webnovel

38 Bulutong

"Gusto kong malaman ang binabalak ni Tonya at ng Dayuhan." seryosong sabi nito sa dalawang alipin na pinadalang espiya ni Antonia sa bahay niya.

Habang hawak naman ng aliping yaya ang isang malaking bag ng mga ginto't perlas. Binuksan niya ito ng bahagya at pinasilip sa kanila.

Napanganga ang dalawa at nagtinginan, tsaka sila tumingin ng deretso sa mga mata ni Kimmy. "Masusunod po,Binibini."

Agad namang nagtungo ng patago ang dalawa sa bahay ni Antonia. Katulad ng ginagawa ng dalawa sa tuwing mag uulat ang dalawa kay Antonia sa mga ginagawa ni Kimmy. Wala panaman ganoong kaimportanteng impormasyong naibalita ang mga ito dahil mahusay ang Aliping Yaya ni Kimmy. Dahan dahan silang naglakad at bago sila kumatok sa silid nito ay naghintay muna sila sa labas at nakinig sa pinag uusapan ng dalawa. Habang nakikinig ay nagulat ang dalawa sa narinig na impormasyon, namutla sila at imbes na harapin pa si Antonia ay umalis na sila ng dahan dahan.

Pagkabalik nila kay Kimmy ay dali dali nilang ibinulong ang narinig nila sa pag uusap ni Antonia at ng lalaki nitong dayuhan.

"Huwag ninyong sabihin kahit kanino man. Bumalik nakayo sa trabaho at kunin ang inyong pabuya." pinaypayan niya ang mga ito ng kamay na senyales ng pagpapaalis na sakanila.

"Maghanda ka. Magkakaroon ako ng bisita mamaya."utos nito sa aliping yaya habang seryosong tumitingin ito sa malayo.

Nagiging seryoso na ang lagay ng kaligtasan ng mga tao sa baryo. Biglang naisip ni Kimmy ang mga taong napamahal na sa kanya, lalo na ang mga batang gulang pa.

Hindi nagtagal ay dumating nga si Antonia sa bahay nito.

"Binibini, narito po si Ginang Antonia." sabi ng aliping yaya.

Tumayo si Kimmy sa kinauupuan at lumabas. Ayaw nitong papasukin sa loob ng bahay nito dahil wala itong gagawing mabuti.

Binuksan niya ang pintuan at doon tumayo ng nakaharang.

"Mukhang wala kang ginagawa maghapon?" tanong ni Antonia habang pasulyap sulyap sa loob ng bahay ni Kimmy. Nagtataray ito at mukahang blooming.

"Wala kang pake." tipid na sagot ni Kimmy dito. 'Isa kang malaking tanga. Ganid. Walang puso. Buhay kapa pero sinusunog na ang kaluluwa mo!.' gustong isigaw nito ni Kimmy sa pagmumukha ng dati nitong kaibigan sa modernong panahon pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang gumawa ng paraan para masabotahe ang mga plano ng kalaban.

Hindi niya ito lugar, hindi pamilya at hindi panahon, pero siya ay nandoon at naniniwala itong naroon siya dahil may kailangan siyang gawin.

"Ang Harsh mo naman." napalagay ang loob ni Antonia. Nagduda ito ng hindi dumating ang mga espiya nito para magreport sa kanya. Biglang pumasok sa isipan nito na baka narinig ng dalawa ang usapan kanina ng lalaki niya at nagsumbong na ito kay Kimmy.

"Binibini!" palabas na tumakbo ang aliping yaya ni Kimmy na may dala dalang bag na walang laman.

Napatingin ang lahat sa aliping yaya.

"Ninakawan po kayo ng dalawang alipin!" sagot ng aliping yaya.

"Sino sa kanila?! Nasaan!?" mukhang galit na tanong ni Kimmy.

Magkahalong gulat at pangamba ang nararamdaman ni Antonia. bumulong ito sa isa sa mga aliping kasama nito at patagong umalis sa eksena.

"Tumakas na po sila dala ang mga alahas ninyo." lumuhod ang aliping yaya. "Patawad po Binibini hindi ko sila napigilan." sabay pagpatak ng luha nito.

Tinignan ni Kimmy ang aliping yaya at nagalingan sa acting nito. Matutuwa na dapat siya pero nadismaya din ito dahil mukhang ipinadala siya ni Ramses para maging espiya din sa kanya. Mukhang wala paring loyal na alipin dito sa loob ng bahay niya. Pero di iyon ang issue ngayon. Saka nalang ito gaganti sa lalaking iyon. "Ipagtanong ninyo sila at ipahanap sa mga bantay. Iulat ninyo kay Ginoong Lorenzo."

"Sandali!" tigil ni Antonia. Hindi pwedeng malaman ni Enzo ang mga binabalak nito kaya't makikialam na siya. "Ako na ang magpalahabol sa mga bantay!" sabay alis nito ng mga alipin niya upang makaiwas na magpaliwanag pa kung bakit.

"Tsk" palatak ni Kimmy at pinatayo ang kaniyang aliping yaya saka nito binulungan.

Pagkatapos mag ayos ng mga kasuotan ay nagtungo na ang dalawa sa bahay pagamutan. Nadatnan nila si Adlaw na mag isang nanggagamot ng mga pasyente.

"Pa'no na po iyan Binibini." bulong ng aliping yaya kay Kimmy. Ipapahiwatig sana ng dalawa kay Enzo ang mga aksyong ginagawa ni Antonia.

"Hayaan mo." matipid na sagot ni Kimmy. 'Hindi din natin alam, baka magkakuntsaba pa ang dalawang hype na iyon.' pagdududa ulit ni Kimmy.

"Binibini." bati ni Adlaw habang minamasdan ang batang nahihirapan at kandung kandong ng isang Ale.

Napansin ni Kimmy ang pagkakaroon ng mga butlig nito at hindi pamilyar ang mga mukha nito sa baryo. "Ale, saan pa kayo nanggaling?"

Nagulat ang Ale at natakot. "Sa.. sa..sa malayong lugar pa.. pa papa ho." natatarantang sagot nito kay Kimmy. Balita sa lugar nila ang husay nito sa panggagamot kaya't dinala niya ito ang kaniyang anak na nahawaan ng sakit mula sa kanilang baryo,kung saan marami ng bata ang mga namatay dahil dito. Umaasa ang ale na may lunas ang nasabing mahusay na binibining manggagamot.

"Mahahawa ka Ale, huwag kayong hahawak ng sinomang tao mula ngayon o makikipag usap man." nilingunan naman niya si Adlaw. "Hinawakan mo na ba sila?" seryososng tanong ni Kimmy dito. Tinignan niya ang paligid. "Mabuti nalang at tatatlo palang kayong mga pasyente." nagbuntong hininga ito. "Simula ngayon, sa kwarto muna kayo magkukulong na mag ina. Hindi kayo lalabas doon hangga't hindi kayo gumagaling."

Nagulat ang Ale at natakot. "Binibining Manggagamot. Pakiusap, pagalingin nyo po ang aking anak." lumuhod ito habang bitbit ang tatlo o apat na taong gulang na anak nito.

"Nagkakamali ka ng iniisip. Natural lamang na pagagalingin ko kayong mag ina." nginitian niya ang Ale. "Ngunit ang sakit na dumapo sa anak ninyo ay nakakamatay sa mga bata at mahihina ang immune system at lubhang nakakahawa. Wag kayong mag alala ale. Basta sumunod lang kayo. Ipinapangako ko na gagaling kayong mag ina." matamis niya ito muling nginitian upang maibsan ang kaba ng ale.

Hindi gaanong naiintindihan ng ale ang 'Immune System' na tinutukoy ni Kimmy pero nakadama ito ng ginhawa ng marinig ang mga sinabi nito. Alam ng Binibining Manggagamot ang lunas at alam nito ang mga sintomas. "Maring Salamat po Binibini!"

"Hindi kaya?" biglang kinabahan si Adlaw. Nabalitaan na niya ang ganitong karamdaman noon sa kanilang lugar. Takot na takot ang mga tao dito. Tinignan niya si Kimmy. "Binibini."

"Huwag kang maingay. Mayroon silang Bulutong. Huwag mo silang hahawakan sa balat or makipag usap ng malapit ang iyong mukha." sagot ni Kimmy kay Adlaw.