Mary's Point of View
Unti-unti kong binasa ang isang liham na nakasulat sa isang lukot-lukot na papel.
"Mahal kong Henry"
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang liham na ito.
"Hindi ko alam kung hanggang saan na lamang ito, ngunit isinusulat ko ito dahil nagpapaalam na ako. Ang buhay ko ay gulong-gulo na. Walang saysay ang aking pamumuhay kung pati ang aking kasintahan ay hindi na ako mahal. Patawad, mahal, kung hindi mo naramdaman ang aking pagmamahal. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang aking pagkatao."
Hindi ko na masyadong mabasa ang ilang bahagi ng liham. Sinubukan kong lumabas sa ilalim ng sofa at umupo dito. Kitang-kita ko ang pagtalon ng mga alikabok sa hangin habang naiinitan ako sa sinag ng araw mula sa bintana sa aking gilid. Ang mga langaw ay pumapaligid sa akin. Mayroong salamin sa aking likuran at isang litrato ng mansanas na nakasabi sa isang pako.
Sa aking pagtingin muli sa liham na hawak ko sa aking dalawang kamay, bigla akong nagtaka. Bakit puro si Carmina ang aking nakikita sa mga papel? Sino ba itong Carmina na ito? Hindi ba may koneksiyon ito sa bawat liham na nakikita ko? Hindi kaya alam ni Aling Rosing ang kuwento dito? Bakit pinangalanan niya akong Carmina?
Sa aking pag-iisip, muli akong yumuko sa akin para basahin ang liham.
"Patawad kung hindi na ako tulad ng dating dalagang nakilala mo. Alam kong hindi na ako normal na tao, dahil sinapian ako. Dahil, delikado na ang sinumang lalapit sa akin, napagpasiyahan kong magpakalayo sa lahat ng tao. Huwag kang mag-alala, nariyan si Izzy na patuloy na magmamahal sa iyo. Mahal na mahal kita. Paalam."
Natulala lamang ako nang aking matapos ang pagbasa sa papel. Sinapian si Carmina? Sino si Izzy? Naalala ko ang mga pangalang ito noon sa office sa municipal hall kung saan napatay ko ang nanay ni Angelia. Ano naman ang kinalaman nung nga tao sa municipal hall dito kay Carmina kung gayon?
Wala na akong naiintindihan. Muli akong tumingala ngunit nakaramdam ako na parang may nakatayo sa aking likuran. Dali-dali akong lumingon sa likod para lamang makita ang aking repleksiyon mula sa salamin.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking kinauupuan at dumiretso sa harap ng salamin.
Alam kong naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon pero alam ko ring may koneksiyon ito sa isa't-isa at handa akong alamin ang lahat kahit na ipalagay ang aking buhay sa panganib.
Lumingon ako sa aking kanan para makita ang isang papel na nakapatong sa mesa na malalaglag na dahil sa hangin. Mabagal akong yumapak papalapit para tignan ang laman ng papel.
Nang aking kinuha ang papel, nakita ko ang isang litrato ng isang babae at isang lalaki nakangiti sa harap ng isang bahay. Sa ibabang bahagi ng papel ay nakalagay ang lokasyon ng lugar.
"Villamaba St., Marquez, Mastoniaz"
Nang aking mabasa, nagulantang ako nang marinig ang isang sipol sa labas ng silid. Nataranta ako at walang ibang ginawa kundi nagtago muli sa ilalim ng sofa, habang dala-dala ang dalawang papel. Napapikit ako dahil sa lalong lumalakas ang sipol at ang mga yapak sa labas.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ilang saglit ay dahan-dahang nagbukas ang pinto ng kuwarto.
"Napakarumi ng silid na ito. Tsk tsk."
Narinig ko ang isang boses ng isang matandang babae. Napagtanto ko na hindi ito ang taong may hawak kay Carmelle dahil alam kong lalaki iyon. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko kilala ang babaeng kasama ko ngayong sa loob ng kuwarto.
Naglakad siya patungo sa likuran na bahagi ng kuwarto at sa kasamaang palad ay nahulog ang kaniyang susi malapit sa akin dahilan para ako'y kabahan nang husto. Dinig ang malakas na tunog ng mga susi sa aking harap.
"Ay anak ng kabayo!"
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at lumuhod para kunin ang susing nahulog sa ilalim ng sofa. Ang kaniyang mga kamay na puno ng mga ugat kumakapa sa sahig.
"Ah! Salamat naman."
Mabilis niyang nahanap ang kaniyang susi at kinuha muli sa sahig. Huminga ako nang malalim dahil natapos kaagad ang pangyayari.
Ngunit akala ko tapos na, nagulat ako nang makita ko ang kaniyang mukha na nakatulala sa akin.
"Anak ng baboy! May multo!"
Sumigaw siya nang malakas at napaupo sa sahig. Agad naman akong lumabas sa ilalim ng sofa at inayos ang aking sarili.
"Sorry po! Huwag po kayong matakot. Hindi po ako multo."
Lumapit ako sa kaniya at sinubukang pakalmahin. Hindi ko inaakala na siya ang matatakot sa akin.
"Ganun ba? Pagpasyensyahan mo na ang Lola hehe."
Mabilis siyang kumalma at sinundan ito ng napakalawak na ngiti sa kaniyang mukha.
"Bakit ka naririto? Bawal pumunta dito sa loob!"
Ngunit nagbago agad ang kaniyang mood. Sabay kaming tumayo mula sa sahig at pinagpag ang aming mga damit.
"Ah eh kasi po... teka lang po, may tanong lang po ako"
Tugon ko sa kaniya. Kailangan kong mabago ang pinag-uusapan para na rin mapabilis ang aking mga hahanaping sagot sa napakaraming tanong ko ngayon.
"Ano ba iyon?"
Kumunot ang kaniyang noo sa akin habang siya'y naglilinis ng mesa sa kaniyang tabi.
"May nakita po kasi akong liham sa ilalim. Baka alam niyo po."
Dahan-dahan kong kinuha ang papel sa aking bulsa at mabilis na ibinigay kay Lola. Medyo matanda na pala itong si nanay ngunit alam kong malakas pa rin siya.
"Si Carmina. Kilala ko ito."
Nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakaharap sa akin. Agad siyang naglakad patungo sa sofa at inanyayahan akong umupo sa tabi niya.
"Alam kong kakaunti lang ang may alam sa kuwento ni Carmina."
Nakatulala siyang nagsasalita. Marahil na kinakabahan ako dahil alam kong hindi magiging maganda ang aking maririnig.
"Ikinuwento lamang ito ng aking nakakatandang pinsan. Si Carmina ay isang dilag. Naging kasintahan niya si Henry, ang dating alkalde ng bayan ng Mastoniaz.
Sila'y naging mapayapang magkasintahan ngunit isang araw, biglang nagbago ang ugali ni Carmina. Ang ilang mga tao ay nag-aakala na sinapian si Carmina ng demonyo.
Dahil doon, napagpasiyahan nina Carmina at Henry na maghiwalay dahil nagiging delikado ang lagay ni Carmina.
At hindi na raw nakita kailanman si Carmina."
Nanatili kaming dalawang tahimik at balot ang paligid ng takot at kaba. Ganoon ba iyon? Napakalaking isyu ang nangyari kay Carmina noon.
"Sino po ba si Henry?"
Tanong ko kay nanay. Umubo lamang siya at hinahaplos ang kaniyang buhok.
"Si Henry? Hindi ko alam pero ang alam ko natagpuan daw ang lalaking iyon. Patay na at hindi alam kung paano siya namatay. May mga ilan na nagsasabing nagpakamatay pero hindi natin alam."
Mabilis na sumagot sa aking tanong si nanay. Agad kong naalala ang isa pang papel na nailagay ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at ipinakita sa kaniya.
"Ito po ba sila? Saan po pala ang lokasyon na ito? Alam niyo po ba?"
Napakaraming tanong ang nagpagulo kay nanay kaya't nagsimula siyang mainis sa akin.
"Kung hindi ako nagkakamali, malapit lamang ito dito. Isang sakay lamang ay mararatinf na ang street na ito. Hindi ko alam kung sila ba ito dahil hindi ko naman sila kilala."
Nakangiti niyang pagsagot. Alam kong hindi niya naisagot ang aking mga katanungan ngunit napakalaki na ng kaniyang tulong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo mula sa sofa.
"Maraming salamat po sa inyong mga ibinahaging kaalaman. Interesado po akong malaman kung ano ang nasa totoong nangyari sa magkasintahan."
Niyakap ko si nanay nang mahigpit habang iniisip kung paano ako makakapunta sa lugar na nasa litrato. Totoo nga ba ang kuwento ni nanay? O may mga mahahalagang rebelasyon sa likod nito? Nasaan na nga ba si Carmina? At ano ang nangyari kay Henry?
At kailangan ko ring maibalik sa tama ang kalagayan ng aking pamilya. Hindi ko alam kung bakit may narinig ako may papatayin ang lalaking kasama ni Carmelle. Nasaan din ba si ate Belle? Napakaraming tanong pero sana mahanap ko na ang mga sagot.
Pagkatapos kong magpaalam kay nanay ay mabilis akong lumabas sa inabandonang municipal hall. Bagama't hindi ko kabisado ang lugar na napuntahan ko, ang ruta ng mga dyip ay pareho lamang papunta sa Mallarona. Doon, hinanap ko si Maxine upang samahan ako pumunta sa Villamaba Street.
Sa aking pagdating sa Mallarona ay hinanap ko nang lubusan si Maxine na natagpuan kong nakaupo sa parke, mag-isa habang kumakain ng napakaraming mga streetfood.
"Bakit tayo pupunta roon? Hindi mo ba gustong ituloy yung ipapagawa sa iyo ni Tita Rosing?"
Aniya habang punong-puno ng pagkain ang kaniyang bibig. Hindi ako sumagot sa kaniya at nakatulala lamang ako sa araw na handa nang lumubog.
"Fine, bakit hindi muna tayo pumunta sa bar near here? Hindi pa ako nakakapunta sa bar pero gusto kong tumikim ng isang gin!"
Paanyaya ni Maxine. Hindi ko alam bakit naging playful bigla itong si Maxine. Pero sige. Sumang-ayon ako sa kaniya at mabilis kaming tumungo sa isang bar na puno ng mga nagsisiyahang barkada.
Umupo kami sa isa sa mga upuan. Ako'y malalim na nag-iisip samantalang nasa tabi ko si Maxine na patuloy sa party.
Halos makatulog na ako sa gitna ng ingay at liwanag ng mga ilaw sa loob ng bar nang biglang may nag-alok sa akin ng isang baso ng inumin. Tumingala ako at nakita ko si Benedict.
"Want some drink, Mary?"
Bakit niya nalaman na ako si Mary? Kinapa ko ang aking mukha dahil baka biglang gumaling ang aking sugat sa mukha ngunit hindi. Bakit niya alam?
"Mary? I'm not Mary, whoever that girl is."
Nilayuan ko ng tingin si Benedict ngunit tumawa lamang siya sa akin.
"Haha! You cannot fool Benedict. What happened to you face anyways?"
Hindi na ako makagawa ng excuse para makaalis dito. Alam na niya talaga.
"Huwag mong isigaw na si Mary ako. Hindi naman kasi mangyayari ito kung hindi ako sinisisi nina Angelia na pumatay raw ako! How will I do that?!"
Sa aking pagtanggap ng inumin, umupo siya sa tabi ko habang si Maxine ay nasa dancefloor na panay sa pagsayaw.
"Bakit ka nila sinisisi? Probably it's because may galit sila sa iyo. Halata naman."
Tugon ni Benedict. Ngumiti lamang ako sa kaniyang sinabi. Mabuti na lamang at mabait itong si Benedict, kaso bakit parang ako yung masama? Ginagamit ko yung kabutihan niya para mahulog siya sa aking patibong.
"By the way, mayroon akong pupuntahan na lugar. I think connected itong case na ito sa misteryo ng bayan natin. Do you want to come?"
Bigla kong inilahad sa kaniya ang aking balak mamayang hatinggabi. Ngumisi lamang siya sa akin. Hindi ko alam bakit ako nag-blush ngayong sandali.
"Oh yes, sure, baby!"
Wala pang isang minuto ay agad siyang sumagot sa aking tanong. Napangiti naman ako pero naging seryoso naman ilang saglit dahil alam kong delikado at nakakatakot ang aming gagawin. Pero kailangang gawin nang matapos na ang nangyayari dito sa Mastoniaz.
Curiosity may have killed the cat but lack of curiosity may have killed thousands.
"Sama rin kami!"
Biglang sumulpot sa aming harapan si Gerald at Juliana na laging kasama ni Benedict kahit saan. Lahat kami'y nagkasiyahan sa natitirang oras.