Austin si Fina gamit ang kamay niya dahil medyo mainit dito sa loob. Ang sweet naman. Swerte talaga ni Fina sa bestfriend ko. I mean, parehas silang swerte sa isa't isa.
"You like him." Janus muttered all of a sudden. Kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
"Pansin mo din pala? Hahaha Tangina! Akala ko ako lang," bulalas din ni Elliot.
Ano bang pinagsasasabi ng mga 'to?
"Tayo tayo lang naman dito, Lei. Aminin mo na, may gusto ka sa bestfriend mo."
Napatawa ako ng malakas sa sinabi ni Elliot. "AKO? MAY GUSTO SA PANGIT NA YUN? HAHAHAHAHA BALIW NA KAYO! TROPA TROPA LANG KAMI. ADIK BA KAYO?"
"Oo na, oo na. Defensive masyado," pang-aasar pa ni Elliot.
"Unrequited love sucks, right?" Makahulugang saad pa ni Janus. Sus, Fake news!
Oo, aaminin ko! Nagkagusto ako kay Austin. He's my first love. Pero sa paglipas ng panahon, mas nagustuhan ko siya bilang kaibigan. Totoo yun, walang halong showbiz.
"Kayo masyado kayong malisosyo. Gutom lang yan. May iba kaya kong gusto," pag-iiba ko ng usapan.
"And who's the unfortunate guy?" Janus asked curiously. Mataman niya akong tinignan, naghihintay ng isasagot ko. Tsismoso din pala ang isang 'to.
I just shrugged. Bahala silang manghula.
"Parang kilala ko kung sino. Hohohoho!" Binigyan ako ni Elliot ng nakakalokong ngisi.
Shut the fuck up, Elliot!
"Ang galing naman. Niyaya ko kayo magvideoke pero ayaw niyo tapos makikita ko kayo dito na magkakasama?"
Napalingon ako bigla sa likuran ko. Nakatayo na pala sa likod ko si Glessy. Naka-halukipkip ito. Halata ang inis sa mga mata niya. Uh oh, lagot kami.
"Hi Gless!" Elliot greeted casually but she ignored him.
"Akala ko may mga lakad kayo? Did you guys lied to me?" naka-arko na ang isang kilay niya.
"Sorry na Gless," panunuyo ko.
"Ewan ko sa inyo! Huwag niyo kong kausapin!" Bigla na lang siyang umalis at pinuntahan ang mga kasama niya na naghihintay sa kanya sa labas. At hindi ko gusto kung sino ang mga kasama niya. Sina Edelyn yun at mga alipores niya. Ang mga kilalang bully sa school.
Hindi ko maiwasang mag-alala. Bakit kasama niya ang mga yun? Baka mamaya inaalila lang siya ng mga yun!
"Saan ka pupunta?" tanong nina Fina at Austin nang dumating sila dala ang tray na may pagkain namin.
"Sundan ko lang saglit si Glessy." Paalam ko bago ako lumabas at habulin si Glessy. Mabuti na lamang at hindi pa sila nakakalayo.
"Glessy!"
Napatigil sila sa paglalakad at nilingon ako. Lumapit ako sa kanila at hinila palayo si Glessy pero winakli niya lang ang kamay ko.
She's mad.
"Bakit kasama mo sila?" nagtatakang tanong ko.
"Bakit naman hindi? Mas okay nga silang kasama. Hindi gaya niyo nang-iiwan. Kayo kayo lang din naman nagkakaintindihan," paghihinanakit nito.
Bahagya akong nanghina sa mga sinabi niya. Tumatagos sa mga buto ko ang galit sa boses niya. Ayoko ng ganito. Ayoko ng conflict lalo pa sa pagitan ng mga kaibigan ko.
"Hindi ka naman namin iniwan. Ano ba yang sinasabi mo?"
"Talaga ba? Nandyan nga kayo, pero pakiramdam ko ang layo layo niyo. Parang wala na akong lugar sa inyo. Sinusubukan ko kayong intidihin, pero pakiramdam ko balewala lang ang effort ko. Kaibigan niyo pa ba talaga ko?"
I was speechless. Hindi ko alam na ganito na pala kalalim ang tampo niya sa amin. Oo nga, ilang beses na namin siyang na-turn down. Did we made her feel alone?
Hindi ko magawang habulin siya ng hilahin na siya paalis ng mga kasama niya. Parang may kumurot sa puso ko.
We haven't talk to her lately. We're so busy wandering on our own path that we completely forgot about her. It's our fault. We took her for granted.
What have we done?