Mary's Point of View
Ibinuksan ko ang aking mga mata habang napagtanto ko na nakaupo ako sa mahabang mesa sa loob ng malamig na kuwartong puno ng mga babasahin. Nasa harap ko ang kaklase kong si Kristine na kasalukuyang nakatutok sa kaniyang laptop.
Inalala ko muli ang nangyari kahapon kung saan nakilala ko nang harapan si Benedict at sinamahan niya ako sa paghuhula. Sana hindi na lang ako sumama para wala na akong aalahanin pa. Ngayon, kailangan ko na tuloy kumilos kundi baka mawala na lang ako sa mundong ito.
"Kristine, maghahanap muna ako ng magandang babasahin, ha?"
Bigla kong pagsasalita kay Kristine na itinango na lamang niya sa akin.
Tumayo ako at nagsimula sa paghahanap, nagbabakasakali na makita ang librong pinamagatang 'The Diary of The Flower'.
Paano ko nga pala makikita kung napakalawak ng library ng school na ito? Inilibot ko ang isang section ng library kung saan bigo akong makita ang libro. Bawat librong aking matitigan ay ibinubukas ko upang makita ang laman subalit wala talaga akong makita.
"Hello! Ano ang kailangan mo, hija?"
Napatalon ang aking puso nang makita ko ang isang matandang babe na nakatayo sa tabi ko na nakangiti sa akin. Siya yata ang bagong librarian dito sa schooo.
At parang nakita ko na siya rito. Hindi ko lang matandaan kung saan pero namumukhaan ko siya.
"May babasahin po sana ako na nirekomenda ng aking kaibigan. The Diary of a Flower po yung pamagat"
Sagot ko sa kaniya. Napaisip ang babae at napangisi sa akin.
"Mukhang naririto iyon. Malabo ang mata mo, malapit ka nang matuklaw"
Wika niya habang napaupo siya at pinakialaman ang mga libro sa ibabang helera. Medyo tinamaan ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit.
"Aha! Ito na ang iyong hinahanap!"
Sambit niya na may hawak-hawak na libro na may makulay na balat. Hinipan niya ito para umalis ang mga alikabok na nakadikit.
Dahan-dahan kong tinanggap ang hawak na libro. Ito ba ang libro na ninanais ko? Bakit parang pambata ang akda?
"Salamat po!"
Masaya kong pagsasalita at yumuko sa kaniya. Natawa naman nang marahan ang babae.
"Walang anuman! Mag-ingat ka!"
Tugon niya sabay naglakad paalis sa harapan ko. Napangiti ako sa hangin dahil sa bait ng babae. Kung wala siya, hindi ko mahahanap itong libro na ito nang mabilis.
Ibinuklat ko ang aklat bago bumalik sa mesa ngunit tanging nababasa ko lamang ay mga uri ng pabula kung saan bida ang isang paruparo.
Nagtaka pa ako kung ito na ba iyon at bakit ganito ang nahanap ko. Kailangan kong ipakita ito sa manghuhula kahit hindi ko alam kung saan siya nakatira.
Bumalik ako sa meaa kung saan naroroon si Kristine na patuloy sa paggawa ng kaniyang report.
"Tungkol saan yang akdang iyan?"
Tanong niya sa akin habang napatangin sa libro.
"Wala, hindi ko pa nababasa pero tungkol siya sa isang paruparo"
Sagot ko nang nakangiti. Napanguso naman si Kristine sa akin at bumalik sa kaniyang ginagawa.
Bumalik na ako sa aking kinauupuan at doon ako nagsayang ng oras sa paghihintay na matapos si Kristine sa kaniyang gawain.
Ngunit hindi ko maiwasan na mapabuklat sa libro na hawak ko. Laking gulat ko na may nahulog na maliit na papel sa isa sa mga pahina ng libro.
Natulala ako saglit bago ko kunin ang papel. Isang liham na nakasulat sa lingguwaheng Kastila. Napansin ko ang mga tape na nakabalot, na palatandaan na napunit itong liham na ito.
Ito na ba ang sikreto na itinatago? Ngunit paano ko ito maiintindihan kung nasa lingguwaheng Kastila ang nakasulat?
"Ano iyan, Mary?"
Tanong ni Kristine sa aking na ikinagulat ko. Ipinasok ko bigla ang liham sa loob ng libro.
"Hindi ko alam, baka papel na naiwan ng ibang estudyante rito"
Sagot ko sa kaniya. Napatayo siya at kinuha ang libro na aking hawak.
"Kristine! Babasahin ko pa iyan"
Bulong ko sa kaniya. Napatawa siya sa kaniyang ginagawa. Hindi ko talaga gusto ang mga nangyayari ngayon.
Sa oras ng pagbuklat niya sa libro ay bigla na lamang namatay ang lahat ilaw ng library. Napatayo ako dahil sa takot na naramdaman ko. Anong nangyayari?
"Mary! Cursed yata yang libro na hawak mo!"
Sigaw ni Kristine sa akin. Nanatili akong tahimik nang bigla na lamang binitawan ni Kristine ang libro at nahulog sa sahig.
"Mary! Natatakot ako! Lumabas na tayo rito!"
Nanginginig na pagsasalita sa akin ni Kristine. Hinawakan niya ang aking braso at mabilis kaming tumakbo papunta sa pinto ng library.
Sa paghawak ni Kristine sa doorknob ay mas lalo kaming natakot dahil sa hindi ito bumubukas.
Napatingin ako sa library at napansin ang mga pahina ng libro ng "The Diary of a Flower". Hindi ko alam ang aking gagawin sa halip, napaupo ako sa sahig, nakatulala sa takot.
Bigla na lamang namin narinig ang isang magandang pag-ugong ng isang babae na nanggagaling sa itaas ng library. Anong mayroon doon? Ito na ba ang The Humming Lady na sinasabi nila? Mamamatay na ba kami rito?
Lumingon ako kay Kristine na tila umiiyak na sa takot habang sinisira ang pinto.
Ayokong magtagal dito na naghihirap. Gusto ko nang mahanap ang mga sagot sa bawat tanong!
Kumuha ako ng lakas at tapang ng aking sarili at saka ako tumayo at kinuha ang libro na nakalagay sa sahig.
"Mary! Saan ka pupunta?!"
Sigaw sa akin ni Mary na patuloy sa paghagulgol sa iyak.
"Aakyat ako sa second floor ng library para alamin kung anong mayroon. Salamat dahil nakilala kita. Sabihin mo sa kina Noelle na ang saya nilang kasama!"
Sigaw ko sa kaniya na unti-unting lumuluha at tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng library.
Rinig ko pa rin ang malakas na pagsigaw ni Kristine habang sinisira ang pinto.
Sa aking pag-akyat, nakita ko ang isang babaeng may suot na baro't saya na nakaupo sa isang sulok. Kumakanta siya nang nakasarado ang kaniyang labi.
Nilakasan ko ang aking loob na lapitan ang babae.
"Sino po sila? Ano po kailangan niyo?"
Nanginginig na tanong ko. Lumingon siya nang nakangisi sa akin. Napakagandang babae niya pero dahil sa sobrang kaputian niya, ako'y natatakot sa kaniya.
"Sa wakas, nakita rin kita. Sana ikaw na"
Bigkas niya na may malamig na boses. Tumayo ang aking mga balahibi sa oras na siya'y nagsalita na.
"Ano po ang ibig mong sabihin? Ikaw po ba ang may gawa nito? Kung gayon, parang awa niyo na po, huwag niyo na po kaming gambalain dahil wala naman po kami ginagawang masama"
Pagmamakaawa ko sa kaniya. Natawa bigla ang babae at napatayo mula sa kaniyang upuan.
"Huwag kang mag-alala, hija. Hindi ikaw ang may ginawang masama sa akin. Malalaman mo rin kung sino ang masama at kung sino ang dapat na mapagkakatiwalaan"
Tugon niya sa akin habang pinapaypay ang kaniyang sarili. Ang mga ilaw ay biglang nagpapatay-sindi na ikinatakot ko habang halos pinagpapawisan na rin ako.
"Maaaring bilang na lamang ang araw mo kaya huwag kang hihinto sa mga pinaggagawa mo. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mahanap ang sikreto ng bayan na ito. Hanapin mo ang babaeng si Reylina Sanchez habang hindi pa dumadating ang oras na sinapit ng iyong kaibigan"
Wika niya nang nakangiti at saka bumalik muli sa kaniyang ikinauupuan.
"Sino po bang kaibigan ko?"
Tanong ko habang nakatiklop ang aking kilay dahil sa hindi ko maintindihan.
"Huwag!"
Nagulat naman ako nang biglang sumigaw sa ibaba si Kristine nang malakas.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang tumatawa sa likod ko ang babae. Mabilis akong tumakbi pababa para lamang makita si Kristine na duguan ang kaniyang noo.
"Kristine!"
Nanginginig na pagsigaw ko habang dahan-dahan akong yumapak papalapit sa walang malay na katawan ni Kristine.
Bakit ganito ang sinapit ni Kristine? Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Sinasampal ko ang aking sarili, nagbabakasakali na panaginip lamang ito.
Niyakap ko si Kristine nang mahigpit habang tumutulo ang aking mga luha sa sahig.
Bumalik na muli sa normal ang library at ang mga ilaw ay bumukas na ulit. Ngunit hindi na bumalik muli si Kristine.
"OMG! What happened?!"
Nagbukas ang pinto ng library at pumasok si Angelia na lumaki ang mata nang makita kami sa sahig.
"Wala na si Kristine! Anong gagawin natin?!"
Sigaw ko sa kaniya. Inilabas niya kaagad ang kaniyang cellphone para tumawag.
"Dad! Someone died in the school! You need to get an ambulance real quick!"
Wika niya sa cellphone, habang nakatayo lang ako sa kaniyang gilid na pinagmamasdan siya.
"Get some cops as well!"
Dagdag pa niya. Teka, ano ito? Pinaghihinalaan niya na ako ang may gawa?
"Angelia? Hindi ko alam kung paano nangyari ito. May babae sa taas na nagsabi na may mga sikreto ang bayan na ito kaya sabihan mo ang dad mo na gawin ang lahat para malaman ang mga ito!"
Sambit ko sa kaniya. Nakasimangot ang tingin niya sa akin habang ako ay nagsasalita.
"Nasaan ang babae? Nasa taas? Siya ba ang may gawa?"
Sa kaniyang pagsasalita ay mabilis siyang naglakad para umakyat sa ikalawang palapag ng library. Sinundan ko naman si Angelia.
Lumaki ang aking mga mata nang wala ang babae sa taas. Hindi kaya multo ang aking nakausap?
"Mary! There's no one here! Ano ba ang nangyari kay Kristine?"
Aniya habang nakahawak ang kaniyang kamay sa akin, nagmamakaawa na maglantad ako kahit na wala naman akong mailalantad.
"Angelia, hindi ko talaga alam! Ang alam ko lang ay may kakaibang nangyayari rito sa Mastoniaz at kailangan nating magtulungan para malutas ang problema"
Tugon ko sa kaniya. Ngunit hindi niya ito pinansin at bumaba na lang sa unang palapag.
"Mary! Noong sinugod si Ma'am Trixie sa ospital, narinig natin ang pangalan mo na lumabas sa kaniyang labi at doon, nagduda ako sa iyo"
Pagpapaliwanag niya at nagsimula na rin lumuha ang kaniyang mga mata.
"Maniwala ka sa akin! Hinding-hindi ko magagawa ito lalo na sa aking kaibigan! Parang awa mo na, Angelia! Wala akong ginawang masama!"
Lumuhod ako kay Angelia habang humahagulgol ako sa matinding pag-iyak.
"I'm sorry but you're going to explain to the police station!"
Sa kaniyang huling pagsalita ay narinig namin ang wangwang ng ambulansiya at sasakyan ng pulis sa labas. Napayuko ako sa sahig dahil sa matinding takot na aking nararamdaman.
Malakas ang pagtibok ng aking puso habang pinagmamasdan lang ako ni Angelia sa gilid.
Bumukas ang pinto ng library at aking nakita ang mga guro at estudyante kasama ang mga pulis at mga paramedics.
Nagulat ang aking mga kaklase kasama si Noelle habang pinagmamasdan ang mga paramedics sa pagkuha ng katawan ni Kristine.
"Sumama po kayo sa police station, kayong dalawa po"
Nagsalita ang isang lalaking pulis at bigla kaming hinila palabas sa library kasama si Angelia.
"Oh my gosh! I did not do anything! I arrived here after the incident!"
Sigaw niya habang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapasama sa mga pulis.
Samantala hinayaan ko na lamang sila hilahin ako palabas dahil alam kong wala akong dapat na alalahanin dahil wala akong ginawang masama.
"Please let me go!"
Umiiyak na sambit ni Angelia habang pinapanood lamang kami ng mga estudyante at guro.
Nakita ako ni Benedict na nag-aalalang nakatitig sa akin. Hindi ba sila magsisisi na nakilala nila ay isang napaghinalaang suspek sa pagpatay ng isang tao?
Niyuko ko na lamang ang sarili sa sahig habang ang mga estudyante ay nakatingin sa amin.
Umaasa ako na hindi bulok ang hustisya rito nang maipagpatuloy ko ang paghahanap ng mga sikreto ng bayan na ito.