webnovel

Hello, Death, Goodbye

Thanatos' Point of View

Tiningnan ko sa paanan ko ang patay na katawan ni Melizabeth. Tumulo pa rin ang luha ko, I'm sorry. Huminga ako nang malalim at lumuhod para buhatin ang katawan niya. She had a small smile in her face, and her hand was placed in her heart.

Nanginginig ako nang maramdaman ang lamig ng kaniyang katawan. Hindi ako makapaniwalaang nagawa ko ito sa kaniya, kung hindi lang talaga kailangan. Bilang God of Death, it is my duty to bring her to the underworld.

Bumigat ang paghinga ko. I saw the color of her soul, red. I smiled as I held her face. Huling pagkakataon ko nang hawakan siya. Malamang ngayon ay nagawa nang talunin ng Olympians ang Eleusinians, after all si Melizabeth lang naman ang mayroong kakayahang talunin ang mga diyos. That was why she needed to die.

Nagteleport kaagad ako sa underworld. Nakita ko ang ibang servants ni Charon na tinatawid na ang mga souls sa River Styx papunta sa afterlife. Habang si Charon, ang head ferryman of the River Styx, ay nakaabang na sa akin. Somehow, he knew that I would come with her.

"Brother," bati sa'kin ni Charon at napatingin kay Melizabeth na nasa bisig ko. Charon is also my full brother. Our parents are Erebus, the darkness, and Nyx, the night.

Mas matanda ako kumpara kay Charon, ngunit dahil mabilis nagtime-stop ang katawan ko, mas nagmukha akong bata sa kaniya.

"Is Psyche already in the Asphodel Meadows?" tanong ko sa kaniya, at tumango naman siya. The Asphodel Meadows is where where those who had lived neither an overly good nor an overly bad life would end up. Dahil sa mga murders at pagnanakaw ni Melizabeth sa mortal realm, her soul would end up here.

"Are you sure about this, Thanatos?" tanong sa'kin ni Charon, at maliit akong tumango. He smiled at me, and patted my shoulder.

Sumakay na kami sa bangka ni Charon, at binigyan ko naman siya ng coins for the fare. "Kung doon siya pupunta, kinakailangan uminom mula sa River Lethe or the River of Forgetfulness."

Tumango ako, ngunit napatingin na rin sa bracelet na binigay ko sa kaniya. In that way, she would remember her memories. Hinawakan ko ang kamay niya habang hindi pa nagigising ang kaluluwa niya.

"She's slow in waking up," natatawang sambit ko. "Pero ayos na rin iyon, at baka kamuhian niya pa ako pag gising niya."

Tumawa naman si Charon, "Hindi ko akalaing magagawa mo ito, Thanatos. Wala ka namang pakialam then you just changed because of her."

Naalala ko tuloy noong una ko siyang nakita, nakaluhod sa palibot ng patay na katawan ng kaniyang pamilya.

I was mad at Hades for not being able to save the family of the child. Alam naman niyang mangyayari 'yon, bat hindi niya pinigilan? "Hades, hindi ba masyado kang naging malupit sa batang 'to? She's just thirteen, and kakathirteen niya lang!" bulyaw ko habang nakatingin sa batang umiiyak.

Sinagot naman niya ako pero nanliit ang mata ko lalo. "Really? Cruel? Why? May iba pa bang mangyayari sa kaniya?" giit ko. Marahas naman niya akong nilingon, "Since when the tartarus did you care, Thanatos?"

Napatahimik ako at tiningnan nalang ang bata sa bisig ko. She looked like an angel in my arms. Napatawa naman ako, an angel in the death's arms? Hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya. Pakiramdam ko napaka-pedophile ko hanep.

Then, nandilim ang paningin ko nang makitang pinatay niya ang isang Inquisitor na wala namang kasalanan sa kaniya. Ahh, a devil disguised as an angel.

"Alam mo namang kaya kitang patayin, hindi ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya, at natigilan naman ako.

She believed I won't kill her, but I did.

Napatitig ako sa kaniya nang makita ko siya sa party ni Dionysus. Her lava dress hugged her body, and she was really outstanding. She's finally a lady.

Tiningnan ko lang siya sa malayo hanggang sa nakita kong halos hawakan siya ni Dionysus kung saan. To Tartarus with that guy, I'm gonna kill him later.

Lalapit na sana ako nang bigla akong unahan ng isa pang lalaki. Ah, Autolycus, son of Hermes. Naikuyom ko ang kamao ko nang makitang nakapulupot ang kaniyang kamay sa bewang ni Melizabeth.

Nang makalayo naman ang dalawa, lumapit ako kay Dionysus at mahigpit na hinawakan ang balikat niya. "Dionysus," bati ko sa kaniya at binigyan siya ng masamang ngiti.

Nagulat naman siya ngunit ngumiti rin kaagad at binati ako, "Thanatos, what brings you here?"

"Ah, hinahanap ko ang girlfriend ko," sagot ko sa kaniya at ngumisi. Nanlaki naman ang mata niya at kaagad tumawa, "Woah, you have a girlfriend since when? Sino ba 'yon? Baka nakita ko."

Pilit akong ngumiti, "Melizabeth. Have you seen her?"

Natigilan naman siya, at nawala rin ang ngiti sa labi. Umiling siya at nauutal na sumagot, "Hindi ko alam kung nasaan."

Tumango-tango naman ako, "The next time you touch her, I'll send you to Tartarus." The deepest pit of Underworld, kung saan nakakulong ang ibang Diyos.

"Thanatos," napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin. Psyche, the goddess of soul. Narito na pala kami sa Asphodel Meadows. Lumabas na kami ng bangka at ningitian ko si Charon. He sighed at me before showing a small smile.

"Goodbye, Death."

I turned to Psyche and she looked worried, "Are you sure, Thanatos?"

Tumawa naman ako, "Of course, Psyche. The things we do for love." I shrugged and lay Melizabeth down on the grass.

Psyche sweetly smiled, "Hindi ko talaga akalaing magagawa mo 'to, Thanatos. You're older than all Olympians, but ngayon mo lang nakita ang babae sa buhay mo. I'm sorry for the tragedy, though."

Tumango ako, "I have lived long enough. I have also fulfilled my goal, Psyche." To save Melizabeth from being evil.

She gave me a bowl of the water from River Lethe. "You both need to take it. It will take effect within 30 minutes, the soul transferring shall be finished by then."

Siya ang nagpainom sa walang malay na kaluluwa ni Melizabeth, at ininom ko na rin kaagad ang akin. In thirty minutes, my memories will fade, and I will remain here in Asphodel Meadows.

That was the plan all along. My soul will be interchanged with her's. She will live as the Goddess of Death, and I will take her place here.

Mabuti na nga na hindi nagigising ang kaluluwa dahil panigurado ay pipigilan niya ang prosesong ito.

I want her to live. All her life, she's been doing things for me. Alam ko naman iyon. Pumayag siya na makipag-soulbound kay Autolycus para ma-save ako. Kahit kay Persephone, tinanong niya kung pwedeng siya ang pumalit sa position ko as God of Death. She was so gullible, but here we are, totoo ngang she will replace my position.

"Hold her hand," utos ni Psyche at sinunod ko naman iyon. Lumuhod ako hinawakan ang kamay ni Melizabeth. "Stay still," wika ni Persephone at hinawakan ang kamay naming magkahawak.

"Empty your mind, Thanatos," sabi niya at sinubukan ko namang sundin iyon. I felt nothing but peace in my mind.

Even in my emptiest thought, she's still the one. I can only imagine her sweet chuckles, and the way she runs towards my arms. My angel.

I felt my soul drift away from me, and finally, I felt the process complete. Minulat ko ang mata ko. Nanghina naman si Psyche dahil sa enerhiya at kapangyarihang nagamit niya.

"Thank you, Psyche," wika ko at naramdaman kong kaluluwa nalang ang mayroon ako ngayon. Tumango naman si Psyche at tumigin kay Melizabeth.

Hinawakan ko ang pulsuhan ni Melizabeth at natuwa ako nang makaramdam ng heartbeat. She looked alive again. I couldn't be happier.

I kissed her forehead, and said, "Hello, Death." I love you.

"We will return her to her chambers in the Underworld Palace," sabi ni Psyche sa'kin at tumango naman ako. "Goodbye, Thanatos. May your afterlife be wonderful."

It's sad, but sometimes moving on with the rest of your life starts with goodbye.

Pinakawalan ko ang kamay ni Melizabeth, at malungkot na ngumiti sa kaniya, "Goodbye."

Siguiente capítulo