webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat at Maso

Enjoy na enjoy si Arnie sa piging ng gabing iyon, halos hindi siya lumayo sa tabi ng mahabang marmol na hapag kainan ng mga bathala. Napakaraming masasarap na putahe ang naka hapag at labis iyong ikinasiya ng dalaga.

Si Neptuno kasama ng mga kapatid niyang bathala ay sama samang uminom ng nakala lasing na alak, manaka naka naman ay lumalapit sa kanila ang mga anak ni Zeus na ang nais ay mag usisa kay Zeus at Neptuno kung ano ang ginagawa ng isang mortal na gaya ni Arnie sa Olympus.

Ganon pa man, hindi nila nagawang makausap ng maayos alin man kay Neptuno at Zeus. Wala rin silang makuhang anumang impormasyon mula sa mga tagapag lingkod at sa kasama nila Neptuno ng dumating sa Olympus na tatlong tikbalang na nag anyong tao.

Wala silang nagawa kung hindi ang pag masdan na lamang ang napaka sexy at mala diyosang kagandahan na abalang kumakain sa tabi ng mahabang dulang. Ang napakalaking bandehado na hawak nito ay punong puno ng ibat ibang putahe ng pagkain.

Matapos maka ilang ulit na kumuha ng pagkain at maubos ang laman ng napaka laking bandehado.....

Sa wakas!!! nabusog na rin yata ang dalagang hindi man lang nakakaramdam ng pag sakit ng panga sa walang tigil na pag nguya.

Nilapitan niya ang tatlo, sina Borjo, Kabatao, at Kabayuhan upang tanungin kung kumain na ang mga ito.

Arnie: Prinsipe Borjo.... bakit naka tayo lamang kayo dito sa isang sulok??? kumain na ba kayo??? ang agad nitong tanong ng maka lapit sa tatlo.

Prinsipe Borjo: mm ang maikli at tinatamad na sagot ni Borjo kay Arnie. Kung sila ang tatanungin ay nais na nilang matulog na muli upang mag ipon ng lakas.

Hindi sila nakasi siguradong hindi na naman isang pahirap para sa kanila ang gagawing pag tulong sa pag bawi sa kidlat at maso. O ang kanilang gagawing pagla lakbay pabalik sa daigdig ng mga tao o mundo man ng mga tikbalang.

Nag aalala sila na baka maisipan ng mga balakyot at itim na nilalang ngayong sila ay wala sa kanilang mundo na sumalakay at maghasik ng kasamaan. Bukod pa sa katotohanang may kaunting ( kaunti lang naman ) agwat ang takbo ng oras sa Olympus at sa daigdig ng mga mortal na tao.

Arnie: Bakit tahimik kayong tatlo? mayroon ba kayong dinaramdam??? gusto ninyo bang tulungan ko kayo??? pwede ko kayong gamutin..... ang agad na pagpi prisinta ni Arnie.

Prinsipe Borjo: 😬😬😬

Naku!!! hi..... hindi na..... wala kaming karamdaman hindi lamang kami sanay sa lugar na ito. Ang natakot na tanggi ni Borjo sa alok na tulong ni Arnie.

Kabatao: 😌😌😌

Kabayuhan: 😌😌😌

pinag pawisan naman ng butil butil at malapot si Kabatao at Kabayuhan sa narinig na sinabi ni Arnie, pakiramdam nila ay lalo silang magkaka sakit sa sandaling ginamot sila ni Arnie.

Mabilis na nag paalam ang tatlo at nagmamadaling pumasok sa loob ng kaharian tungo sa kani kanilang mga silid. Iniwan ng mga ito ang labis na nagta takang si Arnie.

Arnie: hmmmm 🤔🤔🤔🤔

tila yata kaka iba ang ikinikilos ng tatlong iyon??? may dinaramdam nga yata sila???

Hindi bale, mamayang tulog na silang tatlo ay sisilipin ko upang malapatan ng lunas kung anuman ang kanilang dinaramdam. Ang nakangiting bulong ni Arnie sa sarili bago ibinalik ang pansin sa mga anak ni Zeus na nagkakatuwaan sa pag inom sa kabilang dako ng hardin.

Siguiente capítulo