webnovel

30 Doors

Autor: Ruru_Mont
Horror
Terminado · 78.8K Visitas
  • 33 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

30 Doors 50 people inside a cage; Many were invited Few were not. 30 doors to get through; 29 doors to unlock 10 puzzles 8 full of riddles Seven rooms of death Four to survive One that saves life. 50 strangers inside a room 49 to kill One mastermind 29 unsafe 10 missed the puzzle Eight failed riddles Seven fatalities Four to survive One that ends life 30 rooms 30 floors 30 doors of survival.

Chapter 1Prologue

Nabuwisit na naman ako sa laman ng email ko. Puro mga pakulo galing sa employee engagement. Another riddle was sent by the employee engagement team. Buburahin ko na sana ang email na 'yon nang bigla na lang itong bumukas at tumambad saakin ang isang riddle about death. Isang marka ng bungong may nakatusok na dalawang espada ang nasa itaas ng riddle.

In LRT 1 Central Terminal Station, a body was found dead inside the ladies' restroom.

There are six suspects identified "Minalyn", "Andreas", "Haliya", "Ryanne, "Thrina" and "Rielle".

1b2f3l4e --that's the murderer's name left by the victim written on the mirror.

Solve the mystery name before everything ends! Your timer starts now.

Pagkatapos kong basahin ang riddle na pinadala sa mga empleyado ng kompanyang pinagtatrabahuan ko, bigla na lang nagpop-out ang isang malaking timer sa monitor ng hawak kong MacBook. 168 hours in red bold font. Pagkurap ko'y biglang nagkaroon ng electric short circuit na dahilan ng pagflicker ng mga fluorescent lamps sa dingding. Naalala ko ang pinanood ko kamakailan na horror film na Annabelle.

Napatili ang ilan sa mga babaeng empleyado sa 31st floor ng Montellano Towers. Ilang segundo din na patay sindi ang ilaw sa opisina. Biglang tumigil ang pag-andap ng mga ilaw. Natigilan ang lahat. Halos magtinginan ang mga naroon. 'Yong iba'y napatayo na sa kani-kanilang cubicle.

"Vlad, anong nangyari?" tanong saakin ni Natas, ang isa naming junior sales associate.

Hindi ako nakasagot kaagad sa sobrang gulat.

"Calm down everyone! Tumawag na ako sa facilities office. May inaayos lang daw sila sa 30th floor," biglang singit ng boss naming si Mrs. De Guzman, may kaliitan ito kaya kinailangang tumayo ng iba para makita siya sa pintuan ng kanyang opisina. "Now get back to work and pretend as if nothing happ-"

Hindi na natapos ng ginang ang kanyang sasabihin dahil sa biglaang pagyanig ng gusali. Lumindol ng malakas at halos matumba ako sa kinauupuan. Mabuti na lang at napakapit ako sa pinakamalapit na cabinet na nasa loob ng aking cubicle. Tumigil din kaagad ang lindol matapos magsibagsakan ng mga kagamitan sa buong 31st. Hindi tumigil sa pagtili ang mga kababaihan lalo na nang biglang mamatay ang mga ilaw at tumunog ang alarm bells sa bawat sulok ng building.

Shit! Something's wrong! Naisaloob ko habang pinipilit tumayo ng diretso. Nakabukas pa rin ang hawak kong laptop at naroon pa rin ang tumatakbong timer --167:53:06 hours. The timer moved to the upper left pane of my computer. Sumulpot sa gitna no'n ang marka ng bungong may dalawang espadang nakatusok. Sa ibaba no'n ay naulit ang huling linya ng riddle kanina 'Solve the mystery name before everything ends!'.

Right at that moment, as the clock continued ticking, I now right from my guts that something wrong is going to happen.

###

También te puede interesar