webnovel

Chapter 8: Unexpected Invitation

Justin Klyde's POV

"This projects are incredible!!! How can you manage to pull it off? Ang gaganda!!!" Manghang manghang reaction ni Ursula baklita ng maipasa na namin sa kanya yung mga pinagawa niya nung huling buwan. 

"May nalalaman laman pa siyang pull it off pull it off hilahin ko buhok niya eh." Iritang sabi ni Bry na nasa tabi ko. Natawa lang ako sa reaction niya. "Tapos ang baba baba naman ng ibibigay na grade sa atin." dagdag pa niya.

"Agree ako diyan. Kaya nga next time na may ipapagawa yan wag na nating gandahan sayang effort." inis ko ding sabi saka ko nilantakan yung sandwich na pinabaon ni Mama.

"Alam mo te pansin ko lang, andami mong kinakain para sa normal na tao pero di ka naman tumataba." nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Bry. 

tsup.

dinig kong tunog mula sa kaliwa ko at ng makita ko kung saan galin napairap nalang ako.

"Konting respeto naman kumakain ako oh. Baka mabuga ko tong kinakain ko sa inyo." sabi ko ng di sila nililingon.

"Ikaw kasi!" saka pinalo ni Bry si Benedict.

"HAHHAHA to namang si Justin. Namiss ko lang baby ko." saka niya niyakap si Bry.

"Kainis kasi kayo. Kinikilig ako dito!" sagot ko. Mga tampalasan! Sa harap ko pa kase naggaganyanan alam namang wala akong ganyan! Natawa lang silang dalawa sa akin.

"Oo nga naman kase bakit niyo naman kase ginagawa yan sa harap ng babe ko. Pakiss nga din ako?" Sulpot ni Paul sa tabi ko at aakma ng kiss kaya hinarang ko yung kamao ko.

"Oh okay na?" Tanong ko.

"Oo babe. Sweet mo. Sarap mo kurutin ng nailcutter." Saka siya nagpokerface.  Natawa naman ako bigla.

"Yun oh. Highlight of my day."

"Huh?" react ko.

"Highlight of my day is to see you smile." saka niya pinisil mukha ko at pumunta na sa upuan niya. 

"Yieeee namumula siya. Ikaw ha baka naman may dapat ka ding ikwento sa akin friend?" pang aasar ni Bry. 

"W-wala ah! Issue ka." Depensa ko. Saka ko ulit nilingon si Paul na nakatingin pa din pala sa direksyon ko saka kumindat. Ako ba trip neto??? Sumbong ko siya kay Miggy eh.

"Tin pogi oh!!!" Nilingon ko naman si Bry.

"Ikaw talaga may boyfriend ka na inappreciate mo pa din mukha ng iba saka tropa ko yan!" Inis na sabi ni Benedict.

"Asan ba? Hindi ko makita." Paano nakaharang sa pintuan yung mga kaklase namin na nag aabot pa ng project nila kay Ursula Baklita. Nakatayo na ako sa lagay na yan ha. 

"Tumayo ka kase Tin para makita mo. Ay nakatayo ka na pala." mapang asar na suhestyon ni Benedict.

"Eh kung sikmuraan kita dyan gusto mo?" nagpeace sign lang siya bilang sagot.

"Pre pasok ka!" paanyaya ni Benedict kung sino man yun. 

Matagal pa bago ko nananinag kung sino yung lalakeng pumasok hanggat sa unti unti rumehistro sa akin ang mukha niya. 

"Miguel?" Naibulalas ko bigla na narinig niya.

"Oh, hi Justin! Dito ka din pala sa room na to?" Shet besssss kilala pa din niya ako!

"Ah eh oo." tipid kong sagot.

"I see. Uy Ben san si Paul?" Baling na tanong ni Miguel kay Benedict.

"Ayun pre naglalaro ata." Saka ko binalingan ng tingin si Paul na busy sa phone niya. Lumukot naman si Benedict ng papel mula sa notebook ni Bryan saka binato kay Paul.

"King ina sinong bumato?!" inis na sabi ni Paul.

"Chill pre. Highblood ka masyado." bungad sa kanya ni Miguel.

"Oh pre andito ka pala. Anong atin?" saka nagpapalipat lipat ng tingin sa akin si Paul at kay Miguel. Problema neto?

"Ahh I was about to ask if free kayo mamaya? Birthday ni Papa. Inuman daw."

"Oh sige sure. hanggang 4pm lang naman kame. Uwi lang kame saglit tapos deretso na kame dun." sagot ni Paul.

"Inuman?! Sige sige sama kame dyan!" singit ni Benedict sa usapan.

"Hindi ka naman excited sa lagay na yan no?" Sita ni Bry.

"HAHAHA hindi naman baby. Medyo lang."

"May pasok pa bukas ha? Wag masyado papagabi at maglalasing." Paalala ni Bry. Palalahanan ko din kaya si Miguel? HAHAHAHA charot.

"Yes boss baby!" saka sumaludo si Benedict. 

"Uhm pwede din naman silang sumama." Baling ni Miguel sa amin. Jusko! Sasama ako dyan!!!!

"Ah eh baby sama daw kayo. Hindi naman kayo busy diba?" tanong ni Ben.

"Hmm, hindi naman na since natapos na yung project natin. Ikaw ba Tin?" baling sa akin ni Bry. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit sa usapan si Paul.

"Busy yan si Justin. Magpapaalam pa yan sa magulang niya saka sa bestfriend niya. Mukhang malabo. Di ba babe?" 

"Wag mo nga akong tinatawag na babe! Uhm hindi naman ako busy pero di ko sure kung papayagan ako eh." sagot ko.

"Ah sige sige. Paupdate nalang ako kung makakasama kayo ha? Una na ako. Bye guys!" Kumaway nalang din kame sa kanya.

"Mabali naman te yung kamay mo kakawagayway mo jan." sita ni Bry sa akin.

"Fren minsan lang yan dumalaw dito pagbigyan mo na ako!" sagot ko.

"Wait nga lang, ikaw ba Justin Ocampo ay may gusto sa tropa namin?" tanong ni Benedict. Tango tango lang ako habang tinatanaw pa din si Miguel palabas.

"Nako po. Yare talaga." 

"Anong yare?" taka kong tanong. 

"Ah wala wala." tapos sinulyapan niya si Paul na ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin.

Paul Adrian's POV

Matapos ang tatlo naming afternoon class ay naisipan na din naming umuwi agad since pupunta kame sa birthday ni Tito Manuel.

"Kita nalang tayo dun pre." Tinanguhan ko lang ang sabi ni Benedict. "Huwag mo na muna alalahanin yun pre. Kaya pa yan."

"Nababahala lang kase ako pre lalo pa at pinagtatagpo sila ni Justin. Sa dami dami naman kase bakit tropa ko pa." saka ako napakamot ng ulo.

"Ano ka ba? Eh malabo namang maging sila since may girlfriend si Miguel. Kaya mas malaki chansa mo. Kaya kung ako sayo galaw galaw na."

"Sige sige pre salamat. Oh basta mamaya ha?" Tumango lang siya saka naunang lumabas ng gate. May dala kase akong motor kaya dederesto muna akong parking lot.

Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit saka ako naligo at makapaghanda na rin para sa birthday party mamaya. Nagbibihis ako sa mga oras na yun ng biglang may tumawag sa akin. 

"Oh pre bakit?" bungad ko kay Benedicto.

"Sasama daw si Justin. Pinayagan na daw siya sabi ni Bry." 

"GG. HAHAHA." natatawa na nangangamba ko namang sagot.

"HAHAHA kalma. Wala namang problema dun. Oh sige na dadaanan ko pa si Bry eh."

"Sige sige ingat." Saka ko pinatay yung linya. "AHHHH! What to do?"Bigla namang nagring ulit yung phone ko. Si Ben ulit.

"OH?"

"Kalimutan ko pala pre sabihin hindi alam ni Justin papunta dun. Pakisundo nalang." 

"Yan ang magandang balita. Sige sige." sagot ko. Agad agad ko ng tinapos ang pagbibihis. Nagpabango na din ako ng madami saka tumingin sa salamin. "Napakagwapong nilalang, tsk tsk." 

Matapos akong mag ayos ay gumayak na ako papunta kina Justin. Alam ko na rin naman kung saan bahay nila since nakapaunta na ako dun before. Hindi nga lang naging maganda dahil umepal yung bespren niya. Tss. Isa pang poproblemahin ko yung unggoy na yun kapag niligawan ko na si Justin.

Pagdating sa tapat ng bahay nila ay naisipan ko muna siyang tawagan. 

"Hello? Sino to?" bungad niya.

"Babe mo. Dito na ako sa labas." sagot ko.

"Babe? wala akong babe? Teka Paul ikaw ba to?"

"The one and only. Labas na." saka ako pinatayan. Medyo bastos talaga tong syosyotain ko.

"Oh akala ko ba si Ben kukuha sa akin?"

"Cute mo naman babe sa suot mo." He's wearing a maroon poloshirt and white shorts and shoes.

"Malayo yung sagot mo sa tanong ko." sabi niya na halatang tinatago yung pamumula. 

"Well, as you can see sinundo niya din si Bry. Pangit naman kung magiging third will ka pa sa kanila diba? Lika na."

"K. Kunin ko lang bag ko." tumango lang ako. Habang inaantay ko siya ay siya namang dating ng bespren niya.

"Oh naligaw ka?" sasagot na sana ako ng dumating na si Justin.

"Oh ano na namang kailangan mong unggoy ka?" tanong niya sa bespren niya.

"San punta mo at bihis na bihis ka?"

"Bakit ba ang lalayo ng mga sagot ng mga tao ngayon?" iritang sabi ni Justin.

"Manghihiram sana akong screw driver kay Tito. So, saan nga ang lakad mo?"

"Ininvite ako ni Miguel sa birthday ng Papa niya!" Tuwang tuwang sagot ni Justin.

"Weh? Ikaw ha napapadalas na pagkikita niyo. Ano may chance na ba?" 

"Baliw ka. Chance chance ka jan!" sagot ni Justin na halatang nagpipigil ng kilig. Damn. Tsk.

"Sus. Oh mag iingat ka sa mga tao dyan ha? Ang ikli pa naman ng shorts mo." saka ako tinignan. 

"Kaya nga shorts eh. eh di kung mahaba to eh di sana longs tawag. Sige na aalis na kame. Wag ka na namang dedekwat ng chocolate ko sa ref ha! Bilang ko yun!" Saka siya umangkas sa likuran ng motor ko.

"Oo na! Hoy ingatan mo yang kaibigan ko ha?" Tinanguhan ko lang siya saka pinaandar yun motor. 

***

Justin Klyde's POV

"Hahaha nako Papa yang si Paul talaga ang babaero sa aming tatlo." Sabi ni Miggy.

Halos tatlong oras na rin ng dumating kame dito sa bahay nila Miguel. Malaki din ang bahay nila. Maaliwalas at talagang makikita mo na may kaya sila.

"Babe, mabali naman yang leeg mo kakaikot ng tingin sa buong bahay." Bulong ni Paul na katabi ko at katatapos lang mag shot. Ewan ko ba dito sa lalaking to pagkadating na pagkadating dito hindi na ako nilubayan. 

"OA ka. Hindi ba pwedeng inaappreciate ko lang yung ganda ng pagkakagawa ng bahay?" sagot ko.

"Well kung ganun nga wag mo namang ipahalata." nakangiti niyang sagot. inirapan ko lang.

"Eh maiba nga tayo Paul iho. Ikaw ba ay may syota na?" Baling ni Tito Manuel kay Paul.

"As of now Tito wala pa. Pero meron ng nakabighani sa akin." Sagot naman ni Paul.

"Tignan mo Tito sabi sayo eh. Matinik yang tropa namin." Ang natatawang sabi naman ni Benedict.

"Basta ang mapapayo ko lang sa inyong mga bata kayo eh ang pag ibig hindi yan nadadaan sa mabilisan. Ika nga nila kapag may tiyaga may nilaga." sabi ni Tito Manuel.

"Eh to paano kung hindi ka nagmadali para makuha siya at naunahan ka? Eh di iyak tawa naman yung taong mag aantay?" tanong ni Paul. Jusko mga usapang nila.

"Mangyari man yun eh ganun talaga. Hindi naman laging pasko. Matuto tayong tumanggap ng pagkatalo. Marahil hindi pa para sayo yung pag ibig na yun. Malay mo may mas maganda pang darating sa buhay mo." Napatango nalang ako. May point naman talaga si Tito. Pag para sayo para sayo, pag hinde ganun talaga.

"Eh ano na bang status diyan sa nakabighani sayo iho?"

"Walang pag usad Tito kase hindi pa umaamin tong kumag na to." Sagot naman ni Benedict.

"Kala mo naman ganun kadali. Pero To tsumechempo na po ako." sagot ni Paul. Tumango tango nalang din si Tito Manuel bilang pag sang ayon. The who naman kaya tong tinutukoy netong Ungta na to na nakabighani sa kanya? Well hindi naman ako interesado. Ang interest ko lang naman is itong poging nasa harap ko. Hahahaha landi.

 Ilang bote ng alak pa ang tinapos nila Paul at makikita mo sa mga gunggong na to na lasing na sila. Di tulad nila Tito Manuel at Miguel na tamang nakainom lang. Napailing nalang kame ni Bry sa dalawang bugok.

"Ay bes wala daw pasok bukas!" pag aanunsyo ni Bry sa akin.

"Oh kanino mo nalaman?"

"Eto oh pinost sa page ng section natin." saka ko naman tinignan ang tinutukoy na post ni Bry. May importante daw na meeting ang mga Prof. Hindi naman tinukoy kung ano.

"Mabuti na rin yan dahil tong dalawang to ay malabo ng makauwi." napairap nalang din si Bry saka tumango.

"Dito nalang din siguro kayo matulog Justin. Late na rin. Dun na kayo sa isang guess room namin matulog tapos itong dalawa dun sa kabila." sabi ni Miguel. Tumango tango nalang ako.

"Oh kayo na bahala dito ha? Akyat na din ako. Salamat sa pagpunta." pagpapaalam ni Tito Manuel.

"Sige po. Goodnight po." Ang halos sabay naming sagot ni Bry. Tumango lang si Tito saka tinungo ang kanyang kwarto.

"Uhm guys a litlle help here." 

"Ay ako na dyan kay Benedicto." pag aalok ni Bry ng tulong kay Miggy.

"Sige salamat."

"Tulungan na kita dyan kay Paul." sagot ko naman. Pagkaangat namin eh may kabigatan palang taglay to.

"Mag inom pa tayo! Mga lashing na ba kayo? hik." tignan mo tong unggoy na to. Nagawa pang mag aya ng inom eh siya tong knockout na. -___- Napailing nalang din si Miggy saka namin sila inalalayan sa kwarto nila.

Nang maihiga na ang dalawang unggoy eh nagpaalam na din si Miggy na matutulog na din siya. 

"Huy te lika na matulog na tayo baka naman sumunod ka pa kay Miggy." Ang panirang pagpansin sa akin ni Bry habang busy akong sumusulyap kay Miggy pagkalabas ng kwarto.

"Oo na! Panira ka talaga kahit kelan." sabi ko. "Ay wait kumutan ko lang tong isa. Palibhasa jowa mo lang inalala mo." 

"Ay pasensya hahaha oh sunod ka nalang inaantok na talaga ako." Tinanguhan ko lang siya saka ko kinumutan si Paul.

"Iinom inom hindi naman pala kaya." bulong ko. Paalis na ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Oh anong kailangan mo?" tanong ko kay Paul na ngayon ay gising na.

"Dito ka lang." 

"Matulog ka na. Alangan namang ihele pa kita?"

"Please?" Seryoso niyang sabi. 

"Oh matulog ka na. Yan inom pa more." saka ako umupo sa tabi ng higaan niya. Napangiti naman siya sa pananatili ko.

"Justin."

"Kasasabi ko lang na---" late na ako nakareact ng malaman kong yumakap siya sa akin. 

"Please give me a chance." sabi niya habang di tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

"C-chance?" ang taka kong tanong. Bakit ba abnormal tumibok tong puso ko ngayon?

"Ako nalang please. Ako nalang." saglit na katahimikan bago ako nagkalakas loob na magtanong.

"Anong ikaw nalang?" Walang sagot. Maya maya pa nakarinig ako ng mahinang paghilik. Walanghiya tinulugan na pala ako.

Inihiga ko nalang siya ulit at kinumutan dahil mukhang wala naman na akong makukuhang sagot mula sa kanya. 

Hindi ko alam kung ang iniisip ko ay tugma sa sinasabi niya. Mahirap mag assume. Baka bukas matanong ko siya. Kaso wag na. baka wala din akong lakas ng loob tanungin. 

Nandito na ako ngayon sa kwarto. Nakahiga na pero hindi ako madalaw dalaw ng antok. Iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Paul kanina. 

"Baka dala lang yun ng kalasingan." ang nasabi ko nalamang sa sarili ko. Saka pinilit matulog. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko.

Shit! Si Papa pala ang tumatawag. Nakalimutan kong magsabi na di ako makakauwi!

"Sorry Pa hindi po ako nakapagpaalam na di ako makakauwi sorry po talaga Pa." ang bungad ko agad pagkasagot ko sa tawag niya.

"Oh relax. Hindi naman ako nagagalit. Nagsabi na daw yung kaibigan mong si Paul kay Dylan. Ipinaalam na hindi ka na makakauwi kase malayo daw yan. Umuwi ka nalang ng maaga bukas okay?" Ha? Si Paul?

"Ah okay po Pa. Sorry ulit. Goodnight." saka ko binabawa yung call.

Kelan pa nagkakausap tong si Dylan at Paul? Pero pasalamat nalang din ako sa unggoy na yun dahil kung di niya ako naipaalam ay malamang sa malamang nakatanggap na ako ng mahaba habang sermon kay Father dear. 

Bago ako natulog ay minessage ko si Paul at nagpasalamat. Nagulat nalang ako ang ang seen siya sa message ko saka nireplyan ako ng 'your welcome'. Agad agad naman akong napabangon at sumilip sa kwarto nila. Gising nga ang kumag. nakaupo.

"Hoy unggoy bat gising ka pa?" bungad ko.

"Kase gising ka pa."

"Oh ano naman ngayon?"

"Wala lang." 

"Ewan ko sayo. Sige na matulog ka na. Chineck ko lang akala ko kaya ka gising eh nagsuka ka na dyan nakakahiya naman sa may ari ng bahay." sabi ko.

"Salamat." 

"Hmm? Para saan?" sagot ko habang nakatayo pa din sa pintuan ng kwarto nila.

"Salamat kase kahit paano inaalala mo pa din ako." seryoso niyang sabi. Bakit ba pabago bago ng mood tong isang to? Di ko tuloy alam minsan kung anong trip niya sa buhay.

"Gege tulog na. Maaga pa tayo uuwi bukas sabi ni Papa." 

"Okay. Goodnight Babe." Ang nakangiti niyang sagot. Napailing nalang ako.

"Goodnight din."

Siguiente capítulo