webnovel

Chapter Thirty Eight

"Dahil mahal pa rin kita, Louise... i never stopped loving you..." he slowly moved closer to her, looking straight into her eyes, his gaze piercing through her very soul.

Hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas bahagya ang kanyang mukha, his other hand gently wiped the tears off her face "noong una hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang pakawalan ang bahay na ito, Louise"  nilinga nito ang kabahayan  "ang akala ko noon, dahil lang gusto kong ipamukha sa iyo balang araw na nagtagumpay ako kahit wala ka...pero ngayon nasisiguro ko na sa sarili ko kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit, sweetheart, I could not let go of this place...and you know why?"  masuyong tanong nito, hinalikan ang tungkil ng kanyang ilong  "it's because in this house, you are still mine... sa bahay na ito, buhay ang lahat ng pangako at pagmamahal natin"

Lalong dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Nag uumapaw ang puso niya sa galak at pag ibig sa mga naririnig na sinasabi nito.

"Sa loob ng anim na taon, wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang... ikaw lang ang tanging laman nito" itinuro nito ang sariling dibdib "ikaw pa rin ang bulong ng puso ko..." he emotionally stated. Kinuha nito ang kamay niya at dinala ang mga iyon sa labi nito. Matamis itong nakangiti sa kanya ngunit nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito.

"Mahal mo pa rin ba ako?" Mahinang tanong nito, his hand softly brushed her cheek.

Yes, Gael! Mahal na mahal pa rin kita... sigaw ng isip niya. Gustong gusto niyang ipagsigawan sa lahat kung gaano niya ito kamahal, ngunit sa halip ay nag-iwas at nagbaba siya ng tingin.

Just thinking about what she's about to do is already tearing her apart, pero ano ba ang magagawa niya? Tanggapin ang pagmamahal nito at aminin din dito na sa loob ng anim na taon, wala ni sinoman ang pumalit sa kanyang puso? Ano mangyayari pagkatapos? He will suffer again because of her? No! she cannot let that happen again! Once is enough! She loves him so much that she's willing to take the pain, to suffer in his place.

"I...I'm sorry Gael...hin...hindi na kita mahal" halos pabulong ang kanyang naging tugon. Ang akala niya ay wala ng lalabas na tinig mula sa kanyang lalamunan. In fact, naidasal niyang sana ay walang lumabas na tinig para hindi marinig ng binata ang mapait na tinuran niya.

"Sweetheart..." hinaplos nito ang mga balikat niya, halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya "you're lying...I know you love me. I can feel it" muli nitong hinawakan ang kanyang baba upang maingat na iangat ang kanyang mukha "look at me" he commanded.

Halos hindi magawang tignan ni Louise ang mga mata nito. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya ay ta-traidurin siya ng sarili ano mang oras, na baka masabi niya ang tunay na nararamdaman para rito. Na baka bigla na lamang niyang yakapin ito, and beg him to stay with her forever.

"I'm telling you na mahal na mahal pa rin kita Louise. Let's start over. This time, for real. Ituloy natin ang mga pangako natin noon na naudlot"

Oh Gael! her heart is overflowing both with happiness and sorrow at the same time. I love you more than you'll know, Gael. Which is why I need to do this...

Pinuno niya ng hanging ang dibdib bago lakas loob na sinalubong ang tingin nito "Hindi na kita mahal, Gael." matigas na wika niya "hindi na natin pwedeng dugtungan ang nakaraan dahil matagal na tayong tapos, at kahit kailan hindi na natin maibabalik pa ang mga nawala sa atin"

Oh God please help! piping dalangin niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning magpanggap. Hindi niya alam kung gaano katibay ang puso niya para sa sakit na nararamdaman ngayon.

Halos madurog ang puso niya sa nakitang sakit na bumalatay sa mukha ng binata. Binitawan nito ang pagkakahawak sa baba niya and took a step back. For the first time, she saw the mighty and arrogant Gael Aragon, out of words. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay gusto niyang bawiin ang mga sinabi. To embrace him and tell him she loves him, over and over again.

"You're lying. nagsisinungaling ka, sweetheart" anito, a blank expression on his face.

"I'm sorry if I led you on, Gael" she ruthlessly said

Tumiim ang bagang nito "kung hindi mo ako mahal, ano ang mga pinagsaluhan natin sa mga nakaraang buwan? Why did you give yourself to me?"

"A-akala ko...kaya pa ulit kitang matutuhang mahalin"

"Bullshit!" malakas na mura nito, tumalikod ito at isinuklay ang mga daliri sa buhok, hindi ito makapaniwalang tinitigan siya " I felt it in your kisses, Louise. I felt it in the way you touched me! I felt it every time you gave yourself to me! Naramdaman ko ang damdamin mo para sa akin!"

She faked a laugh "C'mon Gael! sex is sex! ano ba ang ineexpect mo?"

Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya, she almost flinched sa nakikitang galit sa mga mata nito "you call it just sex? Iyon lang ba iyon para sa iyo?!just plain screwing?" mapait na tanong nito.

"You're hurting me..." aniya, kasabay ng pagpatak ng mga luha. Agad siyang binitawan nito, marahil ay iniisip na ang mga luhang iyon ay dala ng sakit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Stop playing games with me for God's sake Louise!" bulyaw nito "dinala kita dito para ipakita sa iyo kung gaano pa rin kita kamahal! I wasn't expecting this! bakit mo ito ginagawa?" tanong nitong puno ng hinanakit ang tinig.

Kinagat niya ang pang ibabang labi at nagyuko ng ulo. There's no turning back now, she's come this far. This is the last thing she can do for him, dahil mahal niya ito. She will make sure to hurt him so bad this time, na hindi na nito gugustuhing makapiling siya. Only then can she make sure he won't suffer.

"I wanted to atone for my father's sins to you" taas noo niya itong tinignan "alam ko na ang totoo, Gael. All you have been through because of my father. At naisip ko, kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanan niya sa iyo, that's why I offered myself to be a real Mrs. Aragon, for the duration of our agreement. At ngayon wala na si papa...." she once again filled her lungs with air, humahanap ng lakas upang maituloy ang sasabihin "at ngayong wala na si papa...wala nang dahilan pa para magpatuloy tayo... siguro ay nakabayad na rin kami sa kasalanan sa iyo, Gael"

"Is that all?" Disbelief in his eyes.

She nodded. "I want an annulment now, Gael. I want to...be free" she again bit her lower lip and supressed a sob.

God! parang hindi na niya kaya. She feels so weak, her heart is aching like it never ached before. I don't want to be free... I want to be Mrs. Gael Aragon, forever. For as long as I live...

Pagak na tumawa ang binata "I can't believe this!" tiningala nito ang kisame at namaywang. Louise saw a tear treck down his face.

"I don't expect you to give back all the properties dahil hindi ko natapos ang isang taong kasunduan natin. Pero kahit ang hacienda man lang, ibalik mo sa akin" buong kalupitan niyang sabi rito. In reality, she doesn't want any money or property from him, but telling him this will surely drive him away.

Napatingin ito sa kanya "so this is all about the money?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"You know I married you for the money, why are you surprised?" she countered.

"Putangina, Louise!" bulyaw nito. Matalim ang buntong hiningang pinakawalan nito "hindi ko alam na ganyan ka kababa!" galit itong lumakad patungong pintuan and stopped right at the door "I will send my lawyer with the annulment papers...and of course, ang bayad mong titulo ng hacienda!"

Napasalampak si Louise sa kinatatayuan ng tuluyang mawala sa paningin niya ang binata. She silently cried, halos magdugo na ang labi niya sa diin ng pagkakagat niya roon upang huwag umalpas ang isang palahaw. She placed her hand on her belly. I'm sorry anak. I just drove your father away... but this is the right thing to do, because I love him...

Nang gabing iyon ay umalis si Gael matapos siyang maihatid sa tahanan sa San Nicolas. Hindi alam ni Louise kung saan ito nagpunta. She laid in bed crying all night, hindi na niya namalayan kung anong oras siya iginupo ng antok.

Ilang araw pa ang matuling lumipas ngunit walang Gael na umuwi. Wala rin itong tawag o kaya ay text man lamang sa kanya. She would be dead worried about him kung hindi ito tumawag sa tiyahin upang sabihing sa Maynila muna ito mamalagi para sa isang importanteng business deal. Alam ni Louise na iniiwasan siya nito, at gusto man niya itong tawagan ay wala siyang lakas ng loob, isa pa, kailangan niyang pangatawanan ang mga sinabi nito.

Nag aalmusal sila ni tiyang Amelia nang biglang sumama ang kanyang panglasa dahil sa lasa ng bawang sa sinangag. Agad niyang tinakbo ang banyo tutop ang bibig. Nagkatinginan ang ilang kasambahay dahil sa naging reaksyon niya, ganoon di si tiyang Amelia na naghihinalang sinundan siya ng tingin.

Nanlalatang inilatag niya ang katawan sa kama. This is the first time na nasuka siya dahil sa lasa ng kinakain. She knows the reason why. Muli siyang naiyak sa isiping malapit na niyang lisanin ang bahay na ito, at malapit na siyang mawala ng tuluyan sa buhay ng lalaking pinakamamahal. Hinimas niya ang impis na tiyan "kaya natin to, anak" bulong niya.

Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakahiga ng kumatok ang katulong upang sabihing nasa baba si attorney Santos para makita siya. Halos hindi siya makagalaw ng marinig kung sino ang bisita. Paniguradong ipinadala ito ni Gael. Mabibigat ang mga hakbang na bumaba siya sa study room upang harapin ito.

"Sign here as well, Louise" itinuro ng abugado ang mga lugar na dapat niyang pirmahan para sa annulment. Tila robot lamang si Louise na ginawa ang ipinapagawa ng matandang lalaki. Ni gaputok ay wala siyang naging imik. Pakiramdam niya ay pinipirmahan niya ang kanyang kamatayan. Para na rin siyang namamatay sa kaisipang mawawala si Gael sa buhay niya.

"...and this is the title deed of Hacienda Saavedra" he pulled out a big brown envelope from his suitcase  "naisalin na ang lahat sa pangalan mo hija"  inilapag ng abugado iyon sa mesa. "You can check it and make sure everything is in order" suhestiyon nito.

"Hindi na ho kailangan, attorney" she sighed "hindi ko ho matatanggap ang titulong iyan".

The lawyer looked confused "pero hija, this is part of your agreement with Gael. Hindi ko naiintindihan?"

Dinampot ni Louise ang envelope na inilapag nito sa mesa at muling iniabot sa matanda "you need to give this back to Gael, attorney, ngunit hindi ngayon..."

She gave the lawyer specific instruction to give the document back to Gael a year from now. She's planning to go back to the states matapos maiayos ang lahat ng kailangan sa annulment. Magpapakalayo layo siyang muli, kagaya ng ginawa niya noon.

"Kung maaari rin ho sana attorney, ay paki bigay ito kay Gael, kasabay ng mga dokumento ng hacienda" iniabot niya sa matanda ang isang sobre. She had prepared that envelope for Gael the night she told him she wanted an annulment.

Isang tango ang naging tugon ng abugado at tinanggap ang sobre mula sa kanya.

*******

Maingat niyang inilagay ang damit sa maleta. She was crying the whole time habang naghahanda sa pag-alis. Mukhang walang intensyon si Gael na umuwi ng San Nicolas. Mag iisang linggo na itong namamalagi sa Maynila, sa isang banda ay mas mabuti na rin siguro iyon upang mas maging madali para sa kanya ang pag alis. Mabilis niyang pinahid ang mga luha ng pumasok sa silid niya si tiyang Amelia. Tahimik itong naupo gilid ng kama, habang nakamasid sa kanya.

"Kung ano man ang problema ninyo ng pamangkin ko Louise, umaasa akong maayos niyo. Hindi mo kailangang umalis, anak" may pakiusap sa tinig nito.

"Hindi ho talaga siguro kami nakatadhana ni Gael, tiyang" mapait siyang ngumiti "sorry ho at nasaktan ko na naman siya".

"Sana ay hindi ka nagpapadalos dalos sa desisyon mo hija" bumuntong hininga ito "alam ko kung gaano ka kamahal ng pamangkin ko...sana ay ayusin niyo, alang alang na rin sa...bata"

Hindi nakaimik si Louise sa sinabi ng matanda. Alam nitong buntis siya?

"Alam kong nagdadalang tao ka, Louise" anito, na tila nahulaan ang iniisip niya

Hindi na napigilan ni Louise ang pag iyak. Itinakip niya ang dalawang kamay sa mukha at malayang umiyak. Nilapitan siya ni tiyang Amelia at hinagod sa likod.

"Masama ang laging malungkot sa buntis...ano ba ang nangyayari sa inyo, Louise? alam kong mahal niyong parehas ang isa't isa"

"Ayoko na pong saktan ulit si Gael, tiyang" she looked at the woman, umaasang maiintindihan nito ang sinasabi niya "mahal ko ho siya...mahal na mahal...pero...sisirain ko lang ho siya kapag nanatili ako rito"

"Mas sisirain mo siya kapag lumayo ka ulit, kapag iniwan mo siya" umiiyak na ring sagot nito.

"Hindi niyo po naiintindihan, tiyang...hindi ko ho maipaliliwanag...pero sana ho mapatawad niyo ako..." she said in between sobs "nakikiusap din po sana akong huwag nang makarating kay Gael ang kalagayan ko..."

"Hija..."

"Mas mahihirapan lang ho siya kapag nalaman niya...nakikiusap po ako" pagsusumamo niya, ginagap ang mga kamay nito.

Isang mahinang tango ang naging tugon ni Amelia. Niyakap niya ito at bumulong ng pasasalamat.

Louise took one last look at the house that's been her home for the past months. Ang lugar kung saan maraming magagandang ala-ala ang nabuo na kailanman ay hindi niya malilimutan. Hilam na ang mga mata niya sa pag iyak. Masigid na sakit ang gumuhit sa kanyang dibdib na parang hindi na siya makahinga. She took a step forward, palabas ng bahay na iyon.

Goodbye, Gael....

Siguiente capítulo