webnovel

Meeting Place

Napatingin sa paligid si Alice. Ten minutes nang natatapos ang huling exam ni Alex, pero wala pa siya doon sa tagpuan nila ni Richard. Oo, siya ay nasa student lounge ng School of Medical Sciences ngayon, ang tagpuan nina Alex at Richard. Thirty minutes na siyang nandoon. Maging si Richard Quinto ay hindi pa rin niya nakikita.

She knows Richard Quinto. Hindi nga sila nagkakilala ng personal, but there's Facebook. There's Instagram. At nasa Tarlac City lang naman sila pareho. They have common friends in real life and social media. Kaya kahit na ayaw niya ay nakakakita pa rin siya ng posts na tampok hindi lang si Richard Quinto kundi maging ang mga magulang nito.

Whom she loathes. Kaya hindi siya papayag na magkaroon ng relasyon sina Alex at Richard. Kaya hindi siya makakapayag na magkita ang dalawa ngayon.

So far naman ay wala pa siyang nakikitang hindi niya magugustuhan. Hindi pa dumarating si Richard Quinto, at lalong hindi pa rin dumarating si –

Natigilan si Alice. Mula sa direksyon ng SAHu, papalapit na naglalakad si Alex. Palinga-linga ito sa paligid. Mukhang may hinahanap ito. At mukhang napaka-partikular ng hinahanap nito. Nakita niya kasing napatingin ito sa direksiyon niya, pero parang hindi siya nito nakita. Hindi siya nito napansin.

Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ni Alice. Kaba hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. So, in the end, Alex failed her. Buo pa naman ang loob niya na hindi ito darating. Na kaya ito nakipaghiwalay kay Richard Quinto ay dahil naisip na nito ang pagkakamaling nagawa nito nang makipagrelasyon ito sa lalaki. Kaya hindi na ito babalik pa sa pagkakamaling iyon.

Pero heto ngayon si Alex, at mukhang desidido itong makita si Richard. Mukhang desidido itong makipag-ayos sa Quinto Boy na iyon. And it pains her. It breaks her heart to know that Alex is willing to disobey her just for the sake of that guy.

At dahil sa galit niya, hindi na niya napigilan pa ang sarili. Kaagad siyang tumayo at siya na mismo ang sumalubong kay Alex.

"Hi Honey!" She flashed her daughter her widest smile.

Gulat na gulat si Alex na makita siya. "Mom!"

"Surprise!" She hugged her. "Kumusta? Kumusta ang exam?"

"Uh..." Halatang nataranta bigla si Alex. "W-What are you doing here?"

"Didn't you hear? I wanted to surprise you. Aren't you... surprised?"

Kunwari ay na-disappoint siya sa reaksiyon ni Alex.

"No! I-I'm... I'm surprised. But... Ano kasi Mom... I was about to... m-meet someone here."

Halatang kinakabahan si Alex. Parang hindi nito masabi-sabi ang gusto nitong sabihin.

"Someone? Sino naman?" patay-malisya niyang tanong.

"Ahm..." Kinakabahang napatingin si Alex sa ina. "F-Friends..."

"Friends? Sina Sam at Issay ba iyan?"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Alex. "Yes! Sina Issay, the girls."

"Oh, I see."

Lalong nagalit si Alice. Kinagat ni Alex ang alibi na sinuggest niya. Napaka-pathetic ng anak niyang handang gawin ang lahat makapagsinungaling lamang sa ina niya. Iyon ba ang epekto dito ng Richard Quinto na iyon?

"Then, let's both wait for them," aniya. "Isama ko na rin sila sa treat ko sa inyo ng ate mo. For sure they also studied very hard for this exam week. They deserve a reward, too."

"Ah..." Muling nataranta si Alex. "Mom, kasi..."

"Hmn?" Tumaas ang isang kilay niya. "What?"

"Ano kasi... M-Mom..."

Hindi na siya nakatiis. "You're not waiting for the girls."

Natigilan si Alex.

"You're not waiting for your sister either. You're waiting for someone else."

"Mom..." Mukhang tuluyan na itong na-rattle. Hindi pa rin pala nito magawang magsinungaling sa kanya ng harap-harapan.

"You're waiting for someone who's name is Richard Quinto."

Tuluyan nang hindi nakapagsalita si Alex. Her eyes gave her away. The moment that her mind absorbed what she said, her eyes welled up. Mukhang natakot itong malaman na alam na niya ang sekreto niya.

"What? You're surprised that I know?" Hindi na niya mapigilan pa ang paglitaw ng galit sa mukha at boses niya. "You're surprised that I found out about him? About Richard Quinto!"

Nagulat ito sa pagsigaw niya. "Mom..." Hindi na nito napigilan ang pagtulo ng luha niya.

Nanggagalaiting kinuha niya ang sulat mula sa handbag niya.

"This is how I found out everything. This is how I found out about your secret." Maging siya ay napapaluha na rin. Dahil sa galit. "Alex... how could you do this to me?"

Punong-puno ng galit at disappointment ang tanong niyang iyon. Napayuko na lamang ang umiiyak na si Alex.

"I don't want us to talk about this right now, right here. Uuwi tayo ngayon sa bahay at doon natin pag-uusapan ang bagay na ito."

"Mom..."

"What? You want to stay? To see him? To fix everything between the two of you? Damn it, Alex! Don't you still get it? I already know about you and that Richard Quinto! I already know about your secret relationship with him!"

Napalakas na ang boses niya. May ilang estudyanteng nagdaraan na napatingin sa kanila. Pero wala na siyang pakialam. She's mad. She's mad because of what she discovered. She's mad because it was proven it was true. And she's mad, because it seems Alex still wants to continue what she has to do.

Kahit alam nitong ayaw niya.

"You're going home with me right now. Pagkatapos ng exam ng ate mo we will talk about this."

Parang nabahala lalo si Alex pagkarinig sa sinabi niya. "Mom..."

"Let's go."

Lumakad na siya papunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse niya. Sumunod naman sa kanya ang umiiyak pa ring si Alex. Tahimik itong sumakay sa may passenger seat ng kanyang itim na Toyota Innova. Pagkatapos noon ay pinaandar na niya ang kotse pauwi sa Moon Village.

🖤🖤🖤

Finally! The final exams is officially over!

Katatapos lamang ng pinakahuling exam nina Bryan at Angel. Kagaya ng kanilang mga kaklase ay masaya silang lumabas ng Business School upang opisyal nang simulan ang semestral break para sa taong iyon.

"Tapos na rin ang first sem! It's time to celebrate!"

Nakangiting pinanood ni Angel ang kanyang mga kaklase. Lahat ay masaya dahil sa wakas, makakapagpahinga na rin sila. Talagang hindi biro ang dinaranas ng lahat tuwing exam week. Actually, review week pa lang ay pahirapan na talaga. Kaya naman napakasaya ng pakiramdam na tapos na rin ang lahat ng iyon ngayon.

"Everyone, to The Coffee Club!"

"Yey!"

Ang buong klase ay masayang tumungo sa nasabing coffee shop. Maging sina Angel at Bryan ay magkaakbay na sumunod sa mga ito. Nang biglang may maalala ang dalaga.

"Yayayain ko si Alex." Kinuha niya ang cellphone sa bag tsaka in-on iyon. During exams kasi ay kailangang naka-off ang mga cellphones at nakalagay sa bag sa may harapan ng classroom.

Pagkabukas ng cellphone ay sunod-sunod na pumasok ang mga notifications na dumating nang naka-off ito. Ilang missed call din ang lumitaw at lahat ay galing kay Alice. May mga text messages din mula dito.

Angel frowned as she opened her mother's messages. Tungkol saan naman kaya ang mga mensaheng iyon?

𝘎𝘰 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘪𝘮𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢𝘵𝘦𝘭𝘺 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘹𝘢𝘮𝘴. 𝘐 𝘵𝘰𝘰𝘬 𝘈𝘭𝘦𝘹 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘦. 𝘞𝘦'𝘳𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘯𝘰𝘸.

Natigilan si Angel. Sinundo ng mommy nila si Alex? Pero, bakit kaya? May nangyari bang masama sa kapatid niya?

Bigla siyang may naalala. May usapan nga pala sina Alex at Richard na magkikita ngayon. Hindi kaya... Bigla siyang kinabahan sa naisip.

"Something wrong?"

Napatingin siya kay Bryan. Malamang na napansin nito ang bigla niyang pagkabahala.

"Si Mommy, sinundo daw niya si Alex."

"May nangyari ba kay Alex?" Nag-aalala na rin ito.

Umiling siya. "I don't know. Pero, supposedly ay magkikita sina Alex at Richard ngayon. Bry, masama ang kutob ko. I need to go home now."

"Sasamahan na kita," ani Bryan. "Ako na magda-drive."

Tumango siya. Sa nararamdaman niya ngayong pag-aalala ay hindi siya makakapag-drive ng maayos.

"Guys, mauna na kami," paalam ni Bryan sa mga kaklase nila.

"Huh? Bryan naman... Next time na lang kayo mag-date ni Angel."

"May emergency lang," ang sabi na lamang ni Bryan.

Kumokontra man ay wala na ring nagawa ang mga kaklase nila. Pumunta na ang dalawa sa may parking lot. Ang kotse ni Bryan ang sinakyan nila pauwi ng Moonville. Iniwan na lamang nila ang kotse ni Angel sa may parking lot ng CPRU.

💜💜💜

~ 𝚃𝚑𝚎𝚜𝚎 𝚟𝚒𝚘𝚕𝚎𝚗𝚝 𝚍𝚎𝚕𝚒𝚐𝚑𝚝𝚜 𝚑𝚊𝚟𝚎 𝚟𝚒𝚘𝚕𝚎𝚗𝚝 𝚎𝚗𝚍𝚜. ~

Siguiente capítulo