webnovel

Chapter 18

"KARA I'm sorry talaga at naabala ko kayong dalawa." kalalabas lang nito ng sasakyan.

"It's okay Ate Carla, Come in."

Napatingin naman ako sa cute na cute na si Dylan. Nakatitig lang ito sa mommy niya. Parang pinakikiramdam ang nangyayari. Medyo nakakunot ang noo nito, mukhang kakagising lang.

Naku, sana maganda ang gising nito.

Bumalik ang tingin ko kay Ate Carla.

"Wala kasing tao ngayon sa bahay. Gustuhin man isama ni mommy si Dylan sa pupuntahan nila, hindi naman pwede kasi mapapagod si Dylan sa byahe." Inhiga ni Ate Carla si Dylan sa sofa at hinarangan ng mga unan.

Lumabas si Lorenzo na may dala-dalang tinapay galing sa kusina.

"Ate, I have prepared breakfast. Sumabay ka na muna samin." Alok niya.

Saglit itong tumingin kay Lorenzo bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ni Baby Dylan.

"Hindi na Lorenzo, kailangan ko na rin umalis pababalikin ko lang sa pagtulog itong pamangkin mo bago ko iwan. Malayo rin kasi ibabyahe ko. Ah, Lorenzo pakibaba naman ng iba kong dala na nasa backseat." Sabi nito. Binuhat ulit nito ang bata. Idinuduyan ni Ate Carla si Dylan sa braso niya.

Napatingin ako kay Dylan na unti-unti na rin kumukarap ang mata. Antok na antok pa siguro ito kaya hindi mawala-wala ang pagkunot ng noo nito kanina.

"Kara, I wrote you a list nandyan sa bulsa ng bag. Nilagay ko dyan kung pano itimpla ang gatas ni Dylan and other things na kailangan niya. Nandyan na rin ang mga feeding bottles." Sabi nito.

"Don't worry ate, will keep you updated."

"Thanks, Kara."

Dahan-dahan ibinaba ni Ate Carla si Dylan sa sofa nang makatulog na ito at tinabihan ng maraming unan. Kumuha rin kami ng isang upuan at pinatungan ng unan. Hinarang namin ito sa gilid ng sofa.

Yumuko si Ate Carla para halikan sa noo si Dylan.

"Kara at Lorenzo kayo ng bahala, I'll try my best na makabalik agad." Paalam nito.

"Sige Ate, ingat." Kinawayan namin ito.

Maya-maya pa ay umalis na si Ate Carla.

Lumapit ako sa sofa.

Hindi ko mapigilang haplusin ang pisngi ni Baby Dylan. Napakacute nito. Ang sarap kurutin ng cheeks.

Napansin kong lumapit din si Lorenzo. Tumingin ito kay baby dy.

"Ang cute ng pamangkin ko 'no? nagmana sa Tito." Pagmamalaki nito.

"Dinaig mo ang parents ah.. mas kamukha siya ni Kuya Mikee." Natatawang sabi ko.

Dahil tulog pa naman si Baby Dylan, pinabantay ko muna siya kay Lorenzo. Kinuha ko ang bag na binigay ni Ate Carla. Isang itong shoulder bag. Chineck ko ang laman nito. Mayroon itong three feeding bottles: one with water inside, One with milk and one is empty, Formula, Bottled mineral water, bottle brush, diaper and wipes, clothes and towel, Baby powder, cologne, Liquid soap and last are toys.

Ate Carla is really well-prepared. She had brought everything that her child would need. Kaya pala parang puputok na ang bag.

Napalingon ako ng kausapin ni Lorenzo si Baby Dylan mukhang gising na ito.

"Hello, baby dy. Do you miss your handsome tito?" Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ng bata. Ngunit hindi man lang nagreact sa kanya ang bata. Unti-unting kumunot ang noo nito at para bang nagbabadyang umiyak.

"Oh no, Kara I think I might need some help."

Baby Dylan start to look around as if looking for someone, probably his mom. When he didn't saw his mom, he start crying.

Nataranta ako nang maglikot na si Dylan at pilit itong gumapang. Binuhat ko ito para iugoy sa braso ko.

"Shh.. shh it's okay. Babalik din si Mommy. Don't Cry." Pero hindi pa rin ito tumahan.

"Okay, okay. Do you want milk? Lorenzo kindly get his milk please." Utos ko.

Hindi na magkandaugaga si Lorenzo. Nagmamadali nitong kinuha ang bag. Kitang-kita dito ang stress. Hindi ko naman maiwasang matawa.

Bumalik itong may dalang feeding bottle pero tubig ang laman.

"Lorenzo, tubig ito." binalik ko sa kanya 'yung feeding bottle.

"Oh, damn!"

Agad kong tinakpan ang tenga ng bata. Masamang tiningnan ko si Lorenzo.

"Your words Lorenzo!"

Nakuha na nito ang tamang feeding bottle at ibinigay sa akin.

"I know, I'm sorry. Here."

Agad kong ipinainom kay Dylan ang milk niya pero tinutulak lang nito ang bote.

"Ayaw niya." Ibinalik ko kay Lorenzo ang feeding bottle.

Halos kumawala na ito sa braso ko kaya mahigpit ko itong niyakap.

"Sshh.. it's okay.. its okay. Mommy will return tahan na." Pang-aalo ko dito.

"Kailangan ko na bang tawagan si Ate? teka nasan ba yung phone ko." Nagpalingon-lingon ito para hanapin ang phone niya.

Idinuduyan ko pa rin sa braso ko si Dylan. Bigla kong naalala na may mga toys na dinala si Ate Carla. Lumapit ako doon at kinuha ito.

"Here.. ang ganda ng toys oh!" sabi ko, pero hindi pa din ito tumigil sa pag-iyak.

Dahil hindi pa rin mahanap ni Lorenzo ang phone niya ay lumapit na ito ulit sa amin.

"Baby boy, tahan na." Kinausap ni Lorenzo si Dylan. Hindi pa rin tumatahan si Dylan kaya nagulat ako ng tumahimik ito bigla. Napalingon ako kay Dylan titig na titig kay Lorenzo at maya-maya ay bigla ito humalakhak. Tumingin ako kay Lorenzo, nagmemake face ito para mapatawa si Baby Dy. Hinawakan nito ang kanyang ibabang mata pagkatapos ay didila kay Baby Dy.

Nalipat ang tingin ko ng tumawa ulit si Baby Dylan. Natawa rin ako dito pero pinigil ko.

"Why are you laughing? si Baby Dy lang pinapatawa ko." Nakangusong tanong nito.

Lalo akong natawa.

Yumuko ito katapat ng bata.

"Eto lang pala makakapagpatawa sayo. Pinahirapan mo pa kami ni Tita Kara mo." Mahinang pinisil ni Lorenzo sa cheeks ni Baby Dylan.

Hindi na muling umiyak si Dylan.

"Pero wow, paano mo napatawa to?" Namamanghang tanong ko.

"It's a talent, Kara. it's a talent." Ngumisi ito.

"Edi wow, 'kaw na magaling."

Napahalakhak ito sa reaksyon ko.

Ang lalaking ito nakakagigil kung minsan.

Bigla ito lumapit sa'kin. As in sobrang lapit. Hindi ako nakagalaw sa sobrang pagkabigla.

"W-What are you doing?" Pigil hiningang tanong ko.

Ikiniling nito ang ulo at bumulong sa akin. "I'm hungry, magluto ka na."

Ramdam na ramdam ko ang hangin na lumalabas sa bibig nito sa bawat salitang binibigkas ni Lorenzo. Hindi ko namalayan na nakalayo na ito at buhat na si Baby Dylan.

Hindi ko man lang naramdaman na kinuha na pala nito ang bata. Para kasing biglang nawalan ng lakas ang braso ko at para bibigay na din ang tuhod ko kung hindi lang ako napahawak sa likod ng sandalan ng sofa.

Nilingon ko si Lorenzo na ngayon ay lumapit sa TV para buksan ito. Nang mabuksan ito ay inilipat niya ito sa cartoon channel.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito. Napalingon sa akin si Lorenzo. Hinawakan nito ang kamay ng bata at ikinaway sa akin.

Ang cute!

Tumalikod na ako at pumunta sa kusina bago pa mahalata nito na kinikilig ako.

Naisip kong magluto na lang ng sinigang na baboy para maraming sabaw. I already asked Ate Carla and she said na okay lang daw pakainin si Baby Dylan ng solid food pero mas maganda kung may sabaw ang ipakain sa kanya para malunok nito agad. Ipinagtimpla ko na din ng milk si Dylan dahil mukhang naubos na niya na rin ito.

Pagkatapos magluto ay tatawagin ko na sana sila Lorenzo. But when I look at Lorenzo, he's laughing so hard because Dylan is grabbing his hair. Gumuhit ang ngiti sa aking labi, they are having a good time with each other.

Ayoko man putulin ang moments nila pero kailangan na namin kumain.

"Lorenzo, let's eat na." Lumapit ang mga ito sa akin.

"Kakain na ang Baby Dylan namin." pagkanta pa nito. Napangiwi ako sa boses nito.

Gwapo si Lorenzo pero wag nyo na lamang ito papakantahin. Matatawa lang kayo.

Feel na feel pa naman nito kumanta, kahit pumipiyok naman. Natawa ako sa isip.

"Kumain ka na Lorenzo, ako na lang muna ang mag-aalaga kay Baby Dy." Hindi ko na hiyaan pang umangal ito, kinuha ko na agad ang bata.

"Kay Tita muna si Baby Dy, right?" Natutuwang kinausap ko ito in a childish tone.

Tinawanan lang ako ng bata. Kanina iyak ng iyak ngayon naman tuwang-tuwa. Sa sobrang tuwa nito ay tumatalon ito sa hawak ko.

Nagsimula ng kumain si Lorenzo. Kumuha ako ng maliit na plato at naglagay ng kaunting kanin at medyo dinamihan ko ang sabaw para hindi mahirapan sa paglunok si Baby Dylan. Hindi ko na siya pakakainin ng ulam baka bawal pa sa kanya ang karne. Hinipan ko muna ang spoon bago ko ilapit sa bibig ng bata.

"Say ahhh baby.... ahhh," matagal bago nito isubo ang spoon. Kung saan saan pa ito lumilingon.

Mahirap pa lang magpakain ng bata.

Nagulat na lang ako ng gayahin ako ni Lorenzo.

"Say ahh.." Tumingin ako kay Baby Dy kung kinain niya ito pero nagulat ako ng sa akin ito itinapat ni Lorenzo.

Inulit pa nito. "Say ahh.. Kara say ahh.." Inginuso pa nito ang kutsarang hawak.

Natatawang tiningnan ko ito.

"Mamaya na ako kakain after mo para ikaw na ulit ang hahawak kay Baby Dy." Pagtanggi ko dito, pero ang kulit ni Lorenzo. Inilapit niya ulit ito sa bibig ko.

"Eat na Kara, sabay-sabay na tayong kumain lahat. Look at Dylan kumakain din ito."

Dumapo ang tingin kay Dylan na pilit inaabot ang hawak kong spoon habang nginunguya ang isinubo ko dito.

"So eat." Wala akong nagawa ng ilapit pa ito lalo ni Lorenzo kaya napilitan akong kainin ito.

Sumandok ito sa plato at ang sarili naman nito ang sinubuan, pagkatapos ay sa akin na naman ito humarap. For the second time ay inilapit ulit nito ang kutsara sa bibig ko.

"I can eat naman after nyo, wag mo na ako subuan at baka masanay ako." Natatawang biro ko pa dito.

Ngumisi ito. "It's okay, I can always do this for you." Pagkatapos ay kinindatan ako nito.

Hindi na ako nakasagot pa dito. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagsalit-salitan kami ni Lorenzo sa pagbabantay kay Baby Dylan. Tumawag rin si Ate Carla para mangamusta. Sinabi ko naman dito na ayos naman kami sa pag-aalaga kay Dylan. Nabanggit ko rin ang tungkol sa pagpapatahan ni Lorenzo sa bata. Sandamakmak na kantiyaw ang inabot ni Lorenzo kay Ate Carla.

Umakyat ako sandali sa taas para kumuha ng unan para pang-alalay sa bata. Pagbalik ko ay inabutan kong parehong tulog na sila Lorenzo at Baby Dy. Nakahiga si Lorenzo sa sofa habang nakapatong naman sa dibdib nito ang bata at mahimbing na mahimbing ang tulog.

Napangiti na lang ako. Kung may makakakita sa amin na hindi namin kilala ay pagkakamalan kaming pamilya at anak namin si Dylan.

Iniharang ko ulit sa gilid nila ang upuan para hindi sila malaglag. Nilagay ko ang unan na kinuha ko sa kwarto sa gilid rin nila.

Lumapit ako para halikan sa noo ang bata. Pagkatapos ay napatingin ako kay Lorenzo.

I have a secret, I kissed Lorenzo on the forehead.

Sweet dreams.

Siguiente capítulo