webnovel

Chapter 14

"Six minutes agent Lucy, you have six minutes remaining," Kelvin's voice was controlled but a tremble betrayed. Ilang beses ko ding narinig ang pagsinghap nito ng hangin; marahil ay para maibsan ang kaba sa dibdib niya. I can feel his genuine concern since we started working as a team. "Be careful."

Mabilis kong nahagilap ang isang wooden antique closet sa bandang kanan ng 4th basement ilang metro mula sa pinaglagyan ng black scorpion box. Kaagad kong pinihit ang knob nito at mabilis na nagkubli. I heard footsteps come pass by the dresser. Three minutes. I only have three minutes to leave. 

Making sure that there was no one but me in the basement, I peeped on the keyhole and held my breathing for a few seconds. May mga nag-uusap sa isang sulok ng basement. Kontrolado ang boses ng mga ito at halatang mahalaga ang kanilang pinag-uusapan. It piqued my curiosity which pended me from getting out of the basement. 

"Ilang sandali na lang Phelan, ilang sandali na lang. Just be reminded that whatever we are doing right now is for the greater good. This will save our race." Anang isang baritonong boses. Kasunod no'n ay ang tunog ng mga kadenang sumalampa sa sementadong sahig. I sensed that the chains were hitched to someone--and that was Phelan. 

I heard a slow and controlled growl from the same side. Boses iyon ni Phelan. He's in pain. Searing. Blistering. I worried for the guy. Kahit papaano'y may pinagsamahan kami ng lalaki. Pakiramdam ko'y nasa panganib ang lalaki at kailangan ko siyang tulungan.

"Four minutes agent Lucy. Four minutes before this mission blows up." Kelvin warned me again. His voice gushing to the mouthpiece which signifies he's nervousness. "The van will be waiting for you three blocks from the Vargas' mansion. Leave the basement before we fail!"

Tumanim sa utak ko ang banta ni Kelvin. Mabibigo nga kami sa unang misyon kapag hindi ko naitakas ang black scorpion box. Pero papaano na si Phelan? Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa lalaki.

Napakuyom ako ng palad. Ilang minuto lang ang pwede kong itagal sa basement na ito. Either I escape of step towards Phelan's point and risk everything to save him. Mabilis ngunit maingat kong binuksan ang closet kung saan ako nagtago. Tinanggal ko ang suot kong pumps saka maingat na humakbang palapit sa pinaggagalingan ng mga misteryosong boses. I tiptoed almost three meters to get to the door frame where I secretly glanced at the mystery.

Halos mailuwa ko ang puso ko nang mamataan ko ang mga nangyayari sa kwartong iyon. Nakaposas ang mga kamay at paa ng nakahubad-baro na si Phelan habang ang leeg at buong katawan nitong nakakulong sa makakapal na kadena. Basang-basa ito ng pawis at tila nanghihina. I saw five shadows surrounding Phelan. Mr and Mrs. Vargas, and the three suspected outcross.

"Two minutes agent Lucy, lumabas ka na!" malakas na sigaw ni Rumina mula sa earphone.

I can hold my breath. Hindi ako makapagdesisyon kung tutulungan ko si Phelan.

"Dad, I can't do it. Ayokong gawin 'to!" malakas na sigaw ng lalaki na sinubukan pang kumalas mula sa mga posas. "Ma' please make the pain stop! Please!" kasunod no'n ay muling sumigaw ang lalaki. Isang daing ng kirot at pagtutol.

Ang daing na iyon mula kay Phelan ang nagtulak saakin na tulungan ang lalaki. I can let the other side of me take over my body and kill the outcross. Pero bago ko naihakbang ang paa ko papasok sa kwarto ay naramdaman ko ang isang di maipaliwanag na init sa aking sikmura. Pakiramdam ko'y binuhusan ng isang asido ang loob ko. Halos masuka ako sa naramdaman. "Oh god!" mahina kong daing saka napaatras dahilan para masagi ko ang isang tubo na gumawa ng ingay nang bumagsak ito sa sahig.

Napansin ko ang pagkagitla ng mga taong nakapaligid kay Phelan.

Mabilis akong umatras at tinahak ang hagdanan palabas ng basement. Kasabay ng pagtakas ko palabas ay ang sunod-sunod na pagsulpot ng di maipaliwanag na kirot sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Pinilit kong makalayo. Naririnig ko ang malakas na sigaw ni Phelan mula sa madilim na kwarto habang umaakyat ako pabalik sa ground floor ng mansion. We were both in pain. Isang bagay dahilan para magtaka ako sa katuhan ng lalaki. 

"One minute agent Lucy, you have one minute to escape." mahina at puno ng pag-aalalang usal ni Kelvin mula sa earphone.

Napadaing din ako sa sobrang kirot ng sikmura ko. Pakiramdam ko'y may isang bola ng apoy na nasa loob ko at tinutunaw nito ang bawat bahagi ko. Nahirapan akong humakbang palabas. Kumawala ang tunog ng hapdi mula sa aking bibig at halos matumba ako sa sobrang panghihina ng aking mga tuhod. Mukhang hindi na ako makakalabas.

Please take over... utos ko sa aking sarili nang maramdaman kong mawawalan na ako ng malay. Muli akong sumubok ng hakbang pero hindi na ito kinaya ng nanghihina kong katawan. I was about to fall but a pair of powerful arms caught me.

The mysterious urion, my savior, my ally --Zilla. 

"Zilla," nanghihina kong bulong sa hangin. Pikit-dilat kong tinitigan ang mukha ng lalaki. I only saw his right eye. Half of his face was covered with his mysterious mask and his left eye was covered with strands of his shiny crimson hair.

"Good job Kiera," saad nito habang buhat-buhat ako palabas ng basement. "Now let's take you home."

Hindi ko man makita ang kabuuan ng mukha ni Zilla, tanaw ko sa mga mata nito ang galak. Marahil ay masaya ito para saakin dahil napagtagumpayan ko ang una naming misyon.

Nang tuluyan akong mailabas nito sa teritoryo ng mga Vargas ay hindi pa rin nawala ang hindi maipaliwanag na sakit sa buo kong katawan. The sweltering pain is eating my soul entirely. Pakiramdam ko'y pinipiga ang lahat ng kalamnan ko. Nanghina ako at nahilo pero nananatiling nakatingin ang mga mata ko sa bilog na buwan at and unti-unting pakikipagsanib nito sa liwanag ng araw.

Isang lunar eclipse sa gitna ng hatinggabi -ang kapanganakan ko. Ang kaarawan ni Phelan. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

###

Siguiente capítulo