Joshua looks innocent and curious habang naghihintay sa sagot ni Benjie sa tanong niya dito - kung si Bryan de Vera nga ba ang nakita niyang dumalaw sa kanila kagabi.
"Oo, siya nga," ani Benjie.
"I didn't know na ka-close n'yo pala ang mga de Vera," ani Joshua. "Parang iba po kasi iyong kwento nina Mommy tungkol sa inyo. Sorry po sa kakulitan. Curious lang po ako."
"It's okay," ang sabi naman ni Benjie. "Alam mo, totoo naman iyong sinabi mo eh. Not in good terms talaga kami dati ng mga de Vera. Pero it's time to change that because ngayon na boyfriend na ng anak ko si Bryan, kailangan na talaga naming magkasundo."
"Boyfriend nino si Bryan? " Napatingin si Joshua kay Angel.
Bigla namang nag-times five yata sa bilis ang heartbeat ni Angel nang mapatingin sa kanya si Joshua. Malamang na alam nitong siya ang tinutukoy ng daddy nila, lalo na't baka nakita na siya nitong kasamang mag-lunch ni Bryan.
"Si Angel," sagot ni Benjie. "Naku Hijo, mahabang istorya. Kami rin nagulat, eh."
"Nakakagulat nga po iyon."
Isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Joshua. Iyong parang may sikreto siyang alam nito at anytime ay pwedeng-pwede siya nitong i-blackmail gamit ang sekretong iyon.
"O siya, Joshua. Maiwan ka na muna namin at maliligo na kami," ani Alice. "Baka ma-late pa kami sa misa."
"Sige po, Tita," ani Joshua. "Ako rin po uuwi na."
Pumasok na sa bahay nila ang mag-asawang Benjie at Alicia. Bago umalis ay nagpaalam din muna si Joshua sa magkapatid. Isang nakakalokong ngiti ang iniwan nito bago ito tuluyang lumakad palayo.
At dahil hindi mapakali si Angel, hinabol niya ito at sinubukang kausapin. Tumigil naman sa paglalakad si Joshua.
"Joshua, iyong kanina-"
"Alam ko na," ani Joshua. "Kayo na ni Bryan de Vera. Boyfriend mo siya at girlfriend ka niya."
"Joshua..."
"I just don't understand it, you know, Angel? Kasi, ang alam ko, at ang alam ng lahat, si Gina Aguilar ang girlfriend ni Bryan. But then, I keep on seeing you two eating lunch together at the cafeteria, and now, mula na mismo sa daddy mo, mag-boyfriend-girlfriend na pala kayo?"
"Joshua, it's very hard to explain..."
"And last night, I saw you with him, there, in front of your house. And he kissed your hand! Look, Angel, you don't just kiss some girl's hands. For you to do that, you really have to like that girl. Well, at least, that's how it is to me."
"Joshua, please. I hope this is just between us." Parang maiiyak na siya sa kaba.
"How can it be just between us? Mabuti nga hindi pa alam ng buong madla ito. Kung si Gina ang kinalaban mo, hindi niya ganoon kadaling mapapalampas ito... Wait! Don't tell me..." He looked at her intently. "Don't tell me, Gina doesn't know about this? That you and Bryan are having a secret affair?"
At iyon na nga ang ikinatatakot niya. "Joshua, it's very hard to explain. It's very complicated..."
"...Angel?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Joshua. "Don't tell me this is all your doing?"
"Joshua..." Paano ba niya paliliwanagan ito?
"Angel, of all people, I didn't expect you to do this kind of thing."
"What kind of thing?" Nakalapit na pala sa kanila si Alex.
"You also know about this?" tanong ni Joshua kay Alex. "About Bryan?"
"Oo," ani Alex. Nagtatakang napatingin siya kay Angel.
"Ha! Wow! I didn't expect this at all! From the two of you?"
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Alex.
"Anong nangyayari? Niloloko ninyo si Gina!"
"What?" Napakunot-noo si Alex.
"Especially you, Angel. I never thought you could do such thing. Grabe, ang taas pa naman ng tingin ko sa'yo. Oo, alam ko na si Bryan de Vera is such a nice guy. Pero iyong mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend? Wow, that's very bad!"
"Joshua, please," muli'y pakiusap ni Angel. "It's very hard to explain."
"Then don't explain it," ani Joshua. "It doesn't matter. What matters is niloloko ninyo si Gina."
"Hindi nga ganoon kadaling ipaliwanag, di ba?" ani Alex. Naiinis na siya kay Joshua.
"Whatever your reasons are, nanloloko pa rin kayo ng inosenteng tao," ani Joshua.
"Si Gina, inosente?" puno ng panlilibak na tanong ni Alex. "Wow! Kung inosente siya, ano pa kami? Santa?"
"Alam kong ang ate mo ang papanigan mo, Alex. Wala akong magagawa doon."
"Ayaw mo kasing intindihin," ani Alex.
"There's nothing else to understand. Gina has to know this." Tsaka na ito nagmamadaling tinalikuran silang dalawa.
"Hey, wait!" Akmang hahabulin ni Alex si Joshua, pero pinigilan siya ni Angel. "Ate..."
"Wala na tayong magagawa," ani Angel. "Sarado na ang isip niya. Hindi na tayo makakapasok pa doon."
"Eh kung sabihin niya kay Gina ang lahat?"
Iyon na nga ang pinoproblema ngayon ni Angel. "Wala naman tayong magagawa..."
"Ate-"
"Let's just go home."
Tinalikuran na niya ang nagmamaktol na kapatid. Nag-aalala siya sa nangyari, pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Alam niyang may gusto ang kapitbahay nila kay Gina, kaya kahit anong paliwanag ang gawin niya tungkol sa totoong ugali ni Gina, hindi ito maniniwala.
Isa pa, hindi rin ito maliliwanagan talaga dahil hindi naman nila pwedeng sabihin ang lahat dito. Bahala na kung ano ang kahihinatnat ng pangyayaring ito. Ang tanging magagawa na lamang niya ngayon ay ipagdasal na sana hindi maging ganoon kasama ang maging epekto ng kasinungalingang ginawa nila. Ipagdarasal na lamang niya ito mamaya sa misang pupuntahan nila.
꧁꧂꧁꧂꧁꧂꧁꧂꧁꧂
Sinundan ni Alex ang ate niya pabalik sa kwarto nito.
"Ate, bakit hinayaan mo si Joshua? Baka mamaya magsumbong siya kay Gina."
"Wala naman na tayong magagawa," ani Angel. "Hindi naman natin pwedeng sabihin ang totoo sa kanya."
"Pero baka meron tayong pwedeng idahilan."
"Ano?" tanong naman ni Angel. "Paano natin ipapaliwanag na kaming dalawa pala ni Bryan, gayung ang alam ng lahat, si Gina ang girlfriend niya?"
Saglit na nag-isip si Alex. "Sabihin natin si Gina ang nagsisinungaling."
"Imposibleng maniwala iyon. Eh alam naman natin na patay na patay iyon kay Gina."
Napabuntong-hininga si Alex. "Eh anong gagawin natin ngayon?"
"Wala tayong gagawin," ani Angel.
"Eh paano kung awayin ka ni Gina?"
Si Angel naman ang napaisip. "Bahala na... Ipangako mo sa akin na hindi mo ito sasabihin kay Richard."
"Ate-"
"Basta, Alex! Saka na natin sabihin sa kanila kapag nahanapan na natin ito ng solusyon. Masyado na tayong umaasa sa kanila. Hindi na tama ang ganito."
Nag-aalalang napatingin si Alex sa kapatid. Kita rin niya ang pagkabahala sa mukha nito, pero hindi na lamang siya kumontra pa sa gusto nito. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay suportahan ito sa kung anumang gagawing desisyon nito. Kaya kung ano ang gusto nito, iyon ang gagawin niya.
Dᴀɴɢᴇʀ sɪɢɴᴀʟ, ᴅᴀɴɢᴇʀ ᴀʜᴇᴀᴅ. - Cᴀʟᴇ Jᴊ (Sᴜᴘᴇʀ Bʟᴜᴇ (J J Cᴀʟᴇ))