Tamara POV
Pag labas namin ng air port sumakay na kame sa isang van mga ilang minuto bago kame naka rating sa palasyo
Pag pasok namin nakita ko ang reyna at ang hari
"ayos lang ba kayo !?"
Sabi ng reyna sabay tayo at niyakap si ervin pati ang hari niyakap narin sya ang sweet naman sana may magulang pa ako na mayayakap
Naiingit ako sakanila kaya medyo may bakas sa muka ko ng kalungkutan habang naka tingin sakanila
" ah kayo po mahal na prinsesa ayos lang po ba kayo?"
Parinig ni shine
Nagulat ako sa tanong nya at yun din ang pumutol sa yakapan nila ervin at ng magulang nya
"ah ikaw iha ayos kalang ba?"
Tanong ng hari
"ah opo ayos lang po ako"
"ano ba kase ang nangyari?!!!"
Nag aalala at galit ng reyna
Patay sigurado malalang kaparusahan ang matatanggap ko
" na ulanan lang ako"
Sabi ni ervin
"bat ba kasi nag papaulan ka sakitin ka panaman!"
Galit na sabi ng reyna at tumingin sakin siguro ang akala nya pinabayaan ko syang mabasa sa ulan pero bagay lang sakin yun dahil kasalanan ko talaga kung bakit sya nag kasakit
" mabuti pa mag pahinga namuna kayo!"
Sabi ng hari kaya pumunta na kame sa kwarto namin at dinala narin ni benedict yung mga gamit namin sya yung tagapag lingkod at bodyguard ng prinsepe
Humiga ako sa kama
Ah mabuti naman at naka uwi na napagod ako sa biyahe
"wow ah sa lagay nayan napagod kapa ah"
Pang aasar nya at bigla nyang pinakita sakin yung picture na tulong ako dun sa air plane habang naka nganga at tulo laway
" hoy delete moyan "
Napatayo ako sa kama at nilapitan kosya
"ayoko nga mukang mas maayos pa ang itsura mo dito kesa sa itsura mo sa ngayon!"
Inangat nya yung kamay nya at tinignan nya ulit yung picture ko
"delete mona kase"
Sabi ko habang pinipilit na kunin yung cellphone nya hay kainis 1 year ganto
Gabi na kaya nag toothbrush ako at nag hilamos nakita korin sya mag totoothbrush nadin at matutulog di kolang sya pinansin at humiga na ako hanggang sa naka tulog na ako
...
Unti unti kong binukas yung mata ko at nakita ko tulog pa sya babawi sana ako kaso talo eh kahit tulog ang gwapo parin eh
"kahit anong gawin mo di mo ako magagantihan!"
Anak ng nagulat ako gising pala to maka alis nanga aalis na sana ako kaso hinawakan nya yung kamay ko at bumangon
" gaganti ka?"
Tanong nya na may halong nang aasar na nakangiti
Tinanggal ko yung kamay ko na hawak nya at tumakbo papalabas
Sinarado ko agad yung pinto
"huu buti naman nakalabas din"
Nako patay nasa harap ko ang maraming katulong ng ganto itsura ko
Ervin POV
Binitawan kona yung kamay nya
"pustahan babalik yan dito ... isa dalawa"
"(blaaannnggg)"
Tumayo ako at lumapit sakanya
"hay sabi kona kasi sayo eh wag kanang mag balak pang gumanti yan tuloy bilis karma diba!?"
Pang aasar ko sakanya
"ewan ko sayo!"
Sabi nya sabay pasok sa cr
Natawa nalang ako
Pagkatapos kong mag bihis lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan kona sila mom at dad
Nang dumating ako bigla akong nalungkot at nagalit dahil na alala ko si miguel
"oh anak nandito kana pala"
Sabi ni mama
"nasan si miguel!?"
Tanong ko
"ah sabi nya mag babakasyon daw sya kaso di nya sinabi kung saan "
Sabi ni dad
"bakit anak may problema ba bat mukang malungkot ka?"
Tanong ni mama
"wala"
Umupo na ako nakita ko si idiot monkey kumakain na alala ko tuloy kung pano sya kumain kaya medyo nawala yung lungkot ko at medyo natawa ako
"so kamusta sa paris!?"
Pag putol sa katahimikan ni dad
" maganda naman dad kaso merong isang panira lagi at lagi akong naiistorbo , sya nga rin ang dahilan kung bakit ako nilagnat kaya di ko gaano na enjoy ang 3days sa paris !"
Sabi ko
"oo nga po eh saka meron pong isang lalaki na ang sungit sungit lagi nya po akong pinapagalitan sa tuwing malapit ako sakanya at saka meron din po doong stalker, hoy pa ang tawag sakin imbis na yung pangalan ko kaya sayang yung bakasyon ko sa paris diba prinsepe ervin!"
Ba ako ang tinutukoy nya
"oo nga eh buti nga niligtas ka nung sinasabi mong stalker kung di dahil sa sinadabi mong STALKER di sana ngayon nasa ospital kana at saka di ka nga nag thank you kahit isa dun sa sinasabi mong stalker"
Sabi ko
"wow dapat nga po yung stalker nayun ang mag thank you kasi kung di dahil sa sinasabi nyang istorbo ang nag dala sakanya sa ospital!"
Sabi nya
"kung di dahil istorbong taong yun yung sinasabi kong stalker di sana ako mapapahamak at ma oospital !"
Sabi ko
"oo nga po kamahala niligtas yung istorbong tao kaso pano naman po mag te thank you eh kung ano anong sinasabi at ginagawa nun eh-"
Sabi ni candice
"ah kung ano ano eh baka YUNG ISA DYAN kung saan saan pumupunta mabuti nga nahanap-"
Sabi ko
"wow kung saan saan napunta bakit sinabi ko bang sundan moko?!"
Sabi ni candice
"galing ikaw na nga niligtas ikaw pa galit-!!!?"
Sabi ko
"galit!? Baka ikaw!?!!"
Sabi nya
"so kasalanan ko?!!"
Sabay naming sabi halos
lahat naka tingin samin para kameng mga batang nag aaway
" aalis na ako!!"
Sabay pa namin sabi at sabay pa kameng tumayo
Nag taka kameng parehas at nagulat
ang sama nalang ng tingin namin sa isa't isa
"ah- aalis kayo-?!"
Sabi ng hari sabay walk out kame
"sabi ko nga"
Sabi ng hari
Tamara POV
Pumunta ako sa may garden
" ugh nakakainis talaga yung lalaking yun ako pasalamat sakanya utut nya!"
Nakakainis sya
Nag lakad lakad muna ako sa garden para ma relax ayokong masira ang umaga ko
Nakita ko si manang nag papainting sya kaya nila pitan ko sya
"wow ang ganda po ng painting nyo manang "
Sabi ko sakanya
"oh iha nandito ka pala!"
Sabi nya
" ang ganda po ng painting nyo!"
Sabi ko at nilapitan ko yung painting nya
" mukang mahilig ka sa mga halaman at mga obra!?"
Sabi ni manang
"ah opo tama po kayo !"
Sabi ko
" bakit di mo ko sabayan tutal parehas naman tayo ng gusto!"
Sabi nya
" ah sige po kung ok lang po sainyo!"
Sabi ko
Nag painting na kame
"mukang mainit ang ulo mo kanina may nakaaway kaba o pang yayaring di sumangayon sa iyong nais?"
Tanong nya
" ah opo may isang tao po kasi nakakainis po sya!"
Sabi ko
" ah kung ayos lang pede bang malaman kung sino ang taong yon iha!"
Tanong ni manang
" ah kahit sabihin ko wala rin pong mang yayari di po kasi sya pang karaniwang tao"
"shshs lang po muka kayo kasi po kayo lang po mapag kakatiwalaan ko dito sa kaharian!"
Sabi ko
"sige iha!"
Sabi nya
Lumapit ako sa tenga nya
" ang prinsepe "
Sabi ko
"bakit naman?"
Tanong ni manang
" kahit na sya ang asawa ko nakakainis sya "
Sabi ko
"ganyan talaga ang buhay mag asawa di nawawala ang awayan pero nag kakabati rin !"
Sabi ni manang
"pero iba po kasi yung sitwasyon ko po eh pero tanong kolang po di puba kayo ang taga pag lingkod ng hari di puba mahigpit na pinag babawal ang pagala gala at nag papahinga ang mga taga pag lingkod sa oras ng trabaho ?"
Hala nako pag nakita sya dito baka parusahan sya
" lola!! Lola!!"
Mukang may paparating na tao
"sino yun"
Tanong ni manang
"ah basta tago nalang po kayo sa likod ko"
Patay ang reyna at... Yung tukmol ulet
"dito lang po kayo sa likod ko wag po kayo mag papakita!"
"ah bakit po ano pong kailangan nyo ?"
Tanong ko sakanila
" bakit anak anong kailangan mo?"
Tanong ni manang at umalis sya sa likod ko patay
"ah lola kamusta napo kayo?"
Tanong ni ervin
Lola? Ibig sabihin takte sya ang inang reyna?!!!
" inang reyna mainit napo ang sikat ng araw kailangan nyo napong pumasok!"
Sabi ng reyna
"inang reyna?"
Sabi ko at halatang takang taka ako sa itsura ko
Humarap sakin si manang este ang inang reyna
" kamahalan"
Sabi ko sabay ng bow ako sakanya
" mauna na kame iha!"
Sabi ng inang reyna at nag bow nalang kame sa isa't isa
Inalalayan sya ni ervin at ng reyna pero bago sila umalis nagkatinginan kame ni ervin at parehas kameng nag irapan
punta agad ako sa kwarto ko
"haytsss inang reyna?"
Napa higa ako sa kama at naisip ko yung mga panahong nabangga ko sya manang ang tawag ko sakanya lalo na yung sinabi kong galit ako sa apo nya
"hayttss nakakahiya talaga bat ba sakin nangyayari to ganun ba ako kasama para karmahin ng ganto"
Hayyy
"hoy idiot monkey!"
Tinanggal ko yung unan na nasa muka ko ba yung tukmol nandito nanaman
" bakit ba problema mo?!!!"
Sabi ko sakanya habang sya nakasandal sa pader
"anong pinag kukwentuhan nyo kanina ni lola ano pasipsep ka kasi ikaw yung napili nya?!!"
Ano sipsep nababaliw naba sya
"sipsep? , napili? Satingin mo ginusto kong pakasalan ka-?"
"oo dahil nga sa mga sinabi mo about sa nakaraan mo gusto mong makaalis sa mga kamay nila kaya ka pumayag-"
Sabi ni ervin
"bakit sa tingin mo ganun akong klaseng tao sabagay isa kang mayaman na prinsepe at isa lang akong mahirap na tao kaya halos lahat iisipin na isa akong mukang pera at yung iba nga baka sabihin kinulam pa kita eh pero tandaan mo!"
Tumayo ako at lumapit sakanya
" kahit mamatay ako sa gutom o mag hirap lang ako di ko magagawa yang mga sinasabi mo mas pipiliin kopang mag hirap kesa makisama sa isang taong katulad mo!"
Sabi ko sakanya sabay walk out
Di kona kinaya eh tawagin nya akong sipsep at ipag muka na parang mukang pera ako