webnovel

Chapter 74: Tamang Kaparusahan

Tangkang kukunin na ni Neptuno ang kanyang trident mula sa kamay ni Sirenita ng biglang humigpit ang pagkaka hawak nito sa trident.

Sirenita: Akin to!!! akin ang trident na to!!! Is a kang bathala!!! doon ka nababagay sa Olympus, Dito sa dagat, ako!!! Ako ang dapat na mamuno dito!!! Hindi ikaw!!! Sa akin nababagay ang trident at ang trono mo!! Ang sigaw ni Sirenita na nanlilisik pa ang mga mata na tila nasisiraan na ng bait.

Neptuno: Lapastangan!!! isa kang lapastangan..... Naririnig mo ba ang sinasabi mo??? ang galit na usig ni Neptuno kay Sirenita. Gimbal na di makahuma ang lahat ng mamamayan ng Atlantis.

Hindi nila sukat akalaing ganid sa kapangyarihan at nuknukan ng same ang ugali ni Sirenita. Maging si Sirekoy at Banak ay Hindi nakakibo sa labis na gulat sa nasal ni Sirenita.

Sirenita: ha ha ha ha ha ako? lapastangan? Hindi ba at tama lang naman ang sinabi ko?Ako ang may karapatang mamuno sa Atlantis, dahil slang lahat ay duwag at takot sa iyo!!! Maging ang aking inutil asawa at ina ay takot sa iyo kaya wala silang karapatan!!!

Banak: Tama na!!! sumosobra ka na Sirenita, hindi kita pinalaking ganyan na sakim at ganid sa kapangyarihan!!! ikaw nga ba ang aking anak??? hindi ka na nagbigay respeto kay bathalang Neptuno, pati ako at iyong asawa ay gusto mo ring lapastanganin???

Dapat sa iyo ay palayasin sa Atlantis... Ang sakim na gaya mo ay di nababagay dito!!!

Itinaas ni Neptuno ang kanyang kamay, sa isang iglap lumipad ang trident patungo sa kanyang make taas na kamay bilang pag kilala nito sa kapangyarihan ni Neptuno.

Nanlaki ang mga mata ni Sirenita, laking galit niya ng sa isang iglap ay nabalik sa mga kamay ni Neptuno ang trident.

Sirenita: ikaw!!! ibalik mo sa akin iyan!!! ang sigaw ni Sirenita at tangkang daluhungin si Neptuno, ngunit maagap na napigilan ito ni Banak at Sirekoy.

Si Arnie naman at ang tatlong seahorse ay tahimik na nanonood lamang sa nagaganap.

Sirekoy: Tama na Sirenita!!! hindi ka ba naaawa sa ating anak??? Ang bulyaw at pang uusig ni Sirekoy sa asawang nag wawala.

Sirenita: Wala akong pakiaalam sa anumang sasabihin ninyo!!! Akin ang trident na iyan!!! Ang muli ay sigaw ni Sirenita.

Hindi na nakapag pigil si Neptuno, ikinumpas into ang trident na hawak, plano ay parusahan si Sirenita ngunit pinigil ito ni Arnie

Siguiente capítulo