Kinabukasan ay dinaanan siya ni Terry sa apartment na kanyang inuupahan upang sumama dito patungo sa Ferrer Company. Ito kasi ang araw ng contract signing nila.
Ilang beses na siyang nakapasok doon tuwing pupuntahan niya si James at hihingi ng pera. Ito kasi ang takbuhan niya noon 'pag gusto niyang magshopping o mag-treat ng mga kaibigan. Walang reklamo ang lalake sa kanya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito. "Spoiled sa kuya" ang description noon sa kanya ng mga kaibigan.
'
Napabuntong-hininga siya ng lumapat ang kanyang mga paa sa makintab na sahig ng napakataas na gusali na nilalatagan ng putting-puti na tiles. Alam niyang naroroon siya ngayon hindi bilang si Sierra, at ito'y labis niyang ikinakakaba.
Naghintay sila ni Terry sa labas ng opisina nito dahil kasalukuyan pa itong may ka-miting sa loob. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng opisina nito at niluwa ang mga opisyales ng kumpanya. Napatayo sila ni Terry upang hintaying makalabas ang lahat.
Kitang-kita ni Sierra ang pagbuka ng bibig ni Veronica sa pagkagulat ng madaan siya. Sandali itong napahinto at napatitigsa kanya.
"Sierra?!" Gulat na ani nito saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Bagkus na kausapin niya ang babae ay dire-diretcho siyang pumasok sa opisina kung saan ay nakaupo si James. Si Terry ay nagtataka namang napasunod sa kanya.
"Kilala mo 'yun 'te? Why is she calling you Shierra?" Bulong ng bakla sa kanya.
"I don't know her Terry. Baka napagkamalan lang niya ako." Pagsisinungaling niya sa bakla.
"Please have a sit." Pormal na wika ni James na halatang problemado mula sa katatapos na miting. Agad naman silang naupo ni Terry sa harap nito.
Pumikit muna ito saka tila minasahe ang ulo. Hindi maiwasan ni Sierra ang mapakagat sa labi dahil madalas ay siya ang nagmamasahe sa ulo nito noon. Pag-uwi nito sa mansion ay agad na niya itong inaalalayan na para bang katulong, lalambingin sa pamamagitan ng pagyakap at paghalik sa pisngi nito. Pagkaupo nito sa sofa ay kwekwentuhan na niya ito ng mga nangyari sa kanya sa school habang minamasahe ang noo ng lalake.
Ramdam niya ang mainit na likidong nangilid sa kanyang mga mata at saka siya napasinghot. Napatitig naman ang lalake sa kanya saka tila nabasa ang nagi niyang ekspresyon.
"Are you ok Alexia?" Tanong nito sa kanya ng makitang pinunasan niya ang luhang nangilid sa mga mata.
"Yes, sir. Napuwing lang po ako." Pagsisinungaling niya. Napatango lamang ang lalake saka bumaling kay Terry.
"So, Mr. Gomez, here's the contract. I'm sorry I told you last night to prepare for the contract, but I ask my secretary to do it. These are my terms and conditions at kung ayaw niyo, wala akong magagawa to give the offer to others. Paki-basa na lang and I need your final decision right now, because I'm a busy person and I have no time anymore." Pagpapaliwanag ng lalake saka sila binigyan ng kopya ng kontrata. Tahimik lang silang pinapanood nito habang pinag-aaralan nila ang nakasaad doon.
"I'll be staying at the Ferrer Condominium, Suite 24 while I'm on the contract?" Bulalas ni Sierra ng mabasa ang unang nakasaad doon para sa kanya bilang main model ng kumpanya. Alam niyang ito ang condo ng lalake kaya hindi niya maiwasang kabahan.
"Te, ang swerte mo na nga at naka-condo ka!" Bulong sa kanya ni Terry sa pagitan ng pagbabasa na walang alam na ang condo unit na tinutukoy ni Sierra ay ang unit mismo ng lalake.
"Like what I've said Miss Lee, the contract is not subject for revision. It's final. What I need is just your YES or NO." Nakangising ani ng lalake. Tila nakipaglaban pa siya ng titigan dito at inis na muling ibinalik ang mata sa papel na hawak.
Nakasaad din doon na dapat ay lagi siyang kasama sa lakad ng mga executives, kasama si James. Nakalagay din doon na hindi rin siya maaring ma-link sa kung sinuman habang nasa contract period.
"You will be given a month naman as an adjustment period, to see if kaya ninyong ituloy ang contract with the given terms o hindi." Muling paliwanag ng lalake.
"Living with him for a month? Oh my God!" Bulong ni Sierra sa sarili. Alam niyang masyadong siyang nag-iinarte sa bagay na iyon dahil matagal na naman niyang nakasama ang lalake sa mansion, ngunit ang isiping gusto na niya itong kalimutan at tuluyan ang umalis sa buhay nito ay tila nagiging malabo.
"So what's your decision?" Seryosong tanong ni James kay Terry.
"Terry, will we just talk about this personally and set another appointment for signing?" Pakiusap niya kay Terry.
"Ano ka ba, Alexia. Sinabi na nga ni Sir Ferrer na ito lang ang ibinigay niyang time para sa atin!" Tila inis namang wika sa kanya ng manager.
Si James naman ay tila naiinip na nakatunghay sa kanila.
"So, what's your decision? Will you accept my proposal or not?" Pag-uulit ng lalake.
"No!" Sigaw ni Sierra sa kanyang isip ngunit alam niyang walang siyang karapatang magdesisyon kundi ang manager na si Terry na siya naman talagang boss niya at nagpapasweldo sa kanya.
"Of course, YES, Mr. Ferrer. I really like your offer. Halos triple po ito sa kinikita ko with other companies. Definitely, it's a big YES!" Masayang ani ng bakla. Napapikit naman si Sierra na pakiramdam ay pinagsakluban ng langit at lupa.
Makikita ang paglawak ng ngiti ni James na sumulyap sa hindi maipintang mukha ni Sierra.
"That's great! So see you again tomorrow in Felicia Island. Here's the tickets for the two of you, and a welcome gift. Thanks for trusting Ferrer companies." Masayang ani ng lalake pagkatapos nilang magpirmahan. Inilapag nito sa harap nilang dalawa ang brown envelops na may lamang ticket at tseke.
"Wow, Sir! Naka-ready na agad ang ticket namin?" Manghang ani ni Terry.
"Of course. I'm expecting that you will really accept my proposal so pinahanda ko na lahat 'yan." Nangingiti namang wika ng lalake.
"I'm so excited!" Tili ng bakla. Si Sierra ay nanatiling hindi maipinta ang mukha.
"Any way, Miss Lee- pwede ka ng lumipat sa condo tonight. Just tell me if ipasundo kita at ipaassist sa pagdadala ng gamit mo?" Nakangising tanong nito sa kanya na ngingislap ang mga mata.
"I can manage, Sir." May langkap na inis na wika niya dito na lalong nagpalawak sa ngiti ng lalake. Siniko naman siya ni Terry.
"' Wag ka na ngang maginarte 'jan sister. Condo na ang titirhan mo at hindi na isang pipitsuging apartment!" Pabulong na singhal ng bakla. Lalo namang napasimangot si Sierra.
"Ipahatid ko na kayo sa driver nyo,and at the same time ay siya na rin ang magdala ng mga gamit mo papunta sa condo." TIla nag-uutos ng ani ng lalake. Wala namang nagawa si Sierra kundi ang sumunod dito.
"Eeeee! You can't do this to me, James!" Inis na sigaw ni Sierra sa sarili habang nakasakay sa kotse ng kumpanya.
Ang driver na ang nagdala ng kanyang mga maleta papasok sa condo. Laking pasasalamat ni Sierra na talagang inihanda ang unit para sa kanya. Wala ang bakas ni James doon na tila makikisunod sa agos ng pagpapanggap niya bilang Alexia Lee.
Matapos magpalit at nahiga na siya sa malambot na kamang nasasapinan ng pink. Maging ang mga kurtina at punda ng mga unan ay may mga shade of pink ang kulay. Alam niyang alam ni James na ito ang paborito niyang kulay. Bahagya siyang napangiti sa ganda ng silid maging ng buong unit. Bago siya tuluyang matulog ay dumalangin siyang huwag mapadpad si James doon, kahit alam niya ang katotohanang doon naglalagi ang lalake kapag hindi umuuwi ng mansion.