Chapter 15: Green Eyed Monster
Haley's Point of View
Bawat sipa at hampas ng tubo na ginagawa ng dalawang tao sa katawan ko ay ang siyang kasabay ng pagtulo ng pawis ko. They're hurting me as if masaya sila sa ginagawa nila habang nakikita akong nahihirapan.
"You're not going to shout for help?" Tanong ng babae sa akin at umismid. "Sabagay, sino nga naman bang pupunta rito para tulungan ka? No one." Inangat ko ang tingin ko isang babae na sa aking harapan. 'Di ko makita ang kabuoan ng mukha niya sa sobrang labo.
But I could see the way she smirked at me.
Napatungo na lamang ako sa sobrang pagod. "Who are you? Ano kailangan n'yo sa 'kin?" Nanghihina kong tanong ng hindi sila tinitingnan.
Natawa ang isa sa kanila. "Acting dumb, I see." Sambit ng isa pang babae saka mahigpit na hinawakan ang buhok ko upang iangat iyon. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. I still couldn't see her face.
"I just hope na namatay ka na lang sana! Kung 'di dahil sa 'yo, sa akin lang nakatuon ang atensiyon ni Reed at hindi sa 'yo!" Sigaw niya sa tapat ng mukha ko. "Hindi rin sana mapupunta sa puntong ito kung hindi dahil sa 'yo!"
Wala pa rin akong imik na nakatingin sa kanya pero sa hindi malamang dahilan ay ngumisi ako.
"You're blaming me? It's your sadism that brought us here. This is the only path you took, days already have passed. You're still acting like a kid." Inangat ko ang tingin ko sa kanya na may matalim na tingin. "If you are mad at something that I don't know. Then, baliw ka nga siguro talaga." Humigpit ang hawak ng babae sa buhok ko 'tapos malakas na dumapo ang palad sa mukha ko.
"Shut your mouth, assh*le. Ikaw ang gumawa ng tadhana mo kaya tayo narito." Natawa ako sa sinabi ng isang babae. Sino ba kasi 'tong mga 'to?
Gusto ko na lang magpahinga, eh. Ba't hindi na lang nila ako patayin?
Tinulak ako ng dalawang babae sa malamig na simento at sa isa pang pagkakataon ay ginawa nila kung ano 'yung gusto nila. Sinaktan nila ako hanggang sa magsawa sila.
Hindi na ako makagalaw. Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang kirot at sakit na natamo ko.
Kumuha ng kutsilyo ang isang babae dahilan para mapaangat ang tingin ko. He was about to stabbed me noong mapaupo ako sa pagkakahiga sa kama't hingal na hingal.
Tumutulo ang mga pawis ko sa katawan habang nakahawak sa aking dibdib, para kasing walang pumapasok na hangin sa akin. 'Di ako makahinga.
Humawak ako sa noo ko ng hindi natatanggal ang pagkahingal.
"A dream?" Mahinang tanong sa sarili at tumungo. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil bigla nanamang sumakit ang ulo ko.
Tiningnan ko 'yung wall clock na glowing in the dark. "3:00 in the morning." Basa ko ro'n at tiningnan ang labas ng bintana. Bukas iyon kaya umalis ako sa kama para isara iyon.
Ibinaba ko ang tingin sa mga paa ko. Okay na siya at hindi ko na kailangan pang mag wheel chair.
Lumakad ako palabas sa kwarto para sana uminum ng tubig sa kusina. Baka kasi atakihin pa ako ng Sleep Paralysis kung sakali mang makatulog pa ulit ako.
Pumunta ako sa kusina kung saan nandito rin pala si Reed. Nakaupo siya roon sa marble habang hawak-hawak ang milk in the box.
Hindi kaya siya napapaklaan sa lasa niyan?
Lumingon siya sa akin nang maramdaman niya ang presensiya ko saka binigyan ng mapang asar na ngisi. Ayan nanaman siya at nagsisimula nanaman sa pang-aasar. "Ba't gising ka pa ng ganitong oras? Gusto mo 'kong makausap, ano?" Tanong niya.
Nakatingin lang ako sa kanya nang ngitian ko siya. "I actually wanted to talk to you but I didn't expect that you're here." Tugon ko at dumiretsyo sa refrigerator. Mukha namang na-caught off guard siya dahil sa naging sagot ko.
Kinuha ko yung pitchel tapos kumuha ng baso para isalin ang tubig doon.
Pilit na natawa si Reed. "S-sabi na nga, eh. P-pero buti naman at talagang magaling na 'yang paa mo? Para naman 'di ka na lalampa-lampa."
Uminum na muna ako bago siya sinagot. "Oo, mabuti nga. Ako rin kasi nahihirapan kapag binubuhat mo 'ko, baka nabibigatan ka na sa 'kin." Sinagot ko pa rin 'yan ng hindi tinatanggal ang ngiti sa labi ko. Napasimangot na siya sa mga sagutan ko sa kanya kaya umalis na siya sa pagkakaupo sa marble. at naglakad palapit sa akin.
Ako naman itong umatras dahil sa medyo intimidated ako sa paraan ng pagtingin ni Reed. Sa sobrang seryoso nito ay hindi maiwasan ng puso kong hindi maging kabado.
Hanggang sa makalapit siya ay mabilis niya akong na-corner sa pader. Napapikit pa ako ng mariin bago ko dahan-dahang iminulat para tingnan siya.
"Why are you still wearing those smile as if it's okay with you? Can't you feel anything? Hindi ka ba naaasar sa 'kin?" Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko kaagad kinibo. "Are you just lying to yourself?" Dagdag niya.
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. "And why are you asking me all of these?" Panimulang tanong ko na nagpataas nang kaunti sa mga kilay niya. "Why are you looking for the person who isn't here anymore?" Tanong ko pa na nagpaawang sa bibig niya. "Ako 'yung nandito pero iba ang hinahanap mo. 'Di mo ba 'ko tanggap?" Katanungan na nagpatahimik sa kanya lalo na noong may mamuong luha sa mata ko. Ramdam ko na kasi 'yung pagod, eh. Nai-stress ako kapag pinipilit 'yung isang bagay na 'di ko naman control.
He didn't mention anything tungkol sa pagbabalik ng memorya ko but that is what he's trying to do.
Dahan-dahan naman niyang inalis 'yung mga kamay na nasa dalawang side ko. "That's not... What I'm trying--" I cut him off.
"Then what is it that you want?" Tanong ko pa na hindi n'ya rin kaagad nasagot. "Hinahayaan kita sa gusto mong gawin sa akin, Reed. But don't force me to do things that is too impossible." Doon pa lang ay nag walk out na ako. I didn't meant to. But this is too much for me. I'm exhausted.
Dumiretsyo na ako sa kwarto para matulog ulit. Pero mukhang hindi iyon matutuloy dahil hindi na rin talaga ako makatulog dahil sa sama ng loob ko.
Binuksan ko na lamang ang ilaw para umupo sa silya ko sa study table.
Bumuntong-hininga ako 'tapos napasandal sa lean seat para iangat ang tingin sa kisame.
"What is it with you that everyone wants you to come back, Haley?"
Kahit naman walang binabanggit na kahit na ano ang mga kaibigan ko, obvious naman na they're expecting my past self to reunite with them. It's funny that I feel a bit jealous of my very own self.
Para kasing ibang tao 'yung kasama nila kahit na ako lang din naman 'yon.
Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos umayos na nga ng upo. Gagawa muna ako ng bagay na magpapaantok sa akin. Kukunin ko sana 'yong ballpen sa lalagyan nang masanggi ko ang kung ano sa kanan kong bahagi.
Napatingin ako roon at dinampot ang mga iyon. Photo Album ito na inilabas ko kahapon sa isang kahon. 'Di ko pa talaga ito sinisilip dahil maliban sa busy rin ako sa school no'n ay nawawala sa isip kong tingnan ang mga ganitong bagay.
Binuklat ko iyon at tinignan isa-isa. Karamihan dito ay litrato naming magkakaibigan.
Si Kei siguro 'yung nagpapa-develop nito dahil siya naman talaga ang mahilig kumuha ng litrato sa 'ming anim.
Tiningnan-tingnan ko ang mga iyon at napapangiti na lamang. Hindi ko naaalala na pumunta kami sa mga lugar na nasa litrato pero napaka familiar sa 'kin nung scenario.
Pakiramdam ko, nandoon talaga ako kahit may parte pa sa 'kin na parang wala. Eh, kasi nga wala akong memorya.
Inilipat ko pa ang page nang mapasimangot ako't mas inilapit ang mukha ko sa litrato. Nakasimangot kasi ako ro'n at mukhang kakaiyak ko lang. Wala pa rito si Mirriam at na sa rooftop kami.
Ngiti akong nagtaas ng kilay. "Weird."
It's like you're looking to the other version of yourself. Sa ibang dimensiyon ng mundong ito.
Kung nag e-exist ang Parallel Universe? Siguro ganito ang pakiramdam kapag nakita mo 'yung sarili mo sa ibang katauhan. Mapapailing ka na lang.
Muli pa akong naglipat ng pahina at pumukaw sa atensiyon ko ang isang babae sa litrato.
Hindi ko siya naalala pero mukhang na sa party yata kami nito?
Tinitigan ko pa ang mukha ng babaeng naka peace sign. Malapad din ang ngiti niya nang marinig ko ang boses niya sa utak ko dahilan para mamilog ang mata ko. "Rain...?" Banggit ko sa isang pangalan. Sino 'yon?
Kinuha ko ang litrato 'tapos napatingin din sa naka-fold na papel kung saan ko kinuha 'yung litrato. Sa curiousity ko ay kinuha ko iyon para malaman kung ano ang laman. Hindi ko naman siguro ilalagay iyon doon kung hindi importante.
Inalis ko na nga sa pagkaka-fold ang papel at binasa ang nilalaman.
Kare-Kare
Recipe/Ingredients ang mga nakaukit dito.
"Eh?" Takang reaksiyon ko saka muling lumitaw ang alaala sa utak ko.
Flash Back
Dinala na ng mga doctor ang Evans siblings sa emergency room pero sa magkaibang daan ito dinala dahil iba ang sitwasyon ni Reed sa sitwasyon ni Rain. Sa kanan kasi dinala si Reed habang sa kaliwa naman si Rain.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nangyari. Nagiging blanko ang utak ko sa totoo lang na hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin o isipin.
Napatingin ako sa Mom ni Kei na iyak nang iyak gayun din si Kei na humihikbi na sa tabi. Tahimik lang na nakasandal si Harvey sa pader at nakaupo naman si Jasper sa sahig, tungo-tungo.
Napasuklay ako sa buhok gamit ang dalawa kong daliri. Nai-stress ako at naguguluhan.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko kesyo baka mamaya ay may mangyari hindi maganda sa magkapatid.
Umupo ako sa bakanteng upuan at nagtakip ng bibig. Nagbuga ng malalim na hininga para mabawasan ang kung anong bigat sa aking dibdib. Naiiyak at nararamdaman ko talaga ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad at pinag intertwine. Nagdadasal na maging okay sila.
Lumipas ang ilang oras na paghihintay ay lumabas na ang doctor. Mabilis na lumapit si Tita Jen samantalang nandoon lang kami sa likuran ni Tita at naghihintay sa sasabihin ng doctor.
"Kumusta sila, Doc?" Nag-aalalang tanong ni Tita Jen sa doctor. Pinagpapawisan siya at nakahawak sa braso ng doctor. Halatang kabado sa magiging resulta.
Alam ko ang nararamdaman ni Tita dahil ako mismo ay kinakabahan din sa magiging sagot ng taong nasa harapan namin. Nakahawak na nga ako ngayon sa laylayan ng jacket na pinahiram sa akin ni Jasper, eh?
Tinignan ni Doc ang nasa files niya at saka kami tiningnan isa-isa bago ibinalik kay Tita Jen. "Kayo po ba ang magulang ng dalawang bata?"
"Yes, Doc. Ako ang magulang nila." Mabilis at walang pag-aalinlangan na sagot ni Tita Jen.
Tumango naman ang doctor. "Sa condition ni Reed Evans, okay naman po siya at safe po ang kalagayan nung bata. Sa ngayon po ay kailangan lang niya ng ilang araw na pahinga para maka-recover ang katawan niya dahil hindi rin biro 'yung pagkakabagsak sa kanya ng mga batong iyon." Mahabang litanya ng Doctor na nagpangiti sa akin.
I'm glad! I'm glad he's safe!
"Salamat naman sa Diyos!" Laking tuwa ni Tita Jen na nangingiyak din sa tuwa. "P-pero paano naman po ang isa kong anak? Si Rain Evans?" Napatingin ulit kami sa doctor nang itanong iyon ni Tita Jen.
Hindi siya nakasagot kaagad at inayos lamang ang suot niyang salamin. Muling bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niyang reaction.
Yumuko na muna siya bago kami tingnan isa-isa.
"Nasa'n si Rain?" Kusang lumabas 'yan sa isip ko. Ang tanging ginawa lamang ng Doctor ay napailing ng isang beses.
"I'm sorry" Salitang nagpabingi sa 'kin. Nanlaki rin ang mata ko dahil doon.
I'm sorry?
"We really did our best for her to survive. But," Muli siyang napailing. "Hindi na po nakayanan nung bata." Sagot niya nang makatingin ng diretsyo sa mata ni Tita Jen.
'Di rin kami nakakibo kaagad sa sobrang gulat. Nakakabingi ang sobrang katahimikan sa area na 'to na parang nakakabaliw kung magpapatuloy pa ito. "I'm sorry." Huling salita bago pa man siya mag bow at umalis sa harapan namin.
Pabagsak na umupo si Tita habang nakatulala sa kung saan samantalang nagsimulang umiyak si Kei sa tabi ko. Hindi naman makapaniwala ang nakamarka sa mukha ni Jasper at napasabunot na lang si Harvey sa sariling ulo.
Sa totoo lang ay hindi ko nagawang umiyak nung araw na iyon. I have no idea, I felt empty by that time that I couldn't actually think of anything else.
Iyong lungkot, nandoon sa loob ng puso ko't nakakulong na ayaw kumawala kahit man na gustuhin kong ilabas ito.
"Rain?"
***
GABI NOONG bantayan ko si Reed sa kwarto niya. Sinabi naman nung Doctor na pwede na siyang dalawin kaya ngayon ay nandito ako't nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Reed. Animo'y wala siyang pino-problema, but little did he know, maraming nag-aabang sa kanya na pwedeng maging dahilan para magbago ang pananaw niya sa mundong ito. Iyong rason na pwede ring sumira sa kung sino man siya ngayon.
Hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong ang noo ko roon.
"I hope you'll be strong enough to handle all of this pain that awaits you." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya nang mangilid ang mga luha sa mata ko. Sh*t.
"Pero kung hindi mo na kaya?" Inangat ko na ang ulo ko kasabay ang pagtulo ng luha na nanggagaling sa aking ma mata. "Sana maalala mo 'ko dahil hindi ka nag-iisa."
***
NAKATULOG AKO matapos ang ilang oras na pagbabantay kay Reed. I dreamed about her sister.
She's smiling at me while fading away. "If my brother did something that would annoy you again, hit him. Para magising siya." Bilin niya at tiningnan ang papel na hawak-hawak ko.
Napatingin din ako sa papel na naglalaman ng recipe ng Kare-Kare at itinaas nang kaunti. "Ipagluto mo rin siya niyan para sa 'kin." ani Rain na nagpatingala sa akin. "He'll be happy if you do." Huling sinabi niya habang unti-unting naglalaho.
Malungkot akong ngumiti. "That sucks, Rain. You're already leaving us."
Ulo na lang niya ang nagpapakita, anytime pwede na siyang mawala sa paningin ko. Napailing ako pero bigla rin siyang binigyan ng matamis na ngiti. "We'll miss you."
Nag-iba ang reaksiyon niya bagama't sa huling pagkakataon ay nakita ko kung gaano niya binigyang kulay ang ngiti na ibinigay niya sa akin kahit sa panaginip lamang.
End of Flash Back
Marahan kong ipinatong ang ulo ko sa lamesa. Nakaramdam ng sobrang pagkaantok dahil sa mabilis at biglaang paglitaw ng mga alaala sa utak ko.