webnovel

Make It Real

Sa School of Physical Sciences nagtungo ang dalawa. Dinala ni Bryan si Angel sa may student lounge ng nasabing college.

"Okay lang ba na nandito tayo?" nag-aalalang tanong ni Angel.

"Oo naman. Estudyante naman tayo sa university na ito. Pwede naman tayong magpunta dito kahit taga-BS tayo," sagot ni Bryan sa tanong nito.

"Kaya lang, masyadong obvious na hindi tayo taga-rito."

Napatingin si Angel sa paligid. Iba kasi ang mga suot ng mga estudyanteng nandoon, at pinagtitinginan na sila ng mga nagdaraan.

"Don't worry. I'm here with you."

Napatingin sa kanya si Angel. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya. Pero bakit niya babawiin? Di ba nga iyon naman talaga ang gusto niyang sabihin dito? That he's always there for her. She could always count on him.

Pero ganoon nga yata kapag gusto mo ang kaharap mo. Hindi mo malaman ang gagawin, at parang nilulukuban ka ng limang layer ng hiya sa katawan.

"Thank you for saving me."

"Wala iyon." Napakamot siya ng batok. Para siyang isang batang paslit na nahihiya dahil pinuri siya ng teacher niya. "Ako rin naman ang may kasalanan. Hindi ko naman kasi alam na mami-misinterpret niya iyong pakikitungo ko sa kanya."

"Maybe she really likes you, kaya ganoon."

He looked at her. Seryoso ito sa pagkakasabi noon. Hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito. "I don't know..."

"She told me I don't have friends." Parang maiiyak na naman ito.

"Hey..." He held her shoulders. "Alam naman natin kung ano ang dahilan kung bakit ayaw mong makipagkaibigan sa iba, 'di ba?"

"Oo pero, ang sakit pa rin pala kapag napamukha sa iyo."

"But at least, you have me now."

She looked at him again, and he felt relieved when he saw that somehow, her eyes sparked. Nagawa na rin nitong ngumiti kahit konti.

"Salamat..."

Hayun na naman iyong smile ni Angel. Kahit maliit lang iyon at medyo malungkot, hindi pa rin niya maiwasang ma-mesmerize doon. Hindi pa rin niya maiwasang matulala dito.

"Sorry rin kung hindi kita pinapansin kahapon pa, kung hindi ko sinasagot ang mga messages mo. Kahapon pa kasi ako nagwo-worry tungkol sa confrontation na ito."

"Huh?" Nahulaan nito ang mangyayari ngayon?

"Nalaman kasi ni Joshua iyong pagdalaw mo sa amin noong Saturday. Nabanggit nina Daddy na boyfriend na nga kita. Kaya hayun... Alam naman natin na die hard kay Gina si Joshua Ignacio, 'di ba?"

Iyong naman pala. Ang Joshua Ignacio palang iyon ang may kasalanan kung bakit napahiya si Angel at malungkot ito ngayon at napapaiyak. Hindi niya mapigilan ang pagha-high blood sa narinig.

"Nasaan ba iyang Joshua Ignacio na iyan at nang maturuan ng leksiyon?" Talagang galit siya sa lalaki. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘶𝘮𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘨𝘦𝘭 𝘬𝘰!

"Hayaan mo na. Tama lang naman ang ginawa niya," ani Angel. "Tayo naman talaga ang mali. Tayo ang nagsisinungaling. Tayo ang nagpapanggap." Muli na naman itong nalungkot.

At muli'y naiinis na naman si Bryan, but this time, sa sarili niya. Ewan, pero parang nagi-guilty siya sa nakikitang kalungkutan sa mga mata ni Angel. Kaya naman hindi na niya napigilan pa ang sarili.

"Bakit hindi na lang natin totohanin ang lahat?"

Napatingin sa kanya si Angel. Natulala ito sa tanong niya at halatang na-off guard at hindi malaman ang isasagot doon.

Pero hindi na talaga siya makatiis pa. Gusto na niyang sabihin dito ang totoong nararamdaman niya para dito. "Bakit hindi na lang tayo maging tunay na mag-girlfriend-boyfriend?"

Napaiwas ng tingin si Angel. "Parang... hindi ba parang... ano..."

"At least hindi na natin kailangang magpanggap."

Parang lalo siyang kinabahan. Na-tense siya sa maaaring isagot nito. Papayag kaya ito sa idea niya, sa proposal niya?

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢... He really wants her to be his girl... Pero teka, parang alam na niya ang dahilan ng pagdadalawang isip nito.

"Kung gusto mo, simulan natin mula sa umpisa. Liligawan muna kita."

Muling napatingin sa kanya si Angel. Nagkaroon ulit siya ng ibayong lakas ng loob. This is it! Kailangan ng matinding follow-up.

Pero muling napaiwas ng tingin si Angel. "Ewan..."

𝘌𝘸𝘢𝘯? Parang gusto niyang kumanta ng mga sandaling iyon. 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘬𝘢 '𝘸𝘢𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘸𝘢𝘯.

At parang talagang nananadya pa itong si Angel. Iniba pa nito ang usapan. "Paano ka nga pala napadpad doon sa may office? Akala ko nagpunta ka na ng cafeteria?"

Medyo nadismaya siya sa pag-iwas nito. Ganunpaman ay sinagot pa rin niya ito. "Nasa may restroom ako nang tawagan ako nung isa kong ka-team sa varsity. Sabi niya nag-aaway nga daw kayo ni Gina dahil sa akin. Daig pa niya ang courtside reporter kung makapagkwento. Lahat ng detalye talagang sinabi niya sa akin."

Hindi na siya makatiis. Hindi pwedeng walang kasiguraduhan ang plano niyang panliligaw dito. Kahapon pa niya ito gustong kausapin tungkol doon, pero hindi nga siya nito sinasagot sa mga private messages niya sa Facebook at direct messages niya sa Twitter.

"Seryoso ako, Angel. Liligawan na talaga kita."

Muli silang nagtitigang dalawa. He didn't want to lose his gaze to show her that he really meant what he said. Sa huli ay si Angel ang sumuko.

"Kung iyan ang gusto mo..."

Was it a yes? Yes, maybe it was! Lalo na at parang nahiya ang nangingiting si Angel na medyo tumalikod pa sa kanya. Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa sa narinig. Pero siyempre, medyo exaggerated naman ang ganoong reaksiyon. Pumayag lang itong magpaligaw. Hindi pa naman siya sinasagot nito.

"Parang nagugutom na ako," biglang wika ni Angel. "Mag-lunch na kaya tayo?" Tsaka na ito tumayo at walang lingon-likod na umalis.

"Hey, wait!"

Nagkukumahog na sinundan niya ang dalaga. Kaagad naman niya itong nahabol at hindi ito tumanggi nang hawakan niya ang kamay nito.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Kinagabihan ay ikinuwento ni Bryan kay Richard ang nangyari. Kailangan na kasi niyang isiwalat sa iba ang kaligayahang nararamdaman at parang sasabog na ang kanyang dibdib. Kaya kahit na nahihiya siya sa pinsan at bestfriend na rin niya ay nagkuwento pa rin siya ng mga nangyari kanina.

"Ano?" Parang isang malaking problema ang narinig ni Richard. "Iyon lang ang sinabi mo sa kanya?"

"Oo." Bahagya siyang nagtaka sa reaksiyon nito. Hindi ba ito natutuwa at naka-first move na siya kay Angel?

"Sinabi mo sa kanya na totohanin na ang relasyon ninyo kaya liligawan mo na siya, ganun?"

"Bakit, ano bang mali doon?" 𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢? Para sa kanya ay wala namang masama sa mga sinabi niya.

"Bry, bakit hindi mo sinabi sa kanya na gusto mo talaga siya? Na iyon ang talagang dahilan kaya mo siya gustong ligawan? Hindi iyong gusto mo lang magkatotoo iyong relasyon ninyo."

𝘖𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢. Bakit ba hindi niya naisip ang bagay na iyon? Siguro dahil sa sobrang kaba niya kanina. Pakiramdam nga niya ay parang nakikipagkarera ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Eh pero, pumayag na naman siya na ligawan ko siya."

"Oo, pero mas maganda iyong alam niya kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kanya. Alam mo iyang mga babae, Bry, gusto nila iyong diretsahang sinasabi sa kanila ang mga bagay-bagay."

"Ako pa talaga ang tinuruan mo?" Mas marami na kaya siyang naging girlfriend kaysa dito.

"Ipinapaalala ko lang sa'yo. Para kasing nakakalimutan mo na ang lahat kapag si Angel na ang pinag-uusapan."

May punto naman ito. "Pasensiya na, ha? In love, eh."

Napabuntong-hininga si Richard. "Hay! Ano pa nga ba? Naiintindihan kita. Ganyan din naman ako minsan. Di bale... Ang mabuti pa, alamin natin ang reaksiyon ni Angel sa nangyari."

"Ha?" Bigla siyang nag-alala sa sinabi nito.

"Kailangan malaman natin kung masaya din ba siya, o may kakaiba sa kanya. At least, alam natin na maganda ang dating sa kanya ng panliligaw mo. Kasi baka deadma lang iyon. Baka pumayag lang siya kasi nahihiya siya sa'yo."

"Eh paano naman natin malalaman?"

Kinuha nito ang cellphone nito. "Eh di dun naman sa mahal ko."

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Nang mga sandaling iyon naman ay nagkukwentuhan din ang magkapatid na Angel at Alex. Hindi rin maitago ni Angel ang ligayang nadarama kaya hindi niya naiwasang hindi magkwento sa kapatid. At iyon na nga, mas kinikilig pa si Alex kaysa sa kanya dahil sa ginawa ni Bryan.

"Ate! Oh my God! Magkakaroon ka na talaga ng boyfriend!"

"Huwag ka ngang OA!" nangingiti niyang saway sa kapatid.

"Kasi naman, Ate, sino bang hindi kikiligin doon sa ginawa ni Bryan? Tapos, tototohanin n'yo na daw? Eeeeee!" At kinilig na naman ito.

Natatawang pinanood ni Angel ang pagkilig ng kapatid. Masaya siya at naayos na ang problema nila with Gina. Tapos, may bonus pa. Liligawan siya ng lalaking gusto rin niya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Alex. "Si Richard."

Bigla siyang nag-alala. "Quiet ka lang, ha?"

"Ate, as if naman hindi pa sinabi sa kanya ni Bryan ang lahat? Malamang kaya ito tumawag ay para i-confirm ang sinabi ni Bryan, o kaya ay para kumuha pa ng ibang detalye. O baka naman..."

"Baka naman ano?"

"Baka nagsa-spy."

"Spy?" Napakunot ang noo niya.

"Baka gusto niyang malaman kung ano ang reaksiyon mo sa nangyari. Baka pinapatanong ni Bryan."

Napaisip si Angel. Hindi nga imposible ang ganoon. Sinenyasan siya ni Alex na tumahimik. Saka nito sinagot ang tawag at inilagay si Richard sa loudspeaker.

"Hello?" ani Alex.

"Hi Mahal!" bungad ni Richard kay Alex.

Gustong matawa ni Angel sa narinig. Sinenyasan lamang ito ng natatawa ring si Alex na tumahimik ito.

"Mahal! Napatawag ka?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makausap."

"Ows?"

Natatawa na siya dahil sa sobrang cheesy ng dalawa.

"Bakit parang hindi ka naniniwala?"

"O sige na nga. Na-miss din naman kita." Nilambingan pa ni Alex ang pagsasalita nito.

"Kumusta naman ang ate mo?"

Napatingin si Alex kay Angel. "Si Ate? Bakit mo naman naitanong?"

"Meron kasi akong nabalitaan tungkol sa kanya."

"Ah, iyong kay Gina?"

"Oo," sagot ni Richard.

Marunong naman ding sumagot si Alex. "Hayun... Okay na naman siya. Dahil na-solve na ang problema, balik sa dati na naman si Ate. Hayun nga sa kwarto niya nag-aaral na naman. Ganoon talaga si Ate, masyadong nerd."

Pinanlakihan ng mata ni Angel ang kapatid. Si Alex naman ang napabungisngis.

"Ganoon ba? Talaga bang... okay na siya?"

"Oo. Sabi ko nga balik na siya sa normal. As in. Parang walang nangyari."

"Wala siyang ibang reaksiyon? Hindi ba siya masaya?"

"Masaya? Eh napahiya nga siya, di ba? Relieved, oo. Pero hindi ko masasabing nagbubunyi siya."

Napakagat-labi si Angel para pigilang matawa.

"Ganoon ba?" Parang nadismaya si Richard.

"Oo," ang sabi naman ni Alex. "Huwag mo nang alalahanin si Ate. Basta nakakabasa ng libro iyon maayos na siya."

"O sige, glad to hear that. At least okay na siya... Sige mahal."

"Teka, nagpapaalam ka na ba?"

"Ah, kasi ano... may usapan kami ni Bryan. May gagawin kasi kami ngayon."

"At ano naman iyong gagawin ninyo?" Kunwari ay galit si Alex. "Mas importante ba iyon kaysa ang makausap ako? Akala ko ba gusto mo akong makausap?"

"Ano... Importante din ito. Sasabihin ko sa'yo kapag pwede nang sabihin."

"Bahala ka. Sige na! Pumunta ka na doon kina Bryan!"

"Galit ka ba?" Parang lulugo-lugo na ang boses nito.

Natatawa na rin si Alex sa pinaggagagawa niya. "Naiinis lang. Sige na, baka tuluyan pa akong magalit kung kukulitin mo ako."

"Promise, kapag pwede na akong magkwento, sasabihin ko sa'yo ang lahat."

"O sige na. Bye." Tsaka na nito tinapos ang tawag.

At noon na ibinuhos ng magkapatid ang kinikimkim na tawa.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Samantala, mabalik tayo kina Richard at Bryan.

"Mga babae talaga!" ani Richard habang nakatingin sa cellphone nito. Tsaka niya muling hinarap si Bryan. "O, narinig mo? Back to normal lang daw si Angel."

Narinig nga ni Bryan ang lahat. Naka-loudspeaker din ang cellphone ni Richard kaninang kausap nito si Alex.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo. Hindi sapat iyong ginawa mo kanina. Dapat sinabi mo na talaga ang lahat ng nararamdman po para sa kanya. Kahit na sabihin mong liligawan mo siya, eh ano ngayon? Eh nakalimutan mo yatang Queen of Deadma iyon. Noon nga hindi ka noon pinapansin, di ba?"

Tama nga si Richard. Mukhang nagkulang nga siya sa ipinakita niya kay Angel kanina. Dapat ay itinodo na niya ang pagpaparamdam dito na gusto niya ito. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Nagsisimula pa lang naman siya sa mga plano niya.

"Di bale. Bukas na bukas din, sisimulan ko na ang panliligaw ko sa kanya. Wala akong sasayanging oras. I'll make her feel what I really feel for her."

"Iyon! Tiwala akong magagawa mo iyan, Pinsan. At kung kailangan mo ng back up, nandito lang ako."

"Thanks, Cuz."

Alam ni Bryan na hindi magiging madali ang panliligaw niya kay Angel. Pero handa niyang gawin ang lahat para maipadama dito ang tunay niyang nararamdaman.

𝚂𝚑𝚎 𝚠𝚑𝚒𝚜𝚙𝚎𝚛𝚜, "𝙸'𝚖 𝚊𝚏𝚛𝚊𝚒𝚍 𝚘𝚏 𝚏𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐."

𝙷𝚎 𝚜𝚖𝚒𝚕𝚎𝚜. "𝙸'𝚕𝚕 𝑐𝑎𝑡𝑐ℎ 𝚢𝚘𝚞."

- ⁱᵍˡᵒᵛᵉᵠᵒᵘᵗᵉˢ.ᵗᵘᵐᵇˡʳ.ᶜᵒᵐ -

Siguiente capítulo