webnovel

Chapter 14: Warmth

Justin Klyde's POV

December 3, 2018. Monday.

Look how fast time flies. Parang kelan lang ang init init ng panahon ngayon naman hindi ka makaalis alis na bahay sa sobrang lamig sa labas. Konting push nalang at baka magkasnow na. As if.

"Nak!" Tawag ni Mama mula sa kusina.

"Po?!" Saka ako nagtatakbo papuntang kusina.

"Ay bilhin mo nga tong mga to sa supermarket. Nakalimutan ko kaseng ilagay sa listahan ko kahapon. Need ko yan mamaya para dun sa ibebake ko."

"To naman si Mama akala ko naman kung ano ng nangyari sayo dito sa kusina. Yung sigaw niyo lagpas bubong."

"Medyo OA ka anak. Ang lumanay ng pagkakatawag ko sayo. Oh siya bilis na baka gabihin ka pa." Mama talaga oh magyeyelo ako neto sa labas. -__-

So bago pa nga gumabi eh minabuti ko na magpunta sa grocery at mabili ang mga inuutos ni inay. May kalayuan pa naman yung supermarket.

Habang naglalakad lakad ako saka ko lang naalala yung jacket ko.

"Pambihira namang buhay to. Ang layo layo ko na saka ko pa naalala yung nakalimutan ko." So syempre mapride ako tiis ganda mga te. Kahit ang lamig ng hangin go lang.

Kaso, wala na yata talagang mas lalamig pa sa nakita ko. Just now, I saw Dylan and Mira at the coffee shop. Remember yung coffee shop na una namin nakita si Mira? Dun. Ang saya saya nila. Nagtatawanan, super sweet. Ang sakit lang ng view. Pero ba't ganun hindi ako nabibitter sa nakikita ko? Masaya pa ako infact para sa kanila kaso yun nga masakit lang.

Sa katitig ko sa kanila mula sa labas ng coffee shop eh marahil nakuha ko yung attention ni Dylan. Napalingon siya sa akin. Nakangiti. Tinatawag pa nga niya ako. But for some reason, I just stood there. Staring at him blankly. Then few moments I ran. Until marating ko yung waiting shed.

"Hay buhay. Akala ko naman kaya ko ng kalimutan tong nararamdaman ko. Bakit ba ang hirap hirap? Sana kung gaano kabilis kong naramdaman tong pagkagusto kay Dylan sana ganun din kadaling kalimutan!" Ang nasabi ko nalang sa sarili ko saka ako naluha.

"Here." Napatingala naman ako nag alok ng panyo.

"Paul?"

"Hi baby." Then he smiled genuinely.

"A-anong ginagawa mo dito?" Saka ko inabot yung panyo niya.

"Ah wala lang. Strolling." Sagot niya. "Ikaw?"

"Ha?"

"Sabi ko ikaw. Anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sayo bubugbugin ko." Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.

"That suits you better." Nginitian ko nalang din siya.

"Oh salamat."

"Keep it. Para may remembrance ka mula sa akin." Saka siya kumindat.

"Ewan ko sayo."

"So why is my baby crying again?"

"Wala. Napuwing lang ako."

"Ang OA mo pala mapuwing. Sobrang dami ba ng alikabok ang napunta sa mata mo at ganyan ka makaiyak?"

"Oo nga. Ayaw maniwala." Pagpapalusot ko.

"I know when you're lying." Hays. Parang si Dylan din pala to. "Handa akong makinig kung kailangan mo ng makakausap."

"Hindi wala lang talaga to." Somehow mukha namang convinced na siya at hindi na nagtanong pa.

Sandaling katahimikan.

"Paul/Tin"

"You first." Sabi niya. So para di na magtagal ako na nauna.

"Ah eh nakapagdecide ka na ba if sasali ka sa contest?"

"Hmmm. Yeah. I was about to ask din kung sasali ka." Tumango lang ako.

"Great! So nakaisip ka na ba ng concept?" Tanong niya.

"Hindi pa nga eh."

"I see." Tipid niyang sagot habang nakatitig sa mga dumadaang sasakyan.

"Uhm Paul."

"Hmm?"

"I just want to ask if..."

"If single ako? Yeah. Bakit liligawan mo ako? Sige sinasagot na kita."

"Eh kung tadyakan kita? Patapusin mo kaya muna ako." Irita kong sagot na ikinatawa niya.

"Hahaha seryoso na. Oh ano yun?"

"Yun nga, I just want to ask kung matutulungan mo kong mag isip ng magandang concept and kapag gagawin ko na din."

"Sure. Why not. Para sayo." Nginitan ko naman siya bilang sagot.

"So what are you up to at the moment?" Dun ko lang naalala na may utos sa akin.

"Ay shocks! May pinapabili pala si Mama sa supermarket!"

"Tara samahan kita." Pag aalok ni Paul.

"Wag na maabala pa kita. Keri ko na to." Pagtanggi ko.

"Sus. Hindi ka abala sa akin. Besides, wala din naman akong ginagawa." Mukhang hindi rin naman to titigil kaya tumango nalang ako.

"Great! Let's go!" Saka siya umakbay.

"At para saan to?" Saka ko tinuro yung kamay niya.

"Malamig babe. Look, you're shivering."

"Sus. Eh di pahiram mo nalang jacket mo sa akin."

"Eh di ako naman ang nilamig? Wala pa naman akong suot na panloob aside sa jacket na to. Look." At ako naman si tanga tumingin. And for some reasons uminit bigla sa paligid. Natawa naman siya.

"Like what you saw?" Pang aasar niya.

"No. Lika na nga p-puro ka kalokohan." Saka ako naunang maglakad.

"Huy babe wait lang!"

***

"Sa wakas natapos din!" Ang nasabi ko nalang ng makuha ko na lahat kailangan ni Mama para mamaya.

"Uy Paul, punta na tayo sa counter."

"Actually, I have something to buy too." Saka siya nagkamot ng ulo.

"Ano??? Kanina pa tayo ikot ng ikot tapos ngayon mo lang naalala na may bibilhin ka?!" Ang inis kong sabi.

"Sorry na, nakalimutan ko eh."

"Nakalimutan daw. Bilisan mo na!" Pag uutos ko.

"To naman ang sungit. Let's just say give and take tong pangyayari. Sinamahan kita so samahan mo din ako." Ang nakangiti niyang sagot sa akin.

"Aba nanunumbat ka? Sinabi ko bang samahan mo ko?"

"Oo na sige na oo na peace na. Samahan mo na ako. Maaga pa naman."

"Hay na ko ibahin mo ang nanay ko malate lang ako sa usapan naming uwian nako sandamakmak na naman ang maririnig ko dun. Kesyo nag gala daw ako o baka nakipagdate."

"Eh di sabihin mo kasama mo boyfriend mo. Simple as that." Saka siya naunang maglakad.

"H-hoy! Anung boyfriend?! Wala akong boyfriend no!" Saka ko siya sinundan habang tulak tulak yung cart.

"Then let me be your boyfriend." Saka niya nilapit yung mukha niya sa akin ng makalapit ako sa kanya. Halos maduling ako sa lapit namin.

"Ewan ko sayo lumayo ka nga! Bilhin mo na nga yung bibilhin mo!"

"Yieee affected." Pang aasar niya habang nakasunod sa akin.

"Gusto mong ihampas ko sayo tong cart?" Sabi ko saka siya nilingon at tinignan ng masama. Itinaas naman niya agad yung kamay niya as a sign of surrender.

Habang tumitingin tingin ako ng iba pang items sa mall napansin kong tahimik si Paul kaya nilingon ko.

"Anyare sayo at tahimik ka?"

"Ang sexy mo pala Tin." Sabi niya saka kumindat sa akin at saka bumalik sa tintignan niya. Tinignan ko naman kung saan nakatutok yung mata niya at laking pagsisi ko na nagshorts ako sa araw na to. To kaseng si mama eh! Nakalimutan ko tuloy magbihis ng pang alis!

"Manyak!" Saka ko siya binato ng chichiria at dumiretso na sa counter. Narinig ko pa siyang tumawa pero di ko siya pinansin. Bwisit na yun pinagloloko na naman ako.

"Sinong manyak?" Late ko na napansin yung taong nagsalita sa harap ko.

"Awww!! King ina ang sakit!" Nilingon ko naman agad yung nabangga.

"Dylan?"

"Sino pa ba? Grabe ka Tin napuruhan mo ata yung junjun ko!" Reklamo niya habang nakahawak siya sa putoytoy niya.

"Ay sorry. Ba't ba kase nakaharang ka dyan?!"

"Aba ikaw pa galit? Apat na yang mata mo hindi mo pa ako nakita. Lutang ka ba?"

"Laki mo kaseng harang dyan. Ba't ka ba andito?"

"Baka magpapagupit." Pilosopo niyang sagot sa akin saka umirap. Aba.

"Gusto mong gawin nating scrambled egg yan?" Tanong ko habang akmang ibabangga yung cart sa kanya. Agad naman niyang tinakpan yun 'birdy' niya.

"Nagpapasama lang sa akin si Mira. May bibilhin lang daw. Pinapila niya lang ako dito lara mabilis daw kameng makaalis." So magkasama pala sila. Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko.

"Ah okay."

"Siya nga pala bakit ka nagtatatakbo kanina nung nakita mo ako sa coffee shop? Adik ka ba?"

Bago ko pa man sagutin yung tinanong niya may kamay na humawak sa balikat ko.

"Uhm Tin pasabay nalang to sa counter bayaran nalang kita mamaya." Sabi ni Paul. Jusko buti nalang dumating siya. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Dylan.

Napansin ko naman ang tensyong namumuo sa tinginan nila.

"Alam ba ni Tita na nakikipagdate ka sa kung sino sino?" Tanong ni Dylan sa akin saka binalik ang tingin kay Paul.

"Hindi ako nakikipagdate no! Inutusan lang ako ni Mama. Saka hindi naman kung sino sino si Paul. Kaibigan ko siya." Sagot ko.

"Bestfriend mo ako. Alam ko kung sino yung mga taong walang intensyong masama sayo."

"I have no bad intention to Justin. Tigilan mo na pre yang mga hinala mo." Sagot naman ni Paul.

"Really? Kung di ko pa alam."

"You're just being paranoid dude."

"Pwede ba Dylan tigilan mo na yan. Ano bang atraso ni Paul sayo?" Medyo napataas ata ang boses ko kaya medyo nakuha namin yung attention ng ibang customers.

"Dapat pinipili mo yung taong kinakaibigan mo. Dapat pinapaalam mo sa akin."

"Pinaalam ko naman sayo diba?" Ang pagpaalala ko.

"Pumayag ba ako? Saka bakit ba lagi mo tong kasama?"

"Eh kanino ako sasama? Kay Bryan? May boyfriend na yun alangan namang maging third will ako? Mabuting tao si Paul. Siya ang nandyan tuwing kakain ako mag isa, tuwing may project ako sinasamahan niya akong bumili ng gagamitin,pag mag aabang ng jeep at lalo na nung araw na di na tayo sabay sa lahat ng bagay na yon." At di ko na napigilang maluha.

"Tin may girlfriend ako kaya naging busy na din ako." Sagot niya.

"Oh kaya nga. Nagreklamo ba ako? May narinig ka ba sa akin? Wala naman di ba? Kaya dapat hindi ka nagsasalita ng ganyan sa taong andyan para sa akin nung wala ka." Saka ako umalis. Magalit na si Mama kung di ko nabili yung pinapabili niya. Hindi ko lang kayang magtagal dun sa lugar na yun.

Paul Adrian's POV

"Asan ka na ba Justin?" Ang hingal na hingal kong sabi ng makalabas akong supermarket. Dapat kase hindi na ako nakipag sagutan dun sa bespren niya. Tsk.

※FLASHBACK※

"Justin!" Ang pagtatawag ni Dylan.

"Honestly dude, hindi deserve ni Justin umiyak." Sabi ko saka niya binalik yung masamang tingin sa akin.

"Anong gusto mong sabihin ha?!" Saka niya ako kinwelyuhan.

"Gusto mong malaman? Nagkagirlfriend ka man sana inaalala mo pa din yung bestfriend mo, sana kahit minsan masamahan mo naman siya kumain dahil yun yung nakagawian niyo, sana nakakapagkwentuhan naman kayo kapag free time mo. Pero anong ginawa mo? You spent all your time to your girl without knowing that you let Justin hanging right there. Hindi naman siguro magagalit yung girlfriend mo kung masamahan mo kahit minsan yung bestfriend mo tulad ng dati, diba? And remember, nauna siya bago yang girlfriend mo." Saka ko tinapik yung kamay niya at umalis. Bago pa man ako makalayo...

"Lastly, Justin is always there when you need him but you can't do the same. Maalala mo man lang sana lahat ng effort niya nung nililigawan mo palang yang girlfriend mo. Wait, hanggang ngayon pala tinutulungan ka pa din niya. Tss." And I left. Leaving him there with regrets in his eyes.

※END OF FLASHBACK※

I tried dialing his number pero wala. Dumidilim pa naman. Tsk. Saan ka na ba babe?

As I gather my thoughts on where I will find him, it started raining. Agad ko nalang tinakbo yung lugar na sa tingin ko ay pupuntahan niya. And luckily, he's there. Bakit ba park ang hilig puntahan ng ibang nageemote? Hays.

As I ran towards him I can see how sad he is, and that breaks my heart. I immediately removed my hoody and covered him. Hindi ko na inintindi pa if I'm naked. Nag angat naman siya ng tingin ng makita ako.

"Paul?" Mugto na yung mata niya kakaiyak.

"Shhh. It's okay. Andito na ako." Saka ko siya niyakap. He also did the same. Much tighter compared to mine. "Hatid na kita pauwi. Okay?" Tango lang ang sagot niya sa akin habang nakayakap pa din. I gave him time para tumigil sa pag iyak. When he loosen his hug he wiped his tears away though it can still be seen clearly.

"Okay ka na? Uwi na tayo?" I asked.

"Sige." Sagot niya at pilit na ngumiti.

***

Dumating kame sa village nila at tahimik na naglalakad. I just followed him. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Maya maya pa ay nabangga ko siya dahil bigla siya napahinto sa tapat ng isang coffee shop. That's when I remembered yung tinatanong ni Dylan sa kanya.

"What's the matter?" Umiling lang siya at naglakad ulit.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kame ng bahay nila. He pressed the doorbell. Few minutes the door opened. Si Tito ang sumalubong.

"Oh anak kanina ka pa hinahanap ng mama mo..." hindi na natuloy pa ni Tito yung sasabihin niya ng makita yung mukha ni Justin.

"Sorry Pa. Pasabi nalang pala kay Mama sarado supermarket." Saka siya naunang pumasok.

"Good evening po Tito. Paul nga po pala ulit. Kaibigan at kaklase po ako ni Justin." Pagpapakilala ko since wala siya nung unang punta ko.

"Good evening din. Anong nanyare dun?"

"Mahabang kwento po eh. Mabuti pong siya nalang magkwento. Mauna na po ako."

"Ha? Eh dito ko na muna maghapunan, saka magpatuyo ka muna basang basa kayo oh." Hindi na ako nakahindi kay Tito kaya pumasok nalang din ako.

"Siya nga pala ba't wala kang suot?" Ang habol pa ni Tito ng makapasok kame sa bahay.

"Ay suot po ni Justin." Sagot ko.

Tinignan naman ako ni Tito ng kahinahinala. "It's not what you think  po Tito. Walang nangyaring ganun." Depensa ko agad. Tango lang ang kanyang naging sagot. Phew.

Agad naman akong inabutan ni Tito ng twalya at pampalit ng damit.

"Thank you po."

"Dito ka na magdinner iho. Mukhang malakas pa yung ulan." Pag ooffer ni Tita.

"Sige po." Tinuro naman ni Tito yung banyo nila para makapagbihis na ako.

Matapos kong magbihis ay nagpunta muna ako sa sala nila. Hindi pa din bumababa si Justin.

"Saglit lang iho ha. Kakatukin ko lang si Justin sa kwarto niya." Ngumiti lang ako bilang sagot.

Maya maya pa ay bumaba na rin si Justin. Nakapagpalit na rin siya ng kanyang pajama at pagkahaba habang sweater. Bahagya naman siyang nagulat ng makita ako.

"Uy Paul, di ka pa umuuwi?"

"Gusto mo na bang umuwi ako?"

"Hindi hinde. Dito ka lang."

"Anong sabi mo? Dito lang ako?" Pang aasar ko.

"Oo. Eh hinde. Ang sabi ko dito ka muna. Oo yun." Ang natataranta niyang sagot na ikinatawa ko.

"Halina kayo kakain na." Pagtawag ni Tita sa amin.

Habang nasa hapag kainan kame ay inusisa nila si Justin kung anong nangyari kanina. Hindi niya sinabi lahat ng totoong nangyari kaya hinayaan ko lang siya. Pinayuhan lang siya na kung ano man daw ang di nila pagkakaintindihan ni Dylan eh pag usapan nila. Tumango nalang siya saka nagpatuloy kumain.

"Paul iho." Ang pagtawag pansin sa akin ni Tito. Bigla naman akong napaupo ng maayos.

"P-po?"

"Nililigawan mo ba tong anak namin?" Napaubo naman si Justin sa tanong ng tatay niya.

"Pa?! Ano namang tanong yan?"

"Eh di tanong." Ang malumanay na sagot ni Tito. "So Iho, nanliligaw ka ba kay Justin?" Ang balik tanong ni Tito.

I took a deep breath.

"I haven't ask for Justin's permission po so kayo nalang po sana tatanungin ko. Pwede po ba?" Literal namang napalaki yung mata ni Justin. Nginitian ko lang siya.

"Hmm, mukha namang matino kang lalake kaya sige. Pwedeng pwede."

"Luh si Papa? Seryoso kayo dyan? Ikaw halika nga dito!" Saka ako hinila ni Justin.

"Huy di pa kayo tapos kumain!"

"Okay na kame pa busog na kame. May dapat lang kameng pag usapan netong isang to." Sagot ni Justin habang kinakaladkad ako paaakyat sa bahay nila.

Justin Klyde's POV

"Explain." Ang sabi ko ng maisara yung pinto ng kwarto ko.

"Uhm, explain what?"

"Maang maangan tayo Paul? Gusto mong ilaglag kita dyan sa bintana?" Umiling naman siya.

"Okay fine." Bumuntong hininga pa siya bago ulit magsalita.

"I like you Tin. No, that is understatement. I love you."

"Don't play games with me Paul. Ano na namang trip to?"

"I'm not! Look, seryoso ako sa kung anong sinabi ko kanina kay Tito."

"Teka, eh di ba may pinopost ka dati sa FB na nagugustuhan mo?"

"Inistalk mo pala ako babe."

"Hindi yun ang point ko." Seryoso kong sabi.

"Chill. Yung tinutukoy ko dun eh ikaw din." Saglit naman akong natigilan sa confession niya.

"Eh? Ba't ako?"

"Bakit hinde? Kailangan ba may rason?"

Nangyayari po ba talaga to? Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Look, I'm not rushing things to you. Masaya na ako na all this time nagkaroon ng chance na masabi ko yung matagal ko ng dapat nasabi." Tumango tango lang ako na parang ewan.

"Still not convinced? Iniisip mo kase na lagi kitang pinatitripan. Tsk." Saka siya tumalikod at naglulungkot lungkutan. Binatukan ko nga.

"Hindi sa ganun. Hindi lang ako sanay. Hindi pa lang nag sink in sa akin lahat. Saka mukha ka kaseng loko loko." Sabi ko saka niya ako sinamaan ng tingin.

"Ako manloloko? Sayo nga lang ako lagi dumidikit. Ikaw tong panay ang pagtaboy sa akin. Nakakasakit ka na." Di ko naman alam na magaling pala tong magdrama.

"Sus. Malay ko ba. Lagi mo akong trip pati kanina. Umiral pagkamanyakis mo." Oops. Ba't ko ba nasabi pa yun. Syungaers.

"Hindi ako manyak. That's what you call appreciation. And besides, ikaw may kasalanan. Ba't kase ganun suot mo. Pag naging tayo bawal yun."

"Wow. Looking forward siya. Hindi pa nga ako pumapayag sa 'panliligaw' mo jowa agad?" Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya.

"Hindi pa sa ngayon Paul. May mga problema pa akong kailangan ayusin. But it doesn't mean I'm closing doors to you."

"Really? Okay na ako dun. Thank you babe!" Saka siya yumakap.

"Oh bitaw na. Saka tigilan mo nga kakababe sa akin mamaya marinig ka pa ni Papa."

"Eh masanay ka na, hindi ko naman hahayaan na di ka matawag nun sooner." Wag kang ngingiti bakla. Ba't kayong mga lalake ang galing niyong magpakilig? Buset.

"Ewan ko sayo. Umuwi ka na nga." Saka ko siya iniwan at akmang lalabas.

"Ang lakas ng ulan oh saka diba sabi mo dito lang a-." Agad ko namang tinakpan yung bibig niya.

"Oo na sige na dito ka na matulog. Dun ka sa dog house."

"Harsh. Oo nga pala may doghouse kayo pero wala kayong dog. Weird isn't it?" Ang pagpuna niya.

"Well, bibili dapat ako kaso di pa sapat ipon ko. Gusto ko kase sariling kong pera. Ayoko kase humihingi lagi kina mama."

"Wow ang bait na anak. Ang swerte ko talaga sayo."

"Tigilan mo nga ako Paulito. Baba na tayo baka kung ano pa isipin sa atin nung tatay ko."

"Dinala dala mo ako dito. Panagutan mo ako Justin!" Ang medyo pasigaw niyang sabi.

"Pakyu. Tumigil ka nga! Hay bahala ka dyan!" Saka ako naunang bumaba. Narinig ko pa siyang natawa.

Hay nako Paulito. Ang gulo gulo mo. Pati puso ko ginulo mo.

Siguiente capítulo