webnovel

Kabanata 22

"Pero Lolo, inaway po talaga ni Papa Xander ang Daddy ko!" Rinig kong boses ng anak ko sa dining area.

"Xander? Anong sinasabi nitong bata?" Boses naman ni Papa.

"Totoo po Lolo, tinulak niya po noon ang Daddy ko. Bakit mo ginawa yun Papa Xander!" Naiyak ng sigaw ng anak ko kung kaya't nagmadali akong nagtungo sa dining area para aluin ito.

"Mommy!" Humahagulgol nitong yakap sa akin. "Bad ka Papa Xander! Siguro kaya ayaw umuwi dito ni Daddy dahil aawayin mo lang!" Sigaw pa ni Yulesis habang yakap ako. Humahagulgol na ito sa iyak.

"Yule, stop crying na." Awat ko dito.

Inabot naman nito ang bulsa ko at kinuha doon ang cellphone ko. Pinanood ko itong buksan ang gallery ng phone ko kung saan nandoon ang mga litrato ni Yuan.

"Lolo..Lola, siya po ang Daddy ko sabi ni Mommy...siya din po yung inaway ni Papa Xander, di ba Tito pogi?" Sabi pa nito habang humihikbi. Tinignan naman ako ni Mama, nagpapalit palit ang tingin niya sa amin nila Kuya.

"Bakit hindi ko Alam ito Ali? Xander? Xavier?" Istriktong tanong ni Mama.

"Ayaw naming mag-alala ka, Mama. Kaya nilihim na lang namin." Ani Kuya Xavier.

"At pinakita niyo pa ang kalokohan niyo sa bata?" Si Papa.

"Si Xander yun 'pa!" Dagdag pa nito.

"Alam ba ni Yuan ang tungkol kay Yulesis?" Nakatingin sa akin si Mama, umiling lang ako bilang sagot dahil inaalo ko pa din ang anak ko.

"Hindi ko hahayaang malaman ng Yuan na iyon! Hindi pwedeng lapitan ng kahit na sinong Hermosa ang kapatid ko at pamangkin ko. Hindi." Matigas na sambit ni Kuya Xander. Nais kong tutulan pero hindi ko alam kung paano sisimulan pero ng makita ko ang anak ko na hilam ang luha sa mukha dahil sa pag-iyak sa pang-aaway ng Papa Xander nito sa Daddy nito ay naisip ko na kailangan ko ng magsalita.

"Kuya..." Panimula ko, ngunit hindi pa man nadadagdagan ang sasabihin ko ay inunahan na ako ni Kuya Xander.

"Ano, Ali? Wag mo sabihing ganun ganun nalang iyon? Hahayaan mong malaman niya na may anak kayo? Hahaya-" Pinutol ni Papa ang sasabihin ni Kuya.

"Hindi muna dapat nating pag-usapan ang bagay na iyan sa harapan ng bata. Kumain muna tayo. May tamang oras para pag-usapan ang bagay na iyan."

Kumalma naman si Yulesis na kalong kalong ko. Prenteng hawak pa din nito ang cellphone ko at nakasubsob ang ulo sa leeg ko, hindi na umiiyak pero nahikbi pa din.

-

Pagkatapos ng umagahan ay dinala ko na ang anak ko sa kwarto ko at muli itong nakatulog. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para makapag-usap kami nila papa sa home office nito.

"Anong plano mo, anak?" Si Papa.

"Don't tell me, may balak ka talagang sabihin iyon sa Yuan na iyon?!" Galit na sigaw ni Kuya Xander. Tahimik naman si Mama at Kuya Xavier na magkatabing nakaupo sa three seater couch habang ako ay mag isa sa Single couch kagaya ni Papa na nasa harapan ko.

Nang hindi ako sumagot ay napasabunot sa sarili nitong buhok ang nakatayong si Kuya Xander.

"Ayoko lang matulad sa akin ang anak ko." Panimula ko. Ayokong mabuhay siya na sarado ang isip at tenga sa pakikinig. Ayokong dumating yung araw na magtanim siya ng galit sa puso niya at makagawa din ng mga bagay na maaaring pagsisihan niya sa dulo. Lalo na at alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya.

"Ayokong lumaki yung anak ko na magalit siya sa sarili niyang ama." Napayuko na ako dahil nanunubig na ang aking mga mata.

"At kalimutan ang ginawa sayo ng mga Hermosa? Ganun ba, Ali?!" Bulyaw ni Kuya Xander sa akin.

"Enough, Xander!" Sigaw ni Papa. Tahimik namang nakaupo si Mama sa tabi ni Kuya Xavier sa couch ng office nito. Nasa harapan ko ang Kambal kong kapatid, si Kuya Xander na halata ang galit sa mga mata at ang kalmadong si Papa.

"Anak, naiintindihan ko ang punto mo. Dahil naranasan ko kung paano kamuhian ng anak ko, kung paano ka nagalit sa akin noon. Alam kong ayaw mong maramdaman ng anak mo, ng apo ko ang mga maramdaman mo noon. Pero sana isipin mo ang maaaring mangyari. Maaaring gamitin ng mga Hermosa ang anak mo para mapasa kanila ang yaman na pinamana sa iyo ng kinilala mo noong ama."

"Hanggang ngayon pa din po ba yun pa din ang iniisip niyo? Hindi ko po kailangan ng yaman. Kung mapupunta man sa kanila o sa kung sino wala po akong paki alam. Pa, Ma, Kuya. Hindi iyon ang kailangan ko. Ang kailangan ko ay Ama ng anak ko. Sana din po isipin niyo din ang kapakanan ng anak ko."

"At ano? Hayaan ang mga Hermosa na magtagumpay sa pinlano nila pitong taon na ang nakalipas?!" Sigaw ni Mama.

"Ma! Hanggang ngayon pa din po ba?!" Umiiyak kong sagot.

"Hindi ako magiging kampante hanggat buhay si Minerva at Margarita!"

"Ma, pakiusap tama na! Tama na po utang na loob. Alam ko galit ka sa kanila sa kapabayaan nila kay Daddy! Pero pakiusap po tama na. Kasi Mama, ako po yung nahihirapan. Ako yung nahihirapan sa sitwasyon at para sa anak ko. Dahil eventually alam ko din na anak ko ang magdurusa kung hindi ko maitama ang pagkakamali at pagkukulang ko noon." Ang pagkakamali ko na takasan ang problema kaysa harapin ito at pagkukulang sa pakikinig ng paliwanag na imbes na makinig sa explanasyon ay mas pinili kong tumakbo at lumayo.

Hindi sila nakasagot. Nakatingin lamang sila sa akin na punong puno na ng luha ang mukha.

Hindi ba't bukod sa kagustuhan ng Lola Gertrude ko na umuwi kami ng pilipinas, ay nais ko na ding umuwi para ituwid ang pagkakamali ko, buksan ang isip, puso at tenga para sa mga paliwanag. Pagsisihan ang mga maling nagawa at itama ang lahat ng mali.

Bakit ang hirap para sa kanila nito? Hindi ba nila alam na ako ang mas nahihirapan dito?

"Pupuntahan ko lang po ang anak ko, excuse me." Pagpapaalam ko. Pinunasan ko na ang mga luha sa mata ko tsaka tumayo at naglakad na palabas ng pinto. Iniwan ko silang tulala, tutal naman ay wala ng gustong magsalita at nasabi ko na ang mga nais kong sabihin, mas mabuti pa ay tabihan ko na lang ang anak ko sa pagtulog.

Nang makarating ako sa kwarto ay tinabihan ko ito. Kinuha ko sa kamay nito ang cellphone ko na hawak nito kung saan pagbukas ko ay mukha ni Yuan na naka three-piece suit.

"Don't worry, anak. I'll make this things right." Sabi ko sa natutulog kong anak at pinatakan ng halik ang kanyang noo.

Humiga na ako sa tabi nito at niyakap. Unti-unti na din akong kinain ng antok kahit na kakagising ko lamang kanina. Marahil ay dahil sa pag-iyak....

Siguiente capítulo