webnovel

Mermaid's Tale: Princesses

"SEIFFY" tawag ni Azurine sa munting pulang dragon. Hinalughog niya ang buong kuwarto ni Seiffer, hindi niya ito mahanap.

Pinangalanang Seiffy ni Azurine ang baby dragon hango sa pangalan ng kinikilala nitong nanay na si Seiffer. Tuwang-tuwa naman si Azurine, siya mismo ang nakaisip ng cute na pangalang iyon.

Pumasok sa loob ng kuwarto si Seiffer, galing sa labas. Pawisan at hinihingal na nahiga siya sa kama.

"Ano'ng hinahanap mo?" tanong niya nang mapansin ang paghahalughog ni Azurine sa buong kuwarto.

"Hindi ko mahanap si Seiffy! Wala siya sa kuwarto namin at wala rin siya sa silid tanggapan," nag-aalalang wika ng dalaga.

"Ah, 'yong dragon ba?" Tumayo si Seiffer, naglakad patungo sa naka-lock na pinto. "Narito siya," pagkumpira niya.

"Ano? Ni-lock mo siya sa loob niyang kuwartong 'yan?!" gulat ni Azurine. "Kawawa naman siya!"

Tinanggal ni Seiffer ang lock ng pinto gamit ang hintuturong daliri niya. Ikinumpas niya sa hangin ang daliri saka nagbigkas ng magic spell, "Apertum!"

Magic spell ito para bumukas ang anumang nakasara.

Dumating si Octavio, galing siya sa banyo. Nakita niya ang ginawa ni Seiffer. Magkasama ang tatlo na pumasok sa loob ng sekretong silid. Kusang sumara ang pinto. May kadiliman sa parteng kinatatayuan nila. Sa kanilang dahan-dahang paglalakad unti-unti silang nakaaninag ng liwanag.

Nang makarating sa kakaibang silid, nakita ni Azurine ang dragon na mahimbing na natutulog sa bilog na basket na may sapin at kumot.

Nagmadaling nilapitan ni Azurine ang natutulog na dragon. Hinimas-himas niya ito. "Mukhang komportable naman pala siya rito," aniya.

"Teka, ano bang klaseng silid 'to?" takang tanong ni Octavio.

Iginala nina Azurine at Octavio ang mga mata nila palibot sa mala-bilog na sild. Maraming estanteng yari sa kahoy na may samu't-saring nakapatong. Mga palayok na gawa sa clay, malaking cauldron sa maliit na kusina, mga basyo ng maliit hanggang katamtamang laki ng bote at kung anu-ano pa.

Napansin ni Azurine ang tatlong piraso ng bulaklak na ipinakuha ni Seiffer no'ng isang araw. Naroon din nakapatong sa mesang gawa sa kahoy ang crimson gem. May maliliit na boteng may lamang likido. Kulay pula, asul at berdeng likido.

"A-Ano ang mga 'yan?" usisa ni Azurine. Kumuha siya ng isa sa mga ito. "Para saan ang mga 'to?"

"Potion 'yan!" Kinuha pabalik ni Seiffer ang kinuhang magic potion ni Azurine. "Love potion itong pula, mana potion itong asul at healing potion itong berde."

"Para saan naman itong puti?" May nag-iisang puting potion na itinuro si Azurine.

Kinuha iyon ni Seiffer saka ibinigay sa kanya. "Para 'to sa 'yo, memory potion 'yan. Ihalo mo sa inumin ng taong gusto mong bumalik ang alaala."

Madaling nakuha ni Azurine ang gustong sabihin ni Seiffer. "Kay Prinsipe Eldrich?"

Walang naging sagot si Seiffer. Tumalikod siya at nilagyan ng pagkaing tinapay at keso ang walang lamang plato. Para iyon sa alaga nilang dragon na si Seiffy.

"Lumabas na tayo," yakag ni Seiffer sa dalawa. Sumunod naman sila at lumabas ng silid.

Muling ni-lock ni Seiffer ang pinto. Isa itong mahiwagang pinto na walang ibang nakakakita kundi siya at ang dalawa niyang kasama.

"Gusto ko lang linawin. Sinabi ko sa inyo na wala akong pake kung anong lihim mayroon kayo. Gano'n din sana kayo, huwag na huwag n'yong ipagsasabi kahit kanino ang mga natuklasan n'yo!" paglilinaw ni Seiffer sa dalawa.

Dahil sa nangyari sa kweba kung saan gumamit ng mahika si Seiffer, natuklasan nilang tunay nga ang pagiging wizard niya. Walang ibang nakakaalam nito sa palasyo, maliban sa kuwagong familiar na si Knowledge.

Si Knowledge ay pansamantalang nasa paglalakbay kaya wala siya sa tabi ni Seiffer. Gano'n din naman ang pagkatuklas ni Seiffer sa kapangyarihang taglay ni Azurine. Wala pa siyang kasiguraduhan kung anong klaseng mahika ang ginamit ng dalaga. Pati ang tungkol sa natagpuan nilang dragon, wala ring nakakaalam nito. Isang kaguluhan kapag nalaman nilang may natitira pang lahi ng dragon sa panahon nilang ito.

"Pangako, walang ibang makakaalam," pangako ni Azurine kay Seiffer.

***

IPINATAWAG ng kamahalang hari at reyna and dalawang prinsipe. Nasa harap sila ngayon ng bulwagan. Nakaupo ang hari at reyna sa kanilang trono habang nasa magkabilang tabi nila ang dalawang prinsipe.

"Natapos ang kasiyahan nang wala kayong napili sa mga prinsesang dumalo sa pagtitipon," paunang salita ng kamahalang hari. "Kaya napagpasyahan namin na kami na lang ang pipili ng mapapangasawa ninyong dalawa!" untag ni Haring Amadeus.

"A-Ano'ng sabi n'yo, Ama?" naguguluhang tanong ni Prinsipe Eldrich. "Naging mapili ako dahil ayoko namang saktan ang damdamin ng mga prinsesa. Kung mag-aasawa ako gusto ko 'yong… bukal sa loob ko at hindi dahil ipinilit lang!" paliwanag ni Eldrich sa amang hari.

"Iyan ba ang iyong palagay, Eldrich?"

Tumango bilang sagot ang pangalawang prinsipe. Ibinaling ni Haring Amadeus ang pansin niya sa kabilang tabi kung nasaan si Seiffer.

"At ikaw?" Turo ng hari gamit ang matalas na tingin kay Seiffer. "Dumating ka nga no'ng huling gabi ng kasiyahan pero natulog ka lang!" Napasapo sa noo ang hari. "Hay!"

"Kaya naisip namin na pumili ng dalawang prinsesa para sa inyong dalawa," paliwanag ni Reyna Galatina. "Papasukin n'yo na silang dalawa!" utos niya sa kawal na nakatayo sa gilit na pinto ng bulwagan.

"Siguradong kilala n'yo na rin naman ang dalawang ito. Para sa pormalidad ipinapakilala namin sa inyo sina: Prinsesa Zyda Elgios ng kaharian ng Elgios at Prinsesa Lilisette ng kaharian ng Sario."

Pumasok sa loob ang dalawang prinsesa. Si Prinsesa Zyda Elgios: matangkad, balingkinitan ang katawan, may kalakihan ang dibdib, maputi, may mahaba at itim na buhok. Maraming humahangang kalalakihan sa kanya dahil sa maganda niyang mukha. Ang matapang niyang personalidad ay kilala sa kanilang bansa. Matalino, maprinsipyo at palaging iniisip ang kapakanan ng kanilang nasasakupan. May pag-iisip tulad sa isang magaling na pinuno.

Si Prinsesa Lilisette o mas kilala sa tawag na Prinsesa Liset: may kaliitan, payat, maging ang dibdib ay flat, maiksi at kulot ang buhok. Kulay rosas ang buhok niya kaya nahahalintulad siya sa isang manika. Cute siya at may malambing na pananalita. Mahiyain, tahimik at ayaw na ayaw niya ng pag-aaway.

***

MAGKAKASAMA silang apat sa hardin. Ang dalawang prinsesa at dalawang prinsipe. Sa totoo lang matagal na nilang kilala ang isa't isa. Mga bata pa lang sila ay magkakasama na sila sa Majestic Academy. Isa itong paaralan para sa mahaharlikang pamilya ng bawat bansa sa Sallaria.

Habang nakaupo sa malambot at mahabang pahingahan sa loob ng pagoda. Lumapit si Prinsesa Liset na may dalang mga bulaklak.

"Ang gaganda ng mga tanim n'yong bulaklak dito sa palasyo," mahinhin, malambot at nahihiya niyang sabi.

"Alaga 'yan ni Seiffer, Floresia ang tawag d'yan," magiliw na wika ni Eldrich. Para na niyang nakababatang kapatid si Liset.

"Maganda sana kung kaya rin ng bulaklak na 'tong mabuhay sa bansa namin..." May lungkot sa mga mata ni Prinsesa Liset.

Ang Sario ay bansang may malamig na klima. Walang masyadong tumutubong halaman doon dahil sa lamig. Ang mga tao sa Sario ay nakasuot ng makapal na kasuotan. Maraming asong lobo sa bansa nila.

"Kung gano'n, bibigyan kita ng buto ng halaman na pwedeng tumubo sa malamig n'yong bansa!" pabida ni Seiffer na may alaga ng maraming halaman sa hardin.

"Talaga? Maraming salamat! Hindi ka pa rin nagbabago, kuya Seiffer." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng cute na Prinsesa Liset.

Masmatanda ng dalawang taon si Seiffer, labingwalo siya. Sina Eldrich, Zyda at Liset ay parehong nasa edad labing-anim. Pero, tanging si Liset lang ang tumatawag na kuya kay Seiffer.

Mayamaya'y dumating sina Azurine at Octavio, may dalang miryenda para sa lahat.

"Ginoong Seiffer, dinalhan namin kayo ng makakain." Ipinatong ni Azurine ang tray ng tinapay, keso at tsaa.

Nang magtama ang tingin nina Octavio at Lilisette, biglang nagkaroon ng spark sa paligid. Siya ang prinsesang nasa larawan. Natulala si Octavio sa sobrang pagkaakit sa prinsesa. Hindi niya namalayang umaapaw na ang tsaa sa tasang kanyang sinasalinan.

"O-Octavio!" tawag ni Azurine sa kaibigan.

"Ah-ha?!" Nang mapansin ang ginagawa niyang pagsalin ng tsaa. "Waahh!!! P-Paumanhin!" Mabilis niyang pinunasan ng dalang basahan ang umapaw na basa sa mesa.

Tumalim ang mga tingin ni Seiffer, kumislap ang mga mata niya. Halatang may mapagkakatuwaan na naman siya mamaya. Nakakaloko ang ngiti ng binatang wizard sa kanyang personal na katulong.

Nang masulyapan ni Octavio ang mahinhing tawa ni Prinsesa Lilisette. Lalo pa niya itong ikinawala sa sarili. "A-Ano… p-pasensya na talaga…" nauutal na paumanhin ni Octavio.

"Ahem… baka gusto n'yo namang ipakilala ang dalawang 'to sa amin?" naka-crossed arm na tanong ni Prinsesa Zyda.

Ramdam ni Azurine na kakaiba ang tingin sa kanya ni Zyda. Ipinakilala sila ni Seiffer sa dalawang prinsesa.

"Sila ang personal kong katulong sina Azurine at Octavio." Itinuro ni Seiffer ang bawat isa.

"Kinagagalak ko pong makilala kayo Prinsesa Zyda, Prinsesa Lilisette." Nayuko at nagbigay galang si Azurine, ganoon din si Octavio.

"Tumabi ka sa akin, Azurine." Inalok ni Eldrich ang tabi niya upang dito maupo si Azurine.

Nahihiyang tinabihan ni Azurine si Eldrich na siyang ikinairita ni Zyda. Wala namang ginawa si Zyada. Patuloy lang niyang tinitigan nang masama si Azurine.

Para siyang hinuhubaran ng saplot sa katawan. Bawat tingin ni Zyda ay alam niyang hindi siya nito gusto.

"Alam mo bang, ako ang nakatakdang pakasalan ni Prinsipe Eldrich?" matapang na sabi ni Zyda.

Naibuga ni Seiffer ang iniinom niyang tsaa sa mukha ni Octavio nang marinig ang mga sinabi ni Zyda. "Seryoso ka?" maloko nitong sabat.

"Tse! Hindi ka kasali sa usapan, sira ulong prinsipe!"

"Uy! Ang sakit naman!"

"Tse! Huwag mo nga akong kausapin, bleh!!!" Parang bata kung umasta si Zyda.

Kahit gaano siya katapang nagmumukha siyang batang paslit pagdating kay Eldrich. Lalo pa kapag nakikipag-asaran sa kanya si Seiffer. Para silang aso't pusa kapag nagbabangayan. Ganyan ang relasyon nilang apat. Kaya para sa kanila, malayong-malayo ang iniisip ng hari at reyna na ipagkasundo sila.

Biglang napangiti si Azurine, sigurado siyang may pagtatangi nga itong si Zyda kay Eldrich. Pero sa puso niya naniniwala siyang hindi naman gano'n kasama ang ugali ni Zyda tulad ng ipinapakita nitong katarayan.

Si Prinsesa Zyda ang female tsundere ng istoryang ito, at si Prinsesa Lilisette ang loli type na tipo ni Octavio.

Thank you for reading this chapter. Please vote, rate and leave a comment.

Mai_Chiicreators' thoughts
Siguiente capítulo