webnovel

Nightmare

Bago pa man matapos ang araw na iyon ay nilapitan ako ng isang student council officer para sabihing ipinapatawag ako sa dean's office. Napatingin dahil sa paga-ala sa akin si Dine pero kahit anong kaba ay hindi ako dinapuan. I expected it, knowing Lindsey, alam kong gaganti at gaganti iyon sa ginawa kong pagsampal sa mukha niya.

"Sasama ako, Via!" pagpupumilit ni Dine kahit sinasabi ko sa kanyang umuwi na siya. Sa huli ay hindi siya nagpaawat at talagang sumama siya sa amin nitong student council officer papunta sa office ni dean.

Doon ay naabutan ko nang nakaupo si Lindsey at ang kanyang mga alipores. Tinaasan ako nito ng kilay habang ang iba naman ay nakangisi na para bang sinasabi nilang talo ako.

Well,I don't care.

"Sit here, hija." sabi n'ong dean. Sinunod ko naman ang sabi niya, umupo ako sa upuang katapat nila Lindsey.

"Ma'am wala pong kasalanan si Via! Sina Lindsey po ang may pasimuno."

"Miss Santidad, please sit down also." sabi lang ni Dean. "Let's discuss this calmly." Nilingon ko si Dine upang senyasan siya na sundin na lang ang sinabi nito.

"Okay... so to start, Miss Cruz, lumapit sa akin si Miss Gerado upang ipakita ang video na ito."

Iniabot nito sa akin ang cellphone niya. Doon ay nagplay ang footage ng CCTV kung saan kitang kita na sinampal ko si Lindsey. Nagtiim bagang ako.

"Like we said, sila ang nauna, Ma'am." Kalmado lang na sinabi ko.

"You liar!" umacting pa si Lindsey na parang aping-api. "Ikaw ang nanakit, bakit, I'm just saying things about your boyfriend. Hindi ko naman alam na 'yong simpleng salita kong iyon e magagalit ka! Still, you didn't have the right to slap me that hard!"

"Anong hindi mo alam e halata namang nananadya ka sa mga pinagsasabi mo kanina!" sabi ni Dine.

"Tell me, what did I say!"

"Sinabihan mo lang naman ng cheap si Via!"

"Coz that's the truth!"

"See, Dean? She's insulting her!"

"Enough!" humampas si Dean sa kanyang lamesa. "Quiet! I said we will discuss this calmly, okay?!" natahimik kami dahil doon. "I won't be asking questions anymore, because I know you both have different sides." she said. "I will now tell you the conclusions."

"Miss Gerado, you're wrong for insulting her, but you're also wrong Miss Cruz for slaping her. You could atleast tell us the problem with Miss Gerado than doing your own actions."

Napatungo na lang ako dahil alam kong hindi ko naman na maipagtatanggol ang sarili ko. I know na mali naman talaga ang ginawa ko.

"And for that, Miss Cruz, you will be in detention room in 1 hour. No gadgets, no friend," tumingin si Dean kay Geraldine.

"Bakit 1 hour lang Ma'am? She slapped me! Kitang kita naman sa ebidensya!"

"It is because you insult her." sagot ni Dean. "She has the reason to slap you even though it is wrong on the other hand. Or if you want, she'll be in detention in 3 hours, but you will be there also in 2 hours!"

Natahimik si Lindsey dahil doon. Napangisi rin ako.

"Fine. I'll be off!" sabi naman ni Lindsey habang nakatingin ng masama sa akin. Pagkatapos n'on ay padabog na silang lumabas ng opisina. Napailing iling na lang si Dean saka tumingin sa amin ni Geraldine.

"I'm sorry mga anak, I know masama talaga ang ugali ni Miss Gerado," aniya sa amin. "I don't want to punish you but she had the video. Tingin ko ay mas lalala pa ito kapag hindi ako ang magbibigay ng aksyon. We all know mayaman ang pamilya ni Lindsey. That's why I'm asking you Miss Via to spend at least an hour sa detention room."

Napangiti ako kay Dean.

"It's okay, Dean. I'll go po."

Pinauwi ko na si Geraldine kahit na ayaw pa niya. Aniya'y hihintayin niya pa ako pero pinauna ko na siya dahil mayroon siyang sundo. Noong sinabi kong isang oras lang naman at mabilis lang iyon ay napipilitan na pumayag na siya.

Napakabagal ng oras na iyon dahil rin siguro I didn't have my phone in that hour. As in nasa isang all white lang ako na kwarto na as in sobrang tahimik to the point na mapapaisip ka siya tungkol sa buhay mo.

Hanggang sa lumipas ang oras na iyon and it felt like forever. Sa wakas ay nag-log out na ako at kinuha ang phone ko. Mabagal na tinahak ko ang daan patungong gate.

Nakatungo lang ako habang naglalakad. Slowly watching my footsteps. Para bang sobrang pagod na pagod ako, sobrang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko maintindihan kung bakit... sabayan pa ng pagplayback ng lahat ng mapanginsultong salitang sinabi nila tungkol kay Nico. To the point na hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

"Shit." I said saka pinunasan ang mga mata ko. 

Hindi dapat ako umiiyak. Makikita ako mamaya ni Nico. Hindi niya dapat malaman ang pinagsasabi ng mga kaklase ko tungkol sa kanya.

Titingala sana ako para pigilan ang pagbagsak ng luha ko nang pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na si Nico. Kumalabog ng napakatindi ang dibdib ko. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya kaya naman mas lalo pang tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Via..." he said... I bite my lower lip dahil wala na akong magawa sa mata kong pasaway. He came closer and spread his arms to give me a warm hug. Mas lalo tuloy akong napahagulgol ng mahina. "Bakit?" malumanay na tanong niya habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at habang hinahaplos niya ang buhok ko. "Sinong nagpaiyak sa 'yo?"

Agad akong umiling iling.

Humiwalay ako sa kanya saka pinunasan ang luha ko.

"W-wala..." sabi ko. "Hmmm, may exam lang ako na hindi naipasa."

Tinignan niya lang ako gamit ang malungkot niyang mga mata.

"Okay lang 'yan," aniya. "May next time pa." saka siya ngumiti ng malumanay. Sobrang tamis na kaya nitong alisin lahat ng bigat ng nararamdaman ko mula kanina.

Tumango ako saka ngumiti sa kanya pabalik. Ngumiti rin siya ng malawak.

"Tara?" aniya. "Gabi na kasi kaya naisipan kong sunduin ka."

"Hmm..." sabi ko lang saka ako bahagyang naglakad na. "Tara?" yaya ko ulit dahil hindi naman siya sumunod sa paglalakad ko.

Ngumiti siya saka ako pinantayan sa paglalakad. Tahimik lang kaming dalawa. Nakatungo lang ako at nakatitig sa sapatos ko habang siya naman ay napapansin kong sumusulyap sa akin paminsan minsan.

"Okay ka lang ba?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa tinanong niya. Bahagyang nanginig ang labi ko dahil sa kaba ngunit huminga ako ng malalim para alisin yung kanina ko pa iniisip.

"Hmm..." sagot ko sabay ngiti. "Pagod lang siguro."

Pagkasabi ko n'on ay nabigla na lang ako dahil lumuhod siya sa harapan ko habang nakatalikod.

"A-anong ginagawa mo?" Tinapik ko 'yong likuran niya.

"I'm giving you a ride, mahaba haba pa ang lakarin tapos sabi mo pagod ka."

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan..."

"Sige na, hanggang kanto lang pa-bus station." Aniya.

I bit my lower lip habang natatawa dahil sa mga naiisip niyang pakulo. Sumuko na ako't tuluyang yumakap sa leeg niya. Pakiramdam ko e dumaloy ang kuryente sa pagkatao ko noong tumayo siya at hinawakan ang legs ko for support.

"Ang bigat mo pala kahit ang payat mo." Asar niya kaya umirap ako.

"Excuse me, ikaw lang nagsabing payat ako."

Humalakhak siya. "Biro lang."

Humalakhak na lang rin akonat napangiti habang ninanamnam ang sandali na kasama ko siya. I rest my chin on his shoulder habang siya naman ay mabagal na naglalakad.

That moment warmth my heart so much. Hindi ito kasing engrande ng pagsakay ko sa kotse ng ilan kong manliligaw, hindi kasing sosyal ng pagbu-book ng sasakyan... but this is my favorite. Dito ko pinakanaramdaman na ako ay minamahal.

In a short while ay namalayan ko na lang na nasa kanto na kami ng bus station. Ibinaba niya na ako at sabay na kaming pumunta patungo sa bus. Katulad noong last time ay special treatment ang turing sakin dahil hindi na ako pumila at pinadiretso na ni Nico paakyat sa bus.

Noong una nga ay ayaw ko, pero nagpumilit siya.

"Ako'ng bahala..." aniya.

Napangisi na lang ako saka muling naalala ang jacket niya na this time ay nilabhan ko na.

Nakasakay na ako sa bus, samantalang bababa sana siya para asikasuhin ang iba pang pasahero nang lingunin niya ako ulit. Iaabot ko na sana ang jacket niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nagalangan.

I just smiled to him.

Next time na lang, magkikita naman tayo ulit diba? That's what I said to myself.

Hindi gaanong sisikan sa bus n'ong time na 'yon kumpara noong mga nakaraang araw, kaya naman mabilis itong nakalarga. Napatingin na lang ako sa kagwapuhan ni Nico habang naniningil siya ng pamasahe. Hindi ko mapigilang mapangiti, baliw na nga yata ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako si Via na tuwing sumasakay ng bus ay puro pangja-judge ang ginagawa. I am Via... that full of happiness Via

Pero tama nga ang kasabihan... na ang sobrang kasiyahan ay may kapalit na matinding kalungkutan.

That day... was a nightmare.

Siguiente capítulo