webnovel

42. Something has a Problem

Nag-ligpit ako ng mga pinag-kainan ko nang matapos na akong kumain. Mag-isa na lang ako ngayon dito sa bahay dahil umalis kanina si Dwayne. Dadalo daw siya sa birthday ni Troy ngayong araw.

Kanina ko lang umagang nabalitaan 'yon sa kanya kaya hindi na rin ako nakapag-handa ng ireregalo ko sa kanya. Paano ba naman kasi, nabigla rin ako 'no. Sinabi ko kay Dwayne ipasabi nalang kay Troy na sa susunod na taon nalang ang regalo ko haha.

Speaking sa birthday ni Troy, naaalala ko naman yung sinabi sa'kin ni Logan nung nakaraang araw, na gusto niya akong isama sa birthday nung pamangkin niya. At nagkataon na birthday rin 'non ngayong araw, dahil linggo ngayon.

Napa-isip naman ako sandali, hindi kaya nag-kataon lang na nag-kasabay sila?

Sinulyapan ko ang wall clock kanina at mag-aalas siyete na rin pala ng gabi. Nag-hugas ako ng mga plato at nagligpit na ako sa kusina, pati sa sala.

Pagkatapos niyon ay tumungo na ako sa cr para maligo. Nang matapos na akong maligo, nag-bihis ako ng pantulog at sinuklay ko ang buhok ko.

Medyo hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, kaya naisipan ko nalang munang manood ng movie.

Matagal ko na ring kasing hindi nalilibang ang sarili ko. Speaking sa bagay na 'to, hindi na rin ako pumasok simula noong isang araw pa. May pasok kasi kami hanggang linggo at dapat sana'y nasa trabaho pa rin ako ngayon, pero ayoko ko munang pumasok at makita 'don si Logan. Gusto ko munang iwasan siya.

Speaking rin kay Logan, napa-isip naman ako sandali kung ano na kayang ginagawa niya ngayon? At kung nasaan siya?

Hays. Bakit ko ba iniisip yung halimaw na 'yon? Wala na pala akong paki 'don.

Binuksan ko ang tv gamit matapos kong ipindot sa remote na hawak ko. Isinandal ko ang likuran ko sa sopa nang magsimula na akong manuod nang movie.

Pinapanuod ko ngayon yung movie na a walk to remember. Favorite movie ko kasi 'to na gawa ni Nicholas Sparks, at halos napanood ko na ring yung iba pa niyang movies na naging patok na rin sa'kin dahil halos magaganda kasi lahat 'yon.

Habang pinapanood ko 'yon, napukaw ang atensiyon ko ng marinig kong may tumutunog. At mukhang sa cellphone ata 'yon nang-gagaling.

Inihakbang ko ang paa ko papunta sa kwarto ko at nakita ko doon ang cellphone ko na naka-patong sa ibabaw ng kama ko. Naalala ko kasing iniwan ko 'yon dito sa kwarto ko.

Napansin kong naka-bukas ang screen nito at ilang beses na nagri-ring. Baka siguro, may tumatawag. Agad ko namang nilapitan iyon at saka ko kinuha para alamin ko.

Nakita ko sa screen ang isang unknown number at tumatawag sa cellphone. Umupo muna ako sa kama at saka ko sinagot yung tawag.

"Oh ghad! Marsha! You finally answered my call!" rinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. Napakunot-noo ako. Napa-isip ako na parang pamilyar ang boses niya sa'kin. Kaya tumugon ako.

"S-sino 'to?" nagtataka kong tanong. Naging tahimik ang kabilang linya ng mapansin kong hindi muna siya nagsalita. Pagkaraan ng ilang segundo ay, nagsalita na rin siya.

"Marsha. It's me! Roxie.." malumanay niyang sabi. Nabigla naman ako nang malaman kong si Roxie pala siya.

"R-roxie? Paano po ninyo nalaman ang number ko?" alam ko kasi na si Logan lang naman ng nakaka-alam 'non. Baka siguro hiningi niya kay Logan. Hays, Ewan.

Pero bakit kaya siya napa-tawag? Ano kayang kailangan niya?

"It's not important to talk about it now." rinig ko ang malalim na pag-hugot ng hininga niya. "Marsha, I need you to come here now. Alam kong ikaw lang ang makaka-tulong sa'kin.." bigla akong kinakabahan sa sinabi niya. Parang nakukutuban ko na mukhang may hindi magandang nangyayari.

"M-may problema po ba? Ano po bang maitutulong ko?" hindi pa rin mawaglit sa akin ang pag-tataka at ang kaba sa'king dibdib.

"Marsha. Logan's need you. I want you to be here now before his insanity will kill us!" bigla akong napa-tayo ako sa kinauupuan ko.

"A-ano pong nang--" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng pinatay na niya ang tawag. Parang nanigas ako sandali sa kinatatayuan ko.

Si Logan? A-anong nangyari sa kanya?

Nabigla ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko kaagad akong napa-tingin doon. At naalaman ko na nag-text si Roxie ng binasa ko ang address na binigay niya.

Pero sandali, bago ko maisipang sumugod doon, parang may pumigil sa'kin sandali nang maalala ko na iniiwasan ko nga pala si Logan. At ayoko munang mag-pakita sa kanya.

Pero paano kung totoo yung sinasabi ni Roxie? Paano kung may nangyari nang masama kay Logan? Mag-mamatigas pa rin ba ako? Jusmiyo! Marsha! Iiwasan mo pa rin ba si Logan?

Napa-sulyap ako sandali sa cellphone na hawak ko, at binasa ko ang text na sinend sa'kin ni Roxie, at sinabi niya na hinihintay na siya sa'kin doon ngayon.

Hindi na ako nag-atubili nang may nag-tulak na ngayon sa'kin para sang-ayunan ang sarili ko na pumunta doon.

Nag-madali akong nag-bihis. Dinala ko ang bag ko at saka ko mabilis na inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay, saka na akong umalis.

Nagpara ako ng taxi at huminto naman ito sa harap ko. Sumakay na ako doon kaagad at saka naman tumakbo ang taxi.

Habang nasa biyahe ako, hindi mawala sa akin ang kaba. May mga bagay na bumabagabag na naman sa isip ko ngayon kung ano ba ang nangyayari ngayon kay Logan. At mukhang sa tono nang boses ni Roxie kanina ay masasabi kong hindi siya nag-bibiro. Kaya ganun nalang at napatawag siya sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko kahit na sa totoo lang din ay may pag-aalala rin ako kay Logan.

Lintek. Ano ba kasing nangyari sa kanya? nener-biyusin ba niya ako? Jusko.

Hanggang sa napansin kong tumigil na ang taxi. Inabot ko ang bayad at saka ako 'don kaagad lumabas.

Nang makalabas na ako ay umalis na rin ang taxi. Inikot ko ang katawan ko sa'king likuran at natigilan ako sandali.

Medyo napa-uwang pa ang bibig ko dahil nasa harap ako ngayon nang isang magarang bahay at mala-mansiyon nang matanaw ko iyon mula dito sa kinatatayuan ko.

Napakurap-kurap pa ako sandali. Ito ba talaga yung address ng bahay na binigay sa'kin ni Roxie?

Napukaw ang atensiyon ko nang may makarinig ako ng malakas na mga tunog ng musika, at mukhang nang-gagaling iyon doon sa loob.

May gate yung bahay at naka-bukas ito. Naisip ko na hintayin nalang dito sa labas si Roxie dahil ayoko rin naman na basta nalang mang-himasok sa loob ng walang permiso. Baka pag-bintangan pa ako na magandang outsider. Hays.

Matapos kong i-text ang numero ni Roxie ay ilang minuto rin akong nag-hintay dito sa labas. Hanggang sa naka-rinig ako ng mga paa at mukhang papunta ngayon sa kinatatayuan ko.

"Oh, Marsha! Thank you for being here. I feel, I'm overwhelmed right now.." pagkasabi niya niyon ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi. At nakita kong napa-hilod pa siya sa sentido niya. Ano kayang nangyari? Sa isip-isip ko.

Speaking kay Roxie--sa ilang araw ko na pag-tatrabaho sa kompanya ni Logan ay ngayon ko lang ulit nakita si Roxie. Saan ka siya pumunta? Bakit hindi ko na siya nakikita sa trabaho nitong mga nakaraang-araw?

Napansin ko na mukhang gumanda siya lalo. Pero syempre, exotic pa rin ganda ko 'no. Mas maganda pa rin ako.

"Let's go there inside. I know he's waiting on you.." nag-salubong ang mga kilay ko nang sambitin niya iyon.

Mag-sasalita sana ako ng bigla nang naramdaman kong hinawakan niya ako sa'king braso ko at hinila niya na ako papasok dun sa loob.

hello there!!

vote, comment, send gifts!

is my pleasure and inspiration to write up this story!

Thank you and lovelots ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Siguiente capítulo