webnovel

CHAPTER 16

Taimtim na nagdarasal si Reyann sa maliit na Chapel ng Saint Micheal Doctor's Hospital sa probinsya ng Tarlac kung saan dinala ang nanay niya. Kasabay nito ang walang tigil na pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.

"Lord, alam ko pong malaki ang pagkakasala ko sayo at sa pamilya ko, naging suwail na anak at kapatid ako sa pamilya ko, pero sana pakinggan mo naman po ako kahit ngayon lang, humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo, iligtas mo po ang nanay ko sa kapahamakan, ipinapangako ko, magbabago na po ako, hindi ko na bibigyan ng sakit ng ulo ang nanay at mga kapatid ko, babalik ako sa pag-aaral at pagsisikapang makatapos, basta iligtas nyo lang po sya, mahal na mahal ko si inay, at hindi ko kakayanin kapag nawala din siya kagaya ni itay." Habang tahimik na nagdarasal si Reyann, hindi niya napansing may nagmamasid na pala sa kanya, nang matapos siyang magdasal ay tumayo na siya mula sa pagkakaluhod. At nang makatayo siya ay may nag-abot ng panyo sa kanya. Tinignan niya muna ang panyo, at pagkatapos ay tinignan nya ang taong nag-aabot nito.

"Francis?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reyann.

Hindi pa man siya nakakarecover sa pagkagulat ay bigla naman siyang niyakap ni Francis.

"Sobrang pinag-alala mo 'ko" Ani Francis. Makalipas ang ilang minutong pagkakayakap ay bumitaw narin si Francis kay Reyann. "Let's have some coffee"

Tumango lang si Reyann sa paanyaya ng binata, gutom narin siya dahil dalawang araw na siyang hindi nakakakain ng maayos, dala ng sobrang pag-aalala sa kanyang nanay. Sa may malapit na coffee shop lang sila pumunta. Umorder ng cappucino at lasagna si Francis para sa sarili, at black coffee at aglia olio pasta naman kay Reyann.

"Nalaman ko lahat kay ate Ariella ang nangyari, she gave me your address and the name of the hospital" Kusang pagpapaliwanag ni Francis. "Tatlong araw akong nagpabalik-balik sa restaurant niyo, di ako mapalagay mula ng umalis ka, akala ko nagalit ka sa'kin"

Napatingin si Reyann kay Francis. "Anong dapat kong ikagalit sayo?" Painosenteng tanong nito.

"Ah eh..never mind!" Pag-iiba ng binata sa usapan. "Nung araw na umalis ka, para akong tanga, kung saan-saan kita hinanap, paulit-ulit kitang tinatawagan, palagi naman out of coverage" May tonong panunumbat na wika ni Francis.

"Sorry, hindi ko rin naman expected na mangyayari ang ganito, nang tawagan ako ni Ate at sinabing inatake sa puso si nanay, mabilis akong nag empake ng gamit, ang plano ko sana tatawagan nalang kita para makapagpaalam, pero sa pagmamadali ko, hindi ko namalayan na nahulog pala yung cellphone ko sa daan, nang magkita kita naman kami nila ate, gustuhin ko man makitawag, hindi ko naman kabisado ang number mo" Mahabang paliwanag ni Reyann. "Binilin ko na kay ate na sabihan kang mawawala muna ako ng mga ilang linggo, di ko inaasahan na susunod kapa dito sa Tarlac, ang layo din nito, ang laking abala nito sayo at sa trabaho mo"

"Don't worry about that, nagpaalam na'ko sa manager ko, siya nang bahala sa lahat, mas mapapanatag ako dito" - Nakangiting sambit ni Francis.

Tipid na ngiti lang ang naisagot ni Reyann, pabor din naman sa kanya na manatili ang binata sa tabi nya, lalo na't kailangan niya ng magpapalakas ng loob niya sa mga panahong ito.

*****

"Anong sabi nang doctor?" Tanong ni Francis, nasa ICU na sila kung saan naroroon ang nanay ni Reyann.

"Kritikal daw ang lagay ni nanay, ikatlong atake na kasi niya 'to, madalang daw ang mga nakakaligtas sa ikatlong atake" Malungkot na sagot ng dalaga.

"Don't lose hope, makakaligtas siya" Pagpapalakas loob ni Francis.

"Puro na lang problema ang dinulot ko kay nanay, makaligtas lang siya, babawi ako, magbabago na'ko, magtitino na'ko Francis" Wala sa sariling sabi ni Reyann.

Inakbayan ni Francis ang dalaga. "Wag ka ngang ganyan, di ako sanay na ganyan ka" Anito. "Ang mabuti pa, kumain ka muna, tignan mo nga oh..nangangayayat ka na"

"Ano bang dala mo?" Tanong ni Reyann sa binata. Matapos silang magkape ay nagpaalam ang binata para pumunta sa malapit na bangko para magwithdraw ng cash money.

"Mga fruits, tsaka nag take out ako sa chowking ng mga paborito natin" - Sagot ni Francis.

"Siomai?" Pagconfirm ni Reyann.

"Oo, kaya kumain kana, ako na muna dito" Sagot ng binata.

"Sige" Ani Reyann at lumabas na upang pumunta sa private room na kinuha ng ate niya na paglilipatan sa nanay nila kapag nakarecover ito sa critical stage.

*****

Alas diyes na nang gabi pero gising na gising parin si Reyann, kahit kasi may naka asign na nurse para sa nanay nila ay hindi siya kampante, gusto niyang personal na namomonitor ang kanyang nanay, palabas na siya sa private room kung saan sila nagpapahinga nang mapadako ang tingin niya kay Francis, tulug na tulog ito, halatang napagod sa layo ng ibinyahe, kahit pa may sarili itong sasakyan, hindi maiiwasan na mapagod sa pagmamaneho.

Nilapitan niya ang binata, at pinagmasdang maigi.

"Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang concern ka sakin, at talagang sinundan mo pa'ko" Bulong ng dalaga. "Hindi naman tayo totoong magkarelasyon, pero ano pa man ang dahilan mo, malaki ang pasasalamat ko na nandito ka, kailangang kailangan kita ngayon." Wika pa ni Reyann, at hinalikan ang noo ng binata, matapos nito'y lumabas na siya ng kwarto upang tignan ang ina.

*****

Mahigit isang oras ang itinagal ni Reyann sa labas ng I.C.U upang tanawin ang ina, nang makaramdam siya ng antok ay bumalik na sya sa kwarto kung san natutulog si Francis.

"May improvement na ba?" - Tanong agad ni Francis ng makapasok si Reyann sa kwarto.

Naupo si Reyann sa couch na katapat ng kama. "Wala pa" - Malungkot na sagot ni Reyann. "Ba't gising kana?"

"Nag c.r ako, alam mo na, tawag ng kalikasan" - Nahihiya at natatawang sagot ni Francis. "Matulog ka na, hindi naman papabayaan ng mga nurse at doctors ang mother mo"

"Iidlip lang ako, ikaw din tulog ka uli" - Ani Reyann, kinuha nito ang extrang kumot na nasa bandang uluhan ng kama at akmang hihiga na sya sa couch.

"Jan ka matutulog?" - Nagtatakang tanong ni Francis.

"Oo" - Tipid na sagot ni Reyann, tuluyan na itong nahiga.

"Ako na jan, ikaw na dito sa kama" - Wika ni Francis.

"Wag na, dito nalang ako" - Sabi naman ni Reyann, nakapikit na ito.

"Ok, kung ayaw mo dito sa kama, tabi nalang tayo jan" - Sambit ni Francis at tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama.

Napabalikwas naman ng bangon si Reyann ng sabihin ni Francis na magtatabi sila sa couch.

"Sige sa kama nalang ako" - Sabi ni Reyann at mabilis na lumipat sa kama.

Napapangiti naman si Francis habang papunta sa couch. "Ayaw mo pala akong katabi matulog eh, takot ka sigurong mapayakap sakin"

"Matulog na tayo" - Pag iwas ni Reyann sa usapan, nagtalukbong ito ng kumot upang ipahiwatig kay Francis na inaantok na sya.

"Goodnight girlfriend" - Natatawang wika ni Francis.

Wala na siyang natanggap na sagot mula kay Reyann, kaya nagpasya narin siyang matulog na.

To be continue...

Siguiente capítulo