webnovel

Rumor Has It

Nagulat pa si Bryan nang paglabas niya ng men's restroom ay mabungaran niya si Angel. Nagulat siya dahil parang siya talaga ang inaabangan nito.

"We need to talk."

Hindi na nakapalag si Bryan nang biglang hawakan ni Angel ang kamay niya at hilahin siya sa kung saan man siya dadalhin nito. Napatingin na lamang siya sa kanyang kamay. Hindi lang nito basta hawak iyon. Mahigpit ang pagkakahawak nito doon. Wala siyang kawala at wala siyang magawa kundi ang magpatianod na lamang sa paghila nito sa kanya.

Sa student lounge ng Business School siya nito dinala. Nakatigil na sila sa isang sulok pero hindi pa rin binibitawan ni Angel ang kamay niya. Tumingin ito sa paligid na parang sinisiyasat ang buong lugar.

"You know, I always forget washing my hands after I pee."

Kaagad na napatingin si Angel sa kanya. Tapos ay sa mga kamay nila ito napatingin. Dali-daling binitawan siya nito. Wari'y pasimple pa nga nitong ipinunas ang kamay sa palda nito. And he enjoyed seeing her reaction. He likes seeing her like this, like she was unprepared, kagaya noong minsang nakabungguan niya ito. He likes seeing her become undone.

𝘑𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘩𝘰𝘸 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘮𝘦 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴.

He brushed off the thought, and once more mocked her, para mabalik ang dating Angel at mawala iyong kakaibang idea na pumasok sa isipan niya. "Joke lang."

Muling tumalim ang mga tingin ni Angel sa kanya. "Kung hindi lang kita kailangang kausapin."

"Oo nga. Bakit ba tayo nandito?" tanong ni Bryan. Saka lang siya nagtaka sa biglaang pagdala nito sa kanya sa lugar na iyon.

"I have something to ask you, and please make sure that you answer me truthfully."

"Okay." Mukhang seryoso ang tanong na iyon.

"Do you know anything about Alex and Richard?"

"Ha?" Literal na nagulat si Bryan sa tanong na iyon.

"May nakapagsabi sa akin na may relasyon silang dalawa. Di ba close ka kay Richard? He's your cousin."

Desperate mode na ang ekspresyon ng mukha ni Angel. Mukhang naniniwala ito sa narinig niya sa kung sinong source nito.

"Sino ba ang nagsabi sa iyo niyan?"

Napaiwas ng tingin si Angel. "Si Gina Aguilar."

"Si Gina?" Bahagyang nagulat si Bryan sa sinabi nito. "'Di ba not in good terms kayong dalawa noon?" Paanong nakapag-usap ang mga ito?

"Oo, pero... I can feel like she's telling the truth."

"Ikaw na rin ang nag-confirm na not in good terms nga kayo. Paano ka nakakasiguro na seryoso iyong sinabi niya sa iyo?" Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Paanong naniwala si Angel sa taong ni ayaw nitong makita?

Oo nga at malapit siya kay Gina, pero hindi ibig sabihin noon na dito na siya kakampi pagdating sa alitan nito at ni Angel. Hindi niya alam ang puno't dulo nito kaya hindi niya magawang mag-take ng sides sa alitang iyon.

"Hindi eh," ani Angel. "Ilang araw na ring iba ang ikinikilos ni Alex. Lagi siyang may ka-text o ka-chat sa phone nito. Kahit nga ako hindi na niya makausap ng maayos dahil sa kung sino mang kausap niya."

Kaya naman pala. May basis naman pala ang hinala nito. Pero sapat na nga bang dahilan iyon para maniwala siya sa sinabi ng isang taong ang gusto lang naman gawin ay mainis siya?

"Wala bang nababanggit sa iyo si Richard?" tanong ni Angel.

"Wala eh. Hindi ko na rin siya nakakasabay sa pag-uwi kasi may sarili na siyang kotse. Binili namin kina Gina noong isang araw. Kaya nakilala siya nito. Pero, paano si Alex? Kilala ba ni Gina si Alex?"

"High school pa lang ay dito na rin nag-aaral si Gina. Kaya kilala niya si Alex."

"Pero kung totoo man ang sinasabi ni Gina, saan naman niya nakita sina Alex at Richard?"

"Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi sa akin kung paano niya nakuha ang impormasyong iyon."

Naawa si Bryan sa nakikitang uneasiness ni Angel. Parang alalang-alala at balisang-balisa ito dahil sa impormasyong nalaman nito. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili at gumana na naman ang superhero instinct niya.

"Sige, kakausapin ko si Gina," aniya.

Parang biglang gumaan ng konti ang pakiramdam ni Angel. Medyo umaliwalas ang mukha nito.

"Salamat."

Bryan nodded. "Kakausapin ko siya mamayang gabi at bukas na bukas, pagpasok natin sa first subject natin, sasabihin ko na sa iyo ang nalaman ko."

"Maraming salamat, Bryan."

"Wala iyon. Huwag ka na munang mag-alala at baka hindi naman totoo."

Tumango na lamang si Angel. Malungkot pa rin at nag-aalala ang mga mata nito. Gusto tuloy haplusin ni Bryan ang mukha nito at baka sakaling mawala ang lungkot sa mga mata nito.

𝘞𝘩𝘢𝘵?

Bigla niyang nahamig ang sarili. Ano na naman ba ang biglang pumasok sa isip niya? Kapag talaga si Angel ang kaharap niya, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya.

"Tara na. Mag-uumpisa na ang klase natin."

Mabuti na lamang at biglang nagsalita si Angel. Naputol tuloy ang mga kakaibang ideyang naiisip ni Bryan. Sinundan na lamang niya si Angel sa pagpasok sa kanilang susunod na klase.

♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎

Hindi malaman ni Angel kung ano ang mararamdaman. Excited siya na kinakabahan na ewan. Panay ang tingin niya sa may pintuan. Any moment ay papasok doon si Bryan dala ang balitang nakalap nito mula kay Gina. O baka hindi balita kundi chismis.

At ilang sandali nga ay dumating na si Bryan. Naupo ito sa tabi niya.

"Hi." Hindi ito ngumiti at hindi rin cheerful ang bati nito.

Na ginantihan ni Angel ng kaparehong pagbati. "Hi."

"Mukhang... totoo iyong sinabi sa iyo ni Gina."

Pakiramdam ni Angel ay guguho na ang mundo.

"Nakita daw niya sa The Coffee Club ang dalawa. Sobrang sweet daw ang mga ito habang pasakay ng kotse ni Richard."

Iyon na nga ba ang kinatatakutan ni Angel. "I told her to get away from Richard Quinto."

"Pero hindi pa naman tayo sigurado doon."

"Paanong hindi sigurado? Eh nakita nga pala talaga ni Gina iyong dalawa."

"Oo, pero subjective ang vision ng bawat isa sa atin. Iyong tingin niyang naglalambingan, baka mamaya simpleng pagiging gentleman lang pala iyon ni Richard."

"Still, the point is hindi dapat siya nakipag-kaibigan sa isang Quinto."

"Well, I get your point."

"I need to see it for myself."

"Ano'ng balak mo?"

Saglit na nag-isip si Angel. Ano nga ba ang gagawin niya para mapatunayan ang sinasabi ni Gina?

"Susundan natin sina Alex at Richard."

"What?" tanong ni Bryan. "Bakit 'natin?' Bakit ako nasali diyan?"

Gustong pagalitan at tarayan ni Angel si Bryan. Sabihing kailangan siya nitong tulungan dahil pinsan nito si Richard. Pero hindi iyon ang lumabas sa kanyang mga labi.

"I need help, and there's no one I could think of right now but you."

Natitigilang napatitig sa kanya si Bryan. Parang gusto nang bawiin ni Angel ang sinabi niya dito. Pero hindi niya magawa dahil iyon ang talagang nararamdaman niya. One thing that you can be sure of Angel is that she does not lie.

"Sige, tutulungan kita."

Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Angel nang marinig ang sinabi nito. "Salamat, Bryan."

"Walang anuman."

He smiled at her. She somehow felt relieved na meron siyang napakiusapan na tumulong sa kanya sa problema niya with Alex. Kahit pa nga ang taong iyon ay walang iba kundi si Bryan de Vera, na katulad ni Richard ay kabilang din sa mga kaaway ng kanilang pamilya.

♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎

Nang hapong iyon, isinagawa nina Angel at Bryan ang kanilang plano. Dahil sa late na nga matatapos ang klase nila kumpara ng kay Alex at Richard, naisip nilang malaki ang posibilidad na magtagpo ang dalawa at samahan ni Richard si Alex na hintayin ang ate niya.

Sinabi ni Angel kay Alex na male-late siya ng konti. Bukod kasi sa alas-sais na matatapos ang klase nila, sinabi niyang meron din silang meeting sa JPIA. Pero ang totoo, gagamitin nila ang pagkakataong iyon para aktuwal na makitang magkasama sina Richard at Alex.

Pagkatapos nga ng huling klase ay muling nagsama sina Angel at Bryan. Ngayon na nila isasakatuparan ang kanilang binabalak.

"Sa may library tayo," ani Angel. "Ang sabi ni Alex, doon daw siya nagpapalipas ng oras kapag hinihintay niya ako."

"Pero baka naman wala sila doon?" ani Bryan. "Siyempre hindi naman laging sa library pumupunta ang mga iyon. Isa pa, kung ikaw si Alex, sasabihin mo ba ang totoo sa ate mo?"

Napabuntong-hininga si Angel. May punto nga naman ito. "So, saan natin sila pupuntahan?"

"Try natin sa may cafeteria."

Nagpunta silang dalawa sa may cafeteria. Hindi nila nakita doon sina Alex at Richard.

"Sa may student lounge sa SAHu," muling suhestiyon ni Bryan.

Matalim ang tinging ipinukol ni Angel sa binata.

"O sige. Kapag wala pa sila doon, pumunta na tayo sa library."

Pumunta nga sa may lounge area ng School of Arts and Humanities ang dalawa, at kagaya kanina ay wala sina Alex at Richard.

"Sa SPS naman tayo magpunta," ani Bryan na ang tinutukoy ay ang School of Physical Sciences, kung saan naman kabilang ang kursong BS Biology ni Richard.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Angel kay Bryan.

"Sabi ko nga sa library na lang tayo magpunta," ani Bryan.

Magkasunod na nagpunta ang dalawa sa library.

♥︎♥︎♥︎ 𝙰 𝚙𝚕𝚊𝚐𝚞𝚎 𝚘' 𝚋𝚘𝚝𝚑 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚑𝚘𝚞𝚜𝚎𝚜! - 𝚆𝚒𝚕𝚕𝚒𝚊𝚖 𝚂𝚑𝚊𝚔𝚎𝚜𝚙𝚎𝚊𝚛𝚎 𝙸 𝚁𝚘𝚖𝚎𝚘 𝚊𝚗𝚍 𝙹𝚞𝚕𝚒𝚎𝚝 ♥︎♥︎♥︎

Siguiente capítulo