Nagulat si Kabatao at Kabayuhan ng makitang nakabalik na sa kaharian ng Atlantis si Arnie ng hindi nila namalayan.
Dali dali silang lumapit kay Arnie at nag kunwaring walang alam sa nangyayari sa kanilang paligid....
Kabatao : Arnie..... nakabalik ka na pala???
Arnie : obvious ba??? nakikita mo naman na andito na ako hindi ba??? bakit nagta tanong ka pa? ang iyamot na sagot ni Arnie.....
Kabatao : 😬😬😬 mukhang mainit ang ulo, ano kaya ang pwede naming gawin upang hindi sumabog ang bulkan ng kabuwisitan??? tanong sa isip ni Kabatao na nag aalalang sumabog ang galit ni Arnie.
Masama pa naman itong magalit. Nang huling magalit ito ay naputol ang binti ni Prinsipe Matuling at naabo ang maraming itim na nilalang at Balakyot.
Kabatao : ah... ah.... may gusto ka bang gawin Arnie? gusto mo bang subukang mamasyal sa buong Carrebean Ocean??? ang tanong nito, nagbabaka sakaling mawala ang galit ni Arnie.
Arnie : ah!!! magandang suhestyon!!! at dali dali nitong kinuha ang malaking kabibe na kanyang inuupuan.
Inilagak niya sa ibabaw niyon ang malaking sisidlan ng mga pagkaing dala dala niya mula sa Cruise ship, naupo ito sa tabi ng malaking sisidlan ng pag kain.
Pagkatapos masigurong maayos na ang lahat, ikinumpas niya ang kamay. isang liwanag na tila lubid ang lumabas sa kanyang mga daliri. isa isang pinuluputan ng liwanag na tila lubid ang matigas na shell ng leeg ni Borjo, Kabatao at Kabayuhan na anyong seahorse.
nag mistulang kabayong may hilang kabibeng karosa ang tatlo matapos ang ginawa ni Arnie.
Bago umalis ikinumpas muli ni Arnie ang mga kamay, ang lahat ng sireno, sirena, siyokoy at siyokay na naroon kabilang si Neptuno ay nabalutan ng kakaibang liwanag.
Hindi pa man nakalalayo sila Arnie ay narinig na nila Borjo, Kabatao at Kabayuhan ang sali'tang pag utot ng mga mamamayan ng Atlantis na nasa bulwagan.