webnovel

My Best Friend is Gone

It's been days after I sent her the message. No seen, no reply, not even going online. I know I have to respect her decision of me not knowing whatever's bothering her pero di na tama 'to. I have to do something for her. I have to go to her.

"Linda, is something bothering you? "

Medyo matagal na kami ni Gio dito sa loob ng Milktea House, wala namang pasok so I agreed to go here but I'm not uttering any single word. Nag-aalala ako kay Allie. Can't enjoy this day with Gio knowing na may ibang nangyayari kay Allie.

"Hey, Linda... "

"Ah yeah, what?"

"Linda? Sabihin mo sakin anong problema. May masakit ba sayo? Wala kang kibo kanina pa. Ni hindi mo ginagalaw yung favorite milk tea mo."

"Sorry Gio. Di ko lang mapigilan mag-alala para kay Allie. I think I have to go to her. "

"Go? But where? I thought taga-Bulacan pa sya? Alam mo ba pano pumunta don? "

"Sinabi nya sakin pano but nakalimutan ko. I was not paying attention nung tinuruan nya ko before. How stupid I am! "

"No, don't blame yourself. Sige, I'll go with you. Hiramin ko muna yung car ni mommy. Let's just use the Waze App para makapunta don. Alam mo ba san sila sa Bulacan? "

"Oo, sa Bustos, dun sila but di ko alam exact address nila but hopefully makita natin sya sa laki ng Bustos, "

"Let's be positive. Meron ba syang nabanggit na nearest landmark sa kanila? "

"Hmmm... wait... ah yes nabanggit nya non na saglit lang nakakapagmall na sya."

"Good then, ang laki ng chance natin na makita sya. "

"Hopefully Gio,hopefully..."

"Then, kelan tayo aalis? "

"Pwede bang bukas na agad? Tutal Linggo naman. Pero kung may iba kang lakad... "

"No. Wala syempre. I'll definitely go with you. "

"Thank you. "

7am pa lang, nasa labas na ng dorm si Gio. Ready na agad ako as what we've agreed about yesterday. I'm excited and unease at the same time. Excited to finally see her and unease because I can feel na may nangyayaring hindi maganda.

Habang nasa byahe, I feel tired but I can't sleep. Ito na yata ang pinakamahabang byahe na naranasan ko. I can't also help but to constantly look at my phone. She's still not going online. This is really odd kasi di talaga napapakali yung babaeng yon na di nakakapag-facebook."

We had several stop over sa haba ng byahe until makarating kami sa Bulacan. Nagtanong-tanong kami and good thing kilala ang apelyido nila sa lugar ng makita namin yung SM and nakarating kami sa kanila. Ng lumabas pa lang ako ng kotse, nararamdaman ko yung kakaibang ambience lalo na nung kumatok ako sa kanila. Napakatahimik. Until someone opened the door. Isang napakapayat, maputla, nakakalbo, at may rashes na Allie ang nakita ko. Tears fell on my cheeks.

"OM... Allie... wh-what happened? Look at you... Ano bang nangyayari sayo? "

"Pano mo..."

I can feel from her voice yung weakness and disbelief.

"Si-sino yang kasama mo? "

Tears don't stop falling pero I tried to explain who Gio is.

"Naks, saglit lang ako nawala... "

"Hindi saglit yun Allie. It feels like forever nung di ka na pumapasok. What's happening? "

"Ahhmm... ito ba? Ang sexy ko na lalo noh? "

"Nagawa mo pang magbiro. Ano nga kasi yun? Bakit?"

"May sakit ako Linda. Ito... kapapatingin ko lang after ko umalis sa dorm non pero malala na daw agad. Ang bilis lang, ganon agad"

"Panong malala? Ano bang sakit mo?! "

"Lupus bes. At first di ko maintindihan ano ba yon yun pala yon nga pinapahina daw non yung immune system ko and worst, kinakain organs ko. Pero don't worry, may maintenance naman ako. Yung tita ko sa Pampanga, may ganto din and she's surviving. 3 years na sya nakikipaglaban sa sakit nya. Kaya naman I can do this also. Fight lang! "

I know she's trying to be lively para di ako mag-alala, pero the weakness in her voice hindi pa rin maipagkakaila.

"What are you feeling right now? Okay ka lang ba? May sumasakit ba? "

"Ano ka ba? Wag ka nga dyan. Okay lang ako. Pumayat lang ako pero ok lang ako. "

"Sure ka. Eto nga pala may fruits kaming binili. I anticipated na may something kaya nanigurado na din kami pagbili. "

"Salamat. Salamat Gio ah. Sinamahan mo pa tong best friend ko. Wala talaga akong matatago dito eh. "

"No problem. By the way, pagaling ka. I only hear good things about you dito kay Linda. You are a good person so I know you'll live longer by the grace of God. "

"Naks. Thanks thanks. "

We had quite a talk and kumustahan. Umabot kami hanggang gabi actually without noticing the time. Ganto naman kasi talaga kaming dalawa pag magkasama. We talk things out randomly. Di kami nagkakaubusan ng kwento. Ganto siguro talaga pag sorang at ease ang dalawang tao sa isa't isa though this time ramdam ko na nahihirapan sya. Her breathing, her eyes, her smile, everything about her, I know is tired.

"So... Allie, we've got to go. Di ko na din napansin yung oras. Pagaling ka, wag na wag na hindi. Saka online ka minsan, grabe ka dami ko ng messages sayo di mo pinapansin. "

"Haha, oo na. Ingat kayo. Message ka pag nakarating na kayo sa bahay. Gio, pakiingatan tong kaibigan ko ah. "

"Of course, ako nang bahala sa kanya. Get well soonest sayo. "

Somehow I felt relieved, I don't know why but kahit na nalaman kong may malala syang sakit, nakikita ko sa mga mata nya ang willingness to live. As we returned back home and bid good bye to Gio, nagsearch agad ako about lupus. As what she said may mga nakakasurvive naman. It is a lifetime treatment, mahal ang gamutan pero I believe na maraming tutulong sa kanya that's why I created a page where people can show sympathy by helping her by prayers and in cash. I wrote her story and saglit pa lang marami na ang nagpakita ng kanilang tulong. I know she wouldn't like this idea kasi ayaw nya na kinakaawaan sya ng iba but I need to do this for her. This is her only chance na makalikom ng pera lalo na't walang-wala din naman ang family nya and wala din naman akong ganon kalaking pera para tulungan sya para masustain yung 1k+ nyang gamutan everyday.

Once in a while, kinukumusta ko sya and as she promised madalas na sya nag-oonline until one day...

"Linda? Pwede ka bang pumunta dito?"

This chat made my heart pump so fast. Nabasa ko 'to 2 hours after ng chat pagkatapos pa ng practice ng volleyball. Weeks after namin bumisita ni Gio.

"Yes. Kelan and may problem ba? "

Just minutes later and nagreply naman agad yung kachat ko.

"Ah mama ito ni Allie. Nasa ospital ngayon si Allie, malala ang kondisyon. Please, kung kaya mong pumunta ngayon, pumunta ka dito sa malapit na hospital. Pangalan mo ang paulit-ulit nyang sinasabi."

This breaks my heart. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, but one thing's for sure, kelangan kong pumunta don ngayon na.

Naichat ko si tita to get the exact address of the hospital. Alam kong mahirap dahil halos 3 hours ang byahe but I have to get there. Nahihiya ako kay Gio so I take the risk na magbyahe kahit gabi na. Nanghingi na lang ako kay tita ng mga dapat kong sakyan at babaan to get there.

Habang nasa byahe, di na ko mapakali. The traffic and all, naiinis na ko kasi alam ko, alam ko... na every minute counts now. Ayokong mag-isip ng kung anu-anong negative ngayon but from the tone ng messages ni tita alam kong iba na 'to. Pinipiit ko ang sarili kong humagulgol habang nasa bus pero di ko mapigilan ang luha kong tuloy-tuloy na umagos. I buried my face sa backpack ko para di mahalata ng ibang nakasakay sa bus yung pag-iyak ko. I don't want to make a scene.

After a long ride, finally nakarating na ako sa tapat ng hospital. I can't move but I have to. Feeling ko nanghihina na ang mga tuhod ko knowing na baka iba na ang makita ko. I managed to run pa rin. As I reached the room number na sinabi sa akin sa Info Desk, nakita ko kaagad si tita, nanghihina, iyak ng iyak.

"Tita...? "

Tumango lang sya sakin na tila nagsasabing pumasok ako at tingnan sya.

Sobrang kaba ko. Sana ok lang sya. Sana pagpasok ko nakangiti syang sasalubong ng tingin sa akin. Sana pagpasok ko sabihin nya na eto, magaling na ako, sabi ko sayo kaya ko to eh. Pero...

As I go nearer, I can see na hindi sya gumagalaw. Mahinang umiiyak yung kapatid nya habang nakatingin sakin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan sya.

"Allie... "

Pabulong kong sabi sa kanya na sana ay narinig nya despite na nakatayo lang ako at hawak ang braso nya. May mga apparatus na na nakadikit sa katawan nya. Her face looks so pale. Yung saya ng mata nya, wala na. Ang tagal ko na pala syang tinititigan ng hawakan ako ng marahan sa likod ni tita at mahinang sinabi sakin na...

"Nagrequest lang ako na maglagay ng oxygen sa kanya para sana pagdating mo makayanan pa nya, kanina pa sya nahihirapang huminga. Di na sya makatayo, konting kilos lang nya hinihingal na sya. Sinabihan na namin sya na pupunta kaming ospital pero ayaw nya kasi kaya naman daw nya at lilipas din yon. Pero nitong gabi di na talaga sya makahinga. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko sya pinilit na pumuntang ospital. Naiinis ako kasi dahil sakin nagkaganto sya... "

Umiyak si tita. Naiiyak na din ako habang nagkukwento sya. Alliee.. ano ba naman tong nangyayari sayo? Bakit ka nagkaganto?

"Wag nyo pong sisihin sarili nyo tita. Alam ko po sa mahabang panahon na magkasama kami ni Allie na may pagkamatigas po talaga ulo nya" natawa kami ng bahagya dahil alam naming ugali na talaga ni Allie yon "sa sobrang sipag ni Allie, tita, nakita ko non na sobra syang mag-aral. Kahit nung junior high school pa lang kami halos di na yon natutulog sa paggawa ng projects at reports. Sorry tita kasi di ko sya nabantayan para sa inyo. Di ko man lang sya inawat o pinagalitan gayon na ako po ang lagi nyang kasama habang nasa malayo po sya at di kayo kasama. Alam ko pong mas pinili nyang mag-aral sa Manila para matutong mabuhay mag-isa. Ayaw po kasi nya ng masyado po syang minamandohan sa mga ginagawa nya, pero tita, kung alam nyo lang po kung gano po nya kayo kamahal...

Siguiente capítulo