Galit na sinugod ni Ares ang amang naka handusay sa paanan ni Arnie. Layon ay tapusin na ito upang magawa na niyang pagharian ang Olympus.
Plano niyang mag hasik ng kaguluhan sa mundo gamit ang maso at kidlat, pasu sugurin niyang lahat ang mga mandirigmang bathala sa mundo ng mga nilalang na labis niyang kinamumuhian.
Gaya ng mortal na iyon na prenteng kumakain ng pagkaing galing sa kanyang kusina. Naiinis siya sa paraan nitong tumingin, animo kutong lupa siya kung tingnan nito.
Galit na humakbang si Ares upang umatake ngunit hindi niya napansin ang paa ni Arnie na iniunat na pala ang kanyang binti. Dahilan upang siya ay mapatid.
Una ang mukhang bumagsak si Ares sa harapan ni Arnie ang masong kanyang hawak ay tumilapon at lumikha ng malaki at malalim na hukay sa lupa.
Ang bandehado ng pagkaing hawak ni Arnie ay aksidenteng natabig ng isang kamay ni Ares, tumapon lahat sa lupa ang masasarap na putahe ng pagkaing pinili ni Arnie sa kusina.
Hintakot na napa urong si Neptuno hila ang nawalan ng malay na si Zeus. Ang tatlong naka silip sa likod ng pinto ay dagling isinara ang pinto na ikina gulat ng mga taga silbi ni Ares.
Ares: Hoy!!! Mortal!!! umalis ka nga dyan!!! pakalat kalat ka sa dinaraanan ko!!! Gusto mo bang isunod kitang todasin kay Zeus??? ang nanggi gigil at galit na sigaw ni Ares kay Arnie.
Arnie: Ikaw!!! may gana ka pang magalit? matapos na halos matapakan mo ang cute kong paa at matapon ang aking kinakain???
ang galit ding sigaw ni Arnie dito, hindi nito matanggap na sa isang iglap ay natapong lahat ang masasarap na pagkaing pinili pa niya sa kusina.
Inot inot na muling tumayo si Ares, pinagpag nito ang narumihang damit, bago pinulot ang maso. bagaman at nagulat ito sa tapang na ipinakita ni Arnie dahil wala pang sinumang babae, lalo na ang isang mortal ang nag tangkang sigawan siya.
Ngunit kina kailangang unahin muna niya ang naudlot na pag tapos sa buhay ni Zeus, ito ang mas mahalaga. Isusunod niya na lamang na todasin ang mga tikbalang at mortal na ito pagkatapos niyang patayin si Zeus. Ah, kasali rin pala sa listahan ng papatayin niya si Neptuno.
Hawak ang maso sa isang kamay at ang kidlat sa kabilang kamay muli siyang humakbang palapit kay Zeus.