Sa kanyang opisina dinala ni Raul si Benjie. Magkaharap silang nakaupo sa dalawang upuan sa harapan ng kanyang executive desk. Si Benjie ay pasandal na nakaupo at parang nakalupaypay na nakatingin sa sahig. Si Raul naman ay nakasandal din, pero nakahalukipkip na nakatingin sa kaibigan.
"I never thought that this is what will happen when we meet again," umpisa si Raul. "Akala ko, ako ang sisigawan at susumbatan mo. But I guess, I really am just lucky."
Wala pa ring reaksiyon si Benjie. Parang nasa malayo ang isipan nito.
"Come on, Benjie! Napakaimposible namang hindi ka nagawang mahalin ni Alice sa loob ng dalawampung taon! Don't be so ridiculous!"
"Alam mo bang pinalo niya si Angel noon dahil nakipagkaibigan siya sa isang Quinto?"
Nagulat si Raul sa sinabi nito. Pero dahil likas na palabiro ay nag-isip ito ng sasabihin para muling subukang mapagaan man lang ang nararamdaman ng kaibigan. "Paano ko malalaman? Eh hindi nga tayo bati, 'di ba? Hindi tayo nagkakausap. Ngayon lang. Tapos iyan pang problema mo sa asawa mo ang idudulog mo sa akin. Parang nakikini-kinita ko na, Benjamin. Kung nagpatuloy siguro ang pagkakaibigan natin, malamang na gabi-gabi mo akong niyayaya sa inuman dahil diyan sa insecurities mo kay Ricky. Ano ka ba naman, Benjie? Para ka namang teenager kung magselos."
"I know. I'm... I'm so stupid." Bumuntong-hininga si Benjie.
"Alam mo, noong makilala ko ang mga anak mo, natuwa ako. Ramdam ko kasi na masaya sila sa iyo, sa inyo ni Alice. Naramdaman ko kung paano naging maganda ang pagpapalaki ninyo sa kanila, at ramdam ko ang pagmamahal ninyo sa mga kilos at mga ngiti nina Alex at Angel. At ang pagmamahal na iyon, hindi naman mangyayari kung kayo mismo ni Alice ay hindi nagmamahalan. Sabi mo nga, 'di ba? Ikaw ang first love ni Alice."
"And I'm so stupid na pagdudahan siya."
"You just snapped. It happens. Ako rin minsan hindi ko napipigilan ang sarili ko. Lalo na dito sa ospital. Alam mo bang napaka-stressful na magpalakad ng isang ospital?"
Napatingin si Benjie kay Raul. "Eh bakit mo kasi tinanggap? Ang usapan magtatayo tayo ng accounting firm."
"Pare naman! Obvious naman na sa akin din babagsak ang ospital na ito. Iyong kapatid ko, pagpapaanak at pagpapadami ng populasyon ang gustong pagtuunan ng pansin. Si Samantha naman, sobrang bata pa at that time. Tapos hayun, naengganyo ding pag-aralan ang Medisina." Napasimangot ito. "Si Papa naman kasi, hindi naman niya nabanggit na ganito pala kahirap."
Napangiti si Benjie. "That's life. Sometimes it leaves us with no choice."
"Yeah..."
Napatingin si Raul kay Benjie. Kahit pala matagal na silang hindi nagkikita, katulad pa rin ito ng dati. Madaling paamuin at libangin. Napangiti siya.
"Ang tanda na talaga natin Pare, ano? Dati, ang problema lang natin ay kung paano papasa sa exams natin sa Accounting. Tapos ngayon, love life na ng mga anak natin ang pinoproblema natin."
"Sinong matanda? Hindi ako, ah!"
"Anong hindi? Pare, malapit na nga tayong maging magbalae."
"Ano? Hoy, bata pa ang anak ko, ha! Magbo-board exam pa iyon. Tsaka, hindi pa ako pumapayag na tawagin mo akong 'pare' ulit. Hindi pa tayo bati."
"Ah, kung ganoon, lumabas ka na ng opisina ko. Pasalamat ka pinapasok pa kita dito!"
"Ah, talagang aalis ako dito!"
"Sige! Hindi kita pipigilan!"
"Sige!"
Pero hindi naman tumayo si Benjie. Sa halip ay napangiti pa ito kay Raul. Nginitian din siya ng huli.
"Hindi ka pa rin nagbabago," ani Raul. "Gago ka pa rin."
"At ikaw, mayabang pa rin."
"Confident lang."
"Over confident."
"O sige. Over confident na."
Mas lumapad ang pagkakangiti ng dalawa.
"Alam mo, ayoko mang aminin pero... na-miss ko iyong ganito," ani Benjie.
"Sabi ko na nga ba, Pare, eh! Iba talaga ang nararamdaman ko sa iyo noon pa. Kaya siguro nagalit ka noong pinili kong manatili sa Manila para makasama si Helen. Nagseselos ka!"
"Ikaw yata ang gago diyan, eh! Ginawa mo pa akong bakla."
"Nagsasabi lang ako ng obserbasyon ko."
"Alam ko na kung kanino nagmana si Bryan."
"Kanino pa magmamana ng kagwapuhan ang anak ko? Eh di sa akin, siyempre!"
"Pasalamat ka kamo at maganda ang asawa mo. Kung hindi, hindi ko papayagang maging boyfriend ng anak ko ang anak mo, lalo na kung sa'yo nagmana ng itsura iyon."
"At pasalamat ka maganda ang asawa mo, at naging maganda din ang mga anak mo. Kung hindi, hindi ko rin siya tatanggaping girlfriend ng anak ko."
Nagkatawanan ang dalawa.
Napailing si Benjie. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago."
"Oo naman. Wala namang nagbago. Kaya, baka naman pwede nating ibalik iyong dati ulit?"
Tinignan ni Benjie si Raul. "Pag-iisipan ko muna."
"Good! I like that answer."
Muling natahimik ang dalawa.
"Tingin mo, patatawarin pa ko ni Alice?"
"Oo naman!" walang alinlangang sagot ni Raul. "Tinatanong pa ba iyan?"
"Pinagdudahan ko ang pag-ibig niya. Ang sama ng nagawa ko."
"Patatawarin ka niya kasi mahal ka niya. Parang ikaw. Kahit nasasaktan ka na parang hindi pa siya nakakalimot doon sa nangyari sa kanila ni Ricky, hindi mo pa rin magawang magalit sa kanya. Kasi mahal mo siya. Ganoon lang iyon."
"Sabagay, may punto ka."
"Lagi naman akong may punto. Lagi naman akong tama."
"Buti na lang hindi nagmana ng kayabangan sa'yo ang anak mo."
"Parang gustong-gusto mo ang anak ko, ha?"
"Kung nagkataong hindi tayo nagkagalit, malamang na high school pa lang iyong dalawa ay naging sila na."
"Sinabi mo pa! Iyong asawa ko nga gustong-gusto si Angel. Malamang na iyong mga asawa natin ang gumawa ng paraan para magkatuluyan ang dalawa."
"Malamang..."
Umabante ng upo si Raul para makalapit ng kaunti kay Benjie. "Ano, okay ka na?"
"May choice ba ako? Kung hindi ako magiging okay, paano na ang mga anak ko? Iyong isa, wala pang malay doon sa ER ninyo."
"Huwag kang mag-alala doon. Magaling na doktor si Misis. Kayang-kaya niya iyon."
"Hindi mo naman iyon magugustuhan kung hindi magaling."
"Tama ka doon."
Seryosong tinignan ni Benjie ang kaibigan. "Thanks, Raul. And, I really missed this. This kind of talk. I really needed this."
Tinapik ni Raul sa braso ang kaibigan. "Don't worry. From now on, you'll have plenty of this talk again."
Ngumiti si Benjie. At that moment, alam niyang nagkaayos na silang magkaibigan. Wala mang humingi ng tawad sa kanila, ramdam naman nila na kung ano man ang namagitan sa kanila twenty years ago ay tuluyan nang nawala nang mga sandaling iyon.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang dalawa sa opisina ni Raul. Bumalik na sila sa may Emergency Room kung saan kasalukuyang ginagamot si Alex.
.
🍾🎱🎸
.
𝚛𝚎𝚝𝚛𝚘𝚞𝚟𝚊𝚒𝚕𝚕𝚎 (𝚗). 𝚝𝚑𝚎 𝚓𝚘𝚢 𝚘𝚏 𝚖𝚎𝚎𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚏𝚒𝚗𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚘𝚖𝚎𝚘𝚗𝚎 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗 𝚊𝚏𝚝𝚎𝚛 𝚊 𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚙𝚊𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗; 𝚛𝚎𝚍𝚒𝚜𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛𝚢
Alam kong maraming nainis sa inyo kay Richard, maraming nagalit kay Alice; marami rin ang naawa kay Alex at napaiyak sa mga nangyari.
Promise. Things will be better from now own.
Please continue supporting MVS1: Secret Lovers. Power vote, comment, write a review and add it to your collections (kung hindi pa ninyo nagagawa).
And please, huwag na ma-HB kay Richard. Haha! Patawarin n’yo na siya, please. ;)
PS: Have you read The Letter: Ryan’s POV? Pls. take your time to read it. Thanks!