webnovel

Swing Into Her Heart

Pagkatapos ng hapunan ay niyaya ni Bryan ang magkapatid sa may patio. Katabi iyon ng magarang sala ng mansiyon. Parang mini-sala din ang patio nila, na katabi ng asymmetrical swimming pool at ng malawak na garden.

"Meron akong ipapakita sa inyo sa may garden," ani Bryan sa dalawa.

Na-excite naman bigla si Angel. Mahilig din kasi siya sa mga bulaklak, at mukhang magaganda din ang pananim sa garden nina Bryan.

"Kayong dalawa na lang," tanggi naman ni Alex.

"Huh?" Napatingin si Angel sa kapatid. "Hindi ka sasama?"

"Huwag na. Alam ko namang gusto ninyong magsolong dalawa." Saka ito ngumiti sa kanya.

Nag-aalalang tinignan ni Angel ang kapatid. Malungkot ang mga mata nito kahit pa nakangiti ang mga labi nito. Alam niyang dahil iyon sa hindi pagsama ni Richard sa kanila ngayong gabi.

"Sigurado ka?" tanong naman ni Bryan kay Alex. "Baka mainip ka dito."

"Hindi naman siguro," ani Alex. "Meron naman akong pistachio dito." Ang tinutukoy nito ay ang pistachio nuts na inihain sa kanila para papakin habang nagkukwentuhan sa may patio. "Isa pa, ang ganda kaya ng view dito. Ang ganda ng reflection ng mga ilaw sa swimming pool ninyo. Napaka-romantic."

"Are you sure?" tanong ni Angel sa kapatid. Nagiging makata na naman ito. Halatang humuhugot lines na naman.

"Oo Ate. Sige na. Samantalahin n'yo na ni Bryan ang pagkakataon. Dali!"

Wala na nga siguro silang magagawa pa ni Bryan kundi ang pabayaan na lang sa pagmo-moment mag-isa itong kapatid niya.

"O sige."

"Saglit lang kami," ang sabi naman ni Bryan.

Tumango lamang si Alex saka ngumiti. Pagkatapos ay muli na itong tumingin sa may swimming pool at nagpatuloy na rin sa pagkain ng pistachio.

Samantala, silang dalawa naman ni Bryan ay nagpunta na sa may garden. Punong-puno nga ng mga bulaklak at iba pang ornamental plants ang garden ng mansiyon. Mostly ay mga roses at orchids ang pananim doon. Meron din iyong mga native na bulaklak katulad ng gumamela at mabangong camia. Marami ding mga birds of paradise at mga areal plants na nakadikit pa sa mga malalaking puno.

"Si Lola Elena ang mahilig talagang mag-garden. Nung namatay siya, medyo napabayaan ito ng konti. Mabuti na lang mahilig din sa mga halaman si Mommy. Nagawa niyang i-revive ulit ito nang lumipat sila dito ni Daddy. Kaya gumanda ulit ito ng ganito."

Medyo hindi pumapasok sa isip ni Angel ang mga sinasabi ni Bryan. Si Alex pa rin kasi ang iniisip niya. Napansin naman ni Bryan na parang occupied nga siya at distant ng konti.

"May problema ba?"

"Ha?" Napatingin siya dito. Parang noon lang niya ulit napansin na kasama pala niya ito.

"Para kasing napakalalim ng iniisip mo."

Napabuntong-hininga si Angel. "Si Alex kasi, eh. Halatang malungkot kasi wala si Richard."

"Hayaan mo na siya. For sure mamaya pagbalik na pagbalik ni Richard mula doon sa event na pinuntahan nila ay tatawagan niya kaagad si Alex."

"Nag-expect kasi siya, eh," aniya. "Talagang nagpaganda pa siya para dito. Ang akala niya kasi andito din ngayon si Richard. Mas maganda pa nga yung suot niya kaysa sakin. Kung tutuusin, ako ang makikipag-meet sa parents ng boyfriend ko."

"Maganda ka rin naman ngayon, ah."

Napatingin siya dito.

"I mean, as always. But, tonight you're... you look like an angel..."

She smiled. Mabuti na lang andito si Bryan. Kahit yata gaano kasama ang pakiramdam niya ay kaya nitong pagaanin.

Bryan smiled back. "Come here. I'll show you something."

Pumunta sila sa may bandang dulo ng garden. Akala niya ay puro mga halaman na lang ang nandoon. Medyo madilim na rin kasi dahil wala nang ilaw doon at ang liwanag lang na nagmumula sa may patio at pool area ang nagsisilbi nilang ilaw. Pero sa dulo pala sa may tabi ng pader ay may swing. Gawa ito sa bakal at napipinturahan ng kulay puti. May mga sanga ng halaman sa gilid ng swing na nag-eextend pataas at pumormang isang arko. Angel squinted and saw that the arc was made of rose bushes, dahil na rin sa mga pink roses that were randomly scattered on the bush.

"Wow..." Talagang namangha siya sa nakita. Napaka-magical ng dating ng swing. Para siyang nasa isang pelikula, lalo na't napaka-romantic ng setting.

Tapos kasama pa niya ang taong mahal niya.

"I'm glad you liked it." Bryan held her hand and took her to the swing. Naupo silang dalawa doon. "Mas maganda ito kapag maliwanag pa. Lalo na kapag sunset. Magandang panoorin ang sunset dito."

"It's so romantic..." Hindi na niya napigilan pa ang sarili.

Bryan smiled again. "Tapos kasama pa kita..." He looked up at the stars.

Angel looked at him. She wants to say the feeling is mutual. But then, she thought, what did he mean by what he said? She could find a million meanings for that, but she wants to hear it from him. She realized this might be the right time to ask him all that she wants to know from him.

"Bryan, bakit mo ba ako niligawan?"

Bryan looked at her. "Hmn?"

"Niligawan mo ba ako kasi pagod ka nang magpanggap kaya tinotohanan mo na lang? Ayaw mo nang magsinungaling kaya pinanindigan mo na lang na tayong dalawa talaga?"

Muling tumingala si Bryan. "Pagod na akong magpanggap."

Kinabahan siya sa sagot nito. 𝘈𝘭𝘭 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸... 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯? "So you mean..."

"Pagod na akong magpanggap na kasinungalingan lang ang lahat. Na wala akong feelings para sa'yo."

Then, he looked at her. Intently. She stiffened.

"Because, truth is, I really like you. Like, from the moment that I first saw you."

Lalo na siyang hindi makagalaw. Para ngang hindi na nagpa-process ang utak niya. Si Bryan na lang yata ang nakikita niya. Yung mga sinasabi na lamang nito ang naririnig niya. Iyon na lang ang naa-absorb ng utak niya. Tumatagos pa hanggang sa puso niya.

"I... really like you, Angel. From that first day of class of our freshman year, nung una kitang nakitang pumasok sa classroom natin. I was already gotten."

Tandang-tanda pa rin ni Angel ang araw na iyon. Just like any other first day, she reluctantly entered the room of her first subject of her first year as a college student in CPRU. Yes, she is the fierce and tough Angelica Martinez, but what other people don't know is that she has the lowest self confidence when it comes to dealing with other people. And she has to deal with the new people on her life, her newest classmates na makakasama niya ng ilang mga buwan, kung hindi man mga taon.

"But, you were so distant; you were so... so mysterious. Parang may sarili kang mundo," pagpapatuloy ni Bryan. "And, believe me, I really had a hard time getting your attention. Hindi mo ako pinapansin, kaya naisip ko wala na nga siguro akong pag-asa sa'yo. And then, this thing happened and I got the chance to be your boyfriend. Instantly. Right now I feel like I'm the luckiest guy in the world because of that."

"But you always tease me." At last she found her wit to comment. "You always play prank on me."

"Kasi nga nagpapapansin ako sa'yo." Parang biglang nahiya si Bryan. "Ginawa ko na kasi lahat. Lahat ng mga da moves ko, lahat ng tinuro ni Daddy. Kahit na paano ako magpakita ng kabaitan, ng pagiging gentleman, parang balewala pa rin sa'yo. Kaya, hayun... Kung hindi mo makuha sa santong dalasan..."

"Papaspasin mo na lang, ganoon?"

Natawa si Bryan sa sinabi niya. "Yeah, sort of."

Natawa na rin siya sa sarili. "That didn't sound quite good."

"Right..."

Natawa silang dalawa. Natigil lang siya nang hawakan ni Bryan ang kamay niya. They both looked at each other again.

"Niligawan kita because I really like you, Angel. I wanted to join The Echo because I wanted to get close to you. Nung hingin mo ang tulong ko para kumpirmahin ang relasyon nina Alex at Richard, pumayag ako kasi gusto kitang tulungan. Tulad din nung sa Mr. BS. Sinasamahan kitang mag-lunch every day because I don't want to see you alone. Ako ang nalulungkot para sa'yo, every time na nakikita kitang mag-isa. I think that's one of the reasons why I fell for you. I wanted to take you away from that loneliness that encloses you from the world. I wanted to see you smile even just for once. Noon hindi ko pa alam ang buong kwento, but now that I do, mas determinado akong gawin ang mga bagay na iyon."

Oh, my God... Ganoon pala ang pakiramdam ng pinagtatapatan ng pag-ibig. Overwhelming na parang maluluha ka sa sobrang saya. Lalo na kasi napaka-sincere ni Bryan sa mga sinasabi nito. Lalo na, kasi, gusto rin niya ang taong nagtatapat ng pag-ibig sa kanya.

"Gusto kong maging tayo talaga, Angel. Gusto kong maging totoong boyfriend mo ako. And I want you to be my girl, for real."

Parang nagsusumamo ang mga mata ni Bryan. Actually, ang buong pagkatao yata nito. Walang nagawa si Angel kundi ang titigan na lamang ito. Ano ba ang sasabihin niya? Aaminin ba niya dito na mahal na rin niya ito? Isn't it too soon? Kailangan muna yata niyang patagalin pa ng konti ang panliligaw nito. Pero, gaano katagal? Ilang buwan ba? O taon?

Napaiwas siya ng tingin. Anu-ano bang naiisip niya at gumugulo lang ang isip niya? Nadi-distract tuloy siya at nasisira tuloy ang magandang moment nila ni Bryan.

"I'm not forcing you to answer me right now," ani Bryan. "I will respect kung hanggang kailan mo ako gustong papaghintayin. And I promise you that while waiting, I will show you how real my feelings are for you. Ipapakita ko na deserving ako na magkaroon ng spot diyan sa puso mo."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Mr. Bryan de Vera..."

"Hmn?" Bryan frowned. "May nasabi ba akong mali?"

Tuluyan na siyang natawa. "Are you still applying for The Echo? Hindi ko alam na poetic ka palang talaga."

Napangiti na rin si Bryan. "Sabi nga ni Richard, nagiging makata ka daw kapag in love. Pero kung may lugar pa ako sa The Echo, pwede naman akong sumali pa doon. Pero siyempre, mas gusto kong makuha yung vacant slot diyan sa puso mo." Tsaka ito kumindat.

She giggled. "Makata ka diyan! Puro pick up lines lang naman alam mo, eh."

"Baka lang makalusot," pabirong wika ni Bryan.

"Well, kukunin sana kita sa The Echo. Kaya lang alam ko namang busy ka na rin sa basketball. Baka mamaya niyan, mawalan ka na ng oras para sa akin. Hindi ko na maibigay yung slot na hinihingi mo sa puso ko."

"Ay, huwag na nga. Sayang yung slot."

They both laughed. Napatingin si Angel sa kamay niyang hawak ni Bryan. She likes the feeling it gives her. She likes the feeling that Bryan gives her. Pero, hindi pa ito ang tamang panahon. Konting pakipot pa. Saka na niya ibibigay ang pinakaaasam nitong slot sa puso niya.

"I think we better go back inside," aniya dito.

"Sure." Tumayo na si Bryan.

Magkahawak-kamay silang nagbalik sa may patio kung saan naghihintay ang kapatid niyang si Alex.

♥️♥️♥️

“I wanted to take you away from that loneliness that encloses you from the world.”

Oh my! Where can I get a Bryan de Vera for myself?

Enjoying Secret Lovers? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

joanfriascreators' thoughts
Siguiente capítulo